answersLogoWhite

0


Best Answer

Ano ang dapat gawin pra mapawalang bisa ang kasal sa huwes

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2017-10-29 06:01:05
This answer is:
User Avatar
Study guides

What are medical problems that arise from color blindness

What are the characteristics of effective writing

What are the different types of diction

Another examples of community problems

โžก๏ธ
See all cards
4.18
โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…
226 Reviews

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ba ang proseso na dapat gawin para mapawalang bisa ang kasal sa huwes?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang dahilan ng pagunlad na akkadian?

ano ang dahilan sa pagunlad ng akkadian


What is the bagobo tribe?

Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ngDavao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba. Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket. Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi. Sa mga Bagobo, tinatawag nila ang Mt. Apo bilang Apo Sandawa. Ang Apo Sandawa ay isang sagradong lugar para sa kanila. Nagsimula ang tribo nang dumating ang mga taong nagdala ng Hinduism sa Mindanao. Nagpakasal sila sa mga lokal at bumuo ng bagong lipunan. Saan ba nanggaling ang salitang Bagobo? Nahahati ang salitang Bagobo sa dalawa - BAGO at OBO. Sa kanilang wika, ang OBO ay may kahulugan na tumubo. Kaya ang kahulugan ng Bagobo ay bagong pormasyon ng mga tao sa baybayin ng Gulpo ng Davao.


What movie and television projects has Bayani Casimiro been in?

Bayani Casimiro has: Performed in "Bayan at pag-ibig" in 1938. Performed in "Rosa birhen" in 1940. Performed in "Santa" in 1940. Performed in "Halimaw" in 1941. Performed in "Manilena" in 1941. Performed in "So Long America" in 1946. Performed in "Maling akala" in 1947. Performed in "Ikaw ay akin" in 1947. Played Martin in "Kaaway ng babae" in 1948. Performed in "Malaya" in 1948. Performed in "Kuba sa Quiapo" in 1949. Played Family Driver in "Milyonaria" in 1949. Performed in "Hen. Gregorio del Pilar" in 1949. Performed in "Hiyas ng pamilihan" in 1949. Performed in "Lupang pangako" in 1949. Performed in "Maria Beles" in 1949. Performed in "Milyonarya" in 1949. Performed in "Makabagong Pilipina" in 1949. Performed in "Sohrab at Rustum" in 1950. Performed in "Shalimar" in 1951. Performed in "Amor mio" in 1952. Performed in "Vod-a-vil" in 1953. Performed in "Hiwaga sa Balete Drive" in 1954. Performed in "Sa isang halik mo Pancho" in 1954. Performed in "Tres muskiteras" in 1954. Performed in "Karnabal" in 1955. Performed in "Pilipino kostum no touch" in 1955. Performed in "Banda uno" in 1955. Performed in "Lelong mong panot" in 1955. Performed in "Mariang sinukuan" in 1955. Performed in "Turista" in 1957. Performed in "Sampung libong pisong pag-ibig" in 1957. Performed in "Tuloy ang ligaya" in 1958. Performed in "Baguio Fever" in 1959. Performed in "Botika sa baryo" in 1960. Performed in "Prinsipe Diomedes at ang mahiwagang gitara" in 1961. Performed in "Sitsiritsit alibangbang" in 1967. Performed in "Da Best in da West" in 1967. Performed in "Buy One Take One" in 1968. Performed in "Kaming taga-ilog" in 1968. Performed in "Tiririt ng maya, tiririt ng ibon" in 1968. Performed in "Kangkarot" in 1969. Performed in "Tomboy Nora" in 1970. Performed in "Tulak ng bibig, kabig ng dibdib" in 1970. Performed in "Around Asia with Nora" in 1970. Performed in "Bukid ay basa" in 1971. Performed in "My Funny Girl" in 1971. Performed in "Si Waray at ang Talyada" in 1971. Played Huwes in "Leron-leron sinta" in 1972. Performed in "Ayos lang pare ko" in 1972. Performed in "Love Pinoy Style" in 1972. Performed in "Drakula Goes to R.P." in 1973. Performed in "Captain Barbell" in 1973. Played Magic Carpet Seller in "King Khayam and I" in 1974. Performed in "Hinog sa pilit" in 1976. Performed in "Burlesk Queen" in 1977. Performed in "Facundo Alitaftaf" in 1978. Performed in "Kuwatog" in 1979. Performed in "Bugoy" in 1979. Performed in "Buhay artista ngayon" in 1979. Performed in "Tatay na barok" in 1979. Performed in "Enteng-Anting" in 1980. Performed in "Ang bobo kong genie" in 1980. Performed in "Darna at Ding" in 1980. Performed in "Nognog" in 1980. Performed in "Tatlo silang tatay ko" in 1982. Performed in "Galawgaw" in 1982. Played Fiscal Fermin Aburido in "Andres de Saya Mabagsik na daw" in 1982. Performed in "Good Morning, Professor" in 1982. Played Bogart in "Nang umibig ang mga gurang" in 1982. Performed in "Estong Tutong: Ikalawang yugto" in 1983. Performed in "Teng Teng de sarapen" in 1983. Performed in "Atsay Killer" in 1983. Played Don Gervacio in "E.T. is Estong Tutong" in 1983. Performed in "Swak" in 1985. Performed in "The Crazy Professor" in 1985. Performed in "Momooo" in 1985. Played Lolo Puten in "Horsey-horsey: Tigidig-tigidig" in 1986. Performed in "Kalabog en Bosyo Strike Again" in 1986. Performed in "Balimbing" in 1986. Performed in "Mga anak ni Facifica Falayfay" in 1987. Performed in "No Retreat... No Surrender... Si Kumander" in 1987. Performed in "Matandang barako hindi pa buro" in 1988. Played Mang Domeng (segment "Horror Honeymoon") in "Stupid Cupid" in 1988. Performed in "One day, isang araw" in 1988. Performed in "Buy One, Take One" in 1988. Played Samson in "Magic to Love" in 1989.


Ano po ang buod ng luha ng buwaya?

LUHA NG BUWAYA (1963) ni Amado V Hernandez Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona. Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay Hindi na nagbalik pa sa Maynila. Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong. Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka. Samantala�y nalinis at naayos Nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande. Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila. Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang Tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande. Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong. Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung Hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw. Sa gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa Hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni ...


Luha ng buwaya ni amado hernandez?

LUHA NG BUWAYA (1963) ni Amado V HernandezKagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona.Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay Hindi na nagbalik pa sa Maynila.Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong.Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka.Samantala'y nalinis at naayos Nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande.Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande.Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong.Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung Hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw.Sa gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa Hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni ...


Where can you find a script of Moses Moses by Rogelio Sikat?

Buod:Moses, Moses ni Rogelio R. Sicat Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo'y Hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya'y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya't kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida. Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang Konsehal. Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit Hindi pumayag si Regina dahil akala niya'y hustisya ang mananaig. Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay Hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, Hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso. Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya'y kumalma. Kaya't nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben. Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito'y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil Hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na Hindi siya makatulog, kaya't tinimplahan siya ni Regina ng gatas. Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip. Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-Tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa Hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya. Mga Tauhan: Regina Calderon, 48, balo, isang maestra Tony, panganay niyang anak, estudyante Aida, 18, anak niyang babae, estudyante Ben, 16, bunso, estudyante Ana, 46, matandang dalaga, kapatid ni Regina Ang Alkalde Ang Konsehal Mga Pulis Panahon: Kasalukuyan Tagpo: "Apartment" sa isang lungsod sa lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na masasabing "middle class". Maraming bagong bahay dito, nakatayo sa mga loteng nabili sa murang presyo noong unang bahagi ng 1950 at ngayo'y nagkakahalaga na nang malaki sa pamilihan ng lupa. Tahimik dito, malayo sa daanan na pampasaherong sasakyan, mapuno at mahalamang Hindi katulad ng ibang subdibisyon. Aspaltado ang malilinis na kalsada at may ilaw na mercury ang mga poste. Karaniwan nang ang naninirahan dito ay mga empleado ng gobyerno. Sa sala at sa komedor ng apartment na ari ni Mrs. Calderon mangyayari ang dula. Isa sa apat na pinto, malaki-laki rin ang apartment na ito, putiang pinta, yari sa mahuhusay na materyales, at sa unang malas pa lamang ay mahihinuha nang inilalaan sa mga makapagbabayad ng mataas. May pinto sa may sala, kanan, kaharap ng gate, at sa kaliwa, sa may kusina. Luma na ngunit maayos pa ang mga kasangkapan parang inilipat mula sa isang lumang bahay. Sa sala ay may isang set ng upuan na nakatuntong sa isang alpombrang bumabagay sa pulang sahig; sa likod nito, kabinet ng mga libro na kinapapatungan ng isang flower vase, isang nakakwadrong retrato ng isang nakangiting dalaga na napaliligiran ng maliit at animo'y naglalarong mga piguring duwende at isang lampshade. May telebisyon sa sulok, malapit sa nakukurtinahang bintanang salamin. Sa dingding na binarnidang plywood, nakasabit ang isang pares ng nairolyong pinturang Hapones: mga lumilipad na tagak sa ibabaw ng maiitim at payat na tangkay at mga dahon ng kawayan. Sa gitna, likuran, may hagdanang paakyat sa mga silid-tulugan, puti ang mga barandilya nito at sa itaas palapag, sa ding-ding, ay nakasabit ang isang pandekorasyong seramiko na kinatitikan, na mga letrang Gotiko, ng mga salitang GOD BLESS OUR HOME. Sa silid-tulugan, kaliwa ay may isang mesang paayon ang ayos at napapaligiran ng anim na silyang may matataas na sandalan. May kabinet sa likod ng mesa-lalagyan ng mga Plato, kubyertos, mga itinatanging kasangkapan na ang paggamit ay karaniwan nang inilalaan ng mga may-bahay sa mga espesyal na okasyon… Nandito rin ang ilang de-latang pagkain at mga boteng gamot. Nakapatong sa kabinet ang isang bentilador. Di kalayuan sa mesa, malapit sa lababo, ay may isang repriheradora. Sa kabuuan, maayos at masinop ang apartment. May mga alas-otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala. Nakaupo si Ben sa sopa, taas ang pinagsaklit na paa at tila yogang nagbabasa ng isang magasin. Nakakorto siya at iskiper na puti. Mahahaba ang kanyang biyas at sa katabaa'y may pagkabalingkinitan pa. Mahaba ang kanyang buhok, tulad ng uso sa mga tin-edyer ngayon, at may kakisigan siya. Bukas din ang daylight sa silid-tulugan. Nakaupo si Regina sa kabisera ng mesa at umiinom ng kape. Sa kabilang dulo, nagpupunas ng kutsara ang kapatid niyang si Ana. Magkahawig sila, bagama't maraming salit na puting buhok si Regina. Nakaputi siyang damit-pambahay, tila isang roba na itinali sa harap, hanggang siko ang maluwang na manggas at hanggang sakong ang laylayan. Nakapusod siya, laylay ang ilalim ng mga mata, larawan ng isang babaing pinatigas ng mga hirap na pinagdaanan. Nakabulaklaking pambahay si Ana, may pagkamasayahin ang mukha, nguni't ngayo'y tila nag-aalala. ANA : (habang nagpupunas) Kumusta ang hiningi mong bakasyon, Regina? REGINA: (ibig magmalaki, nguni't walang sigla) Binigyan ako, puwede ba nila akong Hindi bigyan. ANA : Dapat naman. Sa buong pagtuturo mo'y ngayon ka pa lang magbabakasyon, ano? REGINA: Ikalawa na ito. Noong mamatay ang ama Nina Aida, saka ngayon. Pupuwede akong Hindi pumasok kahit ilang buwan pa suguro, kahit isang taon. Marami akong naiipong bakasyon. ANA : Biro mo namang mahigit na dalawampung taon ka na yatang nagtuturo. Noong dalaga ka pa, Hindi ba? Pwede ka nang magretiro. REGINA: (sasandal) Sayang naman kung Hindi ko matatapos ang aking serbisyo. Pero Hindi ako papasok hangga't Hindi gumagaling si Aida. ANA : Kung sabagay, kaya ko naman siyang alagaan. (Aayusin ang salansan ng kutsara). Ano nga pala ang sabi-sabihan sa eskwela? Siguro'y alam nila ang nangyayari? REGINA: (pauyam) Alam. Pero ano ba ang maaasahan mo sa mga walang prisipyong Tao? ANA : Sinabi mong tuloy rin ang demanda? REGINA: (tatayo, lalakad sa repriheradora upang kumuha ng inumin) Oo. Bakit Hindi ko itutuloy? Kahit ano pa nga ang kanilang sabihin. Dapat nga raw magdemanda, sobra naman daw talaga ang ginawa kay Aida, pero… ANA : Nakapag-aral si Aida doon. Kilala siguro nila. REGINA: (habang pabalik sa kabisera, dala ang baso ng inumin) ang dipirensiya nga lang daw, "mayor" itong kalaban ko. Ano sa akin kung "mayor"? ngayon ba't "mayor" siya'y libre na ang kanyang anak? Wala raw mangyayari. Iba raw ang malakas ang nasa poder. Baka raw lalo pa tayong perwisyuhin. (Iiling) kababata pa'y wala nang prinsipsiyo! Mga bagong tapos pa ng kolehiyo, mabuti pa iyong " assistant principal" namin, matapang. Ang sabi'y "Ituloy mo, Mrs. Calderon, 'you should really teach those people a lesson." ANA : (galit) Ituloy mo nga. Regina, nang madala. Sobra nang talaga ang anak ng "mayor" na iyan! Ang kailangan talaga riyan ay bitay. (Tatayo, ililigpit sa isang lalagyan ang mga kutsara, pahablot na dadampot ng isang basahan.) Tutal, bitay din siguro ang ibibigay sa lalaking iyan. (Tatayo si Regina, tila nag-iisip na maglalakad-lakad sa sala. Mapapansin niya si Ben na ngayo'y nakadapa at nagkukuyakoy ang paa sa hanging nagbabasa). REGINA: Napakain mo na'ng aso, Ben? BEN : (pagak ang boses, di iaalis ang tingin sa binabasa) Opo. REGINA: (susulyap sa itaas ng hagdan, pagkuwa'y babalik sa komedor.) Bakit ba naghahanap ng kordon si Tony, ha, Ana? ANA : (nagpupunas-punas sa may lababo): Maikli ang kordon ng ilaw niyang inililipat sa kuwarto namin. REGINA: Pabibilhin ko na lang siya ng isa pa bukas. Kailangan niya iyon sa pag-aaral, malabo ang kanyang mata. ANA : Ibang-iba iyang si Tony kesa do'n sa isa. (Ngunguso sa sala.) Tingnan mo, prenteng-prenteng nagbabasa. Hindi man lang tulungan iyong kapatid. REGINA: Bata pa lang kasi si Ben. ANA "Spoiled". Si Tony, noong ganyang edad, kumikita na, nagtitinda na ng diyaryo. REGINA: Hindi si Ben ang "spoiled" Ana. Baka 'ka mo si Aida. (Magbababa ng tingin na parang mali ang nasabi.) ANA : Kung sabagay. (Ipapatong ang kanang kamay na may hawak na basahan sa sandalan ng isang silya.) Si Tony, pati nanliligaw kay Aida, kinikilatis na mabuti. Hindi na nagbalik iyong preskong kaklase yata ni Aida, ano? Iyong de-kotse? "Ano ba sa akin kung de-kotse siya," sabi sa akin ni Tony. Sino nga ba iyon? REGINA: (parang Hindi siya pinapansin) Mababait silang lahat. ANA : Si Tony, minumutyang talaga si Aida. REGINA: Mapagbigay pa 'ka mo sa mga kapatid. Hindi na baleng siya ang wala mayroon lang si Aida at Ben. Ang maipipintas mo nga kay Tony ay walang kibo. ANA : Seryoso. Palaisip. Kaparehung-kapareho ng ama. REGINA: May pagkaseryoso rin itong si Ben, pero Hindi kamukha ng kuya niya. Si Aida- si Aida ang (parang mawawala sa sinasabi, mababasag ang boses)-pinakamasaya. ANA : (mapapansin ang pagbabago ng mukha ni Regina, nguni't itutuloy pa rin) Masasabi mong isip-bata si Aida. Inosente. Pero maganda. Maganda. Akalain ko bang gaganda ng ganyan ang anak mo, Regina. Natatandaan mo pa, noong sumakay siya sa karosa ng "lantern parade" sa UP, noong nakaraang Pasko? Noong dalhin tayo ni Tony? Hindi ako makapaniwalang anak mo iyon at pamangkin ko iyon. Bakit nga'y di- "jeans-jeans" at "pony-tail pony-tail" lang dito. Ang sarap 'ka mo, namatay ang "generator" ng karosa! Di pinasinagan siya ng "flashlight". Nakatingin kay Aida ang lahat, at siya'y ngumingiti, at nangyayabang, at nang-iinggit naman ang kanyang mga kaklase. Sa tingin ko ba noo'y para siyang nakaangat sa karosa-(Makikitang ibig maiyak si Regina) Sino nga ba naman ang makapag-aakalang- REGINA: (tutuwid ng upo, sa dingding nakatingin) Nangyari na iyan Ana. ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malungkot) Disiotso na siya sa Setyembreng ito, Regina. REGINA: Limang taon na tayo rito. Natatandaan mo? Dito nag-"birthday" si Aida nang lumipat tayo. ANA : At napapanaginip ko pa noon ang kanyang "debut". At naisip ko na ang gagawin kong tahi sa damit niya. REGINA: (Iiling) Ang buhay nga naman. ANA : (nagpapahid ng matang isasauli ang basahan sa lababo.) Mabuti pa sigurong Hindi tayo umalis sa Gagalangin, Regina. Siguro, kung Hindi tayo lumipat dito- REGINA: Sino ang makaaalam na dito siya magkakaganyan? ANA : Bakante ngayon ang itaas ng bahay doon. REGINA: (nagpapaliwanag): Hindi ba dahil sa mga bata kung kaya tayo umalis sa Gagalangin? Gusto mo rin namang tayo'y umalis doon nang lumalaki na ang mga bata,di ba? At nang malapit pati sila 'ka mo ng eskuwela. Naisip kong umutang nga tayo at ipatayo natin ang "apartment" na ito- unang-una'y dahil diyan ang malayo nga sila doon. Pinaupahan na lang natin ang bahay doon. Hindi ba't mas nagustuhan naman dito ng mga bata? Mas tahimik dito, Hindi siksikan, mas- ANA : Oo nga, Regina. Pero - REGINA: Dahil sa pagtanda nati'y wala naman tayong makakasama- patay na rin lang ang ating mga magulang- naisip kong maaari na tayo dito. May apat na pinto tayo dito, tamang-tama, 'ka ko. Magkaasawa man ang mga bata, magkaanak man sila, Hindi rin tayo magkakalayu-layo. Tig-I-tig-isa 'ka ko sila ng pinto- isa kay Aida, isa kay Ben, isa sa ating dalawa. Hindi tayo magkakawalay-walay. Ganyan ang naisip ko noon, Ana. ANA : Aywan ko, Regina, pero kung minsan nga'y naiisip kong kahit yata saan tayo pumunta, sinusundan tayo ng trahedya. REGINA: Hindi naman sa tayo'y sinusundan, Ana. (kukunot ang noo). Mabuti pang sabihin mong dahil sa mga pagkakataon, o dahil sa mga kondisyon ngayon. Ibang-iba na talaga ngayon. Aywan ko rin, Ana. Aywan ko. ANA : (Pagkaraan ng ilang saglit, malumanay na) Naubos na nga pala ang gamot ni Aida, Regina. Iyong " tranquilizer". REGINA: Magpabili tayo. Sino ba'ng ating pagbibilhin? Si Tony? ANA : Pabilhin mo na't gabi na. Malapit na sigurong mag-alas- nuwebe. REGINA: Gabi na pala. ANA : Akala ko ba'y napapagod ka ? REGINA: (tatawag) Tony! TONY : (sa itaas): Sandali po! Ikinakabit ko lang itong "daylight". ANA : (nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, may binibilut-bilot na sinulid ng basahan ang daliri): Ano ba ang napapansin mo kay Aida? REGINA: Ano'ng napapansin? ANA : May pagbabago ka bang nakikita ? Hindi ba parang lumalala? REGINA: (bubuntung-hininga) Ang sabi naman ng doktor ay may "shock" pa siya hanggang ngayon. Totoo raw nasindak si Aida. ANA : Kung sabagay. Medyo nawawala na ang mga marka ng dagok sa kanyang mga pigi. Talaga sigurong Hindi ka makakabangon kapag dinagukan ka roon. Iyon namang sugat at galus-galos, magaling na. Ang ikinatatakot ko'y ang kanyang nerbiyos. Lalo siyang nagiging nerbiyusin yata. Lagi kaya niyang naaalala ang nangyari sa kanya? Ganoon ba iyon? Hindi ba- may naloloka sa ganyan? REGINA: Hindi naman siguro, Ana. Mahusay ang gamot na ibinibigay sa kanya ng doktor. At sabi sa ospital, magaling daw ang "psychiatrist" na tumitingin sa kanya. Talaga raw isa sa pinakamahusay dito sa Pilipinas, sabi sabi rin Tony. ANA : Naaalala ko kasi iyong kapitbahay natin sa Gagalangin. Iyon bang anak ng kapitan na dinadala sa V.Luna at ipina-e-"electric shock". Namumuti raw talaga at umiikot ang tau-tauhan ng mata. Bumubula ang bibig. Pero iba naman siguro iyon. REGINA: Tiyaga, tiyaga ang kailangan natin, Ana. Kaya hahabaan ko ang aking bakasyon. ANA : (Maliwa-liwanag ang mukha): Mahusay siguro iyong likidong "tranquilizer" na inihahalo ko sa pagkain niya. Biro mo, iyong tira niyang pagkain, sinubok kong ipakain kay Sultan noong isang araw. Nakatulog ang pobreng aso. REGINA: Iyon naman daw ang kailangan, sabi ng doctor- ang humupa ang kanyang nerbiyos. ANA : Ibinigay ni Tony kay Aida nag maliit niyang ponograpo. REGINA: Sa Linggo ang punta dito uli ng doktor. Malalaman natin sa kanya kung kailangan pang ipasok sa ospital si Aida o Hindi. (Maalala) Si Tony nga pala, iyong gamot. (tatawag) Tony! Di ibinigay ba ang kanyang "turntable"? (mananaog si Tony, payat, di-nasusuklay ang buhok, lampas sa karaniwan ang taas, habaan ang mukha, nakasalamin at mukhang matanda kaysa tunay gulang. Lumang pantalon at maluwang ang manggas na polo sert ang suot. May dalang plais at "tape" sa kordon.) REGINA: Bumili ka ng gamot, Tony. Nasa tokador iyong pera. TONY : Opo. ( Ililigpit sa may ilalim ng hagdan ang plais at pandikit, pupunta sa repriheradora at kukuha ng inumin. Tiyak at tila laging pinag-iisipang lagi ang kilos.) Nauuhaw si Aida. ANA : (pagkapanhik ni Tony, naghihinala): Ilang beses ko nang napapansing lumalabas ng gabi ang Toning iyan. Di mo ba napapansin? REGINA: Hindi. ANA : Iyong lagay na iyon siguro'y palakad na. REGINA: Ugali lang talaga niyan ang maglakad. Di nga ba sabi mo kangina'y palaisip? ANA : Oo nga. Pero gabing-gabi na kung umuwi kung minsan. Susi ang ginagamit. REGINA: Baka naman nagpupunta lang sa kaklase niya riyan sa kabilang kanto? ANA : (kukumpas): Aywan ko. Si Ben ang tanungin mo. Sila'ng magkakuwarto. Kaya lang, nag-aalala ako. Alam mo na ngayon, baka makatuwaan iyan. (Isang sasakyan ang hihinto sa tapat ng "apartment". Maririnig ang pagkalapak na pagsasara ng pinto nito, ang pagkahol ng aso). REGINA: (kay Ana): Sa atin ba iyon? (May babatinting sa pintuang bakal). ANA : Tingnan mo nga Benjamin.(Lalabas si Ben. Sa may "gate" maririnig ang boses-matandang tanong na " Nariyan ba si Mrs. Calderon?" at ang mababa at pagak na "Opo, sino po sila?" ni Ben. Nakatayo sina Regina at Ana sa tabi ng mesa, nakatingin sa labas). ANA : (Makikilala ang dumating) Si "mayor", Regina! May kasama. REGINA: (magugulat) Ano kayang kailangan? ANA : (kinakabahan) Baka-aayusin ka. BEN : (papasok) Gusto raw kayong makausap, Inay. ANA : Bakit daw? BEN : Aywan ko po. REGINA : (pagkaraan ng pagbabantulot) Papasukin mo. (Lalabas si Ben). ANA : (Kay Ana) Anong ayos-ayos. (Papasok ang alkalde, maitim, katamtaman ang taas, may katabaan, hagod sa batok ang tintina at walang partidang buhok,may mahigit nang 50 taon, naka-polosert na guhitang pula, bukas ang butones sa itaas. Kasama niyang papasok ang isang naka-"polo-barong" na lalaki, may kaputian maliit, mataas ang gupit, naka salamin, parang nakaismid, at ang mata'y nag-uusisa agad sa pinasok na "apartment"). ALKALDE: (itataas ang kaliwang kamay, bahagyang yuyukod) "Good Evening". REGINA: Magandang gabi ho naman. ALKALDE: Napasyal kami, Misis. REGINA: (bantulot na ituturo ang upuan) Maupo kayo. ALKALDE: (bago maupo) Misis, ang kasama ko nga ho pala'y si Konsehal Collas, Atty. Collas. (Bahagyang tatango ang konsehal. Mauupo sila. Mananatiling nakatayo si Regina. Nasa silid-kainan si Ana, nakahilig sa barandilya ng hagdan si Ben). ALKALDE: (nakatingin kay Ben): Anak ho ninyo? REGINA: Oho. ALKALDE: (humahangang nakatingin kay Ben) Guwapo. At listo. Listong bata. Hindi basta nagpapasol. (Mahihiyang pupunta si Ben sa silid-kainan at doon mauupo, kasama si Ana. Mapapansin ng Alkalde na nakatayo si Regina). Maupo naman kayo, Misis. Kami ho naman ni Konsehal ay ngayon lamang napadalaw dito sa inyo. KONSEHAL: Siyanga naman, Misis. (Mauupo si Regina). ALKALDE: (lilinga-linga) Magandang "apartment" ito, a. Tingnan mo ang "Japanese Painting" nila, konsehal. Di ba ganyan ang nakuha mo sa Tokyo? KONSEHAL: Masinop ang " apartment" nila, "Mayor". ALKALDE: Ito ang sasabihin ng "comadre" mo na "Cozy". (Kay Regina) Malaki siguro ang upa ninyo, Misis sa "apartment" na ito. REGINA: Sa amin ho ito, inaakupa lang namin ang unang pinto. ALKALDE: (tatawa) Dispensa, Misis! Dispensa. "An honest mistake". Tingnan mo nga naman, konsehal, sa kanila pala ito. KONSEHAL: "Must have gotten a loan from the GSIS". (Mananaog si Tony, magugulat pagkakita sa Alkalde, pagkaraa'y parang walang nakitang tutungo sa komedor upang kunin ang sapatos, mananatili siya sa komedor. Samantalang nakatingin sina Ana at Ben sa nag-uusap, ipapatong niya ang mga kamay sa mesa, nakakunot-noong kakatuk-katukin ang daliri ang salamin niyon. Manaka-naka lamang siyang lilingon sa sala). ALKALDE: (nakatingin kay Tony) Anak din ninyo, Misis? REGINA: Siya ho ang panganay. ALKALDE: Marunong na tipo. "Scholarly type," wika nga. "Law" siguro ang kinukuha, Misis? REGINA: (kangina pa nagtitimpi) A.B. ho, sa UP ALKALDE: (magugulat) UP! Taga-UP rin pala konsehal. Pareho kayo. Ako ho, Misis- bakit ho ba nasasabi ito'y Hindi naman naitatanong?- ay sa Francisco Law College lamang ang gradwado.(Tatapikin sa balikat ang konsehal) Walang kuwentang eskwelahan. Kung sabagay, doon nagtapos si Carlos P.Garcia, ha, konsehal? (Magtatawanan sila). Buweno, buweno, ang ibig kong sabihi'y isa sa mga Hindi natupad na ambisyon ko iyang makapag-aral sa UP. Marunong ang anak ni Misis, konsehal. KONSEHAL: Maestra kayo, Misis,a - "Calderon"? REGINA: Oho. ALKALDE: Saan naman kayo nagtuturo? REGINA: Sa Torres High School, sa Maynila. ALKALDE: (magugulat) Paano ho naman ang nangyari't dito kayo- REGINA: Narito ang aming "apartment". May bahay kami sa Gagalangin pero pinauupahan namin. "Grocery" ang silong. KONSEHAL:Mukhang "familiar" sa akin ang "Calderon". Saan kayong probinsiya, Misis? REGINA: Lehitimo ho akong taga-Maynila. Ang Mister ko ho'y taga- Nueva Ecija. KONSEHAL: " You are now a - - widow?" (tatango si Regina). ALKALDE: Buweno, kami ho'y medyo ginabi, Misis, dahi sa nanggaling pa kami sa "squatter area" diyan sa may "highway". (Nakatawang iiling) "Wise" din naman ang mga lider niyon ngayo't alam na eleksiyon sa Nobyembre ay saka magrerepresentasyon sa akin, huwag ko raw silang ipatapon. May nakikiusap na riyan , may umiiyak na diyan, at ako naman (kukumpas) mahabagin nga siguro ako ay wala nang magawa. Paano ka pa makakatanggi niyon? REGINA: Marami ring botante roon, "Mayor"? ALKALDE: Ha-ha-ha! Hindi naman, Misis, Hindi naman! Ang lagay naparaan nga kami roon, kaya ginabi kami sa pagsasadya sa inyo. REGINA: (titingnan siya ng tuwid): Para ipaurong sa akin ang demanda, "Mayor?" ALKALDE: (magkikibit-balikat): Para - - para tayo'y magkausap. KONSEHAL: (magsisindi ng sigarilyo): Ang totoo niyan, Misis, si "Judge" Joaquin ang nagmungkahing magkausap kayo, na kung ako ang tatanungin, ay siyang pinakamabuti ninyong gawin. Iyan naman ang sinabi ng inyong "compadre", di ba, "Mayor"? REGINA: Mahusay pala kayong magpalaman sa mga salita, konsehal. ALKALDE: (maagap): Misis, kami'y naparito, unang-ana'y para magdiskargo. Alam kong mabigat itong aming inilalapit sa inyo, kaya naman ako'y makumbabang naparito sa inyo upang- upang wika nga'y ihingi ng tawad ang ginawa ng aking anak. REGINA: (susukatin siya ng tingin): Akala ba ninyo'y makukuha sa paghingi-hingi ng tawad ang ginawa ng inyong anak? ALKALDE: (iiling, nakangiti): Alam ko, alam ko, Misis. REGINA: Ganoon pala'y bakit Hindi natin ipaubaya sa husgado? ALKALDE: Si Misis- - REGINA: Kayo ba'y may anak na babae, "Mayor?" ALKALDE: (nakangiti pa rin) Alam ko ang itatanong ninyo. Mayroon. Tatlo. Paano kung isa sa kanila ginawa iyon? ( Nakangiting, maiiling ang konsehal). REGINA: Paano kung ang pinakamamahal ninyo sa tatlong anak na iyan ay ginahasa ng aking anak? ALKALDE: Natural namang mararamdaman ko ang katulad ng nararamdaman ninyo ngayo, Misis. REGINA: Hindi ko itinatanong kung ano ang mararamdaman ninyo. (Malakas) Ano ang gagawin ninyo? (Kukumpas sa kawalang-maisagot ang alkalde. Sa itaas, tatawag si Aida, "Inay, Inay!)" Tatahimik ba kayo? Magdedemanda ba kayo? Ano ang gagawin ninyo? Kung sabagay, sino nga ba naman ang matapang na mangangahas na - "mayor" kayo. Pero halimbawang kayo ang nasa katayuan ko? KONSEHAL: (sasaluhin ang alkalde) Sa ganitong anggulo natin tingnan, Misis, umabot na rin lang sa ganito. Malinaw kong nakikita ang inyong punto. Ngayo,y kauumpisa pa lamang nang kaso. Di ba ninyo inaalala ang inyong anak? Kung itutuloy ninyong talaga ang demanda, ang kauna-unahang gagawin para mapatunayang ginahasa siya ay ang ipaeksamen siya. Hindi mo maiaalis sa abugado ng kabila na hingin iyan, ipaeksamen siya. ALKALDE: (sasang-ayon) Kawawa rin ang inyong anak. Ang ibig kong sabihi'y- REGINA: (sa konsehal): Para patunayan kung siya'y ginahasa o Hindi? KONSEHAL: (iduduldol sa "ash tray" ang sigarilyo) Para patunayan kung siya'y ginahasa o Hindi. REGINA: Kung Hindi kayo kumbinsidong ginahasa nga ang aking anak ay bakit narito kayo? ALKALDE: Para - - para huwag na ngang umabot diyan,Misis. REGINA: Legalismo ninyong mga abugado! KONSEHAL: Wala tayong magagawa, Misis. (Bahagyang tatawa) Ganyang talaga. REGINA: Tusuhan, patalinuhan, pasinungalingan, diyan, diyan, kayo magaling! KONSEHAL: Sa ilalim ng batas, walang kasalanan ang isang Tao hangga't Hindi siya napapatunayang nagkasala. REGINA: Magandang dahilan ninyong mga abugado! KONSEHAL: Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Hindi ba ninyo inaalala ang kanyang kinabukasan? Sa kasalukuya'y Hindi pa masyadong bulgar ang nangyari per--- REGINA: Mababando rin na ang anak ng "mayor" ang gumahasa sa kanya! KONSEHAL: (ngingiti-ngiti): Hindi kayo praktikal, Misis. REGINA: Anong Hindi praktikal? KONSEHAL: Halimbawa nang napatunayang nagkasala ang anak ni "Mayor"- halimbawa lamang iyan- halimbawa nang napatunayang nagkasala siya, na aywan ko kung kailan, siguro'y tayo na rin mismo ang maiinip - ano naman ang inyong makukuha? REGINA: Hustisya. KONSEHAL: Hustisya. (Iiling) Ang tingnan ninyo'y ang panig ng inyong anak. Iyan ang isipin ninyo. REGINA: (nagpupuyos): Halos labingwalong taon mong pinalaki, inalagaan, kung maaari'y ipakatagu-tago mo, pinakaingat-ingatan mo, at pagkatapos, pagkatapos, nag-aabang lamang ng bus na pauwi galing sa eskwelahan ay bigla na lamang aagawin ng anak ninyo, dadalhin sa motel, sasaktan doon, paglalaruan, pag-aaliwan! Isasakay sa taksi, pauuwiin, halos Hindi makagulapay. At pagkaraan niyan, pagkaraan niyan paparito kayo sa aki't sasabihin ninyong ako'y maging praktikal! KONSEHAL: (namamayapa) Nariyan na tayo, Misis, nariyan na tayo. REGINA: Hindi babaing damputin ang anak ko. Makakaalis na kayo. Hindi ko iuurong ang demanda. Kung sa inyo ang sinasabi ninyong huwes, sasabihin ko sa aming abugadong hilinging malipat sa ibang huwes. KONSEHAL: (banayad) Hindi rin ganyan lamang iyan, Misis. Saan at kanino ililipat? Dito rin. Ngayon, sino sa mga huwes dito ang kaalyado ni "Mayor"? Kung nakapagme-"mayor" siya ng labingdalawang taon, malamang pang maging labing-anim.


Talambuhay ni Ferdinand Marcos?

Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging pangulo ng bansa, Hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa upang mapanitili niya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon. Siya ang Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan.Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng Mataas ng Paaralan noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis.Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas.Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo.Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado.Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Nakasama siya sa Martsa ng Kamatayan at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng digmaan sa Kuta Santiago at Capas, Tarlac. Naging meydor siya bago bumalik sa sibilyang buhay.Nagsimula ang kanyang pagpasok sa pulitika nang matapos ang digmaan. Kumandidato siya sa pagka- kongresista ng Ilocos Norte at siya ay nanalo. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin.Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa kongreso. Dito niya nakalapit si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda. Sa pamamagitan ni Daniel ay nagkakilala sila ni Imelda na naging Miss Manila (Ginang Maynila). Sinasabi na naging makulay ang pag- iibigan Nina Ferdinand at Imelda. Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo 1, 1954. Sina dating pangulong Ramon Magsaysay ang nagging ninong nila sa kasal. Tatlo ang kanilang naging anak, sina Imee, Ferdinand Jr. at Irene.Hindi na napigil ang pag- imbulog ni Marcos sa larangan ng pulitika. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 at senador naman noong1959. Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas. Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, "Magiging Dakilang muli ang bansang ito!"Totoo sa kanyang slogan, pinangatawanan ni Marcos ang pagbangon sa bansa mula sa mahirap na kalagayan nito. Nahaharap noon ang bansa sa malalaking suliranin tulad ng kakapusan ng salapi para sa edukasyon , tanggulang bansa, mga pagawain at para sa kalusugan. Gayunman, nakapagpagawa siya ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice.Ang mga magsasaka ay nabigyan ng mga kaalamang teknikal ukol sa modernong pagsasaka. Marami rin siyang naipagawang mga kalsada, tulay at School building. Nilabanan niya ang smuggling at sinimulan ang pakikipaglaban sa mga NPA.Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom. Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at eskandalo.Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Tulay ng Mendiola.Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang Partidong Liberal o Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile.Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973.Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit Hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno.Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang Imaelda Marcos at ng mga anak nito. Marami ang nagsasabi na sa nararamdamang kahirapan ng bayan ay Hindi na dapat namumuhay ang Unang Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa.Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao. Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.Gayunman ay Hindi nawala ang takot sa mga mamamayan. Maraming mga opisyal ng pamahalaan at mga military ang kinatakutan ng mga tao adahil umabuso sa kapangyarihan. Lalong nagging mahigpit ang militar sa karapatang pantao. Ipinasara ang mga palimbagan ng diyaryo at magasin pati na ang mga istasyon ng radio at telebisyon. Wala nang maririnig sa radyo at telebisyon ay pawing mga papuri sa gobyerno.Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos.Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay Hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa.Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People's Power na nagpatalsik kay Marcos.Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay t inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.


Buod ng luha ng buwaya?

Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona. Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay Hindi na nagbalik pa sa Maynila. Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong. Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka. Samantala'y nalinis at naayos Nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande. Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila. Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang Tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande. Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong. Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung Hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw. Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa Hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni sedes kay Bandong. Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang maatake. Si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya. Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa Hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga bata. Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.


Mga pangkat etniko na matatagpuan sa luzon?

elow ako c JasminePangkat etniko sa LuzonAetaMatatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May iba't iba silang pangalan sa iba't ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Ibuked naman ang tawag sa mga aetang nakatira nang malayo sa mga kapatagan. Sa Kofun, Diango, Paranan at Assao sa Cagayan, Ugsig at Aita ang tawag sa kanila. Sa Palawan, Batak ang tawag sa kanila. Sa Silangang Quezon, Rizal at Bulacan, Dumagat ang tawag sa mga Aeta.Nawala na ang orihinal na wika ng mga Aeta dahil inangkin na nila ang wika ng mga tagakapatagan na kanilang nakakasalamuha. Hindi pa rin naalis sa kanila ang kultura ng pangangaso at paghanap ng mga pagkain mula sa mga halaman sa kapaligiran. Bihasa rin ang mga babae at batang Aeta sa tradisyunal na paraan ng pangingisda gamit ang sima, bitag, lambat at sibat.Pulut-pukyutan ang espesyal na pagkain para sa mga Pinatubo Aeta at Ibuked Ayta. Kumakain din ang mga Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na pukyutan at ng latak na nakukuha sa bahay ng pukyutan.Pamilya ang pangunahing yunit ng lipunang Aeta. Gayunpaman, tinutulungan din ng pamilya ang kapamilyang namatayan ng asawa. May pantay na karapatan ang kanilang mga anak at mahigpit ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Isa lamang ang asawa ng bawat Aeta. Bawal sa kanila ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ngunit pinapayagan ang ilan na magpakasal sa pinsang buo matapos ganapin ang ritwal na "paghihiwalay ng dugo."Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemang pulitika ng mga Aeta. Ang mga iginagalang na pangkat ng matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamayanan. Ang kinikilalang batas ay yaong nabuo mula sa tradisyon.Naniniwala ang mga Aeta na may mga ispiritu ang lahat ng mga nasa kapaligiran tulad ng ilog, dagat, bundok at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kanilang iginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol ng puno kung Hindi rin lamang kailangang-kailangan. Naniniwala silang iniinsulto ang ispiritu ng kalikasan kapag inaaksaya ito.TinguianMatatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.TagbanuaNaninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso.Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.MangyanNaninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.May iba't ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.IfugaoSa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.KalingaMatatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.ItawesMatatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawes sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit nilang wika.Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.GaddangTinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay ang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda, pangangaso at pagtitinda.Kankana-eyAng mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May dalawang pangkat ang Kankana-ey sa Mankayan, Bakun, Kubungan, Buguias at sa mataas na bahagi ng Benguet. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey. Kapwa sila kayumanggi, kadalasang may mga tatu, may malalaking mata at mauumbok na pisngi.Mga magsasaka ang mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin sa gilid ng mga bundok. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.Walang pormal na pamunuang pulitikal ang lipunang Kankana-ey. Ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.IlongotNangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan.IbaloyAng mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan.Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod.IsnegKilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.IvatanMga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy.Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.Pangkat-etniko sa MindanaoMaranaoMay sariling relihiyon at kultura ang mga Muslim. Pagtatanim, pagtrotroso, pangngisda at paggawa ng mga Industriyang pangtahanan ang nagbibigay sa kanila ng ikinabubuhay. Sila ay marunong magmina, manisid ng perlas at gumawa ng bangka o vinta.Nagkakaiba man ang wika kasuotan, paniniwala at paraan ng paghahanapbuhay, ang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay may isang damdamin kung pagpapayaman sa kultura ang pag-uusapan. by Jobelle E. Selga. BSU (Grade 2)Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao - Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang mga silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.Buo pa rin at Hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.T'boliSa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.Nagpapalagay rng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.TausugKinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.BadjaoAng pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. ito ay pawang katotohanan.SubanonAng mga Subanon ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala silang sa iisang ninuno lamang sila nagmula.CuyunonAng mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Español na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya.BagoboMatatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi.YakanNagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang "haring" palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay.Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at habdang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayag dito ang lalaki.Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng pantalon ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang maong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang baywang.ihiyon at kultura


People also asked