ito ang pangngalang sumusunod sa panandang ay. Tumutukoy ito at ang simuno sa iisang Tao o bagay lamang
Ayon sa balarilang Pilipino, ang tuwirang layon ay ang bagay (atbp) na paksa ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa sa isang pangugusap.
Hal.
Si Pedro ay nagluluto ng ulam.
Ang tuwirang layon sa pangugusap na NASA itaas ay "ulam" sapagkat ito ang tumatanggap ng kilos na ipinahahayag ng pandiwang "nagluluto"
Iba pang hal.:
Ako ay kumakain ng hamburger.
Si Macy ay nagbabasa ng dyaryo.
Ang mga salitang hamburger, at dyaryo ay ang mga tuwirang layon ng mga pangugusap na nabanggit.
Sa wikang ingles, ang tuwirang layon ay nangangahulugang "direct object".
Chat with our AI personalities