answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang kasaysayan ay pagsusuring ulat batay sa mga pangyayaring naganap ng iba't- ibang panahon. Ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ay:

Upang maunawaan natin ang mga nangyari sa nakaraan. Pagpapahalaga sa ating kasaysayan nang sa gayon ay lumawak ang ating kaalaman tungkol sa nakaraan. Lumalawak din ang ating pangunawa upang maliwanagan tayo at maharap natin ang hinaharap o ang kasalukuyan ng tama at walang pag-aalinlangan.

Isa sa kahalagahan ng kasaysayan ay ang pagkakaroon natin ng kaalaman tungkol sa mga kaganapang nangyari noon at ang mga bagay na ating napagyaman sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Ang kaalaman sa ating kasaysayan o pinagmulan o pangyayari noong mga nakalipas na panahon ay tumutulong sa pag-unlad ngayon. Napapag-aralan natin kung saan tayo nagkamali at maari nating maayos na ay maari nating pag-ibayuhin o i-develop para mapakinabangan o mapagbuti. Kung ano tayo ngayon ay may malaking epekto mula sa ating kasaysayan.

Mahalagang pag-aralan ang kasaysayan. Mula sa kasyasayan,nalalaman ng mga tao ang mga pangyayaring naganap sa bansa sa iba't-ibang panahon. Nauunawaan ang mga impluwensyang dulot sa ng pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang tao sa ibang bansa. Gayundin,nauunawaan kung paano nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao ang ginawang pananakop ng mga iba't-ibang dayuhan sa mga iba't-ibang bansa.

User Avatar

Wiki User

11y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

11y ago

sa mag aaral ang kasay sayan ay mahalga sa tao tulad mo nag babasa :PPP

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ba ang kahulugan ng kasaysayan?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp