Best Answer

pagbabago ng mundo

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2012-06-26 08:11:57
This answer is:
User Avatar
Study guides

What are medical problems that arise from color blindness

What are the characteristics of effective writing

What are the different types of diction

Another examples of community problems

See all cards
295 Reviews

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang mga pagbabagong naganap sa daigdig upang mabago ang kaanyuan nito?
Write your answer...
Still have questions?
magnify glass
Related questions

Hakbang na maari gawin upang mabago o mapabuti ang iyong kalooban?


Pano ko mababago ang linguwahe sa chat ng facebook?

gusto ko lang naman na mabago ang language nang aking facebook

Ano ang burador?

Ang BURADOR ay kilala sa tawag na "Draft" kung sa wikang Ingles. Ito ay panimulang sinulat mo ukol sa isang paksa. Hindi pa ito ang pinal na bersyon ng iyong sinulat at maaari mo pa itong mabago.

Bakit ayaw ni francisco balagtas ipabago ang birsyo ng tula?

dahil ayaw nyang MABAGO ang sarili nyang pinaghirapan at masasabing sya lang gumawa ng Berso.

Anu ang kahulugan ng sikolohikal?

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang Tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Pagkakapareho ng kabataan noon at ngayon?

Noon, ngayon, ano nga ba ang pinagkaiba? Anu-ano nga ba ang nabago ng panahon? Mula sa teknolohiya hanggang sa mga tao lalo na sa kabataan. Sino nga ba ang magwawagi sa bawat umaasa? Balikan at sariwain ang isipan patungong panahon ng noon. Mga kabataan raw noon ay ika nga katipunero't katipunera. Ipinaglalaban ang tama. Ipinagtatanggol ang bansa para sa kalayaan. Mga munting Jose Rizal at mga munting Maria Clara. Sumusunod sa bawat yapak ng kanilang mga iniidolo. Ika nga tama ang winika ni Jose Rizal ang mga kabataan ang siyang pag-aasa ng bayan. Sinisimulan sa bahay ang pagiging tunay na Pilipino. Mano dito, mano doon. Linis dito, linis doon. Aral dito, aral doon. Lban para sa kalayaan, Laban para sa kinabukasan. Waling iniisip kundi mapabuti ang sarili at ang kinalakhang bayan. Handang magpakamatay anu mang mangyari. Respeto, pagmamahal, dangal, prinsipyo, sipag, tapang at tiyaga ni minsa'y di nawala. Maka-Diyos, laging binibigkas mga salita ng Diyos upang tumulong para sa sarili at sa inang bayan. Mula sa noon patungong ngayon sabay-sabay natin siyasatin, mga kabataan mula sa ngayon. Mga kabataan raw ngayon Hindi raw mabasa, ni Hindi mapaliwanag ang nilalaman ng bawat puso't isipan. May nagsasabing waling nagbago, may nagsasabing walangnabago. Nasaan na raw ang mga munting Jose Rizal at mga munting Maria Clara? Tulauyan na bang binura ng tadhana? Sumabay sa ihip ng hangin? Nawala na ba ang pinagiingatang dyamante ng bansa? Nawala ang respeto, nawala ang tiyaga, sipag, angking talino, dignidada, at mas lalo ang pagmamahal sa bayan. Tuluyan nahigop ng makabagong teknolohiya. Nasilaw sa makikislap na pera. Nagsilipana patungong Amerika. Pati pangarap at isipan tuluyang hinila patungong ibang bansa. Hangad kayamanan't salapi na pinahahalagahan ng bawat nilalang. Di na ba inisip ang bayan? Wala na bang natitirang pagmamahal/ pano na ang mga susunod na bata mas iiba nang iiba ang takbo ng pag-iisip? Sinong mamumuno, malulunod ang isipan sa impluwensya ng panahon. Di nais sirain ang reputasyon't paninindigan't isip ng mga bata at matatanda ng ngayon. Nais lang mabago ang pananaw ng bawat bata na susunod sa amin. Base lamang ito sa aking mga maling natatanaw na nais iwasto. Para sa kinabukasan't ligaya ng bawat bata. Ako'y isang batang ngayon naghihimagsik at humihiyaw na tumututol at humihingi ng tulong. Ako'y bagot na bagot, inip na inip sa takbo ng buhay dito sa daigdig. Mas maswerte nga ngayon dahil mas magaan ang buhay pero mas gugustuhin pang tumira sa tahimik na noon. Kayo saan ba kayo, Kabataan noon o ngayon?

Mga detalye Kay Estella Zeehandelaar?

Japara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makilala ng isang "babaeng moderno" iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki't makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla't maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso't isip ko'y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami'y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso't kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong iniisip gabi't araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong para sa aking sarili'y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo? Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako'y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang "emansipasyon"; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko'y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo'y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako'y may anim na kapatid na lalki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya'y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko't nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki'y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae'y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo't kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang "ikahon" ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki'y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko't kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko't tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo't matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama'y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin. Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako'y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), "opisyal" na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang "mundo" nagging usap-usapan ang "krimeng" iyon na dito'y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga'y para sa kanya lang?

Who is Gerardo P Sicat?

Gerardo P. Sicat Dr Gerardo P. Sicat, Pilipino ekonomista, ay may isang malawak na katawan ng trabaho sa pang-ekonomiyang kanyang bansa isyu sa pag-unlad. Ang kanyang kaugalian ng economics spanned tatlong iba't ibang mga mundo: isang unibersidad karera ng pagtuturo at pananaliksik, ang isang government karera sa pinakamataas na konseho ng pambansang pang-ekonomiyang patakaran sa paggawa, at isang karera sa internasyonal na pag-unlad sa trabaho sa isa sa mga institusyon ng pag-unlad ng mundo - ang World Bank. [Edit] Kabataan at edukasyon Gerardo Sicat ay ipinanganak sa 1935 sa San Fernando, Pampanga, isang lalawigan sa Gitnang Luzon. Ang kanyang mga magulang ay mga mahihirap baryo kakailanganin ng mga tao na, sa kabila ng mga limitasyon ng kanilang edukasyon, struggled sa likuran walong children sa pamamagitan ng sa kanilang pag-aaral. Sa panahon ng unang bahagi ng buwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang kanyang ama inilipat ang pamilya sa Maynila kung saan siya lumaki sa pagkalalaki. Siya ay nag-aral sa pampublikong paaralan ng bansa hanggang sa hanggang kanyang graduation mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ang estado unibersidad. [Edit] Career ikot Gerardo Sicat nagsimula ang kanyang karera bilang isang ekonomista kapag siya ay itinalaga sa 1958 bilang katulong magtuturo sa Economics sa Unibersidad ng Pilipinas. Pagkatapos ng isang taon ng pagtuturo, siya ay iginawad ng isang scholarship financed sa pamamagitan ng Rockefeller Foundation upang pag-aralan Economics sa Massachusetts Institute of Technology (MIT) kung saan siya nakakuha ng Ph.D. sa 1963. MIT ay kabilang sa mga nangunguna sa lahat graduate mga sentro para sa pag-aaral ng Economics sa mundo. Bumabalik sa kanyang pagtuturo post sa UP sa sandaling makumpleto ng kanyang pag-aaral bilang Assistant Professor, nagtrabaho siya sa mga pang-ekonomiya pananaliksik sa Philippine isyu-unlad. Siya mabilis na rosas sa ranggo faculty upang maging puno Professor sa pamamagitan ng 1969. Sa pamamagitan ng pagkatapos, siya ay naging nationally kinikilalang para sa kanyang mga pananaliksik sa trabaho. Sa edad na 34 taon sa 1970, siya ay ginawa tagaplano pang-ekonomiya ng bansa bilang Chairman ng National Economic Council (NEC). Sa NEC, siya ulunan ng isang pambansang ahensiya sa pagpaplano na rin coordinated banyagang aid at pinangasiwaan statistical development. Siya presided isang mataas na pang-ekonomiyang patakaran na konseho na binubuo ng mga kasapi mula sa parehong Kongreso at ang Senado, ang pribadong sektor at ang ilang mga pang-ekonomiyang mga opisyal ng Executive sangay ng pamahalaan. Sa 1973, ang pagpaplano ng mga ahensya ay reorganized. Siya ay pinili upang magtungo ang mga bago at mas malakas na Pambansang Economic Development Authority (NEDA) tulad nito Director General. Sa post na ito, siya rin ay ginawa Kasabay Ministro ng Economic Planning. Siya isinaayos at may staff ang bagong katawan ng pamahalaan mula sa zero-base sa gayon ay itinalaga niya ang pinakamahusay na posibleng mga tauhan sa senior at teknikal na mga posisyon. Siya ulunan ito katawan 1973-1981. Pagkatapos ng NEDA, siya Panandalian nagsilbi bilang Chairman ng Philippine Pambansang Bank, pagkatapos ng pamahalaan pampinansyal na institusyon, 1981-1984. Ngunit pagkatapos ay sa pamamagitan ng kanyang Paglipat kanyang higit sa lahat pansin sa pagsulat ng kanyang mga aklat-aralin, mga prinsipyo ng teksto sa Economics, na kung saan ay na-publish sa 1984. Sa 1985, siya sumali sa World Bank bilang isang senior opisyal sa singil ng pampublikong grupo economics. Kapag ang World Bank reorganized, siya ay inilipat sa sentro ng pagkapangulo vice kung saan siya ay nagsilbi bilang tagapayo ekonomiya pagharap sa mga operasyon pagpapahiram ng Bank. Siya natapos ang kanyang international karera sa pang-ekonomiyang pagsusuri ng pagpapahiram programa ang Bank. Pagkatapos Ihihinto mula sa World Bank noong 1997, siya rejoined ang School of Economics bilang Propesor ng Economics, kung saan mamaya, siya ay naging Emeritus Propesor ng Economics sa 2002. Sa kanyang pamahalaan karera, siya din nagsilbi Kasabay bilang isang miyembro ng Board of Regents ng Unibersidad ng Pilipinas. Bilang isang pansamantalang puno 1970-1983, siya ay kasangkot sa direksyon ng patakaran sa mga unibersidad ng estado. [Edit] kasulatan at pang-ekonomiyang mga ambag Dr Sicat ng maagang gawa sa Philippine unlad ay nasa sa istraktura ng industriya at sa mga account ng kita. Pagkatapos kanyang trabaho ay nagsimulang mag-focus sa mga problema ng industriya at sa mga may kaugnayan sa ikakalakal mga patakaran. Ang kanyang diagnosis ng Philippine ekonomiyang problema ay nagsimulang mamula ang lubos na proteksyonista industrialization program. Karamihan sa kanyang mga gawa Aaksyunan ang pagbawas ng hadlang kalakalan na hampered pang-industriya paglago. Ang kanyang trabaho naiimpluwensyahan ang liberalisasyon ng kalakalan at industriya sa panahon ng mataas na mga hadlang proteksyonista. Siya din nakadirekta pansin sa mga patakaran mapagkukunan - lalo na lupa, paggawa, at kapital. Siya ay diagnosed na labis na gastos sa bansa ng labor dinala tungkol sa pamamagitan ng napakataas na pamantayan ng manggagawa at proteksyon minimum sahod. Siya Nagtalo na ang mga reporma ng labor ang mga bansa sa mga patakaran ng merkado gagawing Philippine industriya at sa ekonomiya mas internationally mapagkumpitensya na makagawa ng mas produktibo ang labor at mas mataas na pamantayan ng pamumuhay para sa mga nagtatrabaho. Siya rin ang may tulis out na lubos na mahigpit ang pang-ekonomiyang patakaran ay upang mabago at upang buksan ang bansa sa higit pang mga banyagang pamumuhunan. Dr Sicat ay din ay nakasulat sa pampublikong mga isyu sa pananalapi, pampook pang-ekonomiyang pag-unlad, at sa pagpapabuti ng pambansang mga account ng kita. Ang kanyang mga kontribusyon sa pang-ekonomiyang pag-aaral ay nagsimula sa unang bahagi ng 1964 kapag siya co-nilikha at na-edit Economics at Development. Ito ay isang aklat na nilikha sa pamamagitan ng Senior mga kasamahan sa UP School of Economics, kabilang ang pagbisita sa professors, sino nagsulat tukoy na paksa upang masakop ang pagtuturo ng elementarya economics. Sa 1983 habang sa paglipat mula sa kanyang karera ng pamahalaan, Dr Sicat nagpasya upang makapagsulat ng isang pangunahing aklat-aralin, Economics, na kung saan ay naging ang mga pangunahing pinagkukunan ng pagtuturo sa elementarya economics na may isang pang-ekonomiyang pag-unlad viewpoint sa Pilipinas. Dr Sicat din ginawa kontribusyon direkta sa Indonesian pang-ekonomiyang pag-aaral. Ito ay sa mungkahi ng late propesor Heinz Arndt ng Australian Pambansang University, na nakaayos sa ibang pagkakataon ang koponan ng Australian at Indonesian economists na undertook ang pagbagay ng Sicat aklat-aralin. Ang mga resulta ng pagsisikap na ito ay Sicat at Heinz Arndt, Ilmu Ekonomiks untuk Konteks Indonesia, inilathala sa 1989 sa Jakarta, Indonesia. Noong 2003, siya pa revise ang aklat-aralin at papalitan ito ng isang tatlong teksto Economics dami. Ang unang aklat ay nasa elementarya pang-ekonomiyang mga prinsipyo, ang pangalawang, macroeconomics, at sa wakas, isang third, na sumasaklaw sa Philippine ekonomiyang mga isyu sa pag-unlad. 'Institution gusali.' Upang palakasin ang pang-ekonomiyang propesyon at upang panatilihing buhay ang pangangailangan para sa pagpapabuti ng pang-ekonomiyang patakaran sa bansa, Dr Sicat undertook ang pagtatayo at pagpapalakas ng lokal na institusyon ng pananaliksik. Sa kanyang trabaho bilang pang-ekonomiyang patakaran maker, itinatag niya ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) at ang Philippine Center para sa Economic Development (PCED). Dr Sicat rin ay nakatulong sa pagpapatibay ng Philippine Social Science Council (PSSC), isang pribadong samahan ng mga sosyal ng bansa agham na lipunan, sa pamamagitan ng mga programa instituting tulong na ginawa itong mas pinansyal independent. PIDS ngayon ay ang nangunguna sa lahat Philippine unlad sa tingin tangke para sa pambansang pamahalaan. PCED ay itinatag upang magbigay ng financing at institutional support sa School of Economics ng Unibersidad ng Pilipinas. PCED nakatulong upang bumuo ng ang pisikal na mga kagamitan ng mga Paaralan at ibinigay karagdagang pananalapi para sa pananaliksik at training programs. Ito transformed ang School sa isang pambansang yaman para sa pagsasanay ng mga economists sa bansa.

Ano ang Buod ng Laki sa layaw by Pedro S dandan?

Laki sa layaw by Pedro S. Dandan Hindi dapat kunin sa dahas ang pagtutumpak sa anak na napalayaw, kundi talino at hinahon upang mapatuwid sa buhay. Si Berto ay bugtong anak ng kilalang mariwasang pag- asawahang Ninay at Bindoy sa nayon ng Pulang- Gubat. Mahal na mahal nila si Berto. Sapul sa pagkabata ay pinalayaw na nila ito. Ipinagkaloob nila ang lahat na maibigan ni Berto, gaya ng mga laruan, mamahalimg mga damit, salapi, anumang sukat makalibang sa anak. Nang tumontong si Berto sa ikaanim na baitang ng mababang paaralan ay lalong nasunod nito ang lahat ng mahilig sa mag-asawa. At lalong nagmalabis si Berto ng ito'y nasa ikaapat na taon nan g Haiskul. Hindi miniminsang nasabi nila a kapitbahay na si Berto ay maagang makapag-aral sa kolehiyo kung papalaring makasulit sa napipintong pagtatapos sa klase. Ngunit tila mabibigo ang kanilang pag-asang si Berto ay mapagtapos ng pagkamamanaggol. Isang araway nakatanggap si Mang Bindoy ng sulat buhat sa guro ni Berto, na ganito ang sinasaad. Mahal na G. Brigido Ramirez: Huwang ninyong isiping isang paghihimasok ang pagloham kong to hinggl sa inyong anak. Manapa'y udyok poi to ng aking hangad na huwag masayang ang isang taong pag-aaral niya kung maagapan ninyong tulungan ako upang imulat siya sa wastong asal at kaugalian, lalo nap o ang nagtataguyod sa kanyang mga Gawain sa paaralan. Si Berto po ay matalinong bata, ngunit bunga ng malabis na pagkahilig niya sa mga kalawayan ng katawan, gaya ng paglilimayon o malimit na pagksala sa pagpasok, panonood ng sine, paninigarilyo, at kung minsan aypakipagsugal, napabayaan niya ang kanyang pag-aaral. Dahil ditop, maaring ikabigo niya ang kanilang pagsusulit sa buwang papasok. Inaasahan ko nag inyond tulong upang mapabuti ang inyong anak at magtagumpay siay sa lanyang pag-aaral. Matapos bashin ang liham, napagkuro ni Mang Bindoy na may dapat silang panagutan sa pahgiging malayaw ni Berto. Gayuman ay inakala niya na hindi pa huli sa panahon upang mabago ang ugali nito. Ngunit, hindi niya dapat kunin ang dahas si Berto. Ang lalong mabisa ay gamitan niya ng talino at kahinahunan ang paraan ng pagtutumpak kay Berto. Nang duamting si Berto sa kanilang bahay nang hapong iyon buhat sa paaralan, masayang tinawag ito ni mang Bindoy at niayayang mamaril ng batu-bato. Snabi pa ni Mnag Bindoy na sila ay maligo sa sapa. Malugod namang sumang-ayon si berto, sapagkat sa kauna-unahang agkakataon ay noon lamang siay niyaya ng kanyang tatang sa gayong uri ng paglilibang. Pasan ni mang bindoy ang baril at naksakbat naman sa balikat ni Berto ang buslong sisidlanng kanilang magiging huli. Bago sila sumapit sa bulaos ng kabukiran, sinimulan ni Mang Bindoy ang kanyang layon na mamulat ang kanyangb anak. Itninuro niya kay Berto ang dalawang malaking kiskisan ng bigas ni Don Sergio. Isinalaysay niya sa anak kung paano natamo ng naturang Don ang gayong magandang kapalaran. Sinabi niya kung paanon si Don Sergio ay nagsimula sa pagpapastol ng kalabaw sa kangyang pagkabata, hanggang sa pamamagitan ng tiyaga, sikap at pagtitipid ay nakapag-ari ng isang munting lupang masasaka at ng kabayo at kareteling maipaghahanapbuhay at nang malaunan ay nakabili ng kaiskisang siyang pinanggagalingan at tuluyang paglago ng kanyang kabuhayan. Itinuro nin Mang Bindoy sa kanyang anak ng kubong tinutuluyan ni Mang Seton a siyang dating may-ari ng kiskisang nabili ni Don Sergio. Nalaman mo ba, anak, na si Mang Seto ngayon ay tagasingil ni Don Sergio ng Kanyang mga pautang/ ang pagwawakas na tanong nang matanda kay Berto. "Bakit po nagkapalit ang kanilang lagay?" tanong ni Berto. "Sadyang gayon ang dapat asahan. Si Don Sergio ay masipag, masikap at matipid ngunit si Mang Seto ay nagging marangya at mapaglimayon noong kanyang kasikatan ," ang tugon ni Mang Bindoy. Natigil sa bahaging iyon ang kanilang pag-uusap sapagkat nakatanaw si Mang bindoy ng ibon, at iyon ay pinagbagsak niya sa lupa sa pamamagitan ng isang putok ng rifle. Ang ibon ay mainit [a ngunit patay na nang damputin ni Berto. Iniutos sa kanya ni Mang bindoy na himulmulan iyon. pagkaraan ng ilang sandal, nakita ni Mang Bindoy na hubad na hubad na nag katawan ng ibon. Sa gayon, iniutos ni Mang Bindoy sa kanyang ank na pulutin ang mga balahibong pinutpot nito upang ibalik sa katawan ng ibon. "Mahirap pong mangyari ang ipinaggagawa ninyo sa akin , tatang. Tinangay nap o ng hangin ang mga iyon! Ang tugon ni Berto. "Ganyan lamang , Bert, ang pag-aaksaya ng panahon. Bawat araw na magdaan sa ating buhay ay tulad ng balahibo ng ibon na hindi maaaring magbalik , kaya hindi natin dapat sayangin uoang makapagtamo ng magandang kapalaran. Mararating ba ni Don Sergio ang kanyang kalagayn ngayon kung inaksaya niya ang kanyang panahon?" ani ni Mang Bindoy sa kanyang anak. "Sa palagay ko po ay maaring maparin siya sa kay mang Seto kung nag-aaksaya siya ng panahon," nag tugon ni Berto. " Kaya nag pangyayaring iyan ay dapat makapagturo sa iyo ng mabuti. Nabalitaan ko sa iyong maestro na madalas kang nagbubulakbol at hindi ka nag-aaral ng inyong leksyon. Diumanoy malamang na hindi ka makapasa sa inyong pagsusulit sa mga buwang papasok," ani Mang Bindoy. Nakapkagat labi si Berto. Nabigla siya sa sinabi ng kanyang tatay. Natugunan namn ni Mang Bindoy ang pagbabago sa kanyang anak, kaya siya ay nagturing. " Hindi ka dapat mabahala , Berto. Hindi pa naman huli upang mabawi mo ang mag pagkukulang sa nakaraan. Hayaan mo at ako ang bahalang umisip ng paraan " ano po ang dapat kong gawin.?' Ang usisa ni Berto. "Ganito ang masasabi ko sa iyo. Ag isang pinagmulan ng iyong kalawayan at karangyaan ay ang pagkakaloob ko sa iyo ng labis na kuwalta. Sa araw-araw ay hindi kinukulang sa tatolong piso ang ing binabaon. Buhat ngayon ay bibigyan kita ng kaukulang panggastos sa loob ng isang buwan. Iyan ay liliit nang malaki kaysa rating gugol mo. Gayunman, pag-aaralan mong magtipid. Tandaan mo, ang halagang ipagkakaloob ko ay gagastusin mo sa loob ng isang buwan, hindi sa ilang araw lamang. Kung maubos iyan nang wala sa takdang araw, ay tahasang kong sinsabi sa iyo na hindi ka makahingi sa akin. Sa pamamagitan niyan ay maaring mabawasan ang inyong mga pagbubulakbol at walang kabuluhang karangyaan." Ang wika ni Mang Bindoy. Napansin ni Mang Bindoy na sa walang kibo na namn si Berto. Sa halip na ukilkilin ang ipinapayo sa kanyang anak, niyaya niya ito na maligo sa sapa. Nang makapaghubad na si Mang Bindoy at makiisa kay Berto sa paglanguy-langoy at pagsisid-sisid, naramdaman ng bata na nagging malapit na lalo si MAng Bindoy sa kanyang kalooban. Magkaakbay pa sila ng kanyang Tatang nang umuwi. Sa kanyamg batang puso ay nagtitibay ang pasya na tupdin ang pinag-uutos ng ama. Ang guguling ibinigay ni Mang bindoy kay Berto ukol sa isang buwan ay tumagal lamang ng labinlimang araw. Ngunit hindi nya idinaing ito sa kanyang tatang. Ipinagpatuloy niya ang pagpasok sa paaralan kahit walang baon. Nagtiis siayng maguotm at mabawasan ang pakikiisa sa mga paglilibang ng kanyang mga kaklase. Nagtiis siyang huwag maglabas ng bahay at nilayuan ang dating kaibigang kasama sa paglilimayon. Sa halip ay inukol ang kanyang panahon sa pag-aaral. Nang sumunod na buwan naman ay balawampu't limang araw ang itinagal ng kanyang kaukulang gugulin sa pag-aaral. Samantala, kinamalasan, siay sa klase ng sikap at sigla sa pagsagot sa mga tanong ng kanyang guro. Naang sumapit sang araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan sa nayong Pulong-Gubat, gayon na lamang ang tuwa ng mag magulang at kapitbahay ni Berto. Nasaksihan nila ang makulay na parangal sa pag-aabot ng diploma sa mga batabg mag-aaral. Kabilang si Berto sa mga nagtamo sa karangalang nabanggit.

Ang kwintas ni guy de maupassant?

ANG KWINTASIsa siya sa mga pinaka-marikit at kahali-halinang babae na isinilang, at para bang nagkamali ang tadhana dahil isang pamilya ng mga manggagawa ang kanyang pinagmulan. Hindi siya itinakda na ikasal kaninoman, walang umaasa na aangat siya, at wala rin siyang paraan para makilala, maunawaan, mahalin, at makapangasawa ng isang marangya at marangal na lalaki. Bagkus, isang hamak na kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ang pinakasalan niya. Simple lang ang kanyang panlasa dahil hindi naman niya kaya ang mga mamahaling bagay. Hindi siya masaya dahil sa pakiwari niya, nagpakasal siya sa isang lalaking mas mababa pa sa kanyang uri. Pero ang mga babae naman talaga ay hindi nabibilang sa kahit anumang uri. Ang kanilang kagandahan, kahinhinan, at alindog ay nagagamit nila para magkaroon ng asawa at pamilya. Ang natural na pagkahilig nila sa karangyaan, ang kanilang angking karingalan, at matalisik na isip ay nagsisilbing mga palatandaan ng kanilang ranggo. At sa mga bagay na ito, ang babaeng tinutukoy natin na nagmula sa kahirapan ay maituturing na kapantay ng pinakamataas na babae sa balat ng lupa.Hindi matapus-tapos ang kanyang pagdurusa, dahil pakiramdam niya'y ipinanganak siya para matikman ang lahat ng karangyaan at kaginhawahan. Pinagdurusahan niya ang kanyang hamak na tirahan, ang mga nanlilimahid na dingding nito, ang mga gapok na silya, at marurungis na kurtina. Lahat ng ito-na maaaring hindi alam ng mga babaeng kauri niya-ay nagdudulot sa kanya ng pasakit at insulto. Nang makita niyang pumasok ang batang babae na Breton sa kanyang hamak na tirahan para magtrabaho, nabagbag ang kanyang damdamin at natigatig ang kanyang mga walang kapararakang pangarap. Umandar ang kanyang imahinasyon at naisip niya ang mga tahimik na silid, na natatakpan ng mabibigat na kurtinang Oryental, naiilawan ng mga nagtataasang sulo na yari sa tanso, at binabantayan ng mga nagtatangkarang lalaki na may suot na mahahabang medyas na umaabot hanggang sa tuhod at nahihimbing sa malalaking sopa, dahil sa nakalilipos na init na nagmumula sa kalan. Naisip niya rin ang malalawak na silid na napapalamutian ng antigong telang sutla, at maliliit ngunit kaaya-aya at mababangong silid na nilikha para sa mga munting salusalo kasama ang mga pinakamalapit na kaibigan, at mga lalaking pamoso at inaasam-asam, na ang pamimitagan ay nakatitigatig ng inggit at pagnanasa sa kababaihan.Nang dumulog siya para sa hapunan sa hapag na natatakpan ng mantel na kalalagay lang tatlong araw na ang nakararaan, katapat ng kanyang asawa na nag-alis ng takip ng lalagyan ng sopas at napabulalas nang buong saya: "Aha! Scotch broth! May hihigit pa ba rito?", muli na namang lumipad ang imahinasyon ng babae at naisip niya ang mga pagkasarap-sarap na pagkain, mga kumikinang na kubyertos, mga tapiseriya na tumatakip sa mga dingding at naglalarawan sa mga sinaunang tao at mga kakatwang ibon mula sa mga kagubatang pinamamahayan ng mga diwata; naisip niya ang mga kasiya-siyang pagkain na nakalatag sa mga kamangha-manghang bandehado, mga pabulong na panunuyo, na pinakikinggan nang may di mawaring ngiti habang ngumangasab ng mamula-mulang laman ng isda o pakpak ng manok na may halong asparago.Wala siyang magagandang damit at alahas. At ito ang mga bagay na iniibig niya. Pakiramdam niya'y nilikha siya para sa mga bagay na ito. Matagal na niyang inaasam na makapang-akit, na mapagnasaan, na kahumalingan, at maging kaasam-asam.Nagkaroon siya ng isang mayamang kaibigan, isang dating kaklase na ayaw niyang bisitahin, dahil nakararamdam siya ng matinding pagkasawi habang papauwi siya sa kaniyang tirahan. Ilang araw siyang umiiyak, saklot ng kalungkutan, pagsisisi, kawalang-pag-asa, at pagdurusa.Isang gabi, umuwi ang kanyang asawa na masayang-masaya, hawak ang isang malaking sobre."Para sa iyo ito," sabi niya.Mabilis na pinunit ng babae ang sobre at hinugot mula sa loob nito ang isang papel kung saan nakasulat ang mga katagang ito:"Hinihiling ng Ministro ng Edukasyon at ni Ginang Ramponneau na makapiling sina Ginoo at Ginang Loisel sa Kagawaran ngayong Lunes ng gabi, ika-18 ng Enero."Ngunit imbes na matuwa, gaya ng inaasahan ng kanyang asawa, inihagis ng babae ang imbitasyon sa mesa, sabay bulong ng:"Ano'ng gusto mong gawin ko rito?""Bakit, mahal ko? Akala ko'y masisiyahan ka. Matagal ka nang hindi lumalabas. Napaka-importanteng okasyon nito, at pinaghirapan kong makakuha ng imbitasyon para rito. Lahat ay gustong maanyayahan sa pagtitipong ito. Piling-pili ang makakapunta, at iilan lang ang napaunlakang kawani na gaya ko. Makikita mo rito ang lahat ng matataas na tao."Tumalim ang tingin ng babae sa asawa, saka nagsalita na parang naubusan na ng pasensya: "At ano sa palagay mo ang isusuot ko sa pagtitipong 'yan?"Hindi iyon naisip ng lalake; pautal niyang nasabi:"Ba't di mo gamitin 'yung isinusuot mo pag nagpupunta ka sa teatro? Napakaganda noon, para sa akin…"Natigilan ang lalake, natuliro, at naghahanap ng sasabihin nang makita niyang umiiyak na ang kanyang asawa. Dalawang malaking patak ng luha ang tumulo mula sa gilid ng kanyang mga mata patungo sa gilid ng kanyang labi."Ano'ng nangyayari sa iyo?"Ngunit mabilis na nakabawi mula sa kanyang kalungkutan ang babae, at kalmado siyang tumugon habang pinapahiran ang nabasang pisngi:"Wala. Wala lang kasi akong maisusuot na damit kaya hindi ako makadadalo sa kasayahang 'yan. Ibigay mo na lang ang imbitasyon sa kasamahan mo na may asawang mas nababagay diyan kaysa sa akin."Halos madurog ang puso ng lalaki."Sandali lang, Matilda," giit ng asawa. "Magkano ba ang isang simpleng damit na nababagay sa ganyang okasyon, na maaari mo pang gamitin sa iba pang pagtitipon?"Ilang sandaling nag-isip ang babae. Inalala niya ang mga presyo ng ganoong klaseng damit habang iniisip niya rin kung gaano kalaking pera ang pwede niyang hingin sa asawa, na hindi matatanggihan at hindi rin ikagugulantang ng lalaki.Sa wakas, nag-aalinlangang sumagot ang babae:"Hindi ako sigurado, pero pwede na siguro ang apat na raang francs."Tila namutla ang lalaki, dahil ganitong halaga rin ang pinag-iipunan niya para makabili ng isang baril. Binabalak niya kasing mamaril sa susunod na tag-araw sa kapatagan ng Nanterre. Ito ang pinupuntahan ng kanyang mga kaibigang namamaril ng ibon tuwing Linggo.Ngunit gayunpaman, sinabi ng lalaki: "Kung ganoon, bibigyan kita ng apat na raang francs. Siguruhin mo lang na makabibili ka ng isang napakagandang damit."Papalapit na nang papalapit ang araw ng kasayahan. Kahit handa na ang kanyang damit, nagiging malungkutin pa rin si Ginang Loisel, laging di mapalagay, at balisa."Ano ba'ng nangyayari sa iyo? Tatlong araw nang kakaiba ang kilos mo…""Nahahabag ako sa aking sarili, dahil wala akong alahas, ni isang mamahaling bato ay wala akong maisusuot," tugon ng babae. "Wala akong mukhang ihaharap kaninoman. Mas mabuti pa yatang 'wag na lang akong dumalo sa kasayahan.""Magsuot ka ng bulaklak," sabi ng lalaki. "Sa halagang sampung piso, makakabili ka ng dalawa o tatlong rosas."Ngunit hindi kumbinsido rito ang babae."'Wag na lang… Kahihiya-hiya kung magmumukha akong dukha sa harap ng napakaraming mayamang babae.""Napaka-estupida mo!" bulalas ng asawa. "Pumunta ka kay Ginang Forestier at tanungin mo kung pwede ka niyang pahiramin ng mga alahas. Alam mo namang kilala siyang alahera, di ba?"Napabulalas ng tuwa ang babae."Tunay nga. Hindi ko 'yon naisip."Kinabukasan, nagpunta ang babae kay Ginang Forestier at ikinuwento niya rito ang kanyang problema.Nagtungo si Ginang Forestier sa kanyang iskaparate, kinuha mula rito ang isang malaking kahon, binuksan ito, at sinabi:"Mamili ka rito, mahal."Unang tiningnan ng babae ang mga pulseras, tapos ay isang kuwintas na may perlas, at isang gintong krus na may makikinang na bato. Galing ito sa Venetia, at sadyang napakahusay ng pagkakagawa. Tumingin siya sa salamin at tiningnan ang sarili na gamit ang mga alahas. Nagbabantulot siya at di makapagdesisyon kung iiwan o isosoli niya ba ang mga alahas. Panay ang tanong niya:"Mayroon ka pa bang iba?""Oo. Ikaw na ang mamili. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mo."Kapagdaka'y nakita niya sa isang maliit at itim na lalagyan na yari sa satin ang isang napakagandang alahas na diamante.Tumibok ang pagnanasa sa puso niya. Nanginginig ang mga kamay niya nang kunin niya ang alahas. Isinuot niya iyon sa kanyang leeg, sa ibabaw ng kanyang mahabang damit, at ilang sandali siyang nalunod sa kaligayahan habang pinagmamasdan niya ang kanyang sarili.Tapos ay nag-aalinlangan siyang nagtanong:"Maaari mo ba itong ipahiram sa akin? Tanging ito lamang?""Oo naman."Napahilig siya sa dibdib ng kaibigan, niyakap niya ito nang mahigpit, at dali-dali siyang umuwi na bitbit ang natatanging hiyas. Dumating din ang araw ng kasayahan. Tagumpay si Ginang Loisel. Siya ang pinakamarikit na babae sa lahat, elegante, mabining kumilos, laging nakangiti, at nag-uumapaw ang kaligayahan. Lahat ng mga lalaking nandoon ay napapatingin sa kanya, itinatanong ang kanyang pangalan, at gusto siyang makilala. Lahat din ng mga Pangalawang Sekretaryo ng Pamahalaan ay gusto makipag-balse sa kanya. Napansin din siya ng Ministro.Haling na haling siya sa pakikipagsayaw, nag-uumapaw ang kanyang saya, at panay ang inom niya, walang pakialam sa lahat, maging sa pagwawagi ng kanyang kagandahan, sa karangalan ng kanyang pagkakapanalo, sa lambong ng kaligayahang bumalot sa kanya dulot ng mga pagtangi at paghanga, ng mga pagnanasang kanyang ginising, ng kabuuan ng kanyang tagumpay na sadyang napakalapit sa kanyang puso.Mag-a-alas-kuwatro na ng madaling-araw nang magpasya siyang umuwi. Hatinggabi pa'y tulog na ang kanyang asawa sa isang maliit na silid, kasama ang tatlo pang kaibigan na may mga asawang nagkakasayahan. Ipinatong ng lalaki sa balikat ng babae ang mga kasuotang dinala niya para magamit nila sa pag-uwi-mga ordinaryong kasuotan na alangan sa napakagandang saya ng babae. Napansin niya iyon kaya't nagmamadali siyang umalis upang hindi siya makita ng ibang mga babae na nagsusuot ng kanilang mga mamahaling fur.Pinigilan ng lalaki ang kanyang asawa."Sandali lang. Malamig sa labas. Baka magkasipon ka. Tatawag ako ng taxi."Pero hindi siya pinakinggan ng babae at nagmamadali itong bumaba sa hagdanan. Nang makalabas na'y wala silang maparang taxi. Nag-abang sila at ilang beses nilang sinigawan ang mga taxing dumaraan.Naglakad sila patungo sa Seine, tuliro at nangangatal sa lamig. Sa wakas ay nakatagpo sila ng isang pipitsuging taxi na tuwing gabi lamang nagbibiyahe sa Paris, dahil tila ikinahihiya nito ang kanilang kalumaan.Inihatid ng taxi ang mag-asawa sa Rue des Martyrs, at malungkot nilang nilakad ang daan patungo sa kanilang bahay. Iyon na ang wakas, naisip ng babae. Kailangang nasa opisina na siya nang alas-diyes, naisip naman ng lalaki.Hinubad ng babae ang mga kasuotang nakabalot sa kanyang balikat, upang muli niyang mapagmasdan ang kanyang kagandahan sa harap ng salamin. Ngunit bigla siyang napabulalas. Nawawala ang kuwintas!"Bakit? Ano'ng problema?" tanong ng asawa, na halos nakahubad na.Maligalig na bumaling ang babae sa lalaki."Naiwala ko ang kuwintas na hiniram ko kay Ginang Forestier…"Nabigla ang lalaki."Ano?! Imposible!"Hinanap nila ang kuwintas sa bawat tupi ng kanyang kasuotan, sa ilalim ng kaniyang coat, sa mga bulsa, sa lahat ng lugar. Pero hindi nila ito makita."Sigurado ka bang suot mo pa ang kuwintas noong umalis tayo sa kasayahan?" tanong ng lalaki.Oo, hinawakan ko pa ito noong nasa bulwagan tayo.""Pero kung nahulog iyon sa daan, dapat ay narinig natin iyon.""Oo. Malamang. Nakuha mo ba ang numero ng taxi?""Hindi. Ikaw, napansin mo ba iyon?""Hindi."Napatingin ang mag-asawa sa isa't isa. Pareho silang natulala. Agad na muling nagbihis si Ginoong Loisel."Babalikan ko ang daan na nilakad natin," sabi niya.. "Baka mahanap ko pa iyon."Umalis ang lalaki. Naiwan ang babae, suot pa rin ang kanyang saya. Nanghihina siya at ni hindi makahiga sa kama. Napako siya sa kanyang kinauupuan. Ni hindi siya makapag-isip.Ala-siyete na nang makabalik ang kanyang asawa. Hindi nito nakita ang kuwintas.Nagtungo ang lalaki sa istasyon ng pulis, nag-alok ng pabuya. Nagtungo rin siya sa mga diyaryo, sa mga kompanya ng taxi, sa lahat ng lugar na makapagbibigay sa kanya ng kahit katiting na pag-asa.Buong araw na hinintay ng babae ang kanyang asawa. Di masukat ang kanyang pagkawindang sa inabot nilang kamalasan.Gabi na nang umuwi si Ginoong Loisel. Hapis at namumutla ang kanyang mukha. Bigo ang kanyang paghahanap."Kailangang sulatan mo si Ginang Forestier," sabi ng lalaki, "at sabihin mo sa kanyang napatid mo ang kalawit ng kuwintas at ipinapagawa mo pa ito… nang sa gayo'y may oras pa tayo para maghanap."Isinulat ng babae ang idinikta ng asawa.Natapos ang linggong iyon at naglaho na ang pag-asa ng mag-asawa.Sabi ni Ginoong Loisel na tila tumanda ng limang taon:"Dapat nating palitan ang nawalang diamante."Kinabukasan, dinala ng mag-asawa ang kahong pinaglagyan ng kuwintas sa alahero na ang pangalan ay nakasulat sa loob ng kahon. Kinonsulta ng alahero ang kanyang talaan."Ginang, hindi ako ang nagbenta ng kuwintas. Maaaring ako lamang ang nagbigay ng kalawit."Nagpunta ang mag-asawa sa iba't ibang alahero. Naghanap sila ng kuwintas na kapareho ng nawala. Pilit nilang inalala ang itsura nito, at nalipos sila ng pagsisisi at labis na pagdadalamhati.Sa isang tindahan sa Palais-Royal, may nakita ang mag-asawa na diamante na tila kawangis ng hinahanap nila. Nagkakahalaga iyon ng apatnapung libong francs. Nakatawad ang mag-asawa kaya't naging tatlumpu't anim na libong francs na lang ang halaga ng diamante.Nagmakaawa ang mag-asawa sa alahero na huwag ibenta ang diamante sa loob ng tatlong araw. At inareglo rin nila na bago magtapos ang Pebrero, makukuha nila sa halagang tatlumpu't apat na libong francs ang ikalawang diamante sakaling may makabili na ng unang napili nila.May labing-walong libong francs si Ginoong Loisel na minana niya sa kanyang ama. Ipangungutang na lang niya ang iba pa.Nakahiram nga ng pera ang lalaki. Nakakuha siya ng isang libo sa isang kaibigan, limang daan sa isa pa, limang louis dito, limang louis doon. Lumagda siya ng mga kasulatan, pumasok sa mga mapanganib na kasunduan, namalimos sa kung sinu-sinong mga nagpapautang. Isinanla niya ang kanyang mga nalalabing taon, ipinagsapalaran ang kanyang lagda nang walang kasiguruhan kung matutupad niya ang mga napagkasunduan, at nangilabot siya sa kanyang sariling kinabukasan, sa napakadilim na hinaharap na nakatakdang bumagsak sa kanya, sa mga pangitain ng lahat ng klase ng pagdarahop at pagdurusa… hanggang sa nabili ng lalaki ang bagong kuwintas at naibayad niya ang tatlumpu't anim na libong francs na hiningi ng alahero.Nang isauli ni Ginang Loisel ang kuwintas kay Ginang Forestier, nagsalita ang huli nang may nanlalamig na tinig:"Sana'y isinoli mo ito agad sa akin. Maaaring nagamit ko pa sana ito."Ngunit taliwas sa kinatatakutan ng babae, hindi na binuksan ng kanyang kaibigan ang lalagyan. Kung napansin ng kaibigan ang ipinalit niyang kuwintas, ano kaya ang iisipin nito? Ano kaya ang kanyang sasabihin? Isipin niya kaya na isang magnanakaw si Ginang Loisel?Naranasan ni Ginang Loisel ang labis na kahirapan. Sa umpisa pa lang ay tinanggap na niya ng buong tapang ang kanyang kinahinatnan. Dapat na mabayaran ang pagkakautang. Kaya iyon ay kanyang pagdurusahan. Pinaalis na niya ang utusan. Lumipat silang mag-asawa ng tirahan. Nagtiyaga sila sa isang maliit na kuwartong nasa pagitan ng isang bubungan at kisame.Napilitang gawin ni Ginang Loisel ang mabibigat na gawaing-bahay at ang kinabubuwisitan niyang trabaho sa kusina. Natuto siyang maghugas ng mga pinggan. Dahil sa pag-iisis ng magagaspang na palayok at puwitan ng mga kawali, nagasgas at numipis ang kanyang mamula-mulang mga kuko. Nilabhan niya ang maruruming kubre-kama, ang mga baro at mantel, at isinampay niya ang mga iyon. Tuwing umaga, itinatapon niya ang laman ng basurahan at umiigib siya ng tubig. Kailangan niyang tumigil paminsan-minsan para habulin ang kanyang paghinga. At suot ang hamak na damit ng isang pobreng babae, siya rin ang namamalengke, dala ang kanyang basket. Naranasan niyang makipagtawaran, mainsulto, at makipag-away para sa bawat sentimo ng kanyang kakapiranggot na salapi.May mga kasulatan sa pagkakautang na dapat bayaran buwan-buwan, ang iba'y kailangang palitan ng bago, kaya't lalo pang tumagal ang mga pananagutan.Sa gabi'y kailangang magtrabaho ni Ginoong Loisel bilang tagaayos ng talaan ng isang negosyante. Sa bawat pahina, kumikita siya ng katiting na barya.Tumagal ng sampung taon ang ganitong buhay ng mag-asawa.Nang magwakas ang sampung taon, nabayaran na rin nila ang lahat ng mga pagkakautang, pati na rin ang interes na ipinatong ng mga usurero.Malaki ang itinanda ni Ginang Loisel. Katulad na siya ng iba pang matatag na mga babae na nasanay na sa kahirapan. Hindi na maayos ang kanyang buhok, masagwa na ang kanyang damit, at maligasgas na ang kanyang mga palad. Garalgal na ang kanyang boses, at kapag nagpupunas siya ng sahig, nagkalat ang tubig sa paligid. Minsan, kapag nasa opisina ang kanyang asawa, napapatigil ang babae sa tabing-bintana at naaalala niya ang gabing iyon, ang gabi ng kasayahan kung saan nagningning ang kanyang kagandahan at labis-labis siyang hinangaan.Ano kaya ang nangyari kung hindi niya naiwala ang kuwintas? Sino nga ba ang nakaaalam? Sadyang napaka-hiwaga ng buhay! Napaka-salawahan! Maaaring mawasak o mabago ang lahat sa isang mumunting dahilan lamang!Isang Linggo, habang naglalakad siya sa Champs-Elysees upang magpahinga, nakita ni Ginang Loisel ang isang babae na namamasyal kasama ang kanyang anak. Si Ginang Forestier pala iyon, at mukha pa rin siyang bata, maganda, at kaakit-akit.Nakaramdam si Ginang Loisel ng pag-aalinlangan. Dapat niya bang kausapin si Ginang Forestier? Oo, dapat lang. At ngayong nabayaran na niya ang kanyang mga utang, ikukuwento ni Ginang Loisel sa kanyang kaibigan ang lahat ng nangyari.Nilapitan ni Ginang Loisel si Ginang Forestier."Magandang umaga, Jeanne."Hindi agad nakilala ni Ginang Forestier si Ginang Loisel. Nabigla pa nga ito dahilsa kapangahasan ng pobreng babae."Ngunit… Ginang…" pautal na sabi ni Ginang Forestier. "Hindi kita kilala… Nagkakamali ka…""Hindi… Ako si Matilda Loisel."Nabigla ang kanyang kaibigan."Ay! Ikaw pala 'yan, Matilda! Ang laki ng ipinagbago mo!""Oo… Naghirap kasi ako mula nang huli tayong nagkita. At marami akong dinanas na kalungkutan… Dahil sa iyong kagagawan…""Kagagawan ko!? Paano nangyari iyon?""Naaalala mo ba 'yung diamanteng kuwintas na ipinahiram mo sa akin para sa kasayahan noon sa Ministro?""Oo. Ano'ng kinalaman noon?""Naiwala ko iyon.""Hindi ba't ibinalik mo naman iyon sa akin?""Ang ibinalik ko sa iyo ay kawangis lamang noon… At pinagbayaran namin iyon sa loob ng sampung taon. Alam mo namang hindi ganoon kadali para sa amin ang magbayad ng utang. Wala kaming pera… Pero bayad na iyon ngayon… At natutuwa ako dahil tapos na ang aming obligasyon."Natigilan si Ginang Forestier."Ang ibig mong sabihi'y bumili ka ng bagong diamanteng kuwintas para palitan ang hiniram mo sa akin?""Oo… Hindi mo ba iyon napansin? Parehong-pareho kasi ang dalawa."Napangiti pa si Ginang Loisel nang buong pagmamalaki at kainosentehan.Labis na nagulumihanan si Ginang Forestier kaya't napahawak siya sa kamay ni Ginang Loisel."Ay kaawa-awang Matilda! Ang kuwintas kong iyon ay isang imitasyon lamang. Nagkakahalaga lamang iyon ng hindi hihigit sa limang daang francs!" *~ CMSHS STUDENT ^^

People also asked