Want this question answered?
dahil yun ang naisipan niyang pamagat
ano sa kapampangan ng miss ko na kayo
Ang Igorota sa Baguio ay kanyang isinulat noong panahong ang Baguio ay mahirap marating. Kaunti lamang ang nakatutungo sa bundok kaya naisipan niyang isulat ang buhay sa itaas ng bundok.
ito ay binubuo ng kaanib ng korporasyon na may ambag,share o anumang puhunan sa negosyo. ang unang tao na nagtayo ng korporasyon dito sa pilipinas ay walang iba kundi si Mr. Miguel Corporasyon. kaya naisipan nyang magtayo ng kanyang korporasyon ay dahil narin sa kanyan apelyido.
Noong unang panahon, may isang paraiso na napakaganda. Maraming hayop na nag-gagandahan, ngunit ang kanilang diyos na si Ichida. Minsan siyang tumae sa paraiso. Napakabaho nito at tnawag na "tae"( pronouncation is tay), na ang ibig sabihin ay mabaho. Nakita niyang nagiiba ang hugis nito, naisipan niyang gumawa ng katulad niya at tinawag niya itong Ainu. Tanong: 1. Sino ang Diyos na gumawa ng tao? Ichida 2. Saan nagmula ang tao? sa tae
Dear Wish ko lang: Ako po si Arien Sotillo. Ako po ay nakatira sa Silab,Amlan,Negros Oriental sa syudad ng Dumagute. Ako po ay humihingi sa inyo ng kaunting tulong para sa aking tiyuhin na si Nixon Sotillo, 30 taong gulang, na ang tanging hiling ay magkaroon siya nang puhunan para sa hanapbuhay,siya po ang tumulak sa akin para magsulat sa Wish ko lang,dahil gusto niyang magkaroon ng sari-sari store at makita ang kanyang idolo na si Marian Rivera sa personal. Wala po kasi syang trabaho dahil may kapansanan siya at dahil sa kanyang kapansanan ay palagi siyang minamaliit nang mga tao, dahil dito ay nakadepende lamang siya sa kanyang mga magulang. Mga matatanda na po ang kanyang mga magulang. Ang ina nya po ay 70 taong gulang at ang ama nya naman ay 78 taong gulang. Ang tangi pong bumubuhay sa kanila ay ang aking tiyahin pero, mayroon na po itong sariling pamilya kaya paminsan- minsan na lang sila binibigyan nang tulong nito. Naaawa po ako sa aking tiyuhin dahil palagi niya po itong binabanggit sa akin ang kanyang kahilingan at para pong nawawalan po siya nang pag asa , hindi naman po ako makakatugon sa kanya sa pinansyal dahil nag aaral pa po ako at nasa high school pa lamang, kaya naisipan ko pong sumulat sa inyo dahil umaasa po akong matulungan nyo po ang aking tiyuhin. Lubos na gumagalang, Arien Sotillo
Si koto ay amo ni kikuichi. Sila ay parehas bulag, isang araw naisipan ni koto na mamasyal at iinum din siya ng sake. Ang sake ay inumin o alak ng mga Japanese na gawa sa bigas. Naghanda sa pamamasyal sila koto at kuichi gusto ni koto na pumuntang kapatagan sapagkat lumalawak daw ang kanyang puso at nakakapag pagaan daw ito ng loob niya. Habang naglalakad ay nag uusap sila tungkol sa Heiki. Ito ay isang pampanitikang epiko. Sabi ni koto kay kikuichi ay kapag maitalaga daw siya bilang isang kengyo ay gagawin daw niyang koto si kikuichi. Maya Maya ay nakarinig sila ng rumaragasang tubig at siguro ay ito ay isang dagat. Kailangan nilang tumawid sa kabilang pampang. Naghagis sila ng bato. Ang unang hagis ay tumunog ng plop! Ibig sabihin ay malalim ito. Sa kabilang banda naman ay click ibig sabihin ay mababaw lang dun. May nagdaan at nakita ang dalawang bulag. Pinag katuwaan niya ang dalawang bulag. Sabi ni kikuichi ay bubuhatin niya na lang daw si koto. Nuong una Hindi pumayag si koto pero nung huli ay napapayag na din ito. Nang papasanin na ni kikuichi si koto ay ang taong nagdaraan ang siyang sumakay at siya ang napasan ni kikuichi. Nang makarating na sila ng pangpang at hinahanap ni koto si kikuichi at tinanong kung bakit Hindi pa daw niya pinapasan ito. Sabi naman ni kikuichi ay naipasan na daw niya ito. Nagalit si koto, kaya naman bumalik si kikuichi para pasanin si koto ngunit siya ay natalisod at sila ay nabasa. Nang nasa pangpang na sila ay naisip ni koto na uminom na lamang ng sake. Unang lagay ay ang lalaking nagdaraan ang uminom ng sake. At maging pangalawang tagay. Nagaglit na si koto kay kikuichi dahil naubos na ang sake. Pinag away ng nagdaraan ang dalawa. At sinaktan ito upang magkagalit sila. Sa huli ay nag away ang dalawa at walang kamalay Malay na sila ay pinag away lamang.
Republika ng PilipinasLalawigan ng QuezonBayan ng LucbanSamahangPangkasaysayangLucbanKASAYSAYAN NI APOLINARIO DE LA CRUZ" HERMANO PULI"HULYO 23 1814- NOBEYEMBRE 4,1841Si Apolinario De La Cruz ' Hermano puli" ay isinilang sa Sitio Pandak Lukban Tayabas( Quezon sa Kasalukuyan) noon Taong Hulyo 23, 1814 ng mag-asawang Pablo De La Cruz at Juana AndresNoong.Taong 1824 ng ipasok siya ng kanyang mga Magulang para maging Sacristan Minor(BatangScristan) Sa Parokya ng Bayan ng Lukban, kung saan natutuhan niyang magdasal at bumasa ng Latin sa pamamagitan ng Kura Parokong si Padre Manuel Sancho,Sa edad na labinglimang taon gulang ay sinusugo siya sa mga Kanayunan na sakop ng Bayan ng Lukban upang mamuno ng Dasal.Inirekomenda ni Padre Manuel Sancho si Puli sa Seminaryo ng Bayan ng Tayabas upang maging magaral ng pagpapari(tayabas Quezon ngayon) Subali"t hindi siya natanggap dahil sa pagiging Indiyo ( katutubong Pilipino at walang dugong Kastila) Nagpatuloy siya sa paglilingkuran bilang Sacristan sa Simbahan ng Bayan ng Lukban na nagmimisyon sa malalayong nayon ng bayan kung saan nakilala niya at nakasama si Padre Ciriaco De Los Santos isang katutubong pare na walang nakatalagang sariling Paroko.Ang Kalagayan ng mga mamamayan noong 1830 sa bayan ng Lukban at karatig Bayan pagdating sa pagsisimba ay lubhang napakahirap dahil sa malalayong lakarin at kakulangan ng tulay na madaraanan lalo pa a panahon ng tagulan kung saan tumatawid sila sa malalaking ilog na mahirap madaanan kapag lumalaki ang agos ng tubig.Sa Lugar na kinalakihan ni Apolinario De La Cruz sa Bayan ng Lukban sa Sitio Pandac na halos nasa pagitan ng Lukban at Majayjay Laguna na kanyang sinilangan .Doon ay nagkaroon ng kahilingan ang mga Mamamayan naninirahan sa labing-isang Barangay na sila ay maging "hiwalay na Bayan"tinagurian Terreno De Nasunog (Naging Bayan ng Lusiana Laguna 1849) sangayon na rin sa itinakda na ika 83 na Ordinansa ng mabuting Pamahalaan ayon sa kautusang ni Gobernador Heneral Pascual Enrile y Alcedo , na kung ang isang lugar ay mayroon limangdaang (500) Tributos (magbubuwis) at makakayang magtayo ng sariling Simbahan,Munisipyo at iba pang kailangan upang maging pamayanan ito ay idedeklarang Bayan o Visitasyon.Si Apolinario De La Cruz bilang Sacristan ay nasaksihan ang usapin at tumulong sa layunin ng mga mamayan dito ayong na rin sa tala ng Kasaysayan ng Mahayhay na sinulat ni Juan Palazon. Nasaksihan ni Puli ang karaingan ng mga mamayan na lubhang mahirap ang pagsisimba sa Inang Simbahan ng Lukban at Majayjay gayundin halos hindi na para mabendisyunan ng Kura ang mga maysakit o namamatay . kapag hindi k naman masisimba tuwing araw ng pangilin silay dumaranas ng palo o latigo sa mga paring Kastila.Noon panahon ni Apolinario De La Cruz ay marami na rin Samahan sa loob ng simbahan tulad ng sa kasalukuyan.Ang Cofradia de San Francisco na malaki ang naitutulong sa paghahanap ng pondo para sa Visitasyon na kinaaaniban ni Hermano Puli. Ayon sa mananalaysay na si Gregorio F Zaide.Dahil sa masidhing layunin makatulong sa mga mamayan at nauunawan niya ang karaingan ng mga ito naisipan niyan magtungo sa Maynila upang magkaroon pa ng kaalaman sa Theology, at Moral Philosophy.dahil ayon sa panulat ni Sturevent mula bata pa ay kinakitaan na si Puli ng katalinuhan at malalim na paniniwalang Kristiyano,gayundin Hinikayat siya ng mga taong Simbahan sa Bayan ng Lukban na ipagpatuloy ang kanyang pagpapari sa Maynila Pumasok siya sa San Juan De Dios Hospital bilang "graciado" Gagawa at magaaral ng walang bayad,itinalaga siya sa gawaing tagatulong sa pagaalaga at pagbibigay ng gamot sa mga maysakit.Gawain ng isang tunay na "Apricante" o Nurse naging masunurin siya at patuloy ang pagsimba kaya napaanib siya sa Samahan sa loob ng Ospital na kung tawagin ay Cofradia De San Jose"Dahil sa likas niyang paguugali,at tunay na maibigin sa pagbabago,kapag umuuwi siya sa Bayan ng Lukban ay tumutulong siya sa gawain Simbahan at Patuloy na sumama sa misyon sa malalayong Baryo.Noong Taon 1832 ng Umuwi siya sa Lukban sa gulang na 24 itinatag niya ang Samahang" Cofradia De San Jose la Virgen Del Rosario" Si Apolinario De La Cruz ay itinalaga at Tinaguriang "Hermano Puli" Ang pangunahing layunin nito ay mapaunlad ang mabuting pakikipagkapuwa,Katarungan Panlipunan matibay na pagbibigkis ng magkakaanib,para sa Reheliyon at pananampalataya sa Diyos at si Octavio De San George ang itinalagang Hermano Mayor at Padre Ciriaco De Los Santos ang itinalagang Ingat Yaman. Muling nagpatuloy si Hermano Puli ng kanyang gawain sa Maynila at sa pamamagitan ng sulat ugnayan niya sa mga Namumuno nagpatuloy ang kanilang kumunikasyon . Idinaraos tuwing ika- 19 ng buwan ang kanilang pagpupulong, Nagkaroon sila ng Pamunuan o Kabiselyahan na siyang namamahala sa Paglikom ng pondo 1 real na kusang loob na ipinakakaloob ng mga kasapi ng Cofradia De San Jose upang ibigay sa kanilang ingat Yaman na ginugugul sa kagastusan ng Smahan .Ang Orihinal na nagtatag nito ay 19 na katao na tinatawag na " Pondadores" Lumaganap ang Cofradia De San Jose at nagkaroon ng 500 miyembro sa Lukban 240 sa Tayabas 120 sa pagbilao 20 sa Tiaong at 40 sa Batangas nagkaroon din sila ng Miyembro 130 sa Majayjay at patuloy na lumaganap ang Samahan na umabot sa Liliw,San Pablo, Magdalena, Sta Rosa Binan at kanugnug pang Bayan hanggan sa umabot ng mahigit 4,500 kasapi. Habang dumaraan ang mga araw dumarami ng dumarami ng Miyembro ng Cofradia kaya't kinainggitan ng marami at kinagalitan ng mga Kura Paroko sina P. Manuel Sancho ng Lukban Vicareo Antonio Mateos ng Tayabas at at Padre Antonio Roman ng Mahayhay pinasubaybayan ng mga ito ang kilos ng mga kasapi ng Cofradia sa mga Cabeza at Cuadrillenos ng kani-kanilang Bayan at kahit saan magpunta ay ginagambala at pinatitigil ang pagmimisa ni Padre. Ceriaco De Los Santos anupa"t tunay na pangiinis ang ginagawa ng mga tauhan ng Simbahan tulad ng pangyayari binanggit ni Hermano Pule ang pangyayari sa Kapilya ng isang Visitasyon noon 1837 at 1838 sa Terreno De Nasunog De Majayjay na tuluyan sinamsam ang mga Hiyas poonat.Kopa na ginagamit sa kanilang pagmimisa gayundin na ang kampana kung kayang walang magamit ang Cofradia.Simula 1840 ninais ilihim ang pagpupulong,ng mga miyembro ng Cofradia De San Jose dahil sa kahirapan ng lugar na pagdarausan ng Misa gayundin tuluyan sinamsam ang kanilang mga kagamitan . Noong Oktobre 19 ,1841 Nilusob ng Awtoridadsa Bayan ng Lukban sa atas ni Padre Manuel Sancho sa Gobernadorcillo si Cristobal Rilles ang isang pagpupulong ng Cofradia sa Bahay ni Francisco De Los Santos (Aka Isko Paminta) dating Cabeza De Barangay .Nahuli ang 243 karamihan ay kababaihan na ang pinakamalaking bilang ay nagbuhat sa Bayan ng Tayabas na at nasamsam ang kaban ng grupo kasama ang sulat at larawan ni Puli.Ibinigay kay Don Joaquin Ortega Alcalde Mayor (Gobernador)ng Lalawigan ng Tayabas ang kanilang kaso subali't sinabi niya ang mga dinakip ay wala sa kanyang kapangyarihan bagkus ito ay nasa ilalim ng "Jusgado Eclesiastico De La Provincia" kaya ayaw niyang makialam dito sa halip inerekomenda ng Alkalde na palayain ang mga dinakip na Miyembro ng Cofradia pero bago sila pinalayang lahat dalawang namumunong Miyembro nito ang hinagupit muna ng Latigo ng 31 beses at isang babae naman ang pinalo dahil sa pagsuway sa kapangyarihan ng Simbahan.Inereklamo ng "Cofradia" ang naganap na panghuhuli sa mga kasapi nito sa bayan ng Lukban sa isang sulat ni " Hermano Puli" sa Gobernadorcillo ng Tayabas na si Lucas De Torres subali"t walang nangyari bunga nito naghigpit ang mga pinonu ng Bayan ng Lukban sa pagtitipun tipun ng Miyembro ng " Cofradia" upang maiwasan ang kaguluhan kapag nalaman ito ng mga Kastila. Lumipat ang samahan ng pagpupulong sa Mahayhay Laguna ayon na rin sa mga sulat ni "Apolinario De La cruz" sa kanyang pinagkakatiwalang si Octavio De San Jorge inilapit nila ang Problema sa Obispo ng Nueva Caceres(Naga ngayon) upang maging legal ang ipinaglalaban ng Samahan na magkaroon ng kalayaan sa pananalampalataya gayundin kalagayan nila sa pagsisimba .Buwan ng Hunyo 1841 nagpadala si "Hermano Puli "ng Aplikasyon sa Audensiya sa Maynila sa tulong ni Don Domingo Roxas.(Mestisong Pilipino/Mexicano)isang mayamang Negosyante sa Maynila na kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng maliliit na mamayan, Siya ang nagmamay-ari ng Hacienda De Caluan dating kalapit ng San Pablo Laguna at Hacienda sa Calatagan Batangas lolo ni Don Pedro P Roxas sa huli ay nagtatag ng San Miguel Brewery 1895(Ninunu ng mga angkan ng kasalukuyan Zobel.ayala at Soriano sa Maynila)Abogadong sina Toribio Pantoja,Vidal Marisfosque,Florentino Felipe,at Antonio De Ayala manugang ni Don Domingo Roxas at pamangkin ni Obispo Jose Seguie na siyan nilalapitan ni Puli sa Nuenva Caceres ( Naga)Ipinasa ang usapin kay Gobernador Heneral Marcelino Oraa subali"t hindi nagustuhan ni Hen. Oraa ang ang isang patakaran ng Cofradia De San Jose na hindi tumatanggap ng mga Kastila O Mestisong Kastila,kaya't ipinaaresto si Hermano pule noon Hulyo 8 ,1841. Napilitang magtago kasabay nito ang pagbabawal ng Cofradia De San Jose sa Majayjay Tayabas at Lukban.nagpatuloy ang pagapila ng mga pinonu ng Cofradia De San Jose hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo.Noon ika- 19 ng Seteyembre ang natatakdang pagpupulong ng Samahan s autos ni Hen Oraa Dinakip ang lahat ng mga Pinonu ng Cofradia . at ipinasa muli kay Alcalde Ortega ang pagpapatupad ng atas na pagdakip subali't dahil ang asawa ng Alcalde(Gobernador) ng Tayabas ay kasapi din ng Cofradia hindi naging Epektibo ang pagdakip pikawalan ang ilang pinonu nito at nakipagtagpo kay Hermano Puli sa Pueblo ng Bay sa LagunaDahil sa pangyayaring pagtugis sa mga kasamahan nila naramdaman ni 'Hermano Puli na wala na silang pagpipilian Naglakbay siya sa Bayan ng San Pablo,Tiaong at Sariaya hanggang makarating sa Isabang noong Oktobre 21 1841 mabilis na kumalat ang Balita hinggil sa pagdating ni" Hermano Puli" kaya nagsidagsaan ang ang mga tao sa nasabing Nayon umabo"t sa 2,500 armado kasama ang isang grupo ng mga Ita.na nakipagtulungan sa kanila karamihan ay mga kababaihan. Sobra ang sa gali't na nararamdaman ng ng mag miyembro ng "Cofradia" dahil paniiilna dinaranas ,hindi maibigay ang hinihiling ng kalayaan para sa pananampalataya dagdag pa dito ang planong makapagtatag ng bagong Visitasyon sa lugar ng Tayabas at ang pagsamsam ng kanilang Pondo.Dahil dito tinangka nilang lusubin ang Kapitolyo ng Tayabas subali't Napigilan sila ng Asawa ng Alcalde(Gobernador) Ortega na Miyembro ng"Cofradia" . Noong Oktobre 23 1841 nagtungo sila sa Bayan ng Lukban at nagsagawa ng ng pagaalay ng Nobena para sa poon San Jose sa Simbahan ng Lukban.Dahil sa alarma at pangamba,Si Alkalde ( Gobernador) Ortega ay bumuo ng 300 kawal mga pinonu ng Barangay kasama ang kanilang mga tagasunod na magaalok ng Amnestiya kung sila ay susuko.Subali't dahil sa simboyo ng kanilang damdamin isang grupong pinamumunuan ng kasapi ng Cofradia De San Jose na may alyas na" Purgatorio" na nakahimpil sa Isabang Tayabas ay sinagupa ang mga kawal ng Cuadrilleros (makalumang pulisya) na nagtungo sa kanilang lugar.Tumulong sa Cofradia ang isang grupo ng Ita pinaulanan nila ang Pana at nagkaroon ng madugong sagupaan at ilan lamang ang nakatakas sa tauhan ni Alcalde Ortega na nahuli ng buhay at pinatay din ng araw na iyon ang kanyang Bangkay ay ibinigay sa mga mandirigmang Ita.Buhat sa Lukban ipinalipat ni Hermano Puli ang tipunan o Kampo ng "Cofradia"sa Alitao pinapagitnaan ng dalawang ilog ang iyam at ang Ipilan malapit sa Bundok Banahaw at San Cristobal.Sa munting pamayanan ito ay nagtayo ang Cofradia ng Munting simbahan.tinawag nilang munting "Camarin" at doon inubos ni Hermano puli ang kanyang oras sa pananalangin.Nakarating sa Maynila ang balitang pagpaslang kay Alcalde Ortega kaya bumuo sila ng mahigit isang libong mga kawal,Cuadrillenos kasama ang 60 kabayuhan Reguardos (guwardiya) pinamumunuan ni Col. Joaquin Huet muli noong ika 26 ng Oktobre binigyan ng pagkakataon ang Miyembro ng Cofradia De San Jose na Sumuko,subali"t hindi kasama si Hermano puli at ang kabesilyahan sa bibigyan ng Amnestiya.Binasa ni Apolinario De La Cruz ang patalastas na nakasulat sa Tagalog sa kalahatan pagkatapos ay pinunit at sinunug ito na tanda ng tuluyang pakikibaka ,Ang Alitao ay ipinagtanggol ng Humigit kumulang 3,000 armado ng Baril, rabucos(Catapults),Escopetas (Fireclocks) tatlong kanyong nasamsam sa grupo no Alcalde Ortega.Ipinangako ni " Purgatorio "aka Apolonio De La Cruz na magwawagi sila sa DigmaanSumalakay ang Puwersa ng Pamahalaan kinagabihan ng Oktobre 31 Madaling araw ng Nobiyembre 1 Armado ng kanilang Sandata pananampalataya at paniniwala at dala ng pagod at hirap na dinaranas sa araw araw na paguusig at kawalang katarungan buong tapang na lumaban ang mga Miyembro ng Cofradia, ngunit isa isa silang napabilang sa mga hanay ng mga patay at sugatan.Si Hermano Pule kasamang nakihamok dala Espadang naagaw ng kanyang mga kasama sa nasawing Alkalde Ortega sa Labanan sa Isabang ay napilitan umurong sa kagubatan sapagkat wala silang nagawa sa lakas ng kagamitan ng kalaban lalo pa ang mga bala ng kanyong pinaputok sa lugar nila mahigit sa limamangdaan ang nasawi sa Hanay ng Miyembro ng Cofradia kabilang na ang 300 kababaihan at bata , ang natira ay nagsitakas sa Bundok Banahaw.Paglipas ng gabi ng Nobeyembre 1, 1841, Hermano Puli ay sa kagubatan ng Bundok Banahaw dumaan nakarating siya sa Sariaya kung saan inabutan sila ng mga sundalong kastila muling lumaban ang kanyang kasamahan subali"t muli sila ay nagapi at nahuli ng buhay si Hermano Puli.Ayon sa tala ng kasaysayan ng Bayan ng Lukban si "Hermano puli" ay kusang loob na Sumuko nagiisa sa maykapangyarihan at isinuko siya ng dating kasamahan na nasiraan ng loob dahil sa pagkatalo ng Cofradia.nagsisilbing katanungan sa bayan ng Lukban ang personal na pagsuko ni Puli subali"t ayon sa tala nagpapatuloy ang paghabol at pagpatay ng mga kastila sa mga tumatakas na Miyembro ng Cofradia hanggat hindi nahuhuli si" Puli" kung kaya para maiwasan pa ang pagdanak ng dugo kusang loob na sumuko si Apolinario De La Cruz 'Hermano Puli"at noong Nobeyembre 3, 1841 sa gulang na 27 si Hermano Puli ay hinatulan ng Kamatayan sa bayan ng Tayabas at ng madaling araw ng Nobeyembre 4, 1841 matapos mangumpisal sa isang paring Kastila,Binaril si Hermano Puli kasama ang 3 pang kasamahan sa kabesilyahan .Pinagputol putol ang kanyang katawan Ibinalik sa bayan ng Lukban at isinabit sa apat na sulok ng pintuan bayan ang bahagi nito at ang kanyang ulo inilagay sa Hawla at inilagay sa tapat ng Bahay niya sa Sitio Pandak. Dito natatapos ang nagwakas ang buhay ni Hermano Puli .Matapos litisin at patayin si Hermano Puli ang kanyang mga kaanak at tumakas at nagtungo sa iba't ibang Bayan at karatig lalawigan gayundin isa-isang dinakip ang mga nalalabing pinonu ng Cofradia De San Jose at ang mayayamang tao tumulong ka Puli sa Maynila, sina Vidal Marisfoque, Ang abogadong Toribio Pantoja.Don Do domingo Roxas at ang kanyang dalawang anak. Manugang niya at asosyo sa Negosyong si Antonio De Ayala Atpb. Ipiniit silang lahat sa Kulungan ng Fort Santiago sa Intramuros Maynila idineklarang mga "Felibustero " o Subersibo Nagapila sa Hari ng Espanya ang anak ni Don Domingo Roxas sa Madrid subali"t bago pa ito napatawad ay inabot na siya ng kamatayan sa piitan. Noong 1843 . Buwan naman ng Enero 20, 1843 isang pangyayari ang gumimbal sa Maynila , isang grupo ng mga kawal ng hukbong kastila na pawang katutubo Pilipino sa ilalim ng" Tayabas Regiment "na pawang kaanak ng mga nasawi sa Labanan sa Alitao ang nagtangkang kubkubin ang Kampo Militar ng Kastila sa Intamuros ito ay pinamumunuang ni "Sarhento Samaniego" naganap ang madugong sagupaan ng araw na iyon kung saan ayon sa saksing si "Consul Fabre" ng Bansang Francia ang halos ikatalo ng kawal ng pamahalaan ng kastila sa mga nagrebeldeng mga sundalo na katutubong Pilipino ng Tayabas Regiment ito't dahil naiiis nilang ihingi ng katarungan ang kanilang mga kanak na nasaw sa Alitao at dala ng kanilang damdamin habang sila ay nakikipaghamok kanilang isinisigaw ay "Mabuhay ang Kalayaan ng Pilipinas" bago sumapit ang hapon isa-isa nalupig ang mga nagrebeldeng miyembro ng Tayabas Regiment sa katapusan ay nadakip ang kanilang pinonung si Sarhento Samaniego kasama ang walongpung kasamahan na binaril at piñatay noon araw din iyon at sama-samang inilibing sa isang hukay na wala kahit anong palatandaan.Sinaliksik ni Leonardo g. villa
Ang Alamat ni Bernardo CarpioA Philippine Legendary HeroA Filipino folklore by KATIG.COMNuong panahon nang ang Pilipinas ay nasasakop pa ng mga Kastila aymayruong mag-asawang naninirahan sa paanan ng bundok ng San Mateo,Rizal. Ang mag-asawa ay mahirap lang subali't sila ay mabait, masipag,matulungin, at makadiyos. Sa mahabang panahon nang kanilangpagsasama ay hindi sila agad nagkaanak. Ganun pa man sila aymasaya sa kanilang buhay at matulungin sa kapwa lalu na tulad nilangnaghihirap, at sa mga may sakit. Ang mga bata sa kanilang pook ayinaaruga nilang parang mga tunay na anak habang patuloy silangumaasa na balang araw ay magkakaruon din sila ng sariling anak.Dahil sa kanilang ipinamalas na kabutihan, pagtitiis, at pananalig aykinaawaan din sila ni Bathala at dininig ang kanilang panalangin namagkaruon ng sariling anak. Sa wakas ay biniyayaan sila ng isangmalusog na sanggol na lalaki. Bukod duon, biniyayaan din ni Bathala angsanggol ng pambihirang lakas at kisig simbolo ng lakas ng pananalig atkagandahang loob na ipinamalas ng kanyang mga magulang.Maliit pa lang ay kinakitaan na si Bernardo ng pambihirang lakas at kisig.Ilang linggo pa lang mula nang siya'y ipinapanganak ay nagagawa naniyang dumapa at gumapang mag-isa kaya minsan ay muntik na siyangmahulog sa hagdanan ng kanilang munting kubo kundi naagapan ngisang kastilang pari na nuon ay dumadalaw sa kanilang pook upangmagturo ng Kristiyanismo.Sa suhestiyon ng kastilang pari na humanga sa lakas at kisig ng sanggol,siya ay pinangalanang Bernardo Carpio ng kanyang mga magulang.Hinango ang kanyang pangalan kay Bernardo de Carpio, isangmatapang, bantog, makisig, at maalamat na mandirigma sa bansangEspanya. Eto ay parang nagbabadya sa magiging maalamat ding buhayni Bernardo Carpio sa Pilipinas.Habang lumalaki ay lalung nagiging kagila-gilalas ang pambihiranglakas ni Bernardo. Mahigit isang taon pa lang ay nagagawa niyangbunutin ang mga pako sa kanilang sahig sa kanyang paglalaro. At kapagisinasama siya ng ama sa pangangaso ay parang walang anuman nabinubunot ni Bernardo ang ilang mga puno upang makagawa ng daanansa masukal na kagubatan ng San Mateo.Tulad ng kanyang mga magulang si Bernardo ay lumaking mabait,matulungin, at matatag ang loob. Minsan sa kanyang pamamasyal sagubat, ay may natanaw siyang kabayo na nahulog sa bangin at napilay.Agad na nilusong ni Bernardo ang bangin upang sagipin at tulungan angkabayo. Parang walang anuman na pinasan at iniahon niya ang kabayosa bangin at dinala sa kanilang bahay upang gamutin at alagaan.Sa kanyang pag-aalaga, ang bahagi ng enerhiya ni Bernardo ay dumaloymula sa kanyang mga kamay at bumahagi sa kabayo na naging dahilanupang mabilis etong gumaling at nagsimulang nagpamalas din ngpambihirang lakas at bilis. Dahil sa tanglay na lakas at bilis ang kabayoay tinawag niyang si Hagibis at mula nuon si Bernardo at si Hagibis aylaging magkasama sa pamamasyal sa kabundukan ng San Mateo.Samantala, ang pagmamalupit at paninikil ng mga Kastila sa mgakarapatan at kalayaan ng mga Pilipino ay lalung nag-ibayo. Mapagtiisman ang mga Pilipino ay dumating din ang panahon na hindi na nilamatanggap ang pang-aapi ng mga dayuhan. Ang mga kalalakihan aynagsimulang magpulong-pulong at bumuo ng mga pangkat sahangaring ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng mga Pilipino. Dahil sakanyang taglay na pambihirang lakas at pagiging makabayan ay napili siBernardo na namuno sa namimintong himagsikan laban sa mga Kastila.Nang makarating sa kanilang kaalaman ang nagbabantang himaksikanng mga Pilipino, lalu na nang mapag-alaman nilang si Bernardo angnapipisil na mamuno, ay labis na ikinabahala eto g mga Kastila. Dahil sapambihirang lakas at tapang na taglay nito ay alam nilang mahihirapansilang igupo ang anumang himagsikan at malamang na magtagumpaypa eto.Dahil sa kanyang matatag na pamumuno at pambihirang lakas aynabahala ang mga kastila sa magagawa ni Bernardo upang magingmatagumpay ang himaksikan laban sa mga mananakop. Dahil dito aygumawa ng patibong ang mga kastila. Diumano ay inanyayahan nila siBernardo sa isang pagpupulong upang diumano ay dinggin angkaraingan ng mga Pilipino subalit eto ay bitag lamang upang sa tulongng isang engkanto ay maipit sa nag-uuntugang bato at hindi namakapamuno sa himagsikan.Lihim sa mga mamamayan, nuong panahon na iyon, ang mga Kastila aymay nahuling isang engkantado na kasalukuyan nilang isinasailalim saeksorsismo (exorcism), isang pamamaraan ng simbahan upangsugpuin ang masamang ispiritu na sumapi sa katawan ng engkantado.Dahil sa takot na magtagumpay ang himagsikan sa pamumuno niBernardo ay nakipagkasundo ang mga paring Kastila sa ispiritu nasumapi sa engkantado na ititigil nila ang eksorsismo (exorcism) kungtutulungan sila nito na masupil si Bernardo. Sa paniniwala ng mgaKastila, ang pambihirang lakas ni Bernardo ay matatapatan lamang ngagimat na taglay ng engkantado.Hindi nag-aksaya nang panahon ang mga Kastila. Agad nilanginanyayahan si Bernardo sa isang pagpupulong upang diumano aydinggin ang karaingan ng mga Pilipino. Subali't sila ay may nakahandangbitag kay Bernardo. Sa pagdaraanan patungo sa isang yungib aynaghihintay ang engkantado na nagtatago sa likuran ng magkaparis nanaglalakihang bato. Pagdaan ni Bernardo ay ginamit ng engkantado angkanyang agimat upang pag-umpugin nito ang naglalakihang bato sapagnanais na ipitin at patayin si Bernardo.Dahil sa pagkabigla ni Bernardo ay hindi siya nakaiwas at unti-untingsiyang naipit ng nag-uuntugang bato. Ginamit niya ang kanyang lakasupang pigilan ang mga bato subalit ang kanyang lakas ay may katapat nalakas na nagmumula sa agimat ng engkantado.Nang hindi bumalik si Bernardo kay Hagibis na naghihintay sa maypaanan ng yungib ay naramdaman nitong may masamang nangyayarikay Bernardo. Mabilis na bumalik si Hagibis sa kapatagan upanghumingi ng tulong sa mga mamamayan subali't natagalan bagonaunawaan ng mga tao ang ibig sabihin ng mga halinghing at pag-aalma ng kabayo. Sa bandang huli nang mapansin nila ang pagkawalani Bernardo ay naisipan ng ilang kalalakihan na sundan si Hagibis dahillagi silang magkasama.Dinala ni Hagibis ang mga kalalakihan sa paanan ng yungib at tinangkanila etong pasukin. Subalit nang sila ay papalapit na ay sinalubong silang nagbabagsakang mga bato na ikinasugat at ikinapilay ng ilangkalalakihan. Natanaw nila ang malalaking nag-uumpugang mga bato atnuon ay napagtanto nila na ang yungib ay pinagpupugaran ngengkantado. Sila ay nangatakot at bumalik sa kapatagan ng hindi nakitasi Bernardo.Mabilis na kumalat ang haka-haka na si Bernardo ay naiipit ng nag-uumpugang bato at tuwing nagpipilit siyang kumawala ay nagiging sanhieto ng paglindol sa kabundukan ng San Mateo.Ang pagkawala ni Bernardo ay naging malaking dagok sa namumuonghimagsikan ng mga Pilipino dahil sa pagkawala ng isang malakas atmatapang na pinuno. Lumipas pa ang ilang taon bago muling nabuo angloob ng mga Pilipino na ituloy ang pakikipaglaban sa mga Kastila.Taung 1895 nang muling magpulong ang mga kalalakihan sa yungib ngPamitinan at duon, sa karangalan ni Bernardo Carpio, ay ginawa nila angunang sigaw ng himagsikan laban sa mga Kastila
ifugao dance is called tayoh (tuwali) it has different kinds danced by certain tribes during occassions, dancers dance with the rhythms of gongs, usually three or more gongs are played.
MARAGTAS(Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan niDatu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin sa kanyang katandaan upangpamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya na isalin ang kanyang kapangyarihan sakanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng kanyang anak ang mga katangian ng isangdatu kaya't ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila nabago manungkulanang isang datu, nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng babae na naghahangad sa kanyaang mahirap na si Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan.Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim atpangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at ibapang pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog.Di sila nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang may dumating sa kanila angmga bagay na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad ng dahon balat ngkahoy o hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa bundok atpinatatakbo lamang, kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang isangbabae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantayay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilunganupang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay pinangangalanan ng kahoy namalapit sa pinagsilangan.Sila ay naniniwala na ang sinumang magkasakit sa kanila ay gawa ng masamangespiritu, kaya't upang ang may karamdaman ay gumaling agad, naghahandog sila ng pagkainsa masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay namahalaga sa kanila sapagka't lubha daw nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan. Mayibang paraan sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito'y patayong nakabaon sa lupa nangmay salakot bago ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng isang patayay isang mabisang lupang dapat pagtaniman.Ang mga Ita ay magagalang sa bawa't isa. Walang inggitan at ang Datu ang siyanglumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawa't isa. Ang sinumang magkasala aypinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.Ang mga nabanggit ang mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago dumatingang Sampung Datu buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mgakatulong at mga ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampungdatu ay sina:1. Datu Puti2. Datu Sumakwel3. Datu Bangkaya4. Datu Paiburong5. Datu Paduhinogan6. Datu Domongsol7. Datu Lubay8. Datu Dumangsil9. Datu Domalogalog10. Datu BalensuelaGalit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa Panay,subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan kay DatuMarikudo, sila'y nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at napagkasunduanay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng malaking kasaysayan angpangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at dahil sa ipinakitang kagandahangloobng mga Ita, hinandugan ng makukulay na kwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mgaIta.Bilang kabayaran sa lugar na napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si Datu Marikudong isang gintong salakot at isang batyang ginto na may timbang na limampung bas-ing. Isinuotni Datu Marikudo ang salakot sa kasayahan.Malandog ang pangalan ng napiling lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu puti, anglaki ay sapat na upang sila ay magtanim para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa ilog upangdoon kumuha ng ibang makakain. Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayanng kanyang mga kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagka't ayon sa kanya ay kaya naniyang tagalan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sapamamahala ni Datu Sumakwel, sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta namansa Luzon.Si Datu Sumakwel ay isang matalino at mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala aypinarurusahan, pinuputol ang kamay ng sinumang magnakaw at ang mga tamad ay pinagbibilina isang alipin o kaya'y pinagagawa sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga dayuhan aymagagalang at mapagmahal. Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na matatagpuan saBundok ng Madyas.Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang lalaki,sila ay nagbabaon ng pana sa paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung may kapahintulutanna ang mga kalalakihan, at sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang banig upang paglagyan ngmga pagkain. Habang nag-uusap ang dalawang pangkat ang babae ay pansamantalangnakatago.Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan,pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda atmarurunong na anak.Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong bulaklak,binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagka't isang paraan dawito upang ang patay ay di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw na pagbabantay, ang patayay inilalagay na sa kaban na may iba't ibang uri ng pagkain at kung ang namatay ay isangmayaman, isang katulong ang sa kanya'y isasama upang magbantay daw sa kabilang buhay.Kung ang namatay ay nag-aari ng isang bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ayinilalagay sa bangka na maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila namanay nagsusuot ng puting damit bilang pagluluksa.Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan nadumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot sakanya ng kapighatian at kalungkutan.Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog, naisipan ni Datu Sumakwelna magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw. Umalis siya nainiwan ang kanyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na ipinagbilin niya kayGurung-gurung na kanyang pinagkakatiwalaan. Di niya batid na si Kapinangan na kanyangasawa ay may gusto kay Gurung-gurung.Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang lugar attahanan. Kaya't upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila, pinahanda ang lahatng kanyang kailangan sa paglalakbay, na di batid ng kanyang asawa na iyon ay isa lamangpakana. Nagkataon naman kinabukasan, pinatawag ni Kapinangan si Gurung-gurung upangutusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na at talagang hinihintay ang pagdating niGurung-gurung. Subalit ang kanyang balak ay di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay nabumagsak si Gurung-gurung na may tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati niKapinangan, naisaloob niya na mabuti pa ang kanyang asawa ang namatay sa oras na iyon.Pinagputul-putol niya ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin.Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating bago'y siya ang pumataykay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa kisame. Pinaglutoniya si Kapinangan. At sinabing siya'y gutom na gutom. Nagtaka siya nang magreklamo siKapinangan nang sabihin niyang putul-putulin ang isda na dati rati'y kanyang ginagawa.Upang di-parisan ng mga kababaihan, ipinatapon niya ang kanyang asawa sa gitna ngdagat, subalit ang kanyang inutusan ay nagdalang habag, kaya't dinala na lamang niya siKapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan.Sa pangalang Alayon, nakikilala sa Kapinangan sa lugar na kanyang narating, at siya'ysinambang diyosa dahil sa taglay niyang kabaitan.Lumipas ang maraming taon, subalit ang nangyari kay Sumakwel ay di rin niyanalilimutan. Minsan siya ay naglalakbay upang maghanap ng mga pananim, at sa diinaasahangpangyayari ang narating niyang lugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. Di naniya nakilala si Kapinangan sa tagal ng panahong pagkakalayo. Naging mahusay angpagtanggap sa kanila sa nasabing lugar at sa loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayonat Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa tuwing sasagi ang nangyari sa kanyang buhay,parang ayaw na niyang makipagsapalaran.Aalis siya sa lugar upang iwasan si Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa napipintoniyang pag-alis, subalit di nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu Sumakwel sapagka'tsila'y pinaglapit ng kanilang mga kasamahan at humantong sa kasalan. Nagsama at namuhaynang matiwasay ang dalawa hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanilang buhay, ay dinakilala ni Datu Sumakwel na ang kanyang muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati niyangasawa.