answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang sagot sa bugtong ng Maitim na parang alkitran pumuputi kahit Hindi labhan?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Types of project evaluation?

mama asi te aap a labhan day wan.....


Hakbang sa paglalaba?

1. ihiwalay ang puti sa de kolor 2. unahin labhan ang maputing damit 3.sa paglalaba malinis na nakusot ang mga parte ng damit na madumi, katulad ng kwelyo, manggas, at sa iba pang parte ng damit 4.matapos ang puti saka isunod ang de kolor 5.siguruhing ikusot ng malinis ang de kolor 6. banlawan una ang puti bago ang de kolor hanggang mawala ang sabon 7. isamplay ng maayos ang damit 8. pagkatuyo ligpitin ang damit at itiklop ng maayos


Ano ang tungkulin ng aliping saguiguilid?

gumamit ng panoxylAnother Answer:Huwag kumain ng mga mamantikang pagkain (proven fact)Huwag hawakan ang mukha kung hindi siguradong malinis ang kamay (proven fact)Huwag titirisin ang tigyawat lalong mamamaga at maiimpeksyon at para maiwasan ang pag-iwan nito ng peklat na mahirap alisin.Maghilamos gamit lang ang mild soap.Huwag gumamit ng mga gamot o anumang produktong hindi inireseta ng doktor o kaya'y hindi sigurado sa kalalabasanHuwag magpuyatAnother Answer:First thing to do is go to your dermatologist.pabayaan lang wag gagalawinpag acne bulgaris na talaga o kin disease na magpakonsulta muna sa dermatologist, pero pag di pa naman bawasan ang pagkain ng mamantika at matatabang pagkain, dagdagan ang fruits and vegetables sa pagkain, wag din kalimutang maghilamos bago matulog at uminom ng 8 glasses ng tubig araw araw.ang kalamansi ay makakatulong sa pag papa alis ng tagyawat.ipahid lamang ito sa iyong muka,kung ito ay mahapdi dampiaan lamang ng bulak.isa ring paraan ng pag tatangal ng tigyawat ay ang pag papakulo ng mainit na tubig at ihaplos sa iyong muka...alam mo dont worry! wag nyo lang gala-galawin atska kpag first ments nyo ung panti mo labhan mo pero wag mong pigain ng husto kasi sasakit ang tiyan mo at pagkatapos ipunas mo sa mukha mo..and thats true..gumamit ng panoxylAnother Answer:Huwag kumain ng mga mamantikang pagkain (proven fact)Huwag hawakan ang mukha kung hindi siguradong malinis ang kamay (proven fact)Huwag titirisin ang tigyawat lalong mamamaga at maiimpeksyon at para maiwasan ang pag-iwan nito ng peklat na mahirap alisin.Maghilamos gamit lang ang mild soap.Huwag gumamit ng mga gamot o anumang produktong hindi inireseta ng doktor o kaya'y hindi sigurado sa kalalabasanHuwag magpuyatAnother Answer:First thing to do is go to your dermatologist.Bumili ka ng dalacin C sa mercury drugs at saka eskinol tapos ihalo mo ung dalacin c sa eskinol, tanggalin mo sa capsule ung dalacin c ung mismong laman ng capsule ang hahalo mo sa eskinol tapos pwede mo nagn ipahid sa mukha..effective un kasi na try ko na.sagpaAno ang gamot sa pimples1. Iwasang pisain ang pimples. Ito ay nagiging dahilan ng infection at nag iiwan ito ng peklat.2. Gumamit ng skin-care product na bagay sa tipo ng iyong balat - Kasi ang samasamang hormonal activity, bacteriang naiipon sa mukha at shedding of dead skin cells nagiging dahilan ng pimples. Kung maging ugali mo ang maglinis ng mukha gumamit ng mga skin-care product na bagay sa tipo ng balat mo ay maiiwasan ang pimples.3. Maaaring umabot ng isang buwan bago tuluyang maalis ang pimples mo lalo na kung iiwasan mong pisain ang mga ito.4. Gumamit ng clay mask dalawang beses sa isang linggo, mabisa ito lalo na kung prone ka sa pimples5. Kung hindi mo maiwasang pisain ang pimples mo. Siguraduhin mong malinis ang kamay mo.6. Gumamit ng gamut sa pimples na may benzol peroxide. Iwasan mo lang whag malagyan ang paligid nito na walang pimples.7. Iwasang kumain ng malalangis na pagkain.8. Ugaliing uminom 1. 5 liter ng tubig araw-araw. Makakatulong ito para ma hydrate ang balat mo.9. Gumamit ng oil-free cosmetics10. Ugaling alisin ang make-up at maglinis ng mukha mo bago matulog11. Iwasan ang mga produktong matatapang sa mukha.12. Iwasan maglagay ng foundation kung may acne ka sa mukha13. Siguraduhing malinis ang mga brush na ginagamit mo sa pag-lalagay ng make-up.Another answer:..para maalis ang nakakairitang 'PIMPLES' juzt make sure na malinis lagi ang mukha nyo ito ang tips para mawala ang 'PIMPLES'..;MAGHILAMOS NG MALIGAMGAM NA TUBIG;;PAGKATAPOS GUMAMIT kayo NG SABON NA ANTI-BACTERIAL; LIKE''' 'SAFEGUARD WHITE''', '''''KATIALIS SOAP''' AFFORD NYO NAMAN ANG KATIALIS SOAP MABIBILI NYO LANG SA MGA BOTIKA AS LOW 45pesos, KAYA '''''SULFUR SOAP'''' AS LOW 30pesos;wag nyo agad banlawan yung sabon ibabad nyo muna sa mukha nyo kahit 5-7 minutes..;after 5-7minutes banlawan nyo na ng maligamgam na tubig...;pagkatapos na banlawan wag nyo munang pupunasan stay nyo muna sa face nyo ung maligamgam na tubig...? para mainitan ung mga pimples para madaling mag dry ung pimples....?pagkatapos magpahid kayo ng'''calamansi'''' para mas lalong mag dry agad ung mga pimples nyo..? wag nyo babanlawan stay nyo lang sa face nyo..? maglagay kayo ng ''''calamansi''' sa face nyo 2 times a day para effective talaga..? maglagay kayo sa umaga hanggang tanghali..? gabi hanggang umaga..?but dont worry hindi naman magpepeklat ung mga pimples nyo pag gumamit kayo ng ;'''calamansi'''' mas kikinis pa nga mukha nyogawin nyo lang tong mga tips koh im sure effective talaga..? trust me..Another Answer:panoxylAng mas magandang gamitin ng pimples ay eskenol na liquid.Maraming dahilan kung bakit nagkaka-pimples pero karamihan dito ay sanhi ng pagbabara ng pores sa mukha sanhi ng dumi o natural na langis ng ating balat.Maari ring ang dahilan nito ay ang klima, hangin o dumi (buhangin) sa Saudi na may ibang reaksyon sa iyong balat. Mas mabuting gawin ay palaging maghilamos bago matulog o kung maaari ay kahit nasa opisina.Kung ikaw naman ay nagpalit ng sabon maari ding hinde ka hiyang kaya kung maghihilamos ka ay subukan mo munang maligamgam na tubig lang at walang sabon. Gawin ito ng 1 linggo at tingnan kung bahagyang mawawala ang mga pimples.


Buod ng Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg?

Ang kwentong ito'y tungkol sa pagkakaroon ng lamat ng kawalang-malay ng mga batang si Ariel at Cleofe. Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho silang nag-aaral kasama pa ng ibang bata sa isang maliit na gusali sa may dakong timog ng kanilang nayon at marami silang pangarap. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit ang kanilang mukha. Magtataka ang batang babae at tatanungin ang batang lalaki kung makikita nga ba ang mukha sa langit at sasagutin ito ng batang lalaki ng bakit hindi sapagkat ang langit daw ayon sa kanyang itay ay isang malaking salamin. Pagkaraan tumingin ng matagal sa langit sila'y parehong makakatulog at magigising na lamang sa tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising; kung minsan naman ay ang batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, ay kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang tainga ng natutulog. At ang natutulog naman ay magigimbala sa kanyang pagkakahimbing at pagkarinig na siya'y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila'y maghahabulan sa damuhang iyon hanggang sa mapagod at sila'y muling babagsak na naman sa damuhan sa kapaguran, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan. At kapag sila naman ay nagsasawa na sa looban ay sa dalampasigan naman sila pupunta kung malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi, naghuhukay ng hilamis sa talpukan, o kaya'y gagawa ng kastilyong buhangin, o kaya'y nanunugis ng mga lamang-dagat na nagtatago sa ilalim ng buhangin. Ngunit hindi lang yon ang kanilang ginagawa: naghahabulan din sila dito at kapag napagod na ay mahihiga rin sila sa buhanginan, tulad ng ginagawa nila sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi ay nagkakatinginan sila. Minsan ay naitanong ng batang lalaki sa batang babae ang tungkol sa tumutunog sa kanyang dibdib at kung ito'y kanya bang naririnig. Nagtaka ang batang babae at bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. Inilapit nito ang kanyang tainga sa dibdib ng batang lalaki, dumadait ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang halimuyak ng kanyang buhok. Nakangiting sinabi ng batang lalaki sa batang babae na mabango pala ito. Sinabi ng batang babae na hindi naman daw siya nagpapabango at lumupasay ito sa tabi ng nakahigang kalaro. Sinabi niya pa na paglaki pa raw niya ay saka lamang siya magpapabango dahil yon ang sinabi ng kanyang nanay. Tinanong ng batang lalaki kung narinig ba ng kalaro ang tunog na nagmumula sa dibdib nito at sinagot siya ng batang babae ng oo at tinanong kung ano ang ibig sabihin niyon. Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. Sinagot na lamang ng batang lalaki ang kalaro ng malay daw niya at niyaya na nitong umalis na sila. Bumangon ang batang lalaki at inayos ang sarili at nagsimula nang lumakad. Sinabayan ito ng batang babae at habang isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa papalubog na araw. "Ang ganda, ano?" naibulalas ng batang lalaki. "Parang may pintang dugo ang langit." "Oo nga, ano? Bakit kaya kulay dugo ang araw kapag palubog na?" tanong naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Ipinagmamalaki ang dalawang bata ng kanilang mga magulang at ng kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang mga batang hindi nagkaroon ng pagkakataong makahalubilo sa kanila. "Siguro, paglaki ng mga batang 'yan, silang dalawa ang magkakapangasawahan." Naririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila'y nagtataka. Hindi nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase na silang dalawa'y parang tuko - magkakapit. At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa kanya ang isang araw na pauwi na sila, ay humarang sa kanilang dinadaanan at sila'y tinudyo nang tinudyo. "Kapit-tuko! Kapit-tuko!" Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag sa paanan ng nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang kalaban. Nagpagulung-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugo-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila'y inawat at sila'y pinabalik sa silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap sila ng tigatlong matinding palo sa puwit. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila'y nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay. Namulaklak ang mga manga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang mamamakyaw at sa loob ng ilang araw, nasaid sa bunga ang mga sanga. Namulaklak din ang mga santol at iyon ay tinanaw ng dalawang bata sa pagkakahiga nila sa damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng sinigwelas, namulaklak at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at ang kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-sagot ang bugtong kung bakit kulay-dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa asin ay kanilang tinikman at sila'y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan --- sapagkat sabi ng kanilang mga lola'y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag naulanan. Sila'y naniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon nang kalagitnaan ng Mayo silang dalawa'y naghubad, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang mga tuyong damo, na waring bangkay ng isang panahong hinahalinhan ngayon. Pagkaraan pa ng ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang batang lalaki'y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit. At ang pamumulaklak at pamumunga ng manga, santol, at sinigwelas at ng iba pang punungkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at hindi pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyon kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan; ang mga magulang ay walang pinag-usapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak. Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang araw ng pasukan, ang batang lalaki at batang babae ay sakay ng kalesa patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng hayskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang lalaki'y nakalargo na at pantay na ang hati ng kanyang buhok na nangingintab sa pahid na pomade. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok, na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi nakikita ng batang lalaki ang alak-alakan nito. Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi nila napigil at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan. Sa paglawak ng kanilang daigdig, ang batang lalaki'y hindi na sa batang babae lamang nakikipaglaro. Isang araw, sa likod ng paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob niyon at may ipinakikita sa mga kasamahan. Nakisiksik sa mga batang lalaki at nakita niya ang isang bagay na natuklasan niyang kailangang mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Naupo siya sa baitang ng kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kanyang ama. Inusisa niya sa ama ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa iyon. Napatawa ang kanyang ama. Tinapik siya nito sa balikat. At sinabi sa anak na kailangan daw 'yon para siya'y maging ganap na lalaki. Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng kanyang mga mata'y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-malay. Sinabi pa ng ama sa anak na isang araw ay isasama daw siya nito kay Ba Aryo. Maging matapang lamang daw siya sana. Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niya kung bakit nahihiya siya. Ngayon lamang iyon. Kaya't kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa damuhan o kaya'y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya'y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. "Ang damuho…pagkalaki-laki'y parang hindi lalaki." Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kanyang isip at patuloy na nagpalaki sa lamat sa kanyang kawalang-malay. Kasunod ng pangyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam. Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo, hindi pa rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae. Nangingimi siyang tumabi rito kung ito'y nakahiga sa damuhan o sa dalampasigan. Hanggang isang araw ay napansin niyang mapupula ang mga mata ng batang babae nang dumating ito isang dapithapon sa tabing-dagat. "Bakit?" usisa niya. "Wa-wala..wala!" Nag-isip ang batang lalaki. Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro rito ang dahilan. Tinudyo niya ang batang babae, kiniliti, napahabol dito..hanggang sa mahawa ito at sila'y naghabulan na sa buhanginan. Humahagikgik pa sila nang mapatong ang kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong Malakas ang pintig doon. "Tignan mo…pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko," anyaya ng batang lalaki. Ngunit hindi kumikilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas nang mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunghan ang nakahigang kalaro. Nangingilid ang luha sa mga mata nito. "Bakit?" Saka lamang tumingin ang batang babae sa batang lalaki. At ito'y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi'y pinahid ng palad at ang palad na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktan ng buhangin. At sa isang basag na tinig ay sinabi ng batang babae sa kalaro na hindi na daw sila maaring maglaro gaya ng dati. "Hindi na?" sagot ng batang lalaki na parang sasabog sa kawalang-malay ang katauhan ng batang lalaki. "Malalaki na raw tayo…malalaki nang tao. Hindi raw maglalaon, tayo'y magiging dalaga…at binata." "Sinabi 'yon ng Nanay mo?" "Oo, sinabi niya…na hindi na tayo maaring maghabulan, o kaya'y umakyat sa punongkahoy o kaya'y pagabi rito sa tabing-dagat," sabi pa ng batang babae. "Kangina sinabi sa'yo ng Nanay mo?" Tumango ang batang babae. "Ngayon daw…hindi na tayo bata. Ako raw ay dalagita na…at ikaw raw ay binatilyo na!" At waring ang batang lalaki'y nagising, napagmasdan niya ang kanyang mga bisig, ang kanyang katawan at sa harap ng kanyang kalaro ay nauunawaan niyang totoo ang sinabi nito. "Ayaw ka na palang papuntahin dito'y…bakit narito ka pa… gabi na!" Nagbangon ang kanyang kalaro. Humarap sa kanya. Palubog na noon ang araw at mapula ang silahis niyon sa langit. Ang mukha ng dalawa ay animo mula sa malayo at ang pakakahawak nila sa bisig ng isa't isa ay parang isang pagpapatunay ng tibay ng tanikalang bumibidbid sa kanilang katauhan. Hindi na nga sila mga bata. Siya'y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin sila sa looban, ngunit hindi lamang tulad nang dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap. Ngayon, parang lagging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal. Sa looban, ang kanilang mga magulang; sa paaralan, ang kanilang guro. At ang kanilang tawa tuloy ay hindi na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, Malayo sa hiyaw nito noong araw; ang kanilang pag-uusap ay hindi na Malaya at pumipili na sila ng mga salitang kanilang gagamitin. At buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kanyang katre at kapag tapos na sa paglalaba ang kanyang ina ay palihim niyang lalabhan sa silong at ikukula sa kubling bahagi ng kanilang likod-bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba sa silong at sinabi nito sa kanya: "Hindi mo na kailangang dito pa labhan 'yan…" Nagtapos sila ng hayskul. Nagkamay sila pagkaraang maabot ang kani-kanilang diploma. At nang magsasayawan nang gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok sa kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng binatilyo. Nagsayaw sila, nag-uusap ang kanilang mga mata ngunit ang kanilang labi'y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang panunuyo o paglalamat niyon. At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpapalaki sa lamat sa kanilang kawalang-malay. Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay hindi niya maluom sa kanyang kalooban. "Pero, Inay…kaibigan ko si Ariel." May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit na…kayo'y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." May langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya ang kahulugan niyon: Masama: Parang pait iyong umuukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!" At ang pait na may iniukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang katauhan ay nayanig at ang tunog ng pagpukpok ay nag-aalingawgaw ng: Lalaki! Lalaki! Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid. "Ayaw nila…ng Inay…ng Itay…masama raw," at ang mga labi niya'y nangatal, kasabay ng luhang umahon sa kanyang mga mata. Nang minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo ay pinakiusapan siya ng dalaga na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa dalaga. Minsan, ang binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon ng kanyang ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin. Sinabi ng ama sa anak na magkakalapit din namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga magulang nito na maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig sa kanyang isip. "At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?" "Tama ka!" maagap na pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa tukso!" At ang dalawa'y hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at maglakad ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng makakasalubong na kakilala. Mangyari'y iniwasan nila ang magkita, at hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso. Nabubuhay sila ngayon sa isang bagong daigdig, daigdig ng aklat, ng matataas na gusali ng malalayong kabataan sa kapaligiran. Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na hindi sinasadya'y nagkasalubong sila sa pamimili ng kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay hindi pa rin sila makakilos. Ang binata ang naglakas-loob at binati niya ang dalaga. Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay napasunod lamang siya, napatangay sa agos kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang hininging pagkain, sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at akala nila'y nasa luntiang damuhan sila sa looban sa lalawigan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa. At sila'y nagkita sa Luneta, hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami at ang kanilang sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan, sila'y lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa kanilang isipo ay sumibol na at nagpaunawa sa kanilang ang ginagawang iyon ay masama. Ngunit sila'y naghihimagsik. Nakatanggap ng sulat ang dalaga mula sa kanyang mga magulang. May nakakita sa kanilang dalawa ni Ariel na magkahawak-kamay sa Luneta, sa pook na dapat pakaiwasan. Hindi man lang daw sila nahiya. Hindi na ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa sa liham. Nagbabanta ang mga sumusunod pang talata: luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang yan. Pinagsabihan din ang binata ng mga magulang nito sapagkat nakaabot na pala sa mga ito ang nangyari. Muli na namang ipinaalala sa binata na ang babae ay isang tukso. Ibig niyang umalis sa silid na iyon at upang hindi na marinig ang alingawngaw ng katagang iyon: tukso --- tukso ---- tukso! Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring magkita. Sinasabi ng binata: magkikita tayo… magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan, ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na matutop at ng pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang daigdig. Maligaya sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan, at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamaya-maya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga ay dumungaw sa bintana - masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakatatakot na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas, na ibig niyang itapon. At iyon ay umaakyat sa kanyang lalamunan. Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyang maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo siya at nakita niyang nilinis ng tubig ang bangketa at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at siya'y napaluha at paghigpit ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya…at ang lumabas sa kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y napabulalas ng iyak.


Kumpletong talambuhay ni efren Reyes abueg?

Si Efren Reyes Abueg ay isang kilalang manunulat mula sa Pilipinas. Ilan sa kanyang mga akda ay kabilang ang "Ang Panahon ni Efren," "Pagsusuri sa Buhay ni Efren," at "Si Tatang Juan." Siya ay kinikilala sa kanyang mga maikling kwento at sanaysay na may pagtutok sa buhay ng karaniwang Pilipino. Siya ay isinilang noong July 3, 1937 sa Tagkawayan, Quezon.


Give you a script of noli me tangere chapter 32 please?

SCENE 1 Isang Salu-salo PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang? LARUJA: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo? PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago. DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya'y hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo! Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra. TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa. CRISOSTOMO: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali. DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma'y hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama. TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra? CRISOSTOMO: Sa inyong lingkod, Señor Tinyente. TINYENTE: Maligayang pagdating. Nawa'y mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama. CRISOSTOMO: Maraming salamat po. UTUSAN: Nakahanda na ang hapunan! Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya Vidtorina. VICTORINA: Wala ka bang mga mata? TINYENTE: Mayroon po, Señora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok. Sa hapagkaianan. LARUJA: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano'ng pinakamahalagang bagay ang nakita n'yo? CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito. DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata'y alam iyan. CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako't palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa'y ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa España at Pilipinas! TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara. IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin. Nakaalis na nga si Ibarra. PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa! End of Scene. SCENE 2 Erehe at Pilibustero Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya'y naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat. TINYENTE: Señor Ibarra. CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako. TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama. CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin sa akin? TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng bilangguan. CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo'y nagkakamali lamang? TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso. CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong? TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng buwis. Nang siya'y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata… Flashback: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata. BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha! BATA 2: Hindi ba't hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha! KOLEKTOR: Tigilan n'yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano'ng sabi n'yo? Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at ito'y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan. KOLEKTOR: Ikaw, ano'ng sabi mo?! BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh-- RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila! Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito'y nawalan ng balanse. RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata. End of flashback. TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito'y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay. IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko... End of Scene. SCENE 3 Pagsusuyuan sa Asotea MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya? Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang makita kung sino ang dumating. Nang nakita niya si Crisosotomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siya'y sinalubong ni Tiya Isabel. CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya Isabel. TIYA ISABEL: Magandang araw din sa iyo iho. CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara? TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandali. Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara. TIYA ISAEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito. MARIA CLARA: Pasok po kayo, tiya. TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya? MARIA CLARA: Hindi na po, Tiya. Lumabas si Maria Clara. CRISOSTOMO: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara. Nagtungo silang dalawa sa Asotea. MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europa, tumamis na ang iyong mga salita. Marahil, maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa pambobola mo. CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang? MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo? CRISOSTOMO: Mapalad dahil ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan. MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako. CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria. MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo. CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako'y magpapaalam na. Kailangan ko nang umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko. MARIA CLARA: Sandali. Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at ibinigay ang mga ito kay Crisostomo. MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang. CRISOTOMO: Maraming salamat, mahal ko. Lumakad na si Ibarra. MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo. End of Scene. SCENE 4 Araw ng mga Patay May dalawang lalaking naghuhukay sa sementeryo. LALAKI 1: Sinunod mo ba ang utos niya? LALAKI 2: Tumigil ka na nga sa kakatanong, maghukay ka na lang diyan. LALAKI 1: Ayoko na! Ayoko nang maghukay! Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay. CRISOSTOMO: Nasaan ba? ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito. CRISOSTOMO: Dito ba? ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko. Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong. ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito? LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon. ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon? LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura. CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?! LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik. CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?! LALAKI 2: 'Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog. CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa! Lumakad si Crisostomo at nang nakita niya si Padre Salvi, sinunggaban niya ito. CRISOSTOMO: Ano'ng ginawa mo sa aking ama? SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa- CRISOSTOMO: Ano'ng wala? SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sa'yo. Hindi ako, kundi sa Padre Damaso. Binitiwan siya ni Crisostomo at tuluyan ng lumayo. End of Scene. SCENE 5 Ang Dalawang Sakristan Nangangampana ang dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin. BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin. Naupo silang dalawa sa may sulok. CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya? BASILIO: Dalawang piso, bakit ba? CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko. BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba't tatlumpu't dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan. CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman 'to ng Inay...natatakot ako. BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. 'Wag kang mawalan ng-- Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor. SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo! CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw. SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa! Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa kapatid. BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n'yo na po- Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito'y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at ito'y ikinaladkad pababa ng hagdan. CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako! BASILIO: Crispin… Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng kampana. End of Scene. SCENE 6 Ang Pamilya ni Sisa Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak. SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya naghanda ako ng masarap na pagkain... Biglang dumating ang lasing na si Pedro. PEDRO: May makakain ba? SISA: Mayroon. PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo't nagugutom na ako! SISA: Ahh- Oo. Narito na. Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain. SISA: Wala nang natira? Ngunit paano'ng mga anak mo? PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?! SISA: Wala. Wala- PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon? SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila- Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa. SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin? PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto! At umalis na nga si Pedro. SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit. Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio. BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay! SISA: Basilio! Anak ko! Anon'ng nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan? BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po-- SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya? BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang nagnakaw. SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating magdusa? BASILIO: Inay… SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko. BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay. SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama. BASILIO: Dumating si Itay? SISA: Oo. BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba? SISA: Basilio! BASILIO: Patawad po, Inay. Isinara ni Sisa ang pinto at siya'y napabuntong-hininga. SISA: Diyos ko... Ano bang gagawin ko? End of Scene. SCENE 7 Ang Pagkabaliw ni Sisa Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan. UTUSAN: Para saan ang mga 'yan ale? SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap. UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito? SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin. UTUSAN: Crispin? Kung gano'n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba'y matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak. SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko. KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! 'Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama! Tamatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil. GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw? SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko. GUARDIA CIVIL: 'Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin! SISA: Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin. GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak! SISA: Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw, maniwala kayo. GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila. SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n'yo na, 'wag n'yo po akong ikulong… Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel. GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo! Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa. ALPERES: Kamalian 'yan ng kura! Pakawalan n'yo siya at 'wag n'yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n'yo sa kanya na manalangin siya kay San Antonio! Agad nilang pinakawalan si Sisa. GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa'yo! Ha! Ha! Ha! Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay. SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? May nakita siyang damit na duguan. SISA: Ano 'to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako' ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo! At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa. End of Scene. SCENE 8 Ang Pangingisda Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan. KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra? MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong "kami" ni Ibarra? KAIBIGAN 2: Hindi ba't kararating lamang niya? MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda… MGA KAIBIGAN: Uuuuuyy… Hindi katagalan… MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo. IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko? MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo… Sa palaisdaan… ELIAS: Señorita Maria Clara, saan po ninyo gustong pumunta? MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba? ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon. MARIA CLARA: Ano iyon? ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po. MARIA CLARA: Ah kahoy lamang pala. IBARRA: Kahoy pa rin ba iyon? ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko- Isang buwaya!!! MARIA CLARA: May buwaya! ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan! MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya! IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya. MARIA CLARA: Ibarra! Makalipas ang ilang sandali. MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila. TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila! ELIAS: Maraming salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Señor Ibarra. Balang araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo. KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka! End of Scene. SCENE 9 Ang Panghugos Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra. GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato. IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador. Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada. IMBENTOR: Isang maling galaw mo lamang, tiyak patay ka. Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito'y namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. IBARRA: Ano'ng ibig-- Elias? ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang sasabihin sa inyo ang lahat. Tumakbo palayo si elias. IBARRA: Sandali-Ano'ng nangyari sa taong ito? TAUHAN: Muntik na kayong patayin ng taong iyan! GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama niyang balak. IBARRA: Kung gano'n, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya. TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit hindi ba't pinagtangkaan niya ang inyong buhay? IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang matanggap? Pinapatawad ko na siya. KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra! End of Scene. SCENE 10 Ang Pananghalian Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra. IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan? MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko. Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura. DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba'y akalain mong sino kung umasta! MARIA CLARA: 'Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko. IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan. DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan… IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa! DAMASO: ...tama lamang na siya'y pinarusahan na mamatay sa kulungan at-- Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim. IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit 'wag na 'wag ninyong babastusin ang alaala ng aking ama! KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo. IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n'yo nasabing siya'y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos? MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, 'wag mong saktan si Padre Damaso. Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso. IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n'yo na kung may dugo ba talagang dumadalo'y sa mga ugat ng taong iyan! Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara. End of Scene. SCENE 11 Si Donya Consolacion at Sisa Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil. CONSOLACION: Mga guardia civil! GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora? CONSOLACION: Sino iyang kumakanta? GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw. CONSOLACION: Dalhin n'yo siya rito. GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora. Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa. GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora. CONSOLACION: Pakantahin n'yo siya. GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na! At umawit naman si Sisa. CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis. GUARDIA CIVIL: Opo, Señora. Umalis ang mga guardia civil. CONSOLACION: Hoy Baliw! SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw! CONSOLACION: Sumayaw ka! SISA: Sumayaw? CONSOLACION: Gayahin mo ako. Sumayaw ang donya. SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw! CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw! SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw! CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw! SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha! Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo. CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw! SISA: Aray! Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya. ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?! CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na 'yan! ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano? SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha! ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n'yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n'yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. End of Scene. SCENE 12 Si Alfonso Linares Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara. TIYAGO: O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo. VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel. TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo- VICTORINA: Ahh oo-- ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares. TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho. TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara? ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio. Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara. TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam? MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor. ALFONSO: Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara? VICTORINA: Oo, Alfonso. ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya. Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso. TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso. DAMASO: Nasaan na siya? TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid. Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso. DAMASO: Maria Clara! MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo. DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad. MARIA CLARA: Opo. DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna. MARIA CLARA: Opo, padre. Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala. VICTORINA: Padre Damaso. DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo? VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw. DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos? ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre. DAMASO: Ano'ng saya ko't sa wakas ay nakita na kita, iho. ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala. VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre. DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho. End of Scene. SCENE 13 Ang Dalawang Donya Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion. CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman 'yan! Ang papangit naman ng dumadaan! VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?! CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano'ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko 'yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa? VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda! Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes. CONSOLACION: Ano'ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo? VICTORINA: Hindi kita uurungan! Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan. ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata! VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam! ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae- TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan. CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot! Nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni Kapitan Tiyago. VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na 'yon?! TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya? VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao! End of Scene. SCENE 14 Ang Pagdakip kay Ibarra Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. ELIAS: Tao po! Tao po! IBARRA: Elias! ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito. IBARRA: Ano'ng ibig mong sabihin? ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito. IBARRA: Ngunit sino ang…? ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor. IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin? ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saan-iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan. IBARRA: Maraming salamat, kaibigan. Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto. IBARRA: Sino 'yan? SARHENTO: Kami'y mga alagad ng batas! IBARRA: Bakit po- SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin! Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay. End of Scene. SCENE 15 Tugisan sa Lawa Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating. MARIA CLARA: Crisostomo…? IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas. MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko. IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa'yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sa'yo...sa lugar na ito... MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong… IBARRA: Nalaman kong ano? MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso... IBARRA: Paano- MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo. IBARRA: Paalam, Maria Clara... Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara. IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo? ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor. IBARRA: At pagkatapos? ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa. IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid? ELIAS: Para saan pa? IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo. ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo. Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil. ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan? IBARRA: Oo. ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila. IBARRA: 'Huwag Elias, labanan natin sila- ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo. Tumalon si Elias at sa tuwing siya'y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog. End of Scene. SCENE 16 Ang Paliwanag ng Pari Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo. MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko... DAMASO: Ano'ng nangyari sa'yo, anak ko? MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo? DAMASO: Ano'ng ibig mong sabihin- MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko... DAMASO: Ngunit- MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako magpapakasal sa kanya. DAMASO: Ngunit- MARIA CLARA: Kung itutuloy n'yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako! DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay mo. Patawad, anak ko. MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako. DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan. Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama. DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan? End of Scene. SCENE 17 Noche Buena Nagkitang muli sina Basilio at Sisa. BASILIO: Inay! SISA: Sino ka? BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n'yo! SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala. Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila. BASILIO: Inay, 'wag po kayong matakot sa akin. Inay! SISA: Basilio? BASILIO: Opo inay, ako nga po. SISA: Anak ko- Biglang nawalan ng malay si Sisa. BASILIO: Inay! Inay! Bakit n'yo po ako iniwan, Inay. Inay! ELIAS: Iho… BASILIO: Sino po kayo? ELIAS: Ano'ng gusto mong gawin sa inay mo? BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera. ELIAS:Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba? BASILIO: Opo, ginoo. ELIAS: Mamamatay akong…hindi masisilayan…ang pagsikat ng araw...sa aking bayan. Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay... End of Scene.