answersLogoWhite

0


Best Answer

Kung ang pamamanhid ng kamay o paa ay parang mga mga aspili tumutusok dito at ito ay tumatagal lamang ng ilang minuto ay maaari lamang itong naipit dahil sa nanatili ka sa isang position ng matagal kaya namamanhid. Ito ay natural lamang at hindi dapat ikabahala.

Pero kung ang pamamanhid ay tumatagal ng isa o hanggang anim na oras ay hindi dapat ipagwalang bahala. Nangangailangan itong ipakunsulta sa doktor para malaman ang dahilan nito at malapatan ng lunas. Dahil maaring dahilan ito ng seryosong karamdaman.

Ang pamamanhid ng Paa at kamay ay maaaring dahilan ng mga sumusunod na sakit.

Kakulangan ng bitamina - ang kakulangan sa vitamin B5, B6 at B12, Vit. A at Vit. D ay nagiging dahilan ng pamamanhid ng paa o kamay kasama ng panlalamig ng kamay at paa, pagkapagod, panghihina ng muscle sa katawan at pagkawala ng pakiramdam.

Diabetes - ang pang mamanhid ng paa at kamay ay isang sintomas ng diabetes.

Multiple Sclerosis, Transient Ischemic attack, Raynaud's Syndrome, Carpel Tunnel Syndrome, Angina, Peripheral Artery Disease

Ibang kasagutan:
Bago po nalalaman ang gamot sa isang karamdaman kailangang malaman ang dahilan kung bakit namamanhid ang kamay sapagkat marami ang dahilan kung bakit nangyayari ito. Nangangailangan pong magpatingin sa doktor upang makasiguradong tama ang gamot na iinumin.

User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano mabisang gamot sa pasmadong paa at kamay?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp