answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnayan at langkapan.

Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.

Mga halimbawa:

  • Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
  • Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista.
  • Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
  • Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa:

Halimbawa:

  • Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook.
  • Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit sa gabi.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

  • Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
  • Ang batang putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.

Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:

  • Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.
  • Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.
  • Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay matahimik at lumigaya.
User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

13y ago

Payak

limot

Malapi:

Unlapi: kalimot

Hulapi:

Gitlapi:

Kabilaan: kalimutan

Laguhan: kalilimutan

Inuulit:

Ganap: Araw-araw (buong salita ang inuulit)

Di-ganap: Aarawin (hindi lahat ang inuulit)

Tambalan:

Ganap: Bungang-araw (nagbago ang kahulugan ng salita)

Di-ganap: Bahay-kubo (parehas lang)

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

payak

halimbawa: araw, isa, bulak

maylapi

halimbawa: naglalaro, umiinom, nahulog

tambalan

halimbawa: bahay-kubo, red tide, tag-araw

inuulit

halimbawa: araw-araw, linggo-linggo, taun-taon

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

11y ago

1. pagsasalita

2. pagsulat

3.pagbasa

4. pakikinig

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anu-ano ang labing apat na pagkakawanggawa?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp