Ang karangalang natamo ni diosdado p macapagal
Ang agham o syensya ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraang nito. Ang prosesong makaagham (scientific process) ay ang sistematikong pagtamo ng bagong kaalaman tungkol sa isang sistema. Karaniwan, ang pamamaraang makaagham (scientific method) ay ang sistematikong pagtamo, at ang kalikasan at iba't ibang bahagi nito ang siyang sistema. Ang agham ay itinuturing din na ang makaagham na kaalaman na sistemikong natamo ng makaagham na prosesong ito.ang agham ay tagalog word ng science....Ito ay pag aaral ng mga bagay bagay, kung saan nagsimula, kung para saan at pag aaral ng mga Hindi pa nalalaman o natutuklasan.
Ang "tinatamasa" ay nangangahulugang pagkuha o pagtamasa ng mga benepisyo, biyaya, o kasiyahan mula sa isang bagay. Karaniwang ginagamit ito upang ilarawan ang proseso ng pag-enjoy o pag-ani ng mga magagandang resulta mula sa mga pagsisikap o karanasan. Sa madaling salita, ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan mula sa mga bagay na naabot o natamo.
Si Dr. Jose Protasio Rizal (Ika-19 ng Hunyo 1861-Ika-30 ng Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak Nina Francisco at Teodora.Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa Hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. naging tanyag siya sa pilipinas dahil sa mga nobelang kanyang isinulat tulad ng el filibusterismo at noli me tangere na nagpalakas ng loob sa mga katipunero at naging sanhi ng pagpapapatay sa kanya. sa luneta kaya sya binarel ....
Ipinnganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22, 1869 sa bayan ng Kawit, Cavite sa Luzon[1] sa panahong kolonya ng Espanya ang Pilipinas, ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Sa edad na 15, sa tulong ng isang paring Jesuit, nagpatala siya sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila, kung saan siya nag-aral ng medisina. Noong 1895 sumapi si Aguinaldo sa Katipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noon ni Andres Bonifacio,ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899.Pinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. at nalinis din ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong 1946, at noong 1950 nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling namahinga. Namatay siya sa atake sa puso sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94.
PRODUKSYONpagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang maging ganap na produkto.PAGKONSUMOpag gamit o pag-ubos ng mga produkto at pagtangkilik ng ng serbisyo upang matamo ang pangangailan o kagustuhan.PAGPAPALITANpaglipat ng produkto at serbisyo mula sa isang tao papunta sa ibang tao.PAGTUSTOStumutukoy sakung sa paano kinikita,ginagastos,at pinamamahalaan ang salapi at pamahalaan.DISTRIBUSYONpamamahagi ng yaman na natamo mula sa pagkonsumo ng mga produkto tulad ng sahod ng paggawa,upa sa lupa,tuba sa puhunan.
" Ang Sugapang Antik" Noong unang panahon,sa kagubatan may tatlong magkakaibigan,sina kulisap,antic at langgam.Ang magkakaibigan na ito ay magkakasundo sa lahat ng bagay maliban sa pagpaparti ng pagkain.Si antik ang may pinakamalaking bahagi sa nakukuha nilang pagkain.Isang araw nagkasunduan ang magkakaibigan na gumawa ng bahay kung saan sila maninirahan nang magkakasama .Si kulisap ang kumuha ng kagamitan sa paggawa ng bahay,si langgam ang naggawa ng plano at si antik ang sumuri ng plano.Pinagtulong-tulungan nila tiong gawin at pagka tapos ay nakaramdam sila ng matinding gutom.Nilibot nila ang buong kagubatan at sa tabi ng ilog nakakita sila ng puno ng kamito at marami itong hinog na bunga.Bagama't sila ay maliliit lamang,isa lang ang kanilang kinuha.Nang hinati nila ito sa sampu ay lima ang kinuha ni antik at naghati sina kulisap at langgam sa itinira ni antik.Nang dinala ni antik ang kanyang bahagi ay nahulog ang isa sa ilog at hinabol nya ito .hinawakan sya ni kulisap ngunit sya ay bumitiw upang makuha ang isa sa kanyang bahagi ngunit sya ay inanod papalayo at nalunod.kawawang antik ito ang natamo ng kanyang kasugapaan.
Si Lourdes "Luly" Jansuy Cruz ay isang Pilipino siyentipiko na nagpasimula ng pag-aaral ng Conotoxin (lason mula sa susong pandagat) bilang modelo ng pagbubuo ng isang gamot na tumututok lamang sa isang espisipikong ugat o kalamnan ng katawan ng tao. Siya ang kinilalang Sea Snail Venom Specialist sa buong Pilipinas. Pinarangalan ng Sven Brohult Award mula sa IFS, Sweden noong 1993, Medal of Distinction for Research mula sa Philippine Society for Biochemistryand Molecular Biology noong 1994 at Outstanding Alumnus Award mula sa UP Chemistry Alumni Foundation noong 1996.Kilala sa tawag na "Luly," si Lourdes Jansuy Cruz at kinikilalang eksperto sa kaalaman ukol sa mga susong pandagat (sea snails) sa buong Pilipinas. Taong 1995, nakapagsulat si Luly, kasama ni Julian White, ng isang artikulo tungkol sa Conus snail. Nabanggit dito na mayroon ng 70 kasong naitatala ng pagkakatusok o pagkakalason mula sa suso, at 26 na ang namatay. Bagamat Hindi ito kalakihan, nai-report na rin ng isang Biologist na nagngangalang Yoshiba noong 1984 na 38% sa kabuuang dahilan ng kamatayan sa suso sa buong mundo ay dulot ng pagkakalason mula sa Conus, at 66.7% nita ay dulot ng Conus geographus.Napag-alaman ni Luly sa kanilang pagaaral na higit pang mabagsik kaysa sa venum ng cobra ang conotoxin na siyang venum na galing sa conus snail. Ang lason ng ahas ay tumatagal pa ng 2 hanggang 3 oras bago makarating sa utak ng tao. Samantalang ang conotoxin ay ilang minuto lamang ay napaparalisa na ang biktima.Masusing pinag-aralan ni Luly ang mekanismo na ginagamit ng mga suso upang ang lason nito ay makapagbigay epekto lamang sa isang bahagi ng katawan at Hindi sa kabuuan nito. Mahalaga ito para maiwasan ang mga komplikasyon sa paggamit ng gamot sa taong sumasailalim ng operasyon.Maliban sa susong pandagat (sea snail) ay pinag-aaralan din ni Luly ang spirulina platensis. Ang spirulina ay isang uri ng maliit na bakterya (cyanobacteria) at lumot (algae) na matatagpuan sa bansang Mexico, ilang bansa sa Africa at iba pang bahagi ng mundo. Ang spirulina ay mayaman sa nutrition sapagkat ito ay binubuo ng 60-70% na protina, beta-carotene (isang antioxidant), gamma linoleic acid (nagpapalakas umano sa immune system ng tao), at bitaminang B-12.Ayon sa kanyang natuklasan, may 44% ng mga may sakit na kanser ay namamatay dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng katawan. Napatunayan ni Luly ang bisa ng spirulina sa karanasan ng kanyang sariling kapatid na napag-alamang may cancer (stage 4). Sa unang sesyon ng chemotheraphy ay binigyan siya ni Luly ng spirulina. Hindi na nakakakain nang husto ang kanyang kapatid noon pa man, ngunit ngayon ay bumalik ang gana nito sa pagkain. Sa pangalawang sesyon ng chemotherapy, ay nakita ng mga doctor na tumaas na ang bilang ng pulang dugo (red bloodcells) ng pasyente. Hindi na kinailangan pa ng ikatlong chemotherapy. Sa ngayon ay malaki ang pag-asa nilang malampasan nito ang sakit na kanser. Maliban dito, nasubukan ding ibigay ang spirulina sa mga batang biktima ng Chernobyl nuclear accident, at naobserbahang lumakas ang kanilang mga katawan laban sa sakit.Bagaman Hindi pa marami ang spirulina dito sa Pilipinas, madali naman itong patubuin. Sa kasalukuyan ay sinusubukan ni Luly at kanyang mga kasamahan sa Marine Science Institute, sa UP, ang makapagparami nito sa lupa ng Cagayan de Oro sa Mindanao.Ilan sa maraming pagkilala na natamo ni Luly dahil sa kanyang kahusayan ay ang gawad pagkilala mula sa Sven Brohult Awardmula sa IFS, Sweden, 1993; Medal for Distiction for Research mula sa Philippine Society for Biochemistry and Molecular Biology, 1994 at Outstanding Alumnus Award mula sa UP Chemistry Alumni Foundation.
Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861-Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa Hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda(Hunyo 19, 1861-Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa Hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Ang Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
"TAO SAAN KA PATUNGO?" Sa simula'y ginawa ng Diyos ang mundo Nang may masilungan ang lilikhaing tao, Dilim ay hinawi, liwanag natamo, Masaganang lupa sa yama'y napuno. Lungkot sa daigdig ay kanyang napuna- Humugis ng tao, lalaking inuna; Inukit na kamukha't kawangis Niya Upang mamahala sa Kanyang Biyaya. Sa una'y masaya itong si Lalaki Sa huli'y nalungkot, saya ay napawi, Dakilang lumikha, nag-isip na muli, Binuhay si Evang sa tadyang pinili. Babai'y hinugot di sa paa't sa nguso Kundi nga sa tadyang malapit sa puso; Di upang sumuko kay Adang pinuno Manapa'y busugin sa kanyang pagsuyo. Iyan ang simula ng buhay ng tao- Obra-maestrang likha ng Poong totoo; Magmula sa buto ng Kanyang buto; Sa hininga't laman, ay nabuhay ito. Ngunit nang lumaon naghangad ng labis, Naipunlang bait, kagyat na napalis; Sa buyo ng sawang doo'y nakalingkis Si Eva't si Ada'y nagkasalang tikis. Babae lamang: Diyan nagsimula ang sala ng tao- Nagpasalin-salin sa anak at apo; Hangang sa lumaon, Hesus naparito, Layon ay tubusin ang sala sa mundo. Lalaki lamang: Araw ay nagdaan, panaho'y lumipas, Patuloy ang tao sa gawang taliwas, Nabubuhay itong sala ay kapilas- Anong mangyayari sa araw ng bukas? Solo: Nilalang ng Diyos ang lahat ng tao Upang sama-samang manahan sa mundo, "Kayo'y magmahalan," ani Hesu Kristo, "Sa magandang asal na mabuhay kayo." Ang tao ay tao, may puso at diwa, Kahit marupok, mayro'n ding dakila; Pilit iwawaksi ang minanang sama Maging tapat lang sa kanyang ninanasa. Yaman ay di lahat sa buhay ng tao, Mayroon pang ibang mahigit pa rito- Malinis na budhi, damdaming totoo Sa iyong sarili at mga kapwa mo. Mga nasalanta ng lindol at bagyo, Sikaping damayan kahit paano; Sa Red Cross ay mag-abuloy tayo Ng pagkain, gamut at ilang sentimo. Sa silid-aralan, dito hinahasa Kagandahang asal ni Ate at Kuya; "Magandang hapon po," mabilis na wika Kapag nasalubong ang guro't matanda Ang nais ng guro ay batang magalang Upang pagtuturo ay maging magaan, Dapat din marahil, sa puso Manahan Paggalang ng guro sa tinuturuan. Kahit sa tanggapan, sadyang sinisino Mga empleyadong doo'y tumatao; Ngiting matatamis kahit kanino Alay sa mabuti't tunay makitungo. Doon sa kalsada, matatandang patawid, Agad na sinalubong ng Boy Scout na paslit "Tayo na po, Lola," inakay na pilit "Salamat sa iyo, " ang tanging nasambit. Ang pagkamatapat, dapat ding hubugin Sa diwa't isipan ating pagyamanin; Anumang mapulot kung hidi sa atin, Huwag pagnasaan o kaya'y angkinin. Kahit na mahirap ang isang nilalang, Sa yaman ay salat, sa ligaya'y kulang, Mabuting ugaling tapat at dalisay, Yamang madadala hanggang sa 'ting hukay. Tao mang mahirap, tao ring totoo, Kahit na mabaho, tunay paring tao; Dapat na igalng kahit sang kanto Sapagkat sila rin, mayroong prinsipyo. Taong nakalimot sa mabuting asal, Walang dinirinig kahit anong aral; Mayroon namang iba sa Aklat na Banal, Doon kumukuha ng payo't pangaral. Ang tao ay tao, marupok man ito; Nilikha ng Diyos, hawig N'yang totoo; Damdami'y mula sa sariling puso, Dugong dumadaloy ay iisang dugo. Buhay na halaghag, dapat ding talikdan, Salapi, panahon, lakas, karunungan, Huwag aksayahin pagkat kailangan Sa pagpapaunlad ng sandaigdigan. Kayo ang asin ng langit, ngunit kung ang asin ay tumabang, ano ang ipampapaalat? Walang anumang kabuluhan Kundi itapon sa labas at yurakan ng tao. Ang sinumang sa abo nanggaling, Tiyak sa abo rin magbabalik. Ikaw... ako... oo, Ikaw... tayo- Saan ba tayo patutungo?