answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang pagkakatulad ng sinauna at modernong pamumuhay ng mga Filipino?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang pagkakatulad ng sinauna at modernong pamumuhay ng Indonesia?

Ano ang pagkakatulad ng sinaunang pamumuhay at sinaunang pamumuhay


Ano ang kahulugan ng pag Islam?

isang librong pang relihiyon ng mga Filipino


What are Philippine ethnic instruments?

Filipono ethnic instruments was originated from our forefathers and elders because they discovered music and they tried to make things used to make music and they called the things, Filipino Instruments


Anu ang kasingkahulugan ng bata?

ang tungkulin at karapatan ng mga anak ay pagiging matipid,malasakit,magalang,tiwala at pagmamahal


Ibigay ang pagkakaiba ng kasabihan at salawikain?

Ang mga kasabihan ay mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno natin na nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan at Ang Salawikain ay nagtataglay ng mga pangaral at karunungan sa pamamagitan ng mga salitang may tugma at sukat. Ito ay ginagamit noong sinauna, maging sa kasalukuyang panahon upang magpayo, gumabay at magturo ng mabubuting asal.Narito ang ilan sa halimbawa ng mga salawikain at ilan na may paliwanag.


What are the names of all the dialects in the Philippines?

Some of the major dialects in the Philippines include Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Waray, Kapampangan, and Bicolano, among others. There are over 100 dialects spoken throughout the country, reflecting its diverse linguistic landscape.


Ekonomiya ng sinaunang pilipino?

Ang pamahalaan ng Timog Korea ay nahahati sa tatlong sangay, ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Pangunahing operasyon ng ehekutibo at lehislatibo ang pambansang pamahalaan, ngunit ang ibang sangay ng ehekutibo ay maaari rin magkaroon ng operasyon sa mga lokal na pamahalaan. Ang pamahalaan ng Timog Korea ay nahahati sa tatlong sangay, ang ehekutibo, lehislatibo at hudikatura. Pangunahing operasyon ng ehekutibo at lehislatibo ang pambansang pamahalaan, ngunit ang ibang sangay ng ehekutibo ay maaari rin magkaroon ng operasyon sa mga lokal na pamahalaan.Ang mga tuklas ng mga arkeolohiko ay nagsasabi na ang Tangway ng Korea ay tinitirahan na ng mga tao noong pang panahon ng Unang Paleolitiko. Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang Joseon (ang pangalang Gojoseon ay mas kadalasang ginagamit upang hindi malito sa isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo noong ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay nangangahulugang 'Luma' o 'Sinauna') noong 2333 BCE ni Dangun.[6]Ang Gojoseon ay lumawak hanggang sa makontrol na nito ang kabuuan ng tangway ng Korea at ilang bahagi ng Manchuria. Pagkatapos ng maraming mga digmaan laban sa Tsinong Dinastiyang Han, ang Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula ang Panahon ng Tatlong Kaharian ng Korea.


Ang gilingang bato ni Edgar m Reyes?

Walang nakaaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito'y nagisnan na naming magkakapatid. Ayon kay Ina, ito'y minana niya kay Impo, na minana rin naman daw ni Impo sa sariling ina nito. Sa likod niyan ay wala nang makapaglahad sa kasaysayan ng gilingang bato, maliban sa sabi-sabi na ang kalahian daw ni Ina ay kalahian ng magpuputo. Ang ina raw ni Impo ay isang mahusay na magsusuman na kinilala sa buong San Fermin at dinarayo maging ng mga tagakaratig-bayan na nagnanais magregalo o maghanda ng espesyal na suman sa kapistahan, kasalan at iba pang okasyon na may handaan.Si Impo ay naging kabalitaan daw naman sa kanyang bibingkang sapin-sapin. At kung ang pagpuputo ay likas sa talinong namamana, si Ina ang tanging nakamana niyon pagka't sa kanilang magkakapatid, tatlong lalaki at apat na babae, siya lamang ang lumabas na magpuputo.Sa mangasul-ngasul na hilatsa ng gilingang bato, ang pinag-ukitang batong-buhay ay maaaring sintanda na ng panahon. Ngunit ang mismong gilingan ay hindi kapapansinan ng kalumaan, maliban sa tatangnang mulawin na kuminis na at nagkabaywang sa kaiikot ng sarisaring kamay.Hindi ko alam kung gaano kahusay na magpuputo si Ina. Sa lasa ko, ang kanyang lutong mga kakanin, na bihira kong tikman, ay wala namang katangi-tanging sarap. Ngunit maaaring dahil ako'y sawa na. Nawawalan ng lasa ang pinakamasarap mang pagkain kapag araw-araw ay nakahain iyon sa iyo. Ngunit maaaring masarap ngang magkakanin si Ina, pagkat siya, tulad ni Impo, ay naging kabalitaan din sa pagpuputo.Ang pagkakanin ni Ina, kung bagaman, ay hindi siyang sandigan ng aming kabuhayan noong nabubuhay pa si Ama, na isang panday. Kung baga'y nakatutulong lamang si Ina. Ngunit biglang-bigla ang pagkamatay ni Ama. Nakaramdam ng naninigid na pananakit sa puson at pamamanhid sa paligid ng pigi, inakalang iyon ay kung ano lamang na titigil din nang kusa, at nang oumayag na pahatid sa ospital (nang panahong iyon ay mayayaman lamang ang karaniwang nagpapaospital) sa kabisera ay huli na; mula sa San Fermin hanggang sa kabisera ay dalawang oras na paglalakbay sa karitela, at sa daan pa lamang ay sabog na ang apendisitis.Maliit pa ako noon, pito o walong taon, upang akin nang maunawaan ang kahulugan ng pagyao ni Ama at ang mga naiwan. Ngunit nang malaki na ako, ang pangyayari'y napag-uusapan pa rin paminsan-minsan ng aking mga kapatid at ang nilalaman ng kuwento-kuwento ay nag-aalay ng tagni-tagning kabuuan.Dalawang beses lamang daw umiyak si Ina: sa aktuwal na sandali ng pagkamatay ni Ama at nang ang bangkay ay ibinababa na sa hukay. ang pait ay kinimkim sa kalooban, ayaw iluha. At sa libing pa lamang ay usap-usapan na ng mga tao kung paano kami mabubuhay ngayong wala na si Ama. Kawawa raw naman kami.Tatlong araw pagkaraan ng libing ay pinulong daw kami ni Ina (hindi ko ito natatandaan)."Wala na'ng ama n'yo. Ano'ng iniisip n'yo ngayon sa buhay natin?"Isa man daw sa amin ay walang umimik -- si Kuya (panganay sa amin at mga 17 taon noon), si Ate, si Diko, si Ditse, saka ako (bunso)."Mabubuhay tayo," sabi raw ni Ina. "Pero kikilos tayong lahat."Dati, si Ina ay nagpuputo lamang kapag may pagawa sa kanya. Ngunit ngayong wala na kaming ibang pagkukunan ay hindi na maaari iyong umasa na lamang kami sa dating ng order; kailangang magputo kami at magtinda araw-araw.Naging abala ang gilingang bato mula noon. Gumigiling kaming lahat, palit-palitan. Sa umaga, ang malagkit ay nakababad na. Sa hapon ang simula ng paggiling, na inaabot ng katamtamang lalim ng gabi. Hindi madaling gilingin ang tatlo-apat na palangganang galapong.Bukod sa mga tanging pagawa, si Ate at si Kuya ay nagtulong sa isang puwesto ng bibingka at puto-bumbong sa kanto. Si Ditse ay nakapuwesto sa palengke tuwing umaga, sa hapon ay lumilibot, sunong ang bilao ng sumang malagkit at suman sa lihiya. Si Diko, na ang karaniwang tinda'y butse at palitaw, ay nakababad naman sa palaruan ng pool sa bayan, ngunit tuwing Sabado at Linggo ay nakapuwesto sa harap ng sabungan. At maging ako, sa edad kong iyon, ay nagtitinda rin, naglalako ng gurgorya, bagama't hindi ako lumalayo nang malayo.Natatandaan ko na minsan ay napaaway ako sa aking paglalako ng gurgorya. Dalawang bata ang nakisabay sa lakad ko, at tuwing itatawag ko ang aking tinda ay ginagagad ako. Nakipagbabag ako dahil doon. Umuwi ako nang ngumangalngal, dumurugo ang bibig, may kalmot sa leeg at sa pisngi. Nagsumbong ako kay Ina, ngunit ako ang kanyang sinisi. Hindi ko raw dapat pinansin ang panunukso, at lalong hindi raw nararapat na makipagbasag-ulo ako nang dahil lamang doon. Pinadapa niya ako, tatlong sunod na pinalo ng patpat."Di mo dapat ikahiya'ng paghahanapbuhay," sabi niya. Inulit niya ang pangaral na ito sa aking mga kapatid kinagabihan. "Ayoko ng ikahihiya ng sinuman sa inyo ang hanapbuhay natin. Hindi tayo nagnanakaw. Pinaghihirapan natin 'to!" Ngunit ang higit daw na pinag-uukulan niyon ay si Kuya, na diumano, sapagkat binata na, ay malimit magparamdam kay Ate ng pagkahiya sa bibingkahan at puto-bumbungan.Hindi naman sa paglapastangan sa alaala ni Ama, magaan-gaan ang naging pamumuhay namin kaysa noong siya'y buhay. Ang aming bahay na pawid at kawayan ay naging tabla at yero. Sa gabi, ang kabuuan ng mga entrega ng pinagbilhan ay tinutuos ni Ina, ang tubo ay inihihiwalay sa puhunan, itinatabi.Matrabaho ang pagkakakanin. Mula sa pangunguha ng mga dahon ng saging hanggang sa pagtitinda ng luto nang mga kakanin ay samut-samot na paghahanda at gawain. Ngunit sa kabila ng mga kaabalahan ay naisisingit namin ang pag-aaral, maliban lamang kay Ditse, na sapagkat may kapurulan ang ulo sa eskuwela ay tumigil pagkaraang makapasa, nang pasang-awa, sa ikalimang grado.Nauna si Kuya na nagkolehiyo (sa Maynila, pagkat noo'y wala pang kolehiyo sa lalawigan), sumunod si Ate, sumunod si Diko. Nababawasan ang katulong ni Ina sa hanapbuhay ay nadaragdagan naman ang paggugugulan. Tatlo na lamang kaming naghahali-halili sa gilingang bato. Sa isang banda'y maipagpapasalamat ko na naging mapurol ang ulo ni Ditse, sapagkat kung hindi ay sasapit sana na ako lamang ang maiiwang katulong ni Ina.Patuloy ang pagtanggap ni Ina ng mga pagawang puto at suman. Si Ditse ang pumalit sa bibingkahan at puto-bumbungan. Sa akin napasalin ang pagtitinda ng kakanin sa palaruan ng pool sa bayan, at sa sabungan tuwing sabado at Linggo. Gayunman, ang kita namin ay hindi na katulad noong lima kaming kabalikat ni Ina sa hanapbuhay.Tulad ng aming nakatatandang mga kapatid, nang matapos namin ni Diko ang mga kursong pinili namin at magkaroon ng sariling trabaho, ang sumunod na hinarap namin ay pag-aasawa. Si Ditse ang pinakahuling nag-asawa sa amin, at ang naging kapalaran naman ay isang magsasaka.Nalayo kay Ina ang kanyang mga anak, liban kay Ditse, at sa napangasawa nito na nakapisan sa kanya, sa dating bahay namin. Kaming tatlong lalaki ay layu-layo rin ng tirahan sa Kamaynilaan. Si Ate, na ang napangasawa ay isa ring titser na tulad niya, ay iniuwi ng aking bayaw sa sariling bayan nito, sa Santa Cruz, Laguna, at doon sila parehong nagtuturo.Ngunit hindi kami nakalilimot ng pagdalaw kay Ina. Lalo na tuwing Pasko, nasa kanya kaming lahat, pati na ang mga manugang at mga apo.Talagang matanda na noon si Ina. Pilak na ang kanyang nandadalang na buhok, luyloy na ang kalamnan ng mga braso, lumaladlad na ang mga pisngi. Ngunit sa larawang iyon ng katandaan ay mababakas pa rin ang katatagan, at sa may kalabuan nang mga mata ay masasalamin ang kawalang-pagsisisi sa kanyang buhay at sa kanyang pagiging isang ina.At bakit nga hindi? Sa abot ng kanyang kaya ay nagawa niya ang pinakamabuti para sa kanyang mga anak. Bukod sa pagdakila ng kanyang mga anak, siya'y pinupuri ng mga nakakakilala. Sa San Fermin, ang anak ng isang kutsero ay maaasahang magiging isang kutsero din. Ngunit kami, apat kaming nakapag-aral at ang ikalima'y dapat sanang nakapag-kolehiyo din kung di lamang sa isang kakulangan. Bihirang ina ang makagagawa ng nagawa ni Ina.Si ditse ay abala na sa sariling mga anak upang maasikaso pa ang pagtitinda ng mga kakanin. Ngunit si Ina ay tumatanggap pa rin ng mga pagawang puto at suman. Iisa ang payo ng kanyang mga anak, na dapat na siyang tumigil sa mabigat na gawaing iyon, dapat na niyang iukol ang nalalabing mga araw ng kanyang buhay sa pamamahinga. Ngunit ayaw niya kaming pakinggan."Madadali'ng buhay ko pag sinunod ko kayo," katwiran niya.Sa lungsod ay walang katatagan ang pamumuhay. Maaaring may trabahao ka ngayon, maaaring bukas naman ay wala. Darating sa iyo ang sarisaring di mo inaasahang mga kagipitan.Umaabot ito kay Kuya, sa akin, at lalo na kay Diko, na ang tinapos lamang ay kursong vocational radio-TV technician. At sa kagipitan, ang takbuhan ni Kuya at Diko ay si Ina. sa pananalita ni Kuya at ni Diko, ang kinukuhang pera ay hiram, ngunit sa pagbabayaran ay hindi naman tinatanggap ni Ina."Hamo na. Mahirap 'yong kayo pa'ng kapusin. Nasa Menila kayo, walang malalapitan."Ngunit ako, sa kagipitan, ay sa mga kaibigan lumalapit. Anhin ko mang wariin ay hindi ko kayang dibdibin na hingan ng pera, sa porma ng hiram, si Ina, na tuwing maaalala ko ay sa kalagayang matanda at mahina na ay pumipihit pa rin ng gilingang bato.Ang totoo, ni minsan mula nang ako'y magkapamilya ay hindi ko ipinahalata sa kanya na ako'y kinakapos sa pera. sa pagdalaw ko sa kanya ay mangyari pa na ako'y may pasalubong na -- na ang ibinili ay maaaring inutang ko lamang. At gayundin, sa aking pagpapaalam ay may iaabot ako sa kanya na sampu-dalawampung piso -- na maaari ring inutang ko lamang. kahit anong pilit naman ang gawin ko ay hindi niya iyon tatanggapin.Nangungutang ako ng perang ibibigay ko sa kanya, na alam kong hindi naman niya kukunin, upang mapalabas ko na ako'y nakaluluwag, sapagkat ngayong kami'y may kanya-kanya nang pamilya, si Ina, kapag tungkol sa pera, ay may ibang trato sa amin. Kung gaano siya kapilit sa pagbibigay ng pera sa mga anak ay gayundin naman siya kapilit sa pagsasauli sa perang bigay ng mga anak.Kapag umuwi ang isang anak niya, at sa pagpapaalam ay walang iniaabot na pera, ang hinala agad niya ay gipit ang anak niyang ito, at kaya umuwi ay may kailangan, nahihiya nga lamang na magsalita. Dudukot siya ng pera sa kanyang bulsikot at ipipilit iyon sa anak. At kung ibig ng anak na magdamdam at magtampo ang ina, ang kailangan lamang na gawin ay tanggihan ang perang ibinibigay.Kaya't ako, sa pagdalaw ko, upang hindi hinalain ni Ina na ako'y hikahos, at upang hindi ako alukin ng perang sa ayaw ko at sa ibig ay kailangang kunin ko, ay nangungutang ako sa kaibigan, kung ako'y walang pera, upang may maiabot sa kanya sa aking pagpaalam. Hindi niya tatanggapin iyon, alam ko, ngunit hindi na lamang niya ako sapilitang bibigyan ng pera pagkat sa akala niya ay maluwag ako, na siyang kahulugan ng aking pagbibigay.At isa pa ay ayokong isa pa ako sa kanyang mga anak na iniintindi niya. Ibig ko na kapag naaalala niya ako at ang aking pamilya ang nasa isip niya ay patag ang aming lagay.Minsan, sa pag-uwi ko ay dinatnan ko si Ina sa akto na paggiling. Bago ko inagaw sa kanya ang trabaho ay ilang sandali munang minasdan ko siya sa pagkakaupo ko sa kanyang tabi. Makupad na at hirap ang kanyang mga kilos. May kinig na ang kanyang mga kamay sa pagsusubo ng binabad na malagkit. Mabagal na ang ikot ng pang-ibabaw na taklob ng gilingang bato. Pasaglit-saglit ay tumitigil siya, naghahabol ng hininga. Wala na ang kanyang dating lakas, sigla at liksi. Ngunit ang pinagtatakhan ko ay kung paanong ang tuyot nang bisig na iyon ay nakakaya pang makapihit ng gayong bigat.Sa bawat tulak at sa bawat kabig ay lalong nanlalalim ang kanyang malalalim nang balagat. Ang nag-usling mga ugat sa kanyang braso ay waring nagsisipagbantang mag-igkasan. Natuon ang tingin ko sa kanyang kamay: kuluntoy, butuhan. Si Ina ay anino na lamang ng kanyang dating sarili, ngunit ang gilingang bato ay iyon pa rin. Sa gilingang bato ay nabanaag ko ang panahon; sa lantang kamay ni Ina ay nakita ko ang mga huling sandali ng pakikihamok ng tao sa panahon. Ang tao ay dumarating at yumayao; ang panahon ay nananatili. Si Ina ay tao; ang gilingang bato ay panahon.Inagaw ko ang gilingan. Ayaw niyang ibigay iyon. Sa pagpipilitan namin ay napahawak siya sa kamay ko. Naramdaman ng aking kamao ang ligasgas ng kanyang makapal at nagkakalyong palad. Nakadama ako ng di maunawaang panliliit at pagkahiya.Bumitiw siya sa tatangnan."Mahihirapan ka," sabi niya.Ako, na bata at malakas, ang kanyang inalala, hindi ang kanyang sarili!"Dati kong trabaho 'to," sabi ko.Dati ko ngang gawain iyon, ngunit nang mga sandaling iyon, na muling paghawak ng gilingan pagkaraan ng maraming taon, ay nakaramdam ako ng paninibago. Kaybigat niyon! Nangalay agad ang kanang braso ko at kinailangang ihalili ko ang kaliwa. Napansin iyon ni Ina at siya'y nangiti."Hindi ka na 'ta marunong," sabi niya.Noong araw, kahit sa kamuraan ko, ay parang nilalaro ko lamang ang paggiling. Ang palanggana'y napapangalahati ko sa galapong nang hindi ako nagpapalit ng kamay. Bakit ngayo'y kayhirap? Naisip ko na ang gaan at bigat ng isang gawain ay naaayon lamang sa kasanayan."Sino ba naman ang nagpapagawa pa sa inyo?" tanong ko."Isang taga-Kamyas. Naimporta. Panregalo daw sa binyagan.""Hindi na kayo dapat pang tumanggap ng trabahao. At sila . . . hindi ba nila nakikita na sa edad n'yong 'yan e kawawa naman kayo kung pagtatrabahuhin pa?""Kaya ko 'yan."Hindi alam ni Ina ang taon, maging ang buwan at petsa ng kanyang kapanganakan. Ngunit nang siya'y namaalam at tuusin namin ay humigit-kumulang siya sa 80 taon.Sa mga huling araw ni Ina, siya'y nagpaaninaw na at mahinang-mahina na upang makayanan pang pumihit ng gilingang bato. At ang kanyang sinabi noon, ang pagtigil sa gawaing mahal sa kanya ay maaaring magpadali sa kanyang buhay, ay waring nagkatotoo. Ayon kay Ditse, mula nang "mamahinga" si Ina ay naging masasakitin ito, bumilis ang panghihina. Gayunman, kahit paipud-ipod ay lumalabas ito sa kusina, dinadalaw ang kanyang gilingang bato, na nakatabi sa ilalim ng kalanan. Hinuhugasan nito iyon, o dili kaya'y pinupunasan ng basahang basa.Bigla rin ang kanyang pagkamatay, tulad ng pagyao ni Ama. Ang kalooban namin ay handa na sa mangyayari ngunit inakala namin na mabubuhay pa siya nang mga dalawa o tatlong taon pa. Ngunit isang umaga ay dumating sa amin ang aking bayaw (asawa ni Ditse) at ibinalita na patay na si Ina. Kung ano ang kinamatay, mahirap matiyak. Ngunit hinulaan namin, batay sa nakita sa kanya na mga palatandaan bago siya namatay, na iyo'y pulmonya.Tatlong gabing paglalamay. Sa usap-usapan ay maraming papuri kay Ina. Di na iilang patay ang napagmasdan ko sa pagkakaburol, at pangkaraniwang larawan ng patay sa pagkakaburol ay hapis. Ngunit ang aming Ina, sa pagkakaburol, ay waring nakangiti pa!Nairaos nang maayos ang libing. At kahit sa kanyang kamatayan, kaming mga anak ay hindi nagkaroon ng pagkakataong gastusan siya. May pera siya sa kanyang bulsikot, mahigit na dalawang daang piso, husto na sa isang payak, payapang libing.Pagkaraan, bago kami magkanya-kanya ng uwi, ay pinag-usapan namin ang tungkol sa mga naiwang pamana sa amin ni Ina.Bahagi ito ng isang matandang kaugalian hindi lamang sa San Fermin bagkus sa buong lalawigan na sa pagyao ng isang magulang, ang bawat isa sa mga anak ay kailangang kumuha ng kahit isa man lamang na bagay na naiwan, may materyal mang kahalagahan o wala. Ang dapat piliin ng isang anak ay kung alin ang inaakala niya na higit na makapagpapagunita sa kanya sa yumaong magulang.Ang bakuran at ang bahay ay hindi na dapat pang pag-usapan. Buhay pa si Ina ay napagpulungan na namin (si Kuya, si Ate, si Diko saka ako) na sa ano't ano man, ang bahay at bakuran ay kay Ditse. Itinuturing namin na siya ang pinakakawawa sa aming magkakapatid. Kinikilala rin namin na siya ang may pinakamalaking naitulong kay Ina sa hanapbuhay, na kaming apat, hindi si Ditse, ang higit na nakinabang. Siya rin sa aming lima ang tanging nakapagsilbi sa aming ina sa huling panahon ng buhay nito.Inisip namin ang iba pang mahalagang bagay na naiwan ni Ina.Isang singsing na may limang maliliit na butil ng brilyante."Ibigay na rin natin 'yon kay Chedeng," mungkahi ni Ate, na ang tinutukoy ay si Ditse. Alam ni Ate na wala ni isang pirasong alahas si Ditse."Yon ba'ng gusto mo?" tanong ni Kuya kay Ditse.Tumango si Ditse, tangong alanganin, nahihiya.Isang karaniwang hikaw na tumbaga."Kung walang may gusto n'on sa inyo," sabi ni Kuya, "yon na lang ang sa 'kin. Para kay Ester," na tinutukoy naman ay ang kanyang asawa.Sang-ayon kami.Naalala ni Ate ang bulaklaking bestido ni Ina, na regalo rin naman niya, ni Ate, sa aming ina noong nagdaang Pasko. Iyon na lamang daw ang kukunin niya, sabi ni Ate."Sa 'kin 'yong bulsikot!" sabi ni Diko. "Baka sakaling kung ibitin ko sa loob ng aming aparador e magbigay sa 'min ng konting suwerte sa pera."Hindi namin napigil, napangiti kami. Marahil, ang pinagbatayan ni Diko sa kanyang "pamahiin" ay ang kaalaman niya na kailanman ay hindi nawalan ng lamang pera ang bulsikot ni Ina. Iyo'y yari sa sinauna, antigong seda; tahing kamay, at kung hindi ako nagkakamali ay matanda pa sa akin.Binalingan ako ni Kuya. "Ikaw?"Sinabi ko na ang nakakuwadro, ipinintang larawan ng aming mga magulang sa bihis-pangkasal.Lahat sila'y nanganga, natigilan. Nahiwatigan ko ang panghihinayang nila na walang nakaalala sa kanila sa larawang iyon."O, maayos na?" pagkuwa'y tanong ni Kuya.Tanguan kami.Pagkaraa'y kanya-kanya nang pagpapaalam sa mga maiiwan, dala ang kanya-kanyang inaring pinakamahalagang alaala ng yumaong magulang.


Ang gilingang bato ni edgardo m reyes?

Ang Gilingang Bato Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito'y nagisnan na naming magkakapatid.Ayon kay ina, ito'y minana niya kay Impo, na minana rin naman daw ni Impo sa sariling ina nito.Sa likod niyan ay walanang makapaglahad sa kasaysayan ng gilingang bato, maliban sa sabi-sabi na ang kalahian daw ni Ina ay kalahian ng magpuputo. Ang ina raw ni Impo ay isang mahusay na magsusuman,kinilala sa buong San Fermin at dinarayo maging sa mga karatig-bayan na nagnanais magregalo o maghanda ng espesyal na suman sa kapistahan, kasalan at iba pang okasyon na may handaan. Si Impo ay naging kabalitaan daw naman sa kanyang bibingkang sapin-sapin.At kung ang pagpuputo ay likas na talinong namamana,ay si Ina ang tanging nakamana niyon pagka't sa kanilang magkakapatid,tatlong lalaki at apat na babae,ay siya lamang ang lumabas na magpuputo. Sa mangasul-ngasul na hilatsa sa galingang bato, ang pinag-ukitang batong-buhay ay maaaring sintanda na ng panahon. Ngunit ang mismong gilingan ay Hindi kapapansinan ng kalumaan, maliban sa tatangnang mulawin, na kuminis na at nagkabaywang sa kaiikot sa sarisaring kamay. Hindi ko alam kung gaano kahusay na magpuputo si Ina. Sa lasa ko, ang kanyang lutong mga kakanin, na bihira kong tikman, ay wala nang katangi-tanging sarap. Ngunit maaaring dahil ako'y sawa na. nawawalan ng lasa ang pinakamasarap mang pagkain kapag araw-araw ay nakahain iyon sa iyo. Ngunit maaaring masarap ngang magkakanin si Ina pagkat siya, tulad ni Impo, ay nagging kabalitaan din sa pagpuputo. Ang pagkakanin ni Ina, kung bagaman, ay Hindi siyang sandigan ng aming kabuhayan noong nabubuhay pa si Ama na isang panday. Kung baga'y nakatutulong lang si Ina. Ngunit bigla-bigla ang pagkamatay ni Ama. Nakaramdam ng naniningid na pananakit sa puson at pamamanhid sa paligid ng pigi, inakala na iyon ay kung ano lamang na titigil din nang kusa, at nang pumayag na pahatid sa ospital (nang panahong iyon ay mayayaman lang ang karaniwang nagpapaospital) sa kabisera ay huli na; mula sa San Fermin hanggang sa kabisera ay dalawang oras na paglalakbay sa karitela, at sa daan pa lamang ay sabog na ang apendisitis. Maliit pa ako noon, pito o walong taon, upang akin nang maunawaan ang kahulugan ng gayao ni Ama sa mga naiwan. Ngunit nang malaki na ako, ang pangyayari'y napag-uusapan pa rin paminsan-minsan ng aking mga kapatid, at ang kalamnan ng kuwentu-kuwento ay nag-aalay ng tagni-tangning kabuuan. Dalawang beses lang daw umiyak si Ina: sa aktuwal na sandal na pagkamatay ni Ama at nang ang bangkay ay ibinababa sa hukay ang pait ay kinimkim sa kalooban, ayaw iluha. At sa libing pa lamang ay usap-usapan na ng mga Tao kung paano kami mabubuhya ngayong wala na si Ama. Kawawa raw naman kami. Tatlong araw pagkaraan ng libing ay pinulong daw kami ni Ina (Hindi ko ito natatandaan). "Wala na'ng ama nyo. Ano'ng iniisip nyo ngayon sa buhay natin?" Isa man daw sa amin ay walang umimik---si kuya(panganay sa amin at mga 17 taon noon), si Ate, si Diko, Si Ditse saka ako (bunso). "Mabubuhay Tao," sabi raw ni Ina. "Pero kikilos tayong lahat." Dati, si Ina ay ngpuputo lamang kapag may pagawa sa kanya. Ngunit ngayong wala na kaming ibag pinagkukunan ay Hindi na maari iyong umasa na lamang kami sa dating ng order; kailangang magputo kami at magtinda araw-araw. Naging abala ang gilingang bato mula noon. Gumigiling kaming lahat, palit-palitan. Sa umaga, ang malagkit ay nakababad na. Sa hapon ay simula ng paggiling, na inaabot ng katamtamang lalim ng gabi. Hindi medaling gilingin ang tatlo-apat na palangganang galapong. Bukod sa mga tanging pagawa, si Ate at si Kuya ay nagtulong sa isang puwesto ng bibingka at puto-bumbong sa kanto. Si Ditse ay nakapuwesto sa palengke tuwing umaga, sa hapon ay lumilibot, sunong ang bilao ng sumang malagkit at suman lihiya. Si Diko, na ang karaniwang tinda'y butse at palitaw, ay nakababad naman sa palaruan ng pool sa bayan, ngunit tuwing Sabado at Linggo ay nakapuwesto sa harap ng sabungan. At maging ako, sa edad kong iyon, ay nagtitinga rin, maglalako ng gurgorya, bagamat Hindi ako lumaayo nang malayo. Natatandaan ko na minsan ay napaaway ako sa aking paglalako ng gurgorya. Dalawang bata ang nakisabay sa lakad ko, at tuwing itatawag ko ang aking tinda ginagagad ako. Nakipagbabag ako dahil doon. Umuwi ako nang ngumangalngal, dumurugo ang bibig, may kalmot sa leeg at sa pisngi. Nagsumbong ako kay ina, ngunit ako ang kanyang sinisi. Hindi ko raw dapat pinansin ang panunukso, at lalong Hindi raw nararapat na makipagbasag ulo ako nang dahil ang doon. Pinadapa niya ako, tatlong sunod na pinalo ng patpat. "Di mo dapat ikahiya ang paghahanapbuhay," sabi niya. Inulit nya ang pangaral na ito sa aking mga kapatid kinagabihan. "Ayoko nang ikahihiya ng sinuman senyo ang hanapbuhay natin. Hindi tayo nagnanakaw. Pinaghihirapan natin 'to!" ngunit ang higit dawn a pinag-uukulan niyon ay si kuya, na diumano, sapagkat binata na, ay malimit magparamdam kay ate ng pagkahiya sa pagtao sa bibingkahan at puto-bumbungan. Hindi naman sa paglapastangan sa alaala ni ama, magaan-gaan ang nagging pamumuhay naming kaysa noong siya'y buhay. Ang aming bahay na pawid at kawayan ay nagging table at yero. Sa gabi, ang kabuuan ng mga intrega ng pinagbilhan ay tinutuos ni Ina, ang tubo ay inihiwalay sa puhunan, itinatabi. Magtrabaho ang pagkakanin. Mula sa pangunguha ng mga dahon ng saging hanggang sa pagtitinda ng luto nang mga kakanin sa samut-samot na paghahanda at Gawain. Ngunit sa kabila ng kaabalahan ay naisisingit naming ang pag-aaral, maliban lamang kay Ditse, na sapagkat may kapurulan ang ulo sa eskwea ay tumigi pagkaraang makapasa, nang pasang-awa sa ikalimang grado. Nauna si Kuya na nagkolehiyo (sa Maynila pagkat noo'y wala pang kolehiyo sa lalawigan), sumunod si Ate, sumunod si Diko. Nababawasan ang katulong ni Ina sa hanapbuhay ay nadaragdagan naman ang paggugugulan. Tatlo na lang kaming naghahalihalili sa gilingang bato. Sa isang banda'y maipagpapasalamat ko na nagging mapurol ang ulo ni Ditse, sapagkat kung Hindi ay sasapit sana na ako lamang ang maiiwang katulong ni Ina. Patuloy ang pagtanggap ni Ina ng mga pagawang puto at suman. Si Ditse ang pumalit sa bibingkahan ng puto-bumbungan. Sa akin napasalin ang pagtitinda ng kakanin sa palaruan ng pool sa bayan, at sa sabungan tuwing Sabado at Linggo. Gayunman, ang kita naming ay Hindi na katulad noong lima kaming ka-balikat ni Ina sa hanapbuhay. Nagtataka ang aming kababaryo. "Pa'nong ginagawa ni Trining (pangalan n gaming ina) at nakapagpapa'ral ng tatlong anak sa kole'yo?" Kung ang kinikita nga lamang naming ay Hindi sasapat. Ngunit ang Hindi alam n gaming mga kabaryo ay ang katotohanan na noong wala pang nagkokolehiyo sa amin, si Ina ay ipon ng ng ipon ng itutustos sa pagkarera ng kanyang mga anak. Nang ako'y magkolehiyo ay may asawa na si Kuya at si Ate. Pareho naman silang nakatapos, kung sabagay: si Kuya ay komersiyo at si ate ay edukasyon. Noo'y inagaw na ng puti ang itim na buhok ni Ina, at si Ditse na lamang ang katulong niya sa dating hanapbuhay. Tulad n gaming nakakatandang mga kapatid, nang matapos naming ni Diko ang mga Kursong pinili naming at magkaroon ng sariling trabaho, ang sumunod na hinarap naming ay pag-aasawa. Si Ditse ang pinakahuling nag-asawa sa amin, at ang nagging kapalaran naman ay isang magsasaka. Nalayo kay Ina ang kanyang mga anak, liban kay Ditse, at sa napangasawa nito, na nakapisan sa kanya, sa dating bahay naming. Kaming talong lalaki ay layu-layo rin ng tirahan sa kamaynilaan. . Si Ate, na ang napangasawa ay isa ring titser na tuad niya, iniuwi ng aking bayaw sa sariling bayan nito, sa Santa Cruz,Laguna, at doon sila parehong nagtuturo. Ngunit Hindi kami nakakalimot sa pagdalaw kay Ina. Lao na tuwing Pasko, nasa kanya kaming lahat, pati na ang mga manugang at ang mga apo. Talagang matanda na noon si Ina. Pilak na ang kanyang nandadalang buhok. Iuyloy na ang kalamnan ng mga braso, lumaladlad na ang mga pisngi. Ngunit sa larawang iyon ng katandaan ay mababakas pa rin ang katatagan, at sa may kalabuan nang mga mata ay masasalamin ang kawalang-pagsisisi sa kanyang buhay at sa kanyang pagiging isang ina. At bakit nga Hindi? Sa abot ng kanyang kaya ay nagawa niya ang pinakamabuti para sa kanyang mga anak. Bukod sa pagdakila ng kanyang mga anak, siya'y pinupuri ng mga nakakikilala. Sa San fermin, ang anak ng isang magsasaka ay maaasahang magiging isang magsasaka rin, ang anak ng isang kutsero ay maaasahang magiging isang kutsero rin. Ngunit kami, apat kaming nakapag-aral at ang ikalima'y dapat sanang nakapagkolehiyo rin kung di lamang sa isang kakulangan. Bihirang ina ang makagagawa ng nagawa ni Ina. Si Ditse ay abala na sa sariling mga anak upang maasikaso pa ang pagtitinda ng mga kakanin. Ngunit si Ina at tumatanggap pa rin ng mga pagawang puto at suman. Iisa ang payo ng kanyang mga anak,dpat na siyang tumigil sa mabigat na gawaing iyon, dapat na niyang iukol ang nalalabing mga araw ng kanyang buhay sa pamamahinga. Ngunit ayaw niya kaming pakinggan. " Madadali' ng buhay ko 'pag sinunod ko kayo," katwiran niya. Sa lungsod ay walang katatagan ang pamumuhay. Maaaring may trabaho ka ngayon, maaaring bukas naman ay wala. Darating sa iyo ang sarisaring di mo inaasahang mga kagipitan. Umaabot it okay Kuya, sa akin, at lalo na kay Diko, na ang tinapos lamang kurosong vocational, radio-TV technician. At sa kagipitan, takbuhan ni kuya at ni Diko ay si Ina. Sa pananalita ni Kuya at ni Diko, ang kiukuhang pera ay hiram, ngunit sa pagbabayaran ay Hindi naman tinatanggap ni Ina. "Hamo na, mahirap 'yong kayo pa'ng kapusin. Nasa menila kayo, walang malalapitan." Ngunit ako, sa kagipitan, ay sa mga kaibigan lumalapit. Anhin ko mang wariin ay Hindi ko kayang dibdibin na hingan ng pera, sa porma ng hiram, si Ina, na tuwing maalala ko ay sa kalagayang matanda at mahina na ay pumipihit pa rin ng gilingan bato. Ang totoo, ni minsan mula nang ako'y magkapamilya ay Hindi ko ipinahalata sa kanya na ako'y kinakapos sa pera. Sa pagdalaw ko sa kanya ay mangya pa na ako'y may pasalubong---na ang ibinili ay maaaring inutang ko lamang. At gayundin, sa aking pagpapaalam ay may iaabot ako sa kanya na sampung dalawampung piso---na maaari ring inutang ko lamang. Kahit na anong pilit naman ang gawin ko ay Hindi niya iyon tatanggapin. Nangungutang ako ng perang ibibigay ko sa kanya, na alam kong Hindi naman niya kukunin, upang mapalabas ko na ako'y nakakaluwag. Sapagkat ngayong kami'y may kanya-kanya nang pamilya, si Ina, kapag tungkol sap era, ay may ibang trato sa amin. Kung gaano siya kapilit sa pagbibigay ng pera sa mga anak ay gayundin naman siya kapilit sa pagsasauli ng perang bigay ng mga anak. Kapag umuwi ang isang anak niya, at sa pagpapaalam ay walang iniaabot nap era, ang hinala agad nya ay gipit ang anak niyang ito, at kaya umuwi ay may kailangan, nahihiya lamang na magsalita. Dudukot siya ng pera sa kanyang bulsikot at ipipilit iyon sa anak. At kung ibig ng anak na magdamdam at magtampo ang ina, ang kailangan lang na gawin niya ay tanggihan ang perang ibinibigay. Kayat ako, sa pagdaaw ko, upang Hindi hinalaan ni Ina na ako'y hikahos, at upang Hindi ako alukin ng perang ayaw ko at ibig ay kailangan kunin ko, ay nangungutang ako sa kaibigan, kung ako'y walang pera, upang may maiabot sa kanya sa aking pagpapaalam. Hindi niya tatanggapin iyon,alam ko, ngunit Hindi niya lamang niya ako sapilitang bibigyan ng pera pagkat sa akala niya ay maluwag ako, na siyang kahulugan ng aking pagbibigay. At isa pa ay ayokong isa pa ak sa kanyang anank na iniintindi niya. Ibig ko nakapag naalala niya ako at aking pamilya ang nasa isip niya ay patag an gaming lagay. Minsan, sa pag-uwi ko ay dinatnan ko si Ina na akto ng paggiling. Bago ko inagaw sa kanya ang trabaho ay ilang sandai munang minasdan ko siya sa pagkakaupo ko sa kanyang tabi. Makupad na at hirap ang kanyang mga kilos. May kinig na ang kanyang kamay sa bato. Pagsaglit-saglit ay tumutigil siya, naghahabol ng hininga. Wala na ang kanyang dating lakas, sigla, at liksi. Ngunit ang pinagtatakhan ko ay kung paanong ang tuyot nang bising na iyon ay nakakaya pang makapihit ng gayong bigat. Sa bawat tulak at sa bawat kabig ay lalong nanlalalim ang kanyang malalalim nang balagat. Ang nag-usling mga ugat sa kanyang braso ay waring nagsisipagbantang mag-ikasan. Natuon ang tingin ko sa kanyang kamay: kaluntoy, butuhan,si ina ay animo na lamang ng kanyang dating sarili, ngunit ang gilingang bato ay iyon pa rin. Sa gilingang bato ay nabanaag ko ang panahon; sa lantang kamay ni Ina ay nakita ko ang mga huling sandal ng pakikihamok ng Tao sa panahon. Ang Tao ay dumarating at yumayao; ang panahon ay nananatili. Si Ina ay Tao; ang gilingang bato ay panahon. Inagaw ko ang gilingan. Ayaw niyang ibigay iyon. Sa pagpipiitan naming ay napahawak siya sa kamay ko. Naramdaman ng aking kamao ang ligasgas ng kanyang makapa, nakakalyong palad. Nakdama ako ng di ko maunawaang panliliit at pagkahiya. Bumitiw siya sa tatangnan. "Mahihirapan ka," sabi niya. Ako, na bata at malakas, ang kanyang inalala, Hindi ang kanyang sarili! "Dati kong trabaho 'to." Sabi ko. Dati ko ngang Gawain iyon, ngunit nang mga sandaling iyon, na muling paghawak ko sa giingan pagkaraan ng maraming taon, ay nakaramdam ako ng paninibago. Kay bigay niyon! Nangalay agad ang kanang braso ko at kinailangang ihalili ko ang kaliwa. Napansin iyon ni Ina at siya'y nangiti. " Hindi ka na 'ta marunong," sabi niya. Noong araw, kahit na kamuraan ko, ay parang nilalaro ko lamang ang paggiling. Ang planggana'y napapangalahati ko sa galapong nang Hindi ako nagpapalit sa kamay. Bakit ngayo'y kay hirap? Naisip ko na ang gaan at bigat ng isang Gawain ay naaayon lang sa kasanayan. "Sino ba naman ang nagpapagawa pa sa inyo?" tanong ko. "Isang taga-Kamyas. Naimporta. Panregalo raw sa binyagan "Hindi na kayo dapat pang tumatanggap ng trabaho. At sila... Hindi ba nila nakikita na sa edad n'yong 'yan e, kawawa naman kayo kung pagtatrabaho pa?" "kuuuu, kaya ko 'yan." Hindi alam ni Ina ang taon, maging ang buwan at petsa ng kanyang kapanganakan. Ngunit nang siya'y mamaalam, at tuos naming ay humigit-kumulang siya sa 80 taon. Sa mga huling araw ni Ina, siya'y nag-aaninaw na, at mahinang-mahina na upang makayanan pang pumihit ng gilingang bato. At ang kanyang sinabi noon, na ang pagtigil sa gawaing mahal sa kanya ay maaaring magpadali ng kanyang buhay, ay waring nagkatotoo. Ayon kay Ditse, mula nang mamahinga si Ina ay nagging masasakitin ito, bumilis ang panghihina. Gayunman, kahit paipud-iPod ay lumalabas ito sa kusina, dinadalaw ang kanyang gilingang bato, na nakatabi sa ilaim ng kakalanan. Hinuhugasan nito iyon, o dili kaya'y pinupunasan ng basahang basa. Bigla rin ang kanyang pagkamatay, tulad ng pagyao ni Ama. Ang kalooban naming ay handa na sa mangyayari ngunit inakala naming na mabubuhay pa siya nang dalawa o tatlong taon pa. Ngunit isang umaga ay dumating sa amin ang aking bayaw (asawa ni Ditse) at ibinalita na patay na si Ina. Kung ano ang ikinamatay, mahirap matiyak. Ngunit hinulaan naming, batay sa nakita sa kanya na mga palatandaan bagi siya namatay, na iyo'y pulmonya. Tatlong gabing paglalamay. Sa usap-usapan ay maraming papuri kay Ina. Di na iilang patay ang napagmasdan ko sa pagkakaburol, at ang karaniwang larawan ng patay sa pagkakaburol ay hapis. Ngunit an gaming ina, sa pagkakaburol, ay waring nakangiti pa! Nairaos nang maayos ang libing. At kahit sa kanyang kamatayan, kaming mga anak ay Hindi nakaroon ng pagkakataong gastusan siya. May pera siya sa kanyang bulsikot, mahigit na dalawang daang piso, husto na sa isang payak, payapang libing. Pagkaraan, bago kami magkanya-kanya ng uwi, pinag-usapan naming ang tungkol sa mga naiwang pamana sa amin ni Ina. Bahagi ito ng isang matandang kagugalian Hindi lamang sa San Fermin bagkus ay sa buong lalawigan, na sa pagyao ng isang magulang, ang bawat isa sa mga anak ay kailangan kumuha ng kahit isa man lang na bagay na naiwan, may material mang kahalagahan o wala. Ang dapat piliin ng isang anak ay kung ang inakala niya na higit na makapagpapagunita sa kanya sa yumaong magulang. Ang bakurana at ang bahay ay Hindi na dapat pag-usapan. Buhay pa si Ina ay napagpuungan na naming (si Kuya,si Ate,si Diko saka ako) sa anu't ano man, ang bahay at bakuran ay kay Ditse. Itunuturing naming na siya ang pinakakawawa sa aming magkakapatid. Kinikilala rin naming na siya ang may pinakamalaking naitulong kay Ina sa hanapbuhay, na kaming apat, Hindi si Ditse, ang higit na nakinabang. Siya rin sa aming lima ang tanging nakapagsilbi sa aming Ina sa huling panahon ng buhay nito. Inisip naming ang iba pang mahalagang bagay na naiwan ni Ina. Isang singsing na may limang maliliit na butyl ng brilyante. "Ibinigay na rin natin kay Chedeng." Mungkahi ni Ate, na ang tinutukoy ay si Ditse. " 'Yon ba'ng gusto mo?" tanong ni Kuya kay Ditse. Tumango si Ditse, tangong alanganin, nahihiya. Isang karaniwang hikaw na tumbaga. "kung walang may gusto n'on sa inyo," sabi ni Kuya," 'yon na lamang ang sa'kin. Para kay Ester," na ang tinutukoy naman ay ang kanyang asawa. Sang-ayon kami. Naalala ni Ate ang bulaklakin, lilang bestido ni Ina, regalo rin naman niya, ni Ate, sa aming Ina noong nagdaang Pasko. Iyon na lamang daw ang kukunin niya, sabi ni Ate. "Sa 'kin 'yong bulsikot!" sabi ni Diko. "Baka-sakaling kung ibitin ko sa loob n gaming aparador, e magbigay sa'min ng konting s'werte sa pera." Hindi naming napigil, napangiti kami. Marahil, ang pinagbabatayan ni Diko sa kanyang "pamahiin" ay ang kaalaman niya na kailanman ay Hindi nawaan ng lamang pera ang bulsikot ni Ina. Iyo'y yari sa sinauna, antigong seda, tahing-kamay, at kung Hindi ako nagkakamali ay matanda pa sa akin. Binalingan ako ni Kuya,"Ikaw?" Sinabi ko ang nakakuwadro, ipinnintang larawan n gaming mga magulang sa bihis-pangkasal. Lahat sila'y nanganga, natigilan. Nahiwatigan ko ang panghihinayang nila na walang nakaalala sa kanila sa larawang iyon. "O, maayos na?" pagkuway'y tanong ni Kuya. Tanguan kami. Pagkaraa'y kanya-kanya nang pagpapaalam sa mga maiiwan, dala ang kanya-kanyang inuring pinakamahalagang alaala ng yumaong magulang.


Is bahagharing timog lav diaz's pen name?

Yes. He used it as a pen name for his short story "Pula, Puti at saka Blu, at Marami Pang Korol" when it was submitted to the Palanca Memorial Awards for Literature. It won Second Prize. It is now published in the book Hulagpos, which is being used as a module in schools on modern Pilipino literature.Read the short story:From: http://ulan-shiela.blogspot.com/2007/09/underground-classic.HTML"Pula, Puti at saka Blu at marami pang Korol"Ni Lav DiazPalanca Memorial Awards for LiteratureShort Story"Kahirapan ang pinakamasahol na uri ng karahasan."-- Mahatma GandhiNalulungkot lang siya kaya siya ganun, sabi ni Nenet, Dyong at Toto. Pero Hindi siya umiiyak. Sanlinggo na. Hindi, siyam na araw na. Pansiyam ngayon.Tapos na ang dusa. Tinapos niya. Pero naghihirap ang loob niya. Hindi siya matahimik.Gusto niyang isiping tapos na, sa wakas, pilit pinaluluwag ang dibdib, pero Hindi matapos. Matay man niyang gawin, naroroon pa rin, lumalambong, nangangamoy, nambubulahaw. Isang linggo na siyang lumilipad, Hindi, siyam na araw na nga pala, pero kapit-tukong kinakalmot pa rin ang katinuan niya. Ayaw bumitiw, Hindi kaya ng happenings.'Yung amoy. Hindi niya makawa, Hindi mabata. Sa kasusuka ay wala na siyang maisuka. Malapot na laway na lamang ang lumalabas. Yung amoy. Nakaangkla sa kasuluk-sulukan ng kanyang pangamoy, kahit patung-patong nang singhot ng solben. Parang tumitindi pa nga ang lansa.Yung sigaw. Nakalulunos, nakapangingilabot. Kumintal na yata sa utak niya. Patuloy na umaalingawngaw. Sanlinggo na. Hindi, siyam na araw na. Ayaw siyang patulugin, kahit kunukulubot at tinutuyot na ng solben ang utak niya.Magtatawanan sila. Bungi kasi, bulol, tanga, may luga pa.Putsa.Ano? Tutuhurin siya ni Dyong, babatukan ni Toto. Galit siya pero Hindi siya lalaban. Paano, siya ang pinakamaliit, pinakabata. Si Dyong, dose na. Si Toto, sampu. Si Nenet, Hindi sigurado pero kasinlaki niya. Maganda na. Lumalaki na ang suso. Mga susong gusto niyang hawakan at laruin tulad ng nasisilip niyang ginagawa ni Dyong kaya lang, kay Dyong talaga si Nenet, hawak na. Minsan nga, nakatulugan Nina Dyong at Nenet na hubad sila. Nakita niya ang kabuuan ni Nenet. Gusto niyang gawin lahat ang ginagawa ni Dyong kay Nenet, halikan sa bunganga, laruin ang suso, papatong, kaya lang, magagalit si Dyong.Noon, noong maliit pa siya, ganun din ang nakikita niyang ginagawa ng mga lalaking pumapasok sa kanilang tirahan sa iskwater, tulad ng ginagawa ni Dyong kay Nenet. Sa pagkakaalam niya'y parang gabi-gabi, iba-iba. Maghuhubad ang nanay niya tuwing may dumarating. Nakikita niya ang lahat. Bago 'yun magkasakit ang nanay niya.Si Nanay mo, Hindi nagmumulto?Hindi.Hala, ayan na'ng nanay mo! Takbuhan sila. Si Nenet, Hindi makatakbo, nananakit ang katawan, pero magtatago rin. May kadiliman ang mga sinapupunan ng mga palapag kahit araw. Walang multo, kahit iwan n'yo ako, mabait si Nanay, mabait yun, sabi niya sa sarili.Moooo! Hindi sa Nanay 'yun, boses ni Nenet. Awooo! Lalong Hindi, nagboboses babae si Dyong. Plang! Klang! Nambato ng baal si Toto. Dyug-dyug-dyug-dyug! Elarti. Dumungaw siya. Hayun, palampas ng ang malaahas ng sasakyan. Nasa ikalimang palapag siya, mataas ng dalawang palapag sa tapat ng riles ng elarti. Hahabulin niya ang tanaw ng elarti. Sayang, bumaba na ang tama ng solben. Maghapon kasi siyang nakabilad sa araw. Sayang, ang ganda sanang tingnan kung hay pa siya, kahit ganung wala pang ilaw.Siya, sina Dyon, Nenet at Toto, ang siguro'y tanging nakaaalam na napakasarap pagtripan ang elarti lalo na kung gabing rumaragasa ito, puno ng ilaw at lumilipad silaa sa solben. Minsan, akala niya ay uod itong kumikinang ng ilaw at puno ng mga nangungunyapit na linta na many sari-sariling korol. Mga lintang galing sa trabaho. Uuwi na sila. May mga buhay sila, e. Isip niya, ang sarap ng maging katulad nila, nakasakay sa kumikinang na uod na kapag ramaragasa ay nag-iiwan ng pula, puti, blu, orens at maraming maraming bumibilog, tumutudla, bumubulusok, pumapailanlang, bumubulwak at kumikiwal na korol. Andaming korol! At yung sawns. Walang binesa ang disko sa Menudo. Pakiwari niya'y galing sa langit, mula sa kung saan-saan, dumadagundong, sumasayaw, nag-aanyaya, sumasabay, sumasaliw, umiiwas, lumalayo, lumalapit, sumisiksik, himihiyaw, lumalambing, parang duyan, parang oyayi na nais ihele at magupiling, parang agos na tumatangay, parang alapaap na kumakampay, kumakaway, naglalakbay, isang huning nanghahalina, nang-aakit, umaawit, parang... parang... wow!Sinabi niya, ilang beses na nasabi na niya, na gusto niyang mamatay sa elarti. Anong sarap na makasama ang mga korol at sawns. Kesa basura, kesa kalsada, kesa tebi, kesa ketong, kesa sipilis, kesa apoy...!Ginulat siya ng tatlo. Hahaha! Bbungi! Tanga! Gago! Baliw! Putsa! Ano, kamo? Lalaban ka? Matapang ka? Ha? Tuhod. Tulak. Aray ko! Pero Hindi siya lalaban. Maliit kasi siya.Nagtitrip ka diyan e, bumaba na ang tama natin. Iiskor tayo mamaya. Iiskor ka pa.Tinalunton ni Dodoy ang Abenida. Ayaw niya sa usok. Masakit sa ilong Maingay, Hindi niya gusto ng maingay, Hindi sawns. Da bes yung elarti. Magulo, walang kuwentang panginorin. Hayun, yung mga neyong naglalaro at de korol, yun ang gusto niya rito tuwing kagampan ang dilim. Kaya lang, kulang sa galaw, kulang sa liksi, kulang sa hagibis. Gusto niya'y matulin, yung gusto mong habulin pero Hindi mo makaya. Ganun ang elarti, ibang klase.Pagtawid niya'y gahibla na siyang muntik na mahagip ng rumaragasang magarang kotse. Kagulo ng trapik. Putang-ina mong yagit ka! Magmura kayo. Wala na sa kanya yun. Yun ngnang maghapong higa niya sa gitna o tabing kalsada, e balewala na. Tao, trak, dyip, greder, lahat umiiwas sa kanya, sa kanila. Kailanman ay Hindi siya umiiwas sa mga sasakyan. Pag 'di ka umiwas, iiwasan ka. Pag umiwas ka, di sila iiwas. Pag walang umiwas, bahala na. Yun ang natutunan niya sa kalsada. Init at ulan, balewala na rin. Nababata na niyang lahat. Bahagi na yun ng kanyang trabaho. ng pakikibaka sa buhay. Magpupunas ng uling at alikabok, kung minsan putik, sa iba't ibang bahagi ng katawan, damit at syort na anyong basahan, hihiga sa kalsadang maraming nagdaraan katabi ang nakangangang lata. Hindi gaanong dusa kung kargado ng solben, maagti-trip ka maghapon. Pag-asa ang bawat kalansing barya.Pasok siya sa madilim at namumutik na iskinita. Doon sa pagawan ni Kenet ng sapatos. Mas bukas ang puwesto niya pag gabi. Maraming umiiskor.Uy, Dods, ano ba'ng atin? Kondolens uli. Ilan? Walong kutsara? Wow! Bigat n'yo ah, lumalakas kayo. Lasing si Kenett, may mga kainuman tulad ng dati.Si Kenet, laging bundat ang tiyan, malaki na nga, Hindi tama sa edad niya, trentahin pa lang siya, sobrang porma. Simple lang ang repersyap niya, maliit, pero nakakarating na siya sa Hongkong, Bagyo, at Dabaw. Marami siyang pera.Hayan, may palamang binilot diyan. Okey ang iskor n'yo ngayon, e.May balatong damo si Kenet. Mas gusto ni Dodoy ang damo kaya lang di pa nila kaya. Mas mabigat iskorin ang damo. Pero sabi ni Dyong, malapit na silang lumipat sa damo o maaaring shabubasta't palarin si Nenet, sila.Yun. Kaya walong kutsara sila ngayon, nagsimula na yata ang suwerte ni Nenet kagabi. Pers taym na ipinarada siya ni Dyong sa Ermita, agad may nakanang Ostralyanong datan. Twenti dolars ang hatag. Nagpakabusog sa hamberger at kok sina Dyong, Nenet, at Toto. Si Dodoy, di kaya kahit anong sarap. Ayaw humiwalay nung amoy, nung sigaw. Bumili ng damit si Nenet sa Sentral Market, pati lipstick at pabangong emseben. Bumili rin si Dyong ng bayodyesek para sa lagnat ni Nenet. Hindi ito makagulapay paggising kaninang umaga. Sabi ni Dyong, pers taym kasi sa parener, kaya ganun.Si Dyong, titigil na rin sa pagdapa sa kalsada. Paparada na rin sa parener ngayong gabi. Kung sakali, paparadi na rin si Dodoy at Toto sa mgs darating na gabi. Baka sakali, iiwan na nila ang kalsada tulad Nina Bet, Warly, Kongkong, Perdi, Sali, Mimi…Paparada na sila sa parener.Habang papalapit si Dodoy sa inabandonang bilding, sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Dyong noon, noong buo pa ang gusali at nang masunog ito. Napakagandang bilding nito dati, labas-masok ang mga maayos na Tao, yung magagara ang damit. Ni sa hinagap pa nga e, Hindi niya inakalang isang araw e, magiging tirahan niya, nila, ito, labindalawang palapag. Puro nga abo't uling pero ang laking panangga sa lamig at sakuna sa gabi. Minsan, noong buo pa ang bilding, ang lakas ng ulan, sumilong sila sa may pinto nito, doon na natulog, pero ipinagtabuyan sila ng guwardiya, tinutukan ng baril ang nguso ni Dyong nang umangal ito. Sinagasa nila ang ulan. Nilagnat si Nenet, ang taas, nagdiliryo nang ilang araw, akala nila mamamatay. Sabi ni Dyong, putang-ina, susunugin ko ang bilding! Isang araw nga, mga tatlong buwan na, nasunog ang gusali. Minsang langong-lango sila sa solben, sabi ni Dyong, siya ang sumunog. Pero walalng naniwala sa kanilang tatlo. Ngayon, habang paakyat siya sa bilding, naitatanong niya, si Dyong nga kaya ang sumunog nito? Baka totoo. Siya nga e…Ang tagal mo, a.Kumakain sina Dyong, Nenet at Toto ng hamberger at kok na naman. May para kay Dodoy pero ayaw niya.Talagang nagpapakamatay ka na, ano? Ang payat-payat mo na. Kalimutan mo na ang nanay mo. Patay na yun! O, kainin mo!Ayaw. Buang na talaga! Yun ang sabi ni Nenet. Ang nabubuang daw, Hindi kumakain nang matagal. Tapos, laging nakatungo, nakatanghod, tulala, nakanganga. Ganun si Dodoy. Naaawa si Nenet.Pansiyam na ngayong araw, gabi, na halos di kumakain si Dodoy. Titikim lang ng konti, wala na. Sabi ni Dyong, pasiyam ngayon ng nanay mo. Basta pasiyam, nag-aalay ang mga namatayan ng pagkain, padasal, palaro. Nililimot ang kalungkutan ng pagkawala ng isang mahal sa buhay. Alam ni Dyong dahil istoawi siya galing sa probinsya. Ganun daw sa kanila kapay ika-siyam na araw ng patay. Kaya dapat huwag nang malungkot si Dodoy.Walong kutsara ngayon ang solben natin. Magseselebreyt tayo sa pasiyam ng nanay ni Dodoy. Tulad sa probinsya namin. Tapos, tsibog tayo, ha, Doy? Ha?Siyanga naman, Doy. Sige na. Selebreyt na!Sige. Bahagyang ngingiti si Dodoy, unang guhit ng ngiti sa kanyang mukha sa loob ng siyam na araw, gabi. Pero sa loob-loob niya, kung alam n'yo lang na Hindi sa lungkot kaya ako nagkakaganito… Hindi!Hating kapatid, ha, tigalawang kutsara tayo.Ay, Dyong, di ba hihintayin tayo ni Mister Pol Hanikom sa Anito?Alas diyes medya pa yun. Karga muna tayo. Maganda yung kargado ka para mawala yung sakit ng ulo mo at saka Hindi hahapdi 'yang sugat. Alam n'yo bang sinabi ni Mister Pol Hanikom na kapag nakakita siya ng isang buong bahay na mauupahan, ititira niya dun si Nenet, kasama tayo, di ba sinabi niya, Net?Oo, kaya lang… parang natatakot ako, e…Ito ang langit para kay Dodoy. Mamumula ang kanyang mga mata, mangangapal at mamamanhid ang kanyang balat, maninindig ang kanyang mga balahibo, wari'y mamimimitig ang kanyang mga binti, nagiging maganda ang paligid, nagiging masaya, nagiging paraiso. Yung tambakan, nag-aanyong bundok ng ginto. Ang init ng araw, walang haplit, sumusuko. Ang lamig ng gabi, umaamo, nagiging kaulayaw. Lahat ng pagkain, maski panis, masarap, malinamnam. Nagiging maganda siyang lalaki, Hindi sunog ang balat, Hindi kinakalayo ang mga palad at apakan, Hindi nagluluga ang kaliwang tenga, Hindi nananakit ang mga bulok niyang ngipin, gumagara ang malabasahan niyang kasuotan, nagmimistulang anghel sa kagandahan si Nenet…Si Nanay niya, masaya sa solben, matagal dung gumamit. Siya ang nagturo. Noon una, galit ito. Putang-yawa ka, Dodoy! Masama ang adik-adik. Pero nang dapuan ito ng tebi, pangangati ng katawan at nagsimulang mangayayat, sinubok ang solben, nasarapan ito, naiibsan ang dusa niya. Kaya tuwing uuwi siya, may pasalubong siyang solben at siopao sa nanat niya. Alam na Nina Dyong ito.Naikuwento na rin niya kay Nenet na wala siyang tatay. Galing ng Bohol si Nanay niya, yun ang sabi sa kanya. Hindi alam ni Nenet kung saan ang Bohol. Sabi niya, parte pa rin ng Pilipinas. Nakalakihan niyang may labas-masok na lalaki sa mga natirhan nila sa iskwater hanggang nang makabili ng munting dampa sa tambakan. Greyd wan lang siya. Wala nang lalaking lumapit sa nanay niya. Kailangan na niyang maghanap ng pambili ng pagkain at gamot ng nanay niya. Nang lumalala ang kanyang nanay, panahong nakilala niya sina Dyong. Sa kalsada na rin siya tumira. Ayaw na siyang patulugin ng nanay niya sa dampa. Baka raw mahawa siya. Maski ano'ng gawin niya, Hindi niya kayang bilhin ang mga gamot.Hindi na rin nanghingi ng gamot ang nanay niya. Solben na lang at siopao.Kwento ka nga, Doy. Magaling kang magkwento, e. Sabi ni Nenet. Magkukuwento siya basta si Nenet.Kwento yun ng nanay niya, sabi niya, paborito niyang kwento. Ngayon lang niya ikukuwento kay Nenet, kasama na rina sina Dyong at Toto dahil naroroon sila. Kwentong piritil daw, sinauna. Kwento ni Huse Lisar.Anong Huse Lisa? Huse Risal!Hagalpakan ng tawa sina Dyong at Toto. Utal, gago! Gusto niyang ma-bad trip per magkukwento siya kay Nenet. At saka maliit siya, e, Hindi niya kaya ang dalawa.Yun daw kasing gamu-gamo, matigas ang ulo, yung anak, ha, Hindi yung ina. Mag-ina, e. Sabi ng ina, mainit yang apoy ng ilaw na de gas kaya huwag kang maglaro sa malapit na malapit dahil malapit ang aksidente dun. E, ito kasing anak, matigas ang ulo. Isang araw, naglikot siya, Hindi sa ilaw kundi dun sa tenga ni Huse…Risal, gago!Tapos, sabi ni Nenet.Di napaigtad si Huse…Risal, gago!Tapos…Natabig ni kuwan yung ilawang de gas at lumiyab yung mesa. E, sa ilalim ng mea nakatira ang mag-inang gamu-gamo. Nasunog sila. A, Hindi yung anak lang pala ang nasunog muna dahil naghahanap ng pagkain ang ina. Umiyak yung nanay nang malaman ang nangyari sa anak. Tapos, nagpakamatay siya.Maiiyak si Nenet.O, pinagtripan mo na naman iyong kuwento. Hindi naman nakakaiyak, e, kuwento ng katangahan iyon, e.Ilang elarti na ang dumaan.Wow, halos panabay nilang nauusal kapag may na daraan. Natatahimik sila, ninanamnam ang sawns, ang korol.Dyong, sumakay tayo ng elarti bukas, lambing ni Nenet.Teka… sige.Sama kami.Oo. Pag may nakuha si Nenet mamaya kay Mister Pol Hanikom. Bibili tayo ng tig-iisang teysert para Hindi tayo nakakahiya.Bukas na lang tayo pumunta kay Mister…Ngayon na. Usapan, e.Mahapdi, e…Singhot ka nang todo para hay na hay ka, mawawala 'yan. Basta bukas, sasakay tayong lahat sa elarti.Naalala ni Dodoy yung sinabi ni Dong, yung pagsunog ng bilding.Oo, kasi ayaw n'yong maniwala. Akala ko kasi noon, mamamatay na si Nenet. Ang ginawa ko, humingi ako ng gas kay Nenet, di ba marami siyang das na panlinis ng tumitigas na solbent? Yun, sabi ko para sa ilaw natin. Nakikita n'yo yung istasyon dun ng elarti? Dun, sumingit ako noong malapit nang magsara. Nagtago ako. Tapos, nung wala nang elarti, binaybay ko yung tabi ng riles. Pagtapat ko diya sa terd plor, binato ko yung salamin ng bintana. Dun ko ipinasok yung sinindihan kong basahan na babad sa gas. Huwag n'yong ikukuwento sa iba, ha?Oo.Dumalang ang elarti.Magbihis na tayo, Net.Atubili si Nenet, nakatingin kina Dodoy at Toto.Halika na, magagalit si Mister Pol Hanikom, e.Atubiling tatayo si Nenet, inaalalayan ni Dyong.Kaya mo ba, Net, Hindi na ba masakit ang ulo mo?Kaya niya.Doy, huwag ka nang malulungkot, ha? Bobolahin ko si Mister Pol Hanikom para may teysert tayo bukas, tapos sasakay tayo ng elarti at saka kakain tayo ng masasarap. Kumain ka na rin kasi…Tatango si Dodoy. Umiika si Nenet. Parang gusto niyang pigilan kaya lang baka magalit si Dyong. At saka gusto niya sanang sabihin kay Nenet na Hindi naman siya nalulungkot. Dapat nga, magluwag ang kalooban niya dahil lipas na ang paghihirap ng nanay niya. Mas gusto lang sana siyang ikuwento pa kay Nenet…Hindi niya alam kung matatanggap ni Nenet. Baka magalit. A, kay Toto na lang muna. Kay Toto na lang…Matapos bihisan ni Dyong si Nenet at magbihis din siya, lumakad na sila.Pilit na inaaninag ni Dodoy si Nenet habanag paalis na sila ni Dyong hanggang sa nawala na ang gma ito sa may hagdan. Alam niyang ayaw ni Nenet na pumunta kay Mister… Hindi niya mabigkas yung pangalan. Ayaw ni Nenet. Dati, gustung-gusto nito, pero matapos ang unang parada kagabi, narinig niyang nagreklamo si Nenet kay Dyong… Hindi naman pala mabait ang parener.Masasanay ka rin, sabi ni Dyong. Noong una nga, akala natin Hindi natin kayang humiga sa kalsada na bilad maghapon, nauulanan pa nga tayo pero nakaya natin. Kaya.Tuloy ang dyaming Nina Dodoy at Toto.Ikaw, To, asan ang nanay at tatay mo?Ako… sabihin ko na sa 'yo ang totoo, Doy, wala rin akong tatay, puta rin ang nanay ko. Pero tumigil na.Asan na siya?Hindi ko alam. Iniwan niya ako, e. Sabi niya babalik siya. Hintay ako nang hintay dunsa tinitirhan namin dati sa Baclaran, pero Hindi na siya bumalik. Putang-ina niya, galit ako sa kanya. Ikaw, Doy, Hindi ka ba galit sa nanay mo?Noon. Ayoko lang yung mga laalaking panay ang pasok sa bahay pag gabi. Ginagalaw nila si Nanay tapos sinisia ako pagtumitingin ako sa ginagawa nila. Kunwari tulog akong lagi pag may lalaki sa bahay. Kawawa si Nanay…Tutulo ang luha ni Dodoy. Ngayon lang siya umiyak, ngayong pasiyam. Maiiyak din si Toto.Galit ako sa nanay ko… pero mahal ko din naman siya kahit na iniwan niya ako…Madalang na madalang na ang elarti. Kargadong-kargado na sina Dodoy at Toto. Panay pa rin ang singhot nila ng solben. Banat hanggang sa kaya.To, naniniwala ka ba kay Dyong na siya ang sumunog sa bilding na 'to?Maniniwala ka rin ba na sinunog ko ang nanay ko?Ano?Sinunog ko si Nanay, To… sinunog ko siya…Umiiling si Toto. Hindi mo yun magagawa sa nanay mo. Nanay mo yun, e. Hindi ako maniniwala!Sinunog ko siya, To… sinunong ko yung bahay namin… dinurog ko muna siya ng solben, durog na durog… tapos, nung hay na hay na siya, binuhusan ko yung bahay ng gas… kay Nenet ko rin hiningi yung gas…Putang-ina…Kaya ako Hindi makatulog, To… Hindi ako makakain… Hindi ko malimutan yung sigaw ni Nanay, saka yung amoy ng nasusunog niyang laman… ginawa ko yun kasi awang-awa na ako sa kanya… tuwing uubo siya, may dugo… yung katawan niya, puro nana at butas… nilalanga siya… pag gabi, kinakain siya ng mga daga… putsa… putsa talaga…Yuyugyog ang buong katawan ni Dodoy sa kanyang paghagulgol.Mapapaatras si Toto. Magsusuka nang magsusuka, lalayo.Samahan mo akom To. Huwag mo akong iwan dito…Ayoko na! Bad trip ka! Putang-ina! Tatakbo si Toto, lalamunin ng dilim.Totodohin ni Dodoy ang pagsinghot sa solben, parang mauubusan, parang hinahabol, kailangan niyang mapuno, mawala para Hindi mahabol ng amoy ng nasusunog na laman, ng nakalulunos na sigaw.Kaginsa-ginsa'y may naulinigan siyang tunog, parang malayong sigaw? Hindi, sawns! Sawns nga! Hayun, tanaw niya ang papalapit na elarti. Andaming korol.Tatayo si Dodoy, hahakbang sa hanggahan ng palapag. Sasakay ako sa elarti, mauuna ako sa kanila… Hindi nila ako mahahabol. Guguhit ang ngiti sa kanyang mukha.Bago tumapat sa gusali ang rumaragasang dambuhalang uod ay lumipad na si Dodoy… sa magpakailanman.Wow.Postcript:Si Nenet, namatay sa impeksyon ng kanyang maselang parte.Si Toto, nasa sentro ng rehabilitasyon para sa mga adik.Si Dyong, inampon, sabi'y inasawa ni Mister Paul Honeycombe. Nasa Ostralya na sila.


Ano ang mga pangkat-etniko sa Luzon?

elow ako c JasminePangkat etniko sa LuzonAetaMatatagpuan ang pangkat ng mga aeta sa halos lahat ng dako ng kapuluan. May iba't iba silang pangalan sa iba't ibang lugar. Higit silang marami sa Luzon. Aeta o Ayta ang tawag sa kanila sa hilagang Luzon. Ibuked naman ang tawag sa mga aetang nakatira nang malayo sa mga kapatagan. Sa Kofun, Diango, Paranan at Assao sa Cagayan, Ugsig at Aita ang tawag sa kanila. Sa Palawan, Batak ang tawag sa kanila. Sa Silangang Quezon, Rizal at Bulacan, Dumagat ang tawag sa mga Aeta.Nawala na ang orihinal na wika ng mga Aeta dahil inangkin na nila ang wika ng mga tagakapatagan na kanilang nakakasalamuha. Hindi pa rin naalis sa kanila ang kultura ng pangangaso at paghanap ng mga pagkain mula sa mga halaman sa kapaligiran. Bihasa rin ang mga babae at batang Aeta sa tradisyunal na paraan ng pangingisda gamit ang sima, bitag, lambat at sibat.Pulut-pukyutan ang espesyal na pagkain para sa mga Pinatubo Aeta at Ibuked Ayta. Kumakain din ang mga Pinatubo Aeta ng umok o maliliit na pukyutan at ng latak na nakukuha sa bahay ng pukyutan.Pamilya ang pangunahing yunit ng lipunang Aeta. Gayunpaman, tinutulungan din ng pamilya ang kapamilyang namatayan ng asawa. May pantay na karapatan ang kanilang mga anak at mahigpit ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Isa lamang ang asawa ng bawat Aeta. Bawal sa kanila ang pag-aasawa sa malapit na kamag-anak. Ngunit pinapayagan ang ilan na magpakasal sa pinsang buo matapos ganapin ang ritwal na "paghihiwalay ng dugo."Nakabatay sa paggalang sa matanda ang sistemang pulitika ng mga Aeta. Ang mga iginagalang na pangkat ng matatanda ang nagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamayanan. Ang kinikilalang batas ay yaong nabuo mula sa tradisyon.Naniniwala ang mga Aeta na may mga ispiritu ang lahat ng mga nasa kapaligiran tulad ng ilog, dagat, bundok at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit kanilang iginagalang ang kalikasan. Hindi sila pumuputol ng puno kung Hindi rin lamang kailangang-kailangan. Naniniwala silang iniinsulto ang ispiritu ng kalikasan kapag inaaksaya ito.TinguianMatatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Nagtatanim sila ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at personal na palmuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang napupusuan.Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil. Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.TagbanuaNaninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso.Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.MangyanNaninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.May iba't ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.IfugaoSa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.KalingaMatatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.ItawesMatatagpuan ang mga Itawes sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawes sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag kaya Ibanag din ang ginagamit nilang wika.Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.GaddangTinatawag ding Gadam, Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan.Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Gaddang. Gabi, palay, sili, bawang, tubo at iba pang gulay ang kanilang itinatanim. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda, pangangaso at pagtitinda.Kankana-eyAng mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May dalawang pangkat ang Kankana-ey sa Mankayan, Bakun, Kubungan, Buguias at sa mataas na bahagi ng Benguet. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey. Kapwa sila kayumanggi, kadalasang may mga tatu, may malalaking mata at mauumbok na pisngi.Mga magsasaka ang mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin sa gilid ng mga bundok. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.Walang pormal na pamunuang pulitikal ang lipunang Kankana-ey. Ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.IlongotNangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan.IbaloyAng mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang pamahalaan.Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong Ibaloy pa rin ang nasusunod.IsnegKilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng pamayanan ang mga Isneg.Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera. Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.IvatanMga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy.Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya, medisina, edukasyon at iba pa.Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.Pangkat-etniko sa MindanaoMaranaoMay sariling relihiyon at kultura ang mga Muslim. Pagtatanim, pagtrotroso, pangngisda at paggawa ng mga Industriyang pangtahanan ang nagbibigay sa kanila ng ikinabubuhay. Sila ay marunong magmina, manisid ng perlas at gumawa ng bangka o vinta.Nagkakaiba man ang wika kasuotan, paniniwala at paraan ng paghahanapbuhay, ang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay may isang damdamin kung pagpapayaman sa kultura ang pag-uusapan. by Jobelle E. Selga. BSU (Grade 2)Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao - Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang mga silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.Buo pa rin at Hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.T'boliSa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.Nagpapalagay rng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.TausugKinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.BadjaoAng pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. ito ay pawang katotohanan.SubanonAng mga Subanon ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala silang sa iisang ninuno lamang sila nagmula.CuyunonAng mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Español na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya.BagoboMatatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi.YakanNagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang "haring" palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay.Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at habdang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayag dito ang lalaki.Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng pantalon ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang maong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae sa kanilang baywang.ihiyon at kultura