answersLogoWhite

0


Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang nakikitang tunguhin ng mga itosa kasalukuyang pamahalaan?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang ibig sabihin ng Paksang itoSa Pagkaing tama at sapat wastong timbang ni baby ang katapat?

kung kakain ng maayos ang baby ang weight nito ay magiging maayos din.....


Who is the fake spanish physician of noli you tangere?

In "Noli Me Tangere" by Jose Rizal, the fake Spanish physician is Tiburcio de Espadaña. He pretends to be a skilled doctor but is actually a fraud who deceives people for personal gain. His character serves as a critique of the corruption and incompetence of the Spanish colonial authorities in the Philippines.


Tungkol sa ibong adarna?

Buod :Sa mapayapang kaharian ng Berbanya, ang taong mahihirap atmayayaman ay nakapagtatamo ng mga pagpapala mula sa kanilang Haring Fernando.Siya ay makatarungan at makatao. Katuwang nya ang kanyang maybahay na si DonyaValeriana sa paglalakad sa kaharian. Sila ay may tatlong anak. Ang panganay ay si DonPedro, ang ikalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan. At sila'y Hindi sakim sakayamanan at kapangyarihan.Isang gabi, habang natutulog ang haring Fernando, nagkaroon sya ngmasamang panaginip at sya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip ay tungkol kay DonJuan na sya daw ay inihagis sa isang balong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan,natigatig ang buong kaharihan sa pagkakasakit ng haring Fernando at kapanglawan angnaranasan ni Donya Valeriana. Tanging lunas lamang sa kanyang karamdaman ay angawit o ang hiwaga ng Ibong Adarna. Kaya't ipinatawag ng hari ang kanyang tatlonganak na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Naatasan ng hari si Don Pedro nahulihin ang Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok ng Tabor. At sumunod kay DonPedro ay Si Don Diego.Pagkalipas ng 3 taon, Hindi pa nakbabalik ang 2 prinsipe. Nabahala angHaring Fernando at isinugo niya ang kanyang bunsong anak na si Don Juan, ngunit Syaay nagbulay-bulay kung papayagan nya ito baka kasi magkakatotoo ang kanyangmasamang Panaginip. Ngunit, napumilit si Don Juan na hanapin ang ibong adarna. Kayapala Hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe dahil wala silang galang, dahil Hindi nilatinulungan ang matandang ketonginnangangailangan ng tulong kaya Hindi rin niya tinulungan ang dalawa, at dahil marahasnilang kinuha ang ibong adarna at Hindi sila nagtagumpay, at dahil nakatulog sila sa awitng Ibong Adarna at umipot ang Ibong Adarna, napagkitito sa dalawang prisipe, kaya silanaging bato.Sa paglalakbay ni Don Juan ay nakasalubong niya ng isangmatandangKetongin na humihingi sa kanya ng pagkain at dahil sa kabusilakan ng pusoni Don Juan, Ibinigay nya ang pinakahuling tinapay na kanyang baon, at dahil dito,tinulungan ng Ketongin si Don Juan kung papano makukuha ang ibong adarna. Sinabinito na mayroong isang maliit na bahay kung saan nakatira ang isang ermitanyo namagbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano nya matatalos ang pag-huli sa ibongAdarna. At binilin ng matanda na huwag syang makikinig sa nakakaakit na awit ng ibonat huwag syang hihimlay sa isang puno na kaiga-igaya ang anyo.At nagtungo si Don Juan sa bahay ng ermitanyo, pinatuloy naman si DonJuan sa bahay ng ermitanyo at inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang makitaang pagkain na inaalok ay ang kanyang tinapay na na ibinigay sa isang ketongin. Kaya'tinisip ni Don Juan na ang ermitanyo at ang ketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo siDon Juan ng pitong dayap, matalim na bahala, at gintong sintas. At kanyang sinabi natuwing aawit ang ibon, kailangan nya sugatan ang katawan at patakan ng katas ng dayapang sugat upang di sya makatulog. Kailangan din nyang umiwas kung ang ibon ayumipot pagkatapos umawit ng pitong awit ang ibon. At kapag nahuli nya ang IbongAdarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermitanyo.Sinunod lahat ni Don Juan ang bilin ng ermitanyo, dinakma nya angIbon at nag tagumpay sya sa pag huli sa Ibong Adarna at dinala nya ito sa ermitanyo atinilagay sa isang awla. Kaya nailigtas rin nya ang kanyang dalawang kapatid. Nangpauwi na silang tatlo, nainggit ang dalawa kay Don Juan at binalak nilang bugbugin siDon Juan sa pag-iimbot na sila ang maparangalan at ito ay nangyari. Kinuha nila kayDon Juan ang ibon upang lumabas na sila ang nakahuli. At bumalik na sila sa palasyo.Samantala si Don Juan ay nawalan ng Malay, sya'y Hindi makahuma atmay isang matanda ang tumulong sa kanya. Samantala ayaw umawit ng ibong darna sapalasyo, at nang dumating si Don Juan, biglang umawit ang ibong adarna, at sinabi ngibong adarna ang ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan. Nagalit ang hari sa ginawang magkapatid at ipinatapon sila ngunit nakiusap si Don Juan na patawarin ang dalawa,at pintawad nga sila ng hari.Nagpasya ang hari na pabantayan ang ibon at maghalinhinan ang kanyangmga anak sa pagbabantay. Pagdating ng gabi, pinakawalan at naparam Nina Don Pedroat Don Diego ang ibon at sinisi nila si Don Jan dahil sya daw ang nagbabantay, atipinahanap sya ng hari sa kanyang dalawang anak. Natagpuan nila ang kapatid saArmenya. At isang araw nalinlang nila si Juan at at pinababa sa isang malalim na balon.Dito nakilala ni Juan sina Donya Juana, at Donya Leonora. At iniligtas nya ang mga itosa kamay ng higante at mga serpiyente.Tinangay Nina Pedro at Diego sina Leonora at Juana, sa kabila ng HindiPagsangayon ng mga dilag, at iniwan nila ni Don Juan. Malawak na kapatagan, ilog, atBatis ang binagtas ni Juan. Sa pagkakatulog ni Juan, dumating ang Ibong Adarna atpinukawnya, sinabi ng ibon na kalimutan na niya si Leonora dahil may Maria Blancangkarapatdapat at nag-aangkin kay Don Juan at siya ay matatagpuan sa kaharian ngReyno de los Crystal na pinamumunuan ng ama ni Maria Blanca na si Haring Salermo.Pinuntahan ni Don Juan ang kaharian ng Reyno de los Crystal at nagulatito dahil sa sobrang kinang ng mga bagay, at nakilala nya si Maria Blanca. Nagkaibigansila subalit maraming pagsubok ang dinaanan ni Juan upang makamit nya ang kamay niMaria Blanca. Si Juan ay nagtagumpay dahil na rin sa tulong ni Maria Blanca na maytaglay ng mahiwagang agimat at nabihag nya ang puso ni Maria Blanca. Sila ay nagtungona sa kaharian ng Berbanya upang maipakilala ni Juan si Maria Blanca sa kanyang mgamagulang.Pagdating nila sa palasyo ng Berbanya, ay iniwan muna ni Don Juan salabas , si Don Juan ay sinalubong ang kanyang mga magulang na galak na galak. Nagkitasina Don Juan at Donya Leonora sa palasyo sila ay nagtitigan at parang naglaho sa isipanni Don juan si Maria Blanca. Para syang namalikmata kay Leonora at humingi sila ngpahintulot sa Haring Fernando na magpakasal sa lalong madaling panahon. Talos at tataplahat ni Maria Blanca ang nagaganap. Pinaandar nya ang kanyang mahika at pumasoksiya sa loob naparang isang emperatriz. Namangha ang lahat sa kanya, ni si Don juan ayHindi sya nakilala.Dahil sa akala ni Maria Blanca na pinagtaksilan siya ni Don Juan siya ayNagalit, nagpamook sina Don Juan at Maria Blanca dala ng biglang silakbo ngdamdamin, at ninasa ni Maria Blanca si Don Juan, sa sobrang galit ibinuhos ni MariaBlanca ang tubig sa bote at pinaandar niya muli ang kanyang mahika. Sukat doo'ybiglang bumaha sa loob ng palasyo. Ang lahat ay natakot sa patuloy na pagtaas ng tubig.Nagkagulo at ang lahat ay nasindak, sa dahilang baka sila ay malunod.Muling natauhan si Don Juan at nakiusap siya kay Maria Blanca naPakatiin at patigilin ang pagtaas ng tubig. Nangako si Don Juan na si MariaBlanca ang Kanyang papakasalan. Nabagabag ang kalooban ni Maria Blanca, at saisang iglap ay parang himala na nawala ang tubig. Ito'y pinakati na ni MariaBlanca.Nang maging maayos ang lahat, minungkahi ni Don Juan sa Hari naMagpakasal na sila ni Maria Blanca, si Don Pedro kay Donya Leonora at si Don Diegokay Donya Juana. Ito naman ay sinangayunan ni Haring Fernando. Ipnakiusap ni MariaBlanca kay Haring Fernando na sana lahat ng biyayang nakaukol kay Don Juan ay Ipagkaloob din kay Don Pedro at Diego , at higit sa lahat ang kanilang kaligayahan kung silani Don Juan ay magkakapiling sa Reyno de los Crystal. Ang kahriang iyon ang binigayhimatong ng Ibong Adarna kay Don Juan.Ginayak ang kasal ng tatlo at sabay-sabay na ikinasal sila. Pagkatapos ngkasal, nagpaalam na sina Don Juan at Maria Blanca na babalik na sila sa Reyno de losCrystal, at sila'y naglakbay na patungo sa kaharian ng Reyno de los Crystal.Pagdating nila sa Reyno de los Crystal, tinanggap sila ng mga mamamayanbilang bagong Hari at Reyna. Para sa kanilang lahat mananatili sa kanilang alaala angIbong Adarna.…..WAKAS…..Mga tauhan:Ang Ibong Adarna si Don Juan, Don Diego, Don Pedro, HaringFernando, Donya Valeriana, Donya Juana, Donya Maria Blanca, Donya Leonora,Haring Salermo, Matandang Ermitanyo, Lobo, Higante, at mga Serpiyente.Mga tauhan:· Ibong Adarna - ang mahiwagang ibon· Haring Fernando- ama Nina Don Pedro, Diego, at Don Juan· Donya Valeriana- ina Nina Don Pedro, Diego, at Don Juan· Don Pedro - ang panganay na ank ni haring Fernando· Don Diego - ang sumunod kay Don Pedro· Don Juan - ang bunso at ang determinadong anak ni Haring Fernando· Haring Salermo- ama Nina Prisesa Juana at Maria Blanca· Donya Leonora - ang prinsesa na ikinulong sa balon· Donya Juana - ang kapatid ni Donya Leonora· Donya Maria Blanca- ang Prinsesa ng Reyno de los Crystal(Kaharian ng mga Kristal )· Matandang Ermitanyo- ang Matandang tumulong kay Don JuanMga Talasalitaan:1. kapanglawan-kalungkutan2. tumok - makapal na damuhan3. matatalos - malalaman4. nakakaakit- nakakahalina5. dinakma- kinuha6. makahuma - makakilos7. napagkit- nadikit8. hiwaga - misteryo9. nahahapis - nalulungkot10. maghalinhinan- magpalitan11. nagtitigan- nagtinginan12. nabihag- naakit13. nagpamook- nag-away14. tatap- alam15. ninasa - ninais16. talos- nasaksihan17. marahas- kilos na padalus-dalos18. nagtungo -pumunta19. naparam- nawala20. pinukaw- ginising21. pinakati - pinatigil22. nagbulay-bulay-nag-isip-isip23. naglaho - nawala24. tinangay- kinuha25. nag-aangkin - nagmamay-ari26. pag-iimbot- paghangad27. kinang- kislap28. naatasan- nautusan29. makamit - makamtan30. binagtas- nilakbayGintong Aral:· Maging mabait, at matulungin lalo na sa mga taong nangangailangan.· Maging magalang sa mga taong mas matanda pa sa iyo.· Mahalin ang iyong kapwa lalo na sa iyong kadugo.· Huwag mong saktan ang walang ginagawang masama sa iyo.· Huwag magtaksil o manloko sa iyong kapwa.