Malay ko basta to halimbawa: lumuluha,umiiyak,humahagulhol makipot,makitid,maliit masaya,natutuwa,nagagalak nalulugod,nahuhumaling,nakababaliw malaki,malawak,di maliparang uwak mainit,mabanas,maalinsangan galit,poot,suklam malambot,mahina,marupok paningin,pagkakaalam,pagkakaunawa maganda,kaakit akit,nakabibighani
The term "narrow-minded" in Tagalog can be translated as "makitid ang isip" or "pikit mata." It refers to someone who is limited in perspective, closed off to new ideas, or unwilling to consider differing viewpoints.
nais ni humabon na magpabinyag sa kristyanismo
depende sa taong hihingian mo ng opinion. . .kung sa makitid ang utak ang tatanungin mo, malamang ang sagot sayo ay oo. . .kung sa malawak ang pag iisip tulad ko ang hihingian mo ng opinion, ang sagot ko ay hindi. . .
sanaysay.......is an example of one person that happen in her/his life..."Ang sanaysay sa malawak na kahulugan ay sumasakop sa lathalain, tangi o hindi, sa artikulo, paliwanag, pag-aaral, tesis, monograpo, panunuri, pitak, at iba-iba pang tinatawag sa iba't-ibang pangalan; may nagsasabing ang katawagang sanaysay ay maikakapit sa ano mang sulating hindi tula, dula, o maiklang katha; sa makitid na kahulugan, ito ay pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, paglagay, at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw, magbigay-kaalaman, o magturo."=,.++.,=
Mga uri ng anyong tubigKaragatan - ang pinakamalaking anyong tubig.Dagat - malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa karagatanIlog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.Gulpo - bahagi ito ng dagat.Lawa - isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.Look - malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan.Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapaBatis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.Sapa - anyong tubig na dumadaloy.pakisagot po yung tanung kohplsssssssanu-ano ang mahalagang bahagi ng kahulugan ng ekonomiks.?ano ang mga pangunahing suliranin ng lipunan?BY: Jeffrey A. Melchor.FB email: jeffreymelchor126@yahoo.comJeffrey Atienza Melchor (Bhozs Yerffej)
Anyong tubigMula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedyaIlog Gambia na dumadaloy sa Niokolokoba National ParkPort Jackson, Sydney, AustraliaAng anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon ng tubig, kadalasang tinatakpan ang Daigdig.Mga uri ng anyong tubig[baguhin]Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.)Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o *burol.Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.)Ito ay parte ng isang GolpoGolpo - bahagi ito ng dagat.Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapaBatis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.Sapa - anyong tubig na dumadaloy.
Here are some idioms in Tagalog: agaw-buhay -- naghihingalo between life and death (literal=life about to be snatched away) anak-pawis -- magsasaka; manggagawa farmer; laborer; blue-collar worker anak-dalita -- mahirap poor alilang-kanin -- utusang walang sweldo, pagkain lang house-help with no income, provided with food and shelter balitang kutsero -- hindi totoong balita rumor, gossip, false story balik-harap -- mabuti sa harapan, taksil sa likuran double-faced person, one who betrays trust bantay-salakay -- taong nagbabait-baitan a person who pretends to be good, opportunist bungang-araw -- sakit sa balat prickly heat (literal=fruit of the sun) bungang-tulog -- panaginip dream (literal=fruit of sleep) balat-sibuyas -- manipis, maramdamin a sensitive person (literal=onion-skinned) balat-kalabaw -- mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya one who is insensitive; with dense-face (literal=buffalo-skinned) buto't balat -- payat na payat malnourished (literal=skin-and-bone) tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob insincere words (literal=pushed-by-the-mouth) dalawa ang bibig -- mabunganga, madaldal nagger, talkative person (literal=two-mouthed) halang ang bituka -- salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao a person with no moral compunction (literal=with a horizontal intestine) mahapdi ang bituka -- nagugutom a hungry person (literal=sore intestine) makapal ang bulsa -- maraming pera rich, wealthy (literal=with a thick pocket) butas ang bulsa -- walang pera poor (literal=with a hole in the pocket) sukat ang bulsa -- marunong gumamit ng pera, marunong magbayad at mamahala ng kayamanan someone who knows his ability to pay nagbabatak ng buto -- nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan one who works hard matigas ang buto -- malakas a strong person kidlat sa bilis -- napakabilis exceedingly fast kusang palo -- sariling sipag initiative mabigat ang kamay -- tamad magtrabaho a lazy person (literal=heavy-handed person) magaan ang kamay -- madaling manuntok, manapok, manakit one who easily hits another person, easily provoked (literal=light-handed person) mabilis ang kamay -- mandurukot a snatcher, pickpocket (literal=fast-handed) malikot ang kamay -- kumukuha ng hindi kanya one who has the habit of stealing things (literal=listless hand) di makabasag-pinggan -- mahinhin a very demure, prim-and-proper person (literal=someone who can't break a plate) di mahulugang-karayom -- maraming tao overcrowded place (literal=where one cannot throw a pin) pag-iisang dibdib -- kasal wedding (literal=to be of one heart) kabiyak ng dibdib -- asawa spouse (literal=the other half of the heart) daga sa dibdib -- takot worry, fear (literal=mouse in the chest) nagbukas ng dibdib -- nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan a man who proposed marriage (literal=opened his heart) bulaklak ng dila -- pagpapalabis sa katotohanan exaggeration (literal=flower of the tongue) magdilang anghel -- magkatotoo sana to wish that what has been said will come true makati ang dila -- madaldal, mapunahin talkative person (literal = one with itchy tongue) matalas ang dila -- masakit mangusap one who talks offensively (literal = sharp-tongued person) maanghang ang dila -- bastos magsalita a vulgar person (literal = spicy-tongued person) matamis ang dila -- mahusay mangusap, bolero a fast talker (literal = sweet-tongued person) kaututang dila -- katsismisan a gossip (literal = farting tongue) sanga-sangang dila -- sinungaling a liar may krus ang dila -- nakapanghihimatong one who could foretell an event kumukulo ang dugo -- naiinis, nasusuklam a person who hates somebody (literal=boiling blood) magaan ang dugo -- madaling makapalagayan ng loob a person with whom one gets along easily (literal=light-blood) maitim ang dugo -- salbahe, tampalasan an evil or bad person (literal=dark-blooded) hampas-lupa -- lagalag, busabos a bum person, without any goals in life haligi ng tahanan -- ama father (literal = post of the house) ilaw ng tahanan -- ina mother (literal = light of the house) itaga sa bato -- tandaan to remember (something) forever (literal=cast in stone) isulat sa tubig -- kalimutan to forget (something) forever (literal=write it on water) makitid ang isip -- mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman someone incapable of understanding (literal=narrow-minded) malawak ang isip -- madaling umunawa, maraming nalalaman someone who easily understands (literal=broad-minded) malakas ang loob -- matapang a brave person (literal=strong-willed) mahina ang loob -- duwag a coward (literal=weak-willed) mababa ang loob -- maawain merciful person (literal=low-hearted) masama ang loob -- nagdaramdam a person with a grudge, painful or ill feelings against someone (literal=bad feelings) mabigat ang loob -- di-makagiliwan a person with whom one could not get along with (literal=heavy vibes or feelings) bukal sa loob -- taos-puso, tapat a sincere person, or one who gives with a pure heart (literal=pure-hearted) mahabang dulang -- kasalan wedding makalaglag-matsing -- nakaka-akit enchanting look makuskos-balungos -- mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin hard to please, always complaining mahaba ang buntot -- laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe a person who is a spoiled brat malapad ang papel -- maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong a person who is very influential may magandang hinaharap -- may magandang kinabukasan a person with a bright future may sinasabi -- mayaman, may likas na talino a wealthy person or a talented person matalas ang mata -- madaling makakita someone who could easily spot something (literal=sharp-eyed) tatlo ang mata -- maraming nakikita, mapaghanap ng mali a fault-finder, cynical person (literal=three-eyed person) namuti ang mata -- nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay a person who was stood up (literal=one whose eyes turned white) matigas ang leeg -- mapag-mataas, di namamansin snobbish person (literal=stiff-necked) matigas ang katawan -- tamad a lazy person (literal=stiff-bodied) makapal ang palad -- masipag a busy-body, industrious person (literal=thick-palmed) maitim ang budhi -- masamang tao, tuso an evil or bad person (literal=dark-souled) mababaw ang luha -- madaling umiyak emotional person (literal=tear-on-the-surface) makapal ang mukha -- di marunong mahiya a shameless person (literal= dense-faced) manipis ang mukha -- mahiyain a shy person (literal= thin-faced) maaliwalas ang mukha -- masayahin a joyful person (literal= bright-faced) madilim ang mukha -- taong simangot, problemado a problematic person (literal=dim-faced) dalawa ang mukha -- kabilanin, balik-harap a deceptive, two-faced person nakahiga sa salapi/pera -- mayaman rich, connotes someone who is spoiled by wealth nagbibilang ng poste -- walang trabaho someone who is jobless, literally counting posts namamangka sa dalawang ilog -- salawahan a person who is unfaithful nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga an old man/woman insecure about his/her looks and dresses up like a young person naniningalang-pugad -- nanliligaw a man courting a woman ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan something that is not permanent, usually connotes a behavior or action not meant to last panis ang laway -- taong di-palakibo a very quiet person pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw twilight patay-gutom -- matakaw glutton pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal honeymoon putok sa buho -- anak sa labas an illegitimate child; out-of-wedlock child makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad a person who is fond of going places (literal=itchy feet) pantay ang mga paa -- patay na one who just died (literal=level feet) nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao telling on somebody saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho temporarily included in a game or work, a term used to refer to little kids fond of joining games or work of grown-ups sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira someone who is privileged to lodge and board in house for free samaing palad -- malas na tao an unfortunate person, unlucky person sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi a false, pretentious person takaw-tulog -- mahilig matulog a lazy person who always wants to stay in bed takipsilim -- paglubog ng araw twilight talusaling -- manipis ang balat a very sensitive person talusira -- madaling magbago a person who easily changes tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit a person who sneers matalas ang tainga -- madaling makarinig one who easily hears the news (literal=sharp-eared) maputi ang tainga -- kuripot miser, scrooge (literal=white-eared) nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan one who plays deaf (literal=closed-eared) taingang kawali -- nagbibingi-bingihan one who plays deaf (literal=wok-eared: uses metaphor of the handle of a wok) utang na loob -- malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man (as noun) debt of gratitude "utang na loob" -- malaking pakiusap, madalas ginagamit upang ipahiwatig ang masidhing damdamin ng nakikiusap, tulad ng "parang awa mo na" (as expression) "please", used to express the deepest feelings of the person asking for a very big favor, equivalent to "have mercy" matalas ang ulo -- matalino bright, intelligent (literal=sharp-headed) mahangin ang ulo -- mayabang arrogant person (literal=air-headed) malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon in a good mood (literal=cool-headed) mainit ang ulo -- pangit ang disposisyon in a bad mood (literal=hot-headed) lumaki ang ulo -- yumabang someone who became proud, arrogant (literal=one whose head grew big) matigas ang ulo -- ayaw makinig sa pangaral o utos one who is stubborn (literal=hard-headed) basag-ulo -- gulo, away chaos, quarrel, fight (literal=break head) may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa a person who has been cheated by his/her spouse (literal=one with shit on his/her head) sira ang ulo/sira ang tuktok -- taong maraming kalokohan ang nasa isip a crazy or foolish person utak-biya -- bobo, mahina ang ulo stupid, brainless (literal=fish-brained) matalas ang utak -- matalino bright, intelligent person (literal=sharp-brained)
-Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.-Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.-Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.-Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.-Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.-Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.-Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.-Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.-Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.
THIS WAS ANSWERED BY: BENJAMIN P. ENSOMO IImasamang pangkusina.Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na "magandang idispley na siyota, pero tamad sa kitchen!" O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma. 2.Ang matuod nga katahom,makita sa tagiposuon.Paliwanag: Kawikaan ito ng Hiligaynon. Nakikita umano ng puso ang tunay na ganda o x-factor. Kaugnay nito ang "loob" na isa pang katutubong konsepto ng Filipino. Paano makikita ang tunay na ganda? Huwag magsalamin. Gamitin ang pag-ibig at pag-unawa. 3.Kadalasan, ang karikta'yginagawang isang bitagupang siyang ipanghuliNoong ibig ipahamak.. Ang pisikal na ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang Tao. 4.Ang puri at ang dangal,mahalaga kaysa buhay.Paliwanag: Ang "dangal" at "puri" ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa "honor" sa Ingles. Kaugnay ng "puri" ang "chastity," "virginity," at "respect" ngunit Hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ng http://wiki.answers.com/index.php?title=Katipunan. 5.Maong ni makapoy a lupaNen say makapoy a kanunutan.Paliwanag: Pangasinense ito, na ang ibig sabihin ay "Mabuti na ang pangit na mukha, huwag lang pangit na pag-iisip." Ano ang "pangit" na pag-iisip? Maaaring ito ay "pagbabalak ng masama," "pagkabagabag ng loob," "mahalay na pagnanasa," at iba pa. 6.Sa paggianan yo makas ta lapaorera,ay ana lamang yo ulag.Paliwanag: Mula ito sa Gaddang, na ang literal na salin ay "Kung saan naroroon ang magagandang bulaklak, naroroon lagi ang uod." Bulaklak karaniwan ang talinghaga sa babae, at ang uod na nagiging paruparo ay panumbas naman sa lalaki. Hindi lahat ng "paruparo" ay lalaki; ang "paruparong bukid" mula sa awiting-bayan ay pasaring sa baklang transvestite. 7.Mabuti't masamang gintoSa urian natatanto.Paliwanag: Makikilatis ang ganda ng isang Tao o bagay kung iyong susubukin. Ito ang paalaala ng kawikaan. Kaya Hindi dapat masilaw agad sa panlabas na anyo. Magpigil. Bago maloko ng peke. 8.Sa maliliit na dampânagmumula ang dakila.Paliwanag: Isang aspekto ng kagandahan ang "kadakilaan.n, ang mga dakilang Tao ay isinisilang na dukha. Gayunman, ang nasabing kahirapan ay Hindi sagka upang makamit niya ang tagumpay. 9.Ang bayaning masugatannag-iibayo ang tapang.Paliwanag: Ang "bayani" na tinutukoy dito ay malayo sa konseptong "hero" ng Estados Unidos o Europa, kung gagamitin ang pagdalumat ni Zmarami-ang buong bayan. Kaya ang kawikaan ay magsisilbing inspirasyon sa lahat na magpatuloy sa pakikibaka kahit may digmaan o kahirapan. Ito ang tunay na kagandahan. 10.Minsan oromo denSo tarintik sa tambira inged ami.Paliwanag: Umulan man daw ng ginto sa ibang bansa, walang makahihigit sa ambon sa sariling bayan. Sa salawikaing ito ng Maranaw, ang konsepto ng ganda ay Hindi na lamang sa Tao, bagkus naisalin sa bansa. Hindi umano maipagpapalit ang materyal na kaginhawahan sa ginhawang matatamo sa bayang sinilangan.Sampu lamang itong salawikain. At maaari ninyong dagdagan, bawasaat kung ano nga ba talaga ang "ganda" sa ating mga Filipino.Ang kalusugan ay kayamanan. - Health is WealthAng buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. - Life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down.Ang Hindi lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa paroroonan. - A per where he came from will never reach his destination.Ang karukhaan ay Hindi hadlang sa pagtatagumpay. - Poverty is not a hindrance to success.Ang h sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. - He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish.Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay alalong nagpupugay. - Imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows.Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. - A quitter never wins, a winner never quits.Walang tiyaga, walang nilaga - No pain, no gainMagsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. - United we stand, divided we fall.Masakit ang katotohanan. -The truth hurts.Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan. - The pain of the little finger is felt by the wholn. - Better late than never.Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim. - Still waters runs deep.Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos. - A sleeping shrimp is carried away by the current.Ang pag-aasawa ay Hindi biro, 'di tulad ng kanin, Iluluwa lung mapaso - Marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when it is too hot to chew.Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - Every pot has a matching lid.Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -You will know a true friend in time of need.Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - He who takes a lot of risks loses more than he can gain.Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - Emulate what is good, ignore what is bad.Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. - - - Nobody who spits upward does not spit on his face.Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. - - - Of what use is the grass when the horse is alread that talks too much accomplishes little.Madaling sabihin, mahirap gawain. Easier said than done.Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. --Spend lavishly and you end up with nothing.Habang may buhay, may pag-asa. - - - While there is life, there is hope.Ang lalagyang walang laman ay maingay. - - - An empty container makes a lot of noise.Ang lakas ay daig ng paraan. - - - Strength is defeated by strategy.Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan. - - - Anything that is heavy can be light if we put our resources together.Lahat ng gubat ay may ahas. - - - In every forest , there is a snake.Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin. - - -Before you point out others people's shortcomings, correct your own first.Ano man ang gagawin, makapitong iisipin. - - - Whatever you do, think it seven times.Hangga't makitid ang kumot, matutong mamaluktot. - - - While the blanket is short, learn how to bend.Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan. - - - It is hard to wake up someone who is pretending to be asleep .Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo. - - - If someone throws stones at you, throw back bread.Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis. - - - A broom is sturdy because its strands are tightly bound.Pag may tiyaga, may nilaga. - - - If you persevere, you will reap the fruits of your labor.Kung may tinanim, may aanihin. - - - If you plant, you harvest.Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.- - - Nothing destroys iron but its own corrosion.Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. - - -Eventhough the procession is long, it will still end up in church.Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari. There is no need to cry over spilt milk.Ang pagkakataon sa buhay ay madalang dumating. Kapag narito na, ating samantalahin.- - - Opportunity only knocks once, grab it or you'll lose it.
BANGKANG PAPEL -------------------------- ni Genoveva Matute Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo'y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman... Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan. Sa karimla't pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag. Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina. Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong ng mga iyo'y sinasaliwan ng pagliliwanag at pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala'y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng dako. Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa karimlan. "Inay, umuulan, ano?" "Oo, anak, kangina," anang tinig mula sa dulo ng hihigan. "Inay," ang ulit niya sa karimlan, "dumating na ba ang Tatay?" Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya't itinaas niya nang bahagay ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi;y naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito'y nabanaagan niya ang katawan ng ina, at sa kabila naman nito'y nakita niya ang banig na walang tao. Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni milng ay hinila niya ang kumot at ito'y itinakip sa sariling katawan. Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya't ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa katawan niyon at siya'y namaluktot sa nalabing kalahati. Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya ang kanag kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya ang sahig. Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling ipinasok muli sa kumot. "Inay," ang tawag niyang muli, "bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?" "Ewan ko," ang sagot ng kanyang ina. "Matulog ka na, anak, at bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo." Natuwa ang bata sa kanyang narinig. Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki'y malalaki't matitibay...hindi masisira ng tubig. Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo'y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita: "Siya, matulog ka na." Ngunit ang bata'y hindi natulog. Mula sa malayo'y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon. "Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi," ang kanyang nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama. "Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?" ang tanong niya sa kanyang ina. Ngunit ito'y hindi sumagot. Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita. Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na inaanod ng baha sa kanilang tapat... At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang pangrap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awing hampas ng hangin at ulan... Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan. Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina. Pupungas siyang bumangon. Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang yao'y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat. Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Alng Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao. Nahihintakutang mga batang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina. Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo'y hindi pumupikit, nakatingin sa wala. Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong. "Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?" Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo'y patuloy sa hindi pagsikap. Ang kamay noo'y patuloy sa paghaplos sa buhok ni Miling. Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap nila'y biglang natigil nang siya'y makita. Wala siyang narinig kundi... "Labinlimang lahat ang nangapatay..." Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita. Sa pagitan ng mga hikbi, siya'y patuloy sa pagtatanong... "Bakit po? Ano po iyon?" Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya'y nanatiling pinid ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya'y hinahaplos ang kanyang buhok at wala na. Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan pang mga tao. "Handa na ba kaya?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila'y papasok dito... Kaya't walang maaaring maiwan." Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nagyari. Sila'y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan. Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya ang ilang bagay. Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. Nag-aalinlangan, ang batang lalaki'y lumapit sa kanyang ina na mabibigat ang mga paa sa paghakbang. "Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?" Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-marahan ay nagsalita. "Iyon din ang nais kong malaman, anakm iyon din ang nais kong malaman." Samantala... Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang kabataan. Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na kinabukasan at ng mga bangkang papel - ang gabing yaon ang kahuli-hulihan sa kabataang sasansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili'y tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon. Kaya nga ba't sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...