Ang dalawang mukha ng Tagumpay
Lahat tayo ay biniyayaan ni Amang Bathala ng pagkakataong magtagumpay. Ngunit bago ko ipaliwanag nang mas malawak,mas malalim at mas malinaw nais ko munang malaman niyo ang tunay na kahulugan ng tagumpay. Sa aking pagkakaalam ang kahulugan ng tagumpay ay ang nakamtan na parangal o nagawa ng isang tao Hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa nakararami.
Ang unang mukha ng tagumpay para sa akin ay ang pagtatagumpay gamit ang kabutihan at ang sariling kakayahan. Nasabi kong gamit ang kabutihan sapagkat kung ikaw ay nagnanais magtagumpay sa buhay gagawin mo ang lahat upang makamtan ang lahat ng iyong kagustuhan ngunit isinasaalangalang mo ang kabutihan at iniisip mo na magtatagumpay ka sa buhay kung hihingi ka ng pamamatnubay kay Amang Bathala. Nasabi ko din na sariling kakayahan dahil kung ikaw ay nagnanais na makamatan ang iyong pinapangarap ikaw ay kikilos at gagawa ng paraan ayon lamang sa kung ano ang iyong makakaya sapagkat kapag tayo ay gumamit pa ng ibang tao Hindi ito matatawag na tagumpay para sa akin ngunit Hindi ko sinasabi na masamang humingi ng tlong sa ibang tao, sinasabi ko lang na masamang manggamit ng ibang tao.
Ang pangalawang mukha ng tagumpay para sa akin ay ang kasakiman at kasamaan. Nasabi kong kasakiman at kasamaan sapagkat kung tayo ay naghahangad ng labis labis na tagumpay sa buhay ay nakakagawa na tayo ng labag sa batas ng Diyos at ang masama pa dito ay Hindi na natin ito napapansin sapagkat ang iniisip na lang natin ay ang nakasisilaw na tagumpay. Binigyan tayo ng diyos ng pagkakataon upang magamit ito sa tama at Hindi sa kasamaan.
Chat with our AI personalities
pinapakita dito kung gano mo kamahal ang iyong ina. kung gano sya kahalaga. mag pakatotoo ka lang sa iyong nararamdaman at magiging maganda ang sanysay mo. :)
yung makikita mo yung crush mo syempre kikiligin ka. Haha kahit anu nalang eh. sagut nalang kayo ng pansarili nyo kesa sa umaasa kayo sa sagot ng ibang tao.