answersLogoWhite

0


Best Answer

1. Mapanuri
-
Bago bilhin ang isang produkto, matiyagang sinusuri ang lahat ng bahagi ng isang produkto. Pinag-aaralan ang sangkap, presyo, timbang, at expiration date ng produkto at inihahambing sa iba upang malaman ang kapakinabangang makukuha.

2. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo
-
Ang kalidad ng produkto at ang kapakinabangan na matatamo sa pagbili ng produkto ang isinasaalang-alang at hindi ang pag-aanunsiyo ng produkto, kung saan kilalang tao ang ginagamit sa pag-eendorso.

3. Hindi Nagpapadaya
-
Sa panahon ng kahirapan at kahigpitan, maraming negosyante at nagtitinda ang nakaiisip na manlamang ng kapwa. Laganap sa pamilihan ang pandaraya sa sukli, timbangan, at kalidad ng produkto. Ang matalinong konsyumer ay laging alerto, mapagmasid, aktibo, at handa na labanan ang mga maling gawain ng mga tindero at negosyante.

4. Makatwiran
-
Mahalaga ang bawat sentimo ng ating pera, kaya sinisiguro ng bawat konsyumer na kapaki-pakinabang ang mga binibiling produkto. Masusing tinitignan ang kalidad at presyo ng bawat produkto dahil sa limitado ang badyet sa pamimili. Iniisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagpili at pagbili ng produkto.

5. May Alternatibo
-
Ang kakulangan ng supply ng produto ay nararanasan sa pamilihan, kaya minsan, ang dating binibilingprodukto ay hindi na mabibili. Minsan, ang kita ng tao ay di-sapat para bilhin ang isang produkto. Sa ganitong sitwasyon, ang konsyumer ay kailangang marunong humanap ng alternatibong produkto na makatutugon din sa pangangailangan. Halimbawa, kung ang dating binibili na isda ay kulang ang supply sa pamilihan, hahanap ka ng kapalit nito.

6. Sumusunod sa Budget
-Alam natin na dumadagsa ang mga konsyumer kapag may midnight sale, buy one, take one promo, at mga give away na produktodahil ang ganitong sitwasyon ay makakatulong sa kanilang budget. Hindi siya nagpapadala sa anunsiyo at popularidad ng produkto na may mataas na presyo. At hangga't maaari ay iniiwasan ng tao na mangutang para pantustos sa kanyang pamimili.

7. Hindi Nagpa-panic Buying
-
Ang matalinong konsyumer ay hini nababagabag sa artipisyal na kakulangan ng mga produkto sa pamilihan. Alam niya ang ganitong kalagayan ay pansamantala lamang na umiiral.

~ Kayamanan IV (Ekonomiks)
Imperial, Antonio.


User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar
User Avatar

Albert Stanley Lim

Lvl 1
3y ago
Salamat Nakaka tulong ito!! -AlbertstanleyA.lim
More answers
User Avatar

Wiki User

12y ago

1. Matiyaga Magturo

2. Nagpapatupad ng sariling patakaran

3. Nagbibigay araw-araw ng takdang aralin

4. Ayaw may kasabay sa pagsasalita

5. Hindi nagkokonsidera

6. Mabilis at Malabo magturo

7. Bihirang lumiban sa mga klase

8. Hindi nag Papapasok ng huli

9. Pantay ang pagtingin sa mga estudyante

10. Istrikto sa kaayusan ng klase

I just found it when I was also looking for characteristics of strict prof. which is same with what you're looking for. goodluck :)

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang tungkulin ng mga guro?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp