Kabilang sa artipisyal na wika ang Volapuk, Esperanto at Interlingua. Naitatag ang mga wikang ito upang magkaroon ng panibagong wika na magagamit sa komunikasyon. Naging layunin din ng pagkakabuo ng mga wikang ito ang pagkakaroon ng matatawag na artipisyal na wika.
Sa kalaunan, naging diskusyon naman namin kung maituturing bang artipisyal o likas na wika ang wikang Filipino.
Sinabi ng ilan sa aking mga kamag-aral na likas ang wikang Filipino. Sa opinyon ko naman ay hindi dahil ang wikang Filipino ay hindi "puro" samakatwid, hindi na ito maituturing na likas. Kahit sabihin natin na ang Tagalog ang pinagbatayan ng Wikang Pambansa (wikang Filipino), ang wikang Filipino'y nahaluan na ng mga ibang lenggwahe (tulad ng mga hiram na salita o mga salitang walang katumbas sa Filipino.
Upang mas maipaunawa ko sainyo, ang salitang "teacher" ay "guro" sa Filipino at "titser" sa Filipino. Ang "fake" ay "huwad" sa Tagalog at "peke" naman sa Filipino. Mapapansin na "puro" ang Tagalog. Ilan sa mga salita sa Filipino ay galing sa ortograpiya ng mga salitang Ingles (Halimbawa: economics sa English, ang ortograpiya nito ay /e ko no miks/. Kaya't ang panibagong salita ay "ekonomiks.")
Sa kabuuan, itinuturing kong artipisyal na wika ang wikang Filipino.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Kailan nga ba maituturing na likas o artipisyal ang isang wika? Ang wika ay likas kapag natututunan ito nang hindi namamalayan ng tao at umuunlad nang hindi nangangailangan ng pag-aaral, samantalang artipisyal naman ang wika kapag ito ay lumilikha ng simbolismo at nangangailangan ng pag-aaral.
Ang ating wikang pambansa na Filipino ay maituturing na likas sapagkat ito ay ginagamit natin araw-araw at natututunan natin habang tumatagal. Artipisyal naman ang mga banyagang wika tulad ng Nippongo, Pranses, Espanyol at iba pa dahil kinakailangan ang masusing pag-aaral bago natin ito matutunang gamitin sa epektibong paraan. Kinakailangan muna nating malaman ang tamang stress, tamang pagbigkas at lahat ng tungkol sa kanilang gramatika. Ilang halimbawa ng salitang Espanyol ay Muchas Gracias na katumbas ng maraming salamat sa Filipino, Como Esta Usted Amigo? o kumusta ka kaibigan? at Buenas Tardes na nangangahulugang magandang hapon. Ilan lamang sa napabantog na artipisyal na wika ang Volapuk na pinasimulan ni John Martin Schleyer sa Baden, Germany noong 1879-1880; ang Esperanto ni Ludwig Lazar Zamenhoff na isang optalmologo sa Bialystok, Poland; at ang Interlingua na ipinakilala ni Giuseppe Peano noong 1951.
Sa ating panahon ngayon kung saan pahirap nang pahirap ang buhay at tumitindi ang krisis at kompetisyon sa trabaho, magiging malaking tulong sa atin kung mayroon tayong alam na ibang lengguwahe maliban sa Filipino. Ngunit gayunpaman, huwag nating kalimutan na Filipino ang ating pambansang wika at ito ang una nating dapat tangkilikin bago ang iba.
_Llozen Bugna
ano ang ibig sabihin ang likas na yamang?
Artipisyal
anu ano ang anyo ng wika
anu-ano ang mga instrumento sa wika?
ano ang pinakamahalagang likas na yaman ng india ?
. . . ang wiKa aii ndHi kuH aLAm
anu ang gamit ng wika
anu- ano ang mga simulain sa pagsasalin ng wika?
nakasalalay sa mag ibinigay na nagpapakahulugan sa mga tao sa paligid.,
;pn
akrostik sa buwan ng wika
Tagalog ang wika ng Filipino