answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anong ahensiya ng gobyerno ang nangangalaga sa usaping pang agrikultura?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Anu-ano ang dulot ng pakikipag-ugnayan ng pilipinas sa bansang hapones?

Ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa bansang Hapon ay maaaring magdulot ng pagbabalik ng ugnayang pang-ekonomiya at pangkalakalan sa pagitan ng dalawang bansa, pagpapalakas ng turismo at kultural na palitan, at pagtutulungan sa larangan ng edukasyon at teknolohiya. Subalit, maaari rin itong magdulot ng ilang isyu sa usaping teritoryal at iba pang alitan sa politika.


Ano ang pandaigdigang batas at kasunduan ayon sa pambansang teritoryo ng pilipinas?

Ang pandaigdigang batas at kasunduan ayon sa pambansang teritoryo ng Pilipinas ay naglalayon na itataguyod ang pagkakapantay-pantay, kalayaan, at dignidad ng lahat ng tao. Kasama rito ang pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa usaping maritime boundaries, pagiging signatory sa iba't ibang international human rights treaties, at ang pakikipagtulungan sa iba't ibang pandaigdigang organisasyon para sa kapakanan ng bansa.


Bilang kabataan anong magagawa mo sa iyong lipunan?

Bilang kabataan, maaari akong maging aktibo sa pagtugon sa mga usaping panlipunan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa edukasyon, paglahok sa mga kampanya o rally, at pagbibigay halaga sa kapwa at kalikasan. Maari rin akong maging boses ng kabataan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga opinyon at suporta sa mga isyu na nakakaapekto sa lipunan. Ang pagsasama-sama ng mga kabataan upang magbigay solusyon sa mga suliranin ay mahalaga para sa pag-unlad ng lipunan.


Ang talambuhay ni Andres cristobal cruz?

Si Andres Cristobal Cruz ay kilalang manunulat na Pilipino na tinalakay ang mga usaping panlipunan sa kanyang mga akda. Isinilang siya noong 1927 sa Pampanga at binubuklod niya sa kanyang pagsusulat ang mga isyu ng korapsyon at kahirapan sa lipunan. Isa siya sa mga pangunahing manunulat sa panitikang Pilipino.


Maikling tula para sa gulay?

Mamuhay sa isang tahimik at kaayaayang kapaligiranTo live in a peaceful community and wholesome environmentMagkaroon ng sapat na pagkain at malusog at masiglang pangangatawanTo have adequate food and a healthy and active bodyMabigyan ng magandang edukasyon at mapaunlad ang potensyalTo obtain a good education and develop my potentialBigyan ng mga pagkakataon upang maglaro at maglibangTo be given opportunities for play and leisureProteksyon mula sa pang-aabuso, pagsasamantala, kapabayaan, karahasan, at panganibTo be protected against abuse, exploitation, neglect, violence and dangerIpangtanggol at bigyan ng tulong ng pamahalaanTo be defended and given assistance by the governmentMalayang magpahayag ng pananawTo be able to express my own views


Mga tula tungkol sa edukasyon?

Kailangan ng edukasyon ng buong bayan Ng mga isyu at usaping pangkalikasan Sa gayo'y mamulat ang maraming mamamayan Na ang kalikasan pala'y dapat alagaan. Tayong mga dumadalo dito sa Kamayan Iba't ibang kuru-kuro'y nagbabahaginan Sa mga isyu'y marami tayong natutunan Sa mga nagtalakay na makakalikasan. Kaya nga't sa ating pag-uwi sa ating bahay Ibahagi ito sa mga mahal sa buhay Sa mga kumpare, kaibigan, kapitbahay Ito sa kalikasan ay maganda nang alay. Kaya't pakahusayan natin ang edukasyon Hinggil sa kalikasan at gawin itong misyon Upang maraming masa'y matuto sa paglaon At malaki nang ambag ito para sa nasyon.


Ano ang mga nagawa o programa ni Manuel Roxas para sa Pilipinas?

'' MANUEL ROXAS''matapos maisaayos ang pamahalaan,sinimulan ni pangulong roxas ang paglutas sa mga suliranin ng bagong rep. pangunahin ay ang pagunlad ng kabuhayan paglutas ng suliranin ng hukbalahap at paglinaw sa patakarang panlabas ng bansa kaugnay ang usaping parity rightsAng una ay ang bell trade relations act o ang nagtakda ng 28 taon na kalakalan ng estados unidos at pilipinas, Batas rehabilitasyon Parity Rights na pantay na paggamit ng mga amerikano at ng mga pilipino ng ating mga likas-yaman at ang pacsa o ang presidential action committee on social amelioration.''ELPIDIO QUIRINO''napaunlad nya ang bansa...nakamit ang kalayaan laban sa mga hapon...at marami pang iba....''RAMON MAGSAYSAY''Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma.- Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan.- Iniligtas niya ang demokrasya ng pilipinasPinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista.''MANUEL L. QUEZON''- Kalayaang bumoto at mahalal ang mga kababaihan !- payne - aldrich law na nagpababa ng buwis !Noong 1935, ipinatupad ni Pangulong Manuel L. Quezon ang isang programa sa hustisya sosyal bunga ng marahas na pakikipaglaban ng mga magsasaka para sa kanilang karapatan sa lupa. Ngunit pinanatili lamang nito ang umiiral na kaayusang panlipunan. Ipinatupad ni Pangulong Quezon ang Commonwealth Act (CA) 103 hinggil sa pagtatayo ng Court of Industrial Relations at ipinatupad ang compulsory arbitration bilang pangunahing pamamaraan sa paglutas ng mga isyung pampagawaan. Nilikha rin niya ang CA 213 na nagbigay ng proteksiyong legal sa mga lehitimong unyon.BY: KURT JIAZEL CASTARDO PROUD TO BE IV-GOMEZ CITYHIANSmagaling na sagot !


El fili kabanata 5?

Ang Kabanata 5 ng "El Filibusterismo" ni Jose Rizal ay may pamagat na "Sa Bahay ng Mga Pilosopo." Dito ipinakita ang pagtitipon ng mga kilalang tao at mga intelektuwal sa tahanan ni Simoun, kung saan naging usapan ang mga usaping pampolitika at panlipunan na nagtulak sa kanila sa isang mapanlikha at mapanghimagsik na kampanya laban sa korupsiyon at kasamaan sa lipunan.


Buod ng nobelang Dekada 70 ni Lualhati Bautista?

Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan.Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan.Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules.Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason.Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan.Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame.Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal.May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng pagkamulat at pakikibaka-natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."


What is summary of the story Mga Munting Tinig?

Isang baguhan at batam-batang substitute teacher si Melinda Santiago (Alessandra de Rossi) sa Malawig Elementary School. Salat sa kabuhayan ang mga pamilya ng mga mag-aaral sa lugar na ito, kaya't ang mga bata ay inoobliga ng kanilang mga magulang ng responsibilidad sa bahay at sa paghahanapbuhay. Ang ganitong kalagayan ay nakaapekto sa pananaw ng mga kabataan sa pangarap, edukasyon, katarungan, at kababaihan na ikinabahala naman ni Melinda. Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamon sa kanya, at nasubok ang kanyang pakikihamon nang sumali ang paaralan sa isang choral contest. Bagamat nakitaan niya ng interes at kakayahan ang mga mag-aaral ay hindi naman naging madali sa kanya ang paghimok sa mga magulang nito na payagan silang sumali sa paligsahan. Tanging si Luz (Amy Austria) na ina nina Popoy (Bryan) at Obet (Piero) ang bukas ang isipan ukol dito at tumulong kay Melinda na himukin ang iba pang mga magulang. Subalit nadamay at napatay ang batang si Popoy sa isang enkwentro ng NPA at military nang minsan siyang sumama sa kanyang ama na isa sa mga lider ng NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay ang dating masiglang paghahanda ng mga bata para sa paligsahan. Malinaw ang mensahe ng pelikula sa paghahatid nito ng pag-asa at mapagpalayang pagharap sa hamon ng kahirapan at bulok na sistema ng lipunan lalo na sa edukasyon. Nabigyang-diin ang mga karapat-dapat pag-ukulan ng pagpapahalaga katulad ng pamilya, kabuhayan, edukasyon, pangarap, tinig ng kababaihan, relihiyon at paglinang sa malikhaing kakayahan ng mga kabataan, Sa ilang punto ay aakalain na pinababa ang kalagayan ng mga guro sa pelikula ngunit sa bandang huli ay makikita ang kanilang kadakilaan. Mahusay ang pagkakahubog sa katauhan ni Melinda bilang isang taong may paninindigan at tanto ang hinahanap sa buhay. Makabuluhan ang diyalogo at puno ng simbolismo ang mga pagpapalit ng eksena. Magagaling ang mga nagsiganap mula sa mga pangunahin hanggang sa mga sumusuportang aktor, bata man matanda. Kung tutuusin ay napakabatang tingnan ni Alissandra sa kanyang papel na guro, subalit natabunan ito ng magaling niyang pagganap. Ang teknikal na aspeto ng pelikula ay kahanga-hanga at maipagmamalaki. Bagamat ang eksena ng paggamit sa Lupang Hinirang bilang piyesa ng ensayo ay tila hindi karapat-dapat sa punto ng usaping makabayan. Gayunpaman, halata ang maingat at masuyong paghihimay ng direktor sa mga detalye ng pelikula. Sa kabuuan ay simpleng kuwento na may malalim na damdamin at positibong mensahe ang pelikula. Bawat isa ay hinahamon na maging tagapaghatid ng pagbabago at bigyang-daan ang pag-asa. Ang Munting Tinig ay isang obra maestra na napapanahon at dapat tangkilin ng publiko.


Tauhan at ilarawan ng mabuhay ka anak ko?

thay- mahusay sa usaping pampulitikaany- magandang babaesudath- anak ni thay ay thary nawath- anak ni thay at amystaud- pangalawang anak ni any at thaythary- unang asawa ni thaychhor at loan- mga magulang ni thayanyung- nakatatandang kapatid ni anyoan- pinsan ni thayprinsipe sihanouk- pinuno ng cambodiahuot tat- isang patriarkong budhistalon nol- nagkulang na diktadorkhmer rouge- nagrebelde dahil hindi nasiyahan sa ginawa ni sihanouk


Ano ang masasabi ng simbahang katoliko tungkol sa diborsyo?

Hindi pa man lubusang natatapos ang mainit na usapin sa RH bill, isa na namang kontrobersiyal na panukalang batas ang patuloy na magpapaalab sa mga diskusyong kasasangkutan ng Simbahan. Ito ang Divorce Bill.Sinasabing ang Pilipinas at ang Vatican na lamang ang nalalabing bansa na walang Divorce Bill. Ito ang dahilan kung bakit ang pagsusulong nito sa ating bansa upang maging batas ay mariing tinututulan ng Simbahang Katoliko. Matagal na panahon na may ilang mga mambabatas ang nagnilay at nagbalak maghain ng ganitong batas ngunit hindi interesado dito ang nakakarami at walang malawakang naging pagtanggap.Pero ngayon, mas vocal na ang mga tagapaghain ng panukalang batas bugso ng mga datos at pag-aaral na nagpapakita ng lumalaking bilang ng malalang sitwasyon ng mga mag-asawa. Ang mga iba't ibang kumplikado at sensitibong isyu tulad ng marital unfaithfulness, pang-aabuso,exploitation, injustice, at sari-saring hindi na makataong kundisyon ang nakikitang malakas na batayan upang ihain ang ganitong batas. Inilalagay daw nito sa panganib ang katinuan, kalidad ng buhay o buhay mismo ng isang asawa, pati na ng mga anak. Nakikita ring hindi na relevantat kulang ang mga kasalukuyang batas sa ating Family at Civil code upang tugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mag-asawa sa ating panahon.Bilang taong simbahan, paano natin dapat tingnan ang usaping ito?Hindi na bago ang isyu ng divorce. Kasing tanda na ito ng Lumang Tipan sa Bibliya. Sa katunayan, may mga probisyon sa pagsasagawa ng divorce sa batas ni Moises (Deuteronomio 24: 1-4). Sa panahon ni Jesus, ginamit ng mga religious leaders ang isyung ito upang subukin ang kanyang moral authority sa pag-unawa sa batas ni Moises.Sa Mateo 19:1-12, tinanong ng diretso si Jesus kung naaayon ba sa batas ni Moises na i-divorce ang asawang babae sa anumang kadahilanan. Importante ang katanungang iyon sa kadahilanang ang mga Pariseo mismo ay hati sa kanilang pagkaunawa ng nasabing batas. Para sa partido ni Rabbi Shammai, ang divorce ay maaari lamang ipatupad sa kaso ng sexual misconduct. Para naman kay Rabbi Hillel, ang divorce ay maaaring hilingin maging sa kaso lamang ng pagkasira ng asawa ng pagkain. At para kay Rabbi Akiba, pwedeng i-divorce ng lalaki ang kanyang asawakung may nakita na siyang mas kahali-halinang kapareha.Subalit hindi sinakyan ni Jesus ang mga isyu sa debateng ito. Bagkus, itinaas niya ang batayan ng moralidad at ethics.Ibinalik niya ang usapin sa original na intensiyon ng Diyos para sa kasal nang una niyang nilikha ang tao. Sa madaling salita, ipinaalala muli ni Jesus na ang tunay na kalooban ng Diyos sa kasal ay panghabangbuhay at permanente. Diyos mismo ang sangkot sa pag-iisang dibdib ng dalawang tao. At dahil dito, walang sinumang tao ang dapat sumira nito.Ngunit kaalinsabay nito, tinuligsa ni Jesus ang katigasan ng kanilang puso. Tinukoy niya na ito ang nagbigay daan para pahintulutan ang divorce noong panahon ni Moises. Siguro magandang pagnilayan yung sinabi ni Jesus kung bakit pinahintulutan ang divorce: "…dahil sa katigasan ng inyong puso." Kung ang naging paghahain ng divorce bill na ito sa ating bansa ay isa lamang pagtugon sa lumalalang kundisyon ng mga asawang naigapos sa kasal at humihingi ng kalayaan, magandang itanong natin sa mga taong simbahan kung bakit ang kalidad ng buhay mag-asawa ay bumaba ng ganito. Bakit ang baba na ng tingin sa institusyon ng kasal? Hindi kaya symptoma ang mga ito ng katigasan ng puso na binabanggit ni Jesus? At hindi kaya katigasan ng puso pa rin ang siyang patuloy na sumisira sa original na intensiyon ng Diyos para sa kasal?Saan nga ba ang tunay na laban ng Simbahan? Ang pakikipaglaban ba sa mga nagsusulong ng lunas sa mga lumilitaw na symptoma o ang pag-bigay lunas sa ugat ng symptoma?Tinukoy mismo ni Jesus ang ugat ng symptoma: "…katigasan ng inyong puso!"May Divorce Bill man o wala, kung hindi magiging epektibo at tapat ang Simbahan na tugunan ang ugat ng pagsusulong nito patuloy na mamamayagpag ang pagbaluktot ng tao sa intensiyon ng Diyos sa kasal.