Ano ang kaibahan ng bansa sa estado?
Ang kaibahan ng Bansa sa Estado
Hindi lahat ng bansa ay kinikilala bilang estado. Maaaring ang isang pangkat ng mga tao o mamamayan ay may sariling teritoryo o lupang sakop at pamahalaan ngunit hindi ito maituturing na isang estado kung wala itong soberanya.
Ang Pilipinas ay maituturing na isang estado, Kinikilala at iginagalang ng ibang mga bansa ang soberanya nito. Patunay nito ang pagiging kasapi ng ating bansa sa mga organisasyong kinikilala sa bung mundo tulad ng UN, ASEAN, APEC.