answersLogoWhite

0


Best Answer

· Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit Hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

1.) Ang buhay ay gulong: minsan NASA ibaba, minsang nasa itaas

2.) Siya ay isang sampaguita sa kabanguhan.

3.)Ang kaniyang mga mata ay bituin sa langit.

4.) Siya ay isang leon sa galit

5.) Siya ay isang posporo sa nipis.-

· Personipikasyon o Pagtatao Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Umiyak ang kandila.

Ngumiti ang rosas ng umulan.

Matiisin ang mga upuan.

Umiyak ang mga ulap.

Kumindat ang sasakyan sa akin.

· Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Inabutan ako nang isang taon sa kakahintay sa iyo.

Namaga ang mata ko sa kakatingin ko sayo

· Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

โˆ™ 14y ago

Mga Uri ng Tayutay:

1. Simili o Pagtutulad

2. Metapora o Pagwawangis

3. Personapikasyon o Pagtatao

4. Apostrope o Pagtawag

5. Pag-uulit

6. Pagmamalabis o Hayperbole

7. Panghihimig o Onomatopeya

8. Pag-uyam

9. Pagpapalit-saklaw

10. Paglilipat-wika

11. Balintuna

12. Pasukdol

13. Pagtanggi

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 8y ago

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin.
1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles. Halimbawa: 1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. 2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad. 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning. 4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan. 5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan. 6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan. 2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Halimbawa: 1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. 2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 4. Ikaw na bulaklak niring dilidili. 5. Ahas siya sa grupong iyan. 3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. Halimbawa: 1. Hinalikan ako ng malamig na hangin. 2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin. 3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap. 4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. 5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap. 4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa: 1. O tukso! Layuan mo ako! 2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian. 3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian. 4. Ulan, ulan kami'y lubayan na. 5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis. 6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Halimbawa: 1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. 2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan. 3. BUmabaha ng dugo sa lansangan. 4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman. 7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles Halimbawa: 1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. 2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. 3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap. 9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Halimbawa: 1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil. 2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan. 3. Walang bibig ang umasa kay Romeo. 4. Hingin mo ang kaniyang kamay. 10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: 1. Patay tayo dun. ---- Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

Ilang Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.
Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Dahon ay nalalanta munting di madilig
-Francisco Baltazar, Florante at Laura

2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan.
Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga.

3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay.

4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan.
Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.

5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan.
Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.

6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.
Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.

7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.
Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.

8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.

9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak?

10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.

11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa.
Hal. "Ang Mabuting Samaritano"
"Ang Alibughang Anak" ---- TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin...",

MGA URI NG TAYUTAY
1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang:tulad,paris ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing- at iba pa.
=halimbawa=
1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis
2.babaeng parang pagong sa bagal
3.lalakeng tila hari kung mag-utos
4.batang mukhang higante sa laki
5.aleng parang reyna kung mag-kumpas
2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na paghahambing hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
=halimbawa=
1.ipu-ipong sasakyan
2.babaeng pagong
3.batang higante
4.perlas na ngipin
5.ting-ting n balerina
6.palasyong bahay
7.kutis porselana
8.paraisong lugar
3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2 upang bigyang-buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantaong-tilino,gawi,kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa.
=halimbawa=
1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan
2.masayang umihip ang hanging amihan
3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga
4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot
5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan kung tinatapakan ---- Mga Uri ng Tayutay * Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Similesa Ingles. * Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. * Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. * Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. * Pag-uulit * ** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. ** Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. ** Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay. ** Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod. ** Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag. ** Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan. * Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. * Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles. * Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. * Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. * Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. * Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli. * Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas. * Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 14y ago

Gumising ka upang makapagsimula.

Gumising ka upang kumilos.

Gumising ka upang magkaroon ng pagbabago.

This answer is:
User Avatar

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 12y ago

sing asim ng suka ang muka ko ngaun-pagtulad

tigre siya kung kumagat-pagwawangis

nalungkot ang araw-pagsasatao

wala akong maisip sa psgmamalabis

ty........

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang mga uri ng tayutay at mga halimbawa nito?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Halimbawa ng pasukdol na tayutay?

lol sub to nickzel_yt


Ano ang ibig sabihin ng simili at mga halimbawa nito?

Ang simili ay isang uri ng tayutay o figure of speech kung saan binabanggit ang pagkakatulad ng dalawang bagay na magkaibang uri. Halimbawa nito ay "matapang na parang leon" na nagpapahiwatig ng katapangan ng isang tao. Sa simili, ang dalawang bagay ay hindi direktang tinutukoy na magkapareho, ngunit ipinapakita ang kanilang pagkakatulad sa pamamagitan ng pangungusap.


Halimbawa ng pagtanggi na tayutay?

- Hindi ako bulag para makita ang katotohanan. - Hindi ako tanga para di malamang niloloko mo ako.


Halimbawa ng tayutay na paglilipat wika?

Ang tayutay na paglilipat wika ay isang anyo ng tayutay na naglalayong magpahayag o maglarawan gamit ang ibang wika o salita. Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga idyoma o idyomang pahayag sa ibang wika upang bigyang diin ang kahulugan o damdamin ng isang teksto.


Ano ang sintaksis at halimbawa nito?

buang qa ! ay qug pangutan.a ! pasumbaG qa?! nauLit naqu nimu !


Ano ang halimbawa ng pabula?

ang ubas at ang lobo


Anu-ano ang mga halimbawa ng salawikain?

ang salawikain ay parang ganito :Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.


Mga halimbawa na salawikain ng itawes?

anu-ano ang mga halimbawa ng mga salawikain pati ang kahulugan nito


Ano ang doctrina christiana at ano ang mga nilalaman nito?

ang doktrina nito ay di ko alam...


Ano ang tambol at sino ang gumawa nito?

Ano ang Tula?


Anuo ang talinghaga?

ano anu ang mga tayutay


Ano ang halimbawa ng pagpapahalaga?

Kahit ano