answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang kinikilalang salapi ng Pilipinas ngayon ay binase sa pinakaunang salapi ng Pilipinas kung saan ito ay nilikha kagaya ng pilak na barya ng mga kastila na kung tawagin ay 'Real de a Ocho', kilala din ito bilang Spanish dollar, kung saan ito ay umiikot din sa America at Timog Silanggan ng Asya.

Ang unang Philippine peso ay basehan nang kasalukuyang salapi ng Pilipinas ay naitatag noong ika-1 ng Mayo, 1852. Ito rin ang panahon nang naitayo ang Banco Espanol-Filipino de Isable II sa Pilipinas. Ang mga salapi na ipinalabas ng bangkong ito ay kinilala hanggang ika-17 ng Oktubre, 1854. Ang mga peso na pinalabas ng bangko ay limitadong ginagamit, madalas lamang magamit sa mga pangbangkong transaksyon. Pinalitan ng mga Peso na ito ang real na dating salapi ng Pilipinas. Nanatiling gamitin ang peso hanggang 1886 at kasabay nito ang Mexican coins.

Ang salapi ng Pilipinas ay naitalaga bilang peso at ang isang peso ay binubuo ng 100 sentimos. Bago dumating ang taong 1967 lahat ng mga nakasulat sa salapi ng Pilipinas ay NASA wikang Ingles ngunit pagkatapos ng panahon na ito ay pinalitan na ito ng wikang Filipino. Ang kasalukuyang barya ng Pilipinas ngayon ay 'minted' binubuo at gingawa sa Security Plant Complex.

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano kasaysayan ng pera ng pilipinas?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp