Pananda - ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap.
Halimbawa ng mga salitang pananda;
Ang / Ang mga - ginagamit sa pantukoy ng isang pangngalan na ginagamit na simuno ng pangungusap. Ginagamit ang ang mga kapag marami ang tinutukoy.
Sa / Para sa - ang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung saan naganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung sinasamahan ng salitang para.
Si / Sina - ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao. Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina ay para sa dalawahan o maramihan.
Ng / Ng Mga - ginagamit bilang pananda sa pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa, panuring na paari o tagatanggap ng pandiwa.
Kay / Kina - ito ay mga pananda ng pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa at panuring. Ang kay ay isahan at ang kina ay maramihan.
Ay-isang pang-angkop o panandang pagbabaligtad na binabaligtad ang pangungusap mula sa payak na panaguriang pangungusap.