answersLogoWhite

0

What else can I help you with?

Related Questions

What actors and actresses appeared in Gulong ng palad - 1977?

The cast of Gulong ng palad - 1977 includes: Ronald Corveau as Carding Medel Metring David Marianne de la Riva as Luisa Tita De Villa Caridad Sanchez as Nanay Idad Romnick Sarmenta as Peping Augusto Victa as Tatay Tomas

Mg adapat isa alang alang sa pakikipanayam?

1. GALANGIN ang KAKAPANAYAMIN Magpaalam nang maayos sa kapapanayamin. Ipakilala ang sarili at ang ginagawa mong dokumentaryo. Maging magalang sa pakikipag-usap. 2. MAGTANONG nang MAKAPAGPAPALABAS ng KATOTOHANAN Alamin ang tiyak na impormasyong kailangan sa kakapanayamin. Maglista ng mga tanong na magpapalabas ng impormasyong ito. Iwasan ang pagtatanong nang mahaba; pasalitain ang kapanayam. Iwasan ang pagtatanong ng masasagot ng oo o hindi; magtanong ng kailangan ng mahabang sagot. Maging handa kang magtanong ng nakaiilang itanong ngunit maging magalang pa rin sa pagtatanong. 3. IHANDA ang KUHA at TUNOG. Tiyaking may sapat kang baterya at teyp/memorya. Kung maaari, gumamit ng background na may sinasabi ukol sa paksa o sa kapanayam. Kung maingay ang lugar, ilapit ang mikropono sa kapanayam o kabitan ang kamera ng ibang mikropono.

What movie and television projects has Hilda Koronel been in?

Hilda Cibar has: Performed in "El vals sin fin" in 1972. Performed in "Eva y Dario" in 1973. Performed in "La mujer del diablo" in 1974. Performed in "Presagio" in 1975. Performed in "La puerta falsa" in 1977. Performed in "Furia pasional" in 1977. Performed in "Al filo de los machetes" in 1980.

What movie and television projects has Pilar Pilapil been in?

Pilar Pilapil has: Performed in "Buy One Take One" in 1968. Performed in "Oh, Delilah" in 1969. Performed in "Facifica Falayfay" in 1969. Performed in "Tore ng diyablo" in 1969. Played Maribubut in "Tisoy" in 1969. Performed in "Si Inday sa balitaw" in 1970. Performed in "El pinoy matador" in 1970. Performed in "Boyoyoy" in 1970. Performed in "Areglado, boss" in 1970. Performed in "Digmaan ng mga angkan" in 1971. Performed in "Kontra hari" in 1971. Performed in "Ang uliran" in 1971. Played Elma in "Ang alamat" in 1972. Performed in "Cherry Blossoms" in 1972. Performed in "Kill the Pushers" in 1972. Played Delilah in "Si Samson at Si Delilah" in 1972. Performed in "The Iron Fist" in 1972. Performed in "Isla Limasawa" in 1972. Performed in "Inday ng buhay ko" in 1973. Performed in "Isinilang ang anak ng ibang babae" in 1973. Performed in "Lalaki, kasalanan mo" in 1973. Performed in "Kapwa Kidlat" in 1973. Played Elena in "Black Mamba" in 1974. Performed in "Sunugin ang Samar" in 1974. Performed in "Sacramento" in 1974. Performed in "Postcards from China" in 1975. Performed in "May isang tsuper ng taksi" in 1975. Performed in "Bulaklak man ay lupa" in 1975. Performed in "Sandugo" in 1975. Performed in "Ang madugong daigdig ni Salvacion" in 1975. Performed in "The Magnificient Brute" in 1975. Performed in "Dateline Chicago: Arrest the Nurse Killer" in 1976. Performed in "May langit ang bawat nilikha" in 1976. Performed in "Kung bakit may ulap ang mukha ng buwan" in 1976. Performed in "Buhay mo, buhay ko" in 1976. Performed in "Divorce Pilipino Styole" in 1976. Performed in "Mga hayop sa damo" in 1977. Performed in "Halikan mo at magpaalam sa kahapon" in 1977. Performed in "Marupok, mapusok, maharot" in 1978. Performed in "Anak sa una, kasal sa ina" in 1978. Performed in "Kukulog, kikidlat sa tanghaling tapat" in 1978. Performed in "Pagmamahal mo buhay ko" in 1979. Performed in "Mga huwad na mananayaw" in 1979. Performed in "Bawal" in 1981. Performed in "Hula" in 1983. Performed in "Indecent Exposure" in 1983. Performed in "Tinik sa dibdib" in 1985. Played Cherry Pie in "Bulaklak ng magdamag" in 1985. Performed in "Bulaklak sa magdamag" in 1985. Performed in "Kailan tama ang mali" in 1986. Played Emma in "Napakasakit, kuya Eddie" in 1986. Performed in "Mapaglaro" in 1986. Performed in "Remember Me, Mama" in 1987. Performed in "Langit at lupa" in 1988. Played Celia in "Here Comes the Bride" in 1989. Performed in "Matud nila" in 1991. Played Valentina in "Darna" in 1991. Performed in "Unang tibok ng puso" in 1992. Performed in "Bakit ako mahihiya" in 1992. Played Nena in "Kung mawawala ka pa" in 1993. Performed in "Galvez: Hanggang sa dulo ng mundo hahanapin kita" in 1993. Played Purita in "Forever" in 1994. Performed in "Mula noon hanggang ngayon" in 1996. Performed in "Red Diaries" in 2001. Played Adora Evangelista in "Sa dulo ng walang hanggan" in 2001. Played Danana in "Your Song" in 2006. Played Dolores Aldama in "MariMar" in 2007. Played Lady Elle in "Lobo" in 2008. Played Eleonora Blancaflor in "Lobo" in 2008. Played Elvira Valencia in "I Heart Betty La Fea" in 2008. Played Sylvia Villaraza in "For the First Time" in 2008. Played Yolanda Cruz-Elizalde in "Ina, kapatid, anak" in 2012. Played Elvira Santelices in "Muling Buksan Ang Puso" in 2013. Played Cynthia in "When the Love Is Gone" in 2013. Played Leona Calderon in "Leona Calderon" in 2013.

What is the summary of ang mangingisda?

Ang Mangingisda
ni Ponciano Pineda
Maging nang sumabog sa kanyang kamay ang dinamita'y nagsasayaw pa rin sa kanyang isip ang lantsa ni Don Cesar na hindi man lamang natitigatig sa hampas ng daluyong. Ang ugong ng kanyang motor,sa pandinig niya, ay tila tugtuging nagbubuhat sa radyong nasa nagliliwanag na punduhan nina Fides.Ito ang kanyang malakas na pag-asa: ang lantsa ni Don Cesar at ang punduhan nina Fides. Ang mga bagay na ito and nagsilang ng kanynag mithiin. Hindi nawawaglit sa kanyang diwa saglit man. Ang kanyang mithiing binuo ng mga lantsa at ng punduhan ay lalong kinulayan ng mga panyayaring lumiligid sa kanyang buhay. Katulad ng pangyayaring nakaraan. Kangina, nang pakargahan niya ng gasolina ang kanyang motor sa punduhan nina Fides, ay naulit na naman ang kanyang pinakaiiwasan: Ang pangungutang kina Fides."Kung maari sana'y idagdag mo muna sa dati kong utang, ha, Fides?"Tiningnan lamang siya ni Fides. Ni hindi kumibo. Ngunit sumulat sa talaan ng mga utang. Nauunawaan niya ang katotohanang ibinabadha ng naniningkit ng mga matang iyon: pag-aalinlangan sa katuparan ng kanyang mga pangako. Nahuli niya ang buntot ng sulyap na iyon. Nang lumabas siya kahapon, kaparis din ng dalawang araw na nagagdaan, ay hindi siya nanghuli ng sapat na makatutugon sa pangangailangan nila ng kanyang ina at sa kanyang utang kina Fides. Kanginang umaga'y humihingi na naman siya ng paumanhin sa ina ni Fides."E ano and magagawa natin kung di ka makahuli," ang wikang payamot ng ina ni Fides. "Minalas ho ako," nasabi na lamang niya. "Baka sakaling s'wertihin ako mamayang gabi."Sinabi niya ito upang mapaliwanag: upang humingi ng muling kaluwagan;upang kahit paano'y hugasan ng kanyang pakiusap ang kanyang kahihiyan. Hindi niya nagawang isipin and pagbabayad kina Fides. Inunahan siya ng pagsasabi ng kanyang ina kanginang umaga ng "Magdiskargo ka muna sa punduhan anak." Nababatid niyang wala siyang ibabayad kung sa bagay. Nalaman niyang sinundan siya ng tingin ni Fides at ng ina nito nang siya'y magpaalam. Hindi niya narinig na sinabi sa kanya ang katulad ng narinig niya sa ina ni Fides kapag hindi nakakabayad ang mga mangingisdang nangungutang sa punduhan: "Aba, e pa'no naman kaya kami kapag ganyan ng ganyan? Pare-pareho tayong nakukumpromiso... " "Bukas ho'y tinitiyak kong makakabayad na ako."Gabi ng nga umalis siya sa Tangos. Nakagapis siya sa dagat. Nguni't kailanma'y hindi sumagi sa kanyang muni ang umalpas ang lumaya. Ipinasya lamang niya ang mabuhay sa dagat, ang maging makapangyarihan sa dagat, kagaya ng lantsang pamalakaya sa tabi ng punduhan. Sapul ng pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadaman siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: ibig niyang magkaroon ng lantsa - balang araw. Pagkakaroon niya ng lantsa'y hindi siya gagamit ng maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaliang lalabas siya sa karagatan. Maari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya ng lingguhan. At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at langis.
Matititigan na niya ang naniningkit na mata ni Fides. Makakapagkarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Kung makakatabi ang kanyang barko ang kay Don Cesar ay maabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. "Ilang araw kayo sa laot, ha?" itatanong niya. Siya'y sasagutin. At "ako'y tatlumpong araw,"sasabihin niya pagkatapos.
Ang hangaring iyon ay tila malusog na halaman: payabong ng payabong, paganda ng paganda sa lakad ng mga araw. Sa pagkakahiga niya sa kung gabi'y tila kinikiliti siya ng ugong ng mga motor at makina ng mga pangisdang humahaginit tungo sa kalautan. Ang huni ng mga lantsa'y kapangyarihang manding nagbubuhos ng lakas sa kanyang katawan. "Balang araw, Inang." Ang pagtatapat niya isang gabi, "bibili ako ng lantsa." Pinagsabihan siya ng kanyang ina na hindi siya dapat mangarap ng gayon. "Masiyahan na tayo sa isang bangkang nakapagtatawid sa atin araw-araw." "Magsasampa tayo ng maraming salapi, Inang. Di na tayo kukulangin. Giginhawa ka na. Sa pagkakaupo nila sa tabi ng durungawang nakaharap sa ibayo'y kanilang natanaw and nagliliwanag na punduhan nina Fides at ang nangakadaong na mga lantsa ni Don Cesar. Naririnig hanggang sa kanilang madilim na tahanan and alingawngaw ng halakhakan ng mga taong nagpapalipas ng mga sandali sa punduhan. Nagniningning ang kanyang mga mata. Ang kanyang puso'y punung-puno ng makulay na pag-asa."Talagang bibili ako ng lantsa, Inang."
Ipinaggiitan ng kanyang ina ang pagkakasiya sa Bangka na lamang.
"Ang kaligayahan na tao anak…."
Hindi nya nauunawaan ang buntot ng pangungusap ng kanyang ina. Ang diwa nya'y nasa malayo. Nasa dagat, nasa laot…
Isang mahabang kawil ng mga taon ang dumaan sa buhay nya niya bilang mangingisda, bago siya nakapagtipon ng sapat na salaping ibinili ng motor. Iyon ay isang makasaysayang pangyayari, isang makabuluhang pangyayari sa kanyang buhay. Inari niyang isa nang tagumpay na walng pangalawa. Iyon ay ipinagparangalan sa kanyang sarili't sa kanyang ina.
"Di na ako ga'nong mahihirapan sa pagsagwan kapag ako'y napapalaot. Ito na ang simula, Inang…"
Naunawaan ng ina ang katuwaang nag-uumapaw sa puso ng anak.
"Huwag mong kakalimutanang Maykapal, anak," ang sabi ng kanyang ina.
Maykapal ang lagging ipinag-aaliw sa kanya. Maykapal sa gitna ng pagdarahop, ng sakit, ng sangkisap-matang katuwaan. Nawawalan siya ng pananalig kung minsan. Kagaya ng kung siya'y hindi pimapalad. Kagaya nitong tatling araw na nangagdaan.
Nakbili na rin siya ng bagong bangkang pinaglipatan ng motor. Gayon na rin marahil ang damdamin ni Don Cesar nang siya'y unang nagkaroon ng lantsang pamalakaya-ito ang wika niya sa sarili.
Higit na nag-ulol ang kanyang mithiin na maging dalawa mga lantsa sa tabi ng punduhan.
Ang kanyang sarili'y malimit niyang tinatanong kung bakit dalawa na ang lantsa sa ibayo; samantalang siay'y hindi nagkakaroon hanggang ngayon ng kahit isa man lamang. Ito'y katanungang sumasaklaw nang malaki kapag napag-uukulan niya ng pagmumunimuni. At lalo itong hindi nya matugon kung sasaklawin niya ng tit gang gawing hilG ng ilog; doonay may punduhan, may mga apugan, may mga pagawaan, mga bangkang malalaki , may mga bagay na nagandahan, may mga lantsa,may mga barko, ngunit sa gawing tomog-sa kanilang pook- ay mga bahy-pawid na naglalawit sa ilog, bangkang maliliit,mga manggagawa; mga mangingisdang porsiyen-tuhan lamang.
Ang kanyang mga pagtatanong ay tinugon ng marilag na alaalang kakambal ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar at ng pagkaliwa-liwanag ng punduhan nina Fides!
Nagging tatlo ang lantsa ni Don Cesar. Palaki nang palki ang punduhan nina Fides. At siya nagtutumibay naman ang kanyang pagmimithi sa lantsa; higit pang nagkakulay ang kanyang paghanga sa punduhan.
Minsan narinig niyang pag-uusapan ng kapwa niya mangingisda ang dami ng salaping ipinapanhik ng mga lantsang pamalakaya ni Don Cesar.
'Isang Labas lang pala ng bagong lantsa ni Don Cesar ay halos bawi na ang puhunan," ang pagbabalita ng isa.
"At ang pakinabang sa isang labas, kung sinusurwte'y santaaonna nating kikitain ," naganyakang kanyang kalooban. Inapuhap ang nakabalot ng mga dinamita. Binulatlat ang baluatan. Kay gaganda ng dalawang bagay na iyon sa kanyang paningin. Makakauwi na siya nang ,ay dalang isda, maraming isda. Makababayad na siya kay Fides. Sandali lamang ang pagsabog iyon. Pupupugin na lamang niya ang lambat na napunit. Mapupuno niya ang Bangka bago dumating ang patrulya sa mga baybayin.saglit nyang piñata ang kanyang motor at mga lantsang pamalakaya. Nakikilala niya ang ugong ng mga sasakyang ng patrulya. At pinaugong uli ang kanyang motor. Hindi na sya nayayamot. Naliligayahan na siya. Tila tugtuging kumikiliti sa kanyang ang ugong ng kanyang motor. Kumilos ang kanyang lantsa. Pinahinto uli ang kanyang lantsa. Mapuputi ang maiikling mitsa ng dinamita. Maiging pinagdikit ang mitsa niyon,at kinambal ng dalawang bagay. Masisiyahan ang kanyang ina paggising nito kinaumagahan."Sinuwerte ako, Inang ," sasabihin niya. "Ay! Salamt sa Diyos!" sasabihin nasman ng kanyang ina. Hindi niya ipagtatapat na gumagamit siya ng dinamita. Malulungkot ang kanyang ina. "Sinuwerte ako, Inang…… Sinuwerte ako…." Kiniskisan ang pospor. Tumilamsik ang ga-buhangung baga. Ayaw magdingas ng palito. Idinikit sa kanyang kilikiliang gilid ng posporo. Nag-init . ikiniskis uli. Hinipan ang hangi. Inilapit, idinikit na maduti sa dulo ng malaking mitsa ng mga dinamitang mahigpit na kamal sa kanyang kanang kamay, sumagitsit - parang kidlat na sumibad sa kalangitan at kaalinsabayhalos ng siklab na sumugat sa gabi'y isang nakabibinging dagundong ang bumingaw sa buong kalawakan.

Script ng buong kwento ng florante at laura?

Tagapagsalaysay: Madilim, masukal, tahimik at mapanganib. Ito ang mgakatangian ng isang gubat na mapanglaw at dito rin magsisimula ang kwento ng matamis na pag-iibigan nila Florante at Laura.Sa gitna ng gubat, may isang lalaking nakatali sa puno na animo'y binugbog ng paulit-ulit at hinabol ang kanyang hininga. Ang pangalan niya'y Florante.Habang nakatali sa puno, sinasabi niya ang kanyang mga nakaraan at isa na rito ang Albanya, isang kaharian kung saan siya'y isinilang na ngayo'y nanganganib.Florante: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy,nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga)Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking buhay!Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati si Duke Briseo na aking ama ay kanyang dinamay.Tagapagsalaysay: Sandaling nanahimik si Florante dahil sa sama ng loob(umiyak sandali) matapos manahimik ay muli siyang tumawag sa Panginoon.Florante: O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig ang aking mgapanalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan na ayaw nyo na akong tulungan.Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos mismo ay ayaw na akong tulungan!Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako dahil Hindi kita naipagtanggol.Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil! Paalam na sa inyo!Tagapagsalaysay: Habang nagdudusa si Florante sa gubat, isang GererongMorong nagngangalang Aladin ang dumating sa gubat na pagod na pagod at naghahanap ng pagpapahingahan.Aladin: O, Flerida…… O tadhana, kay lupit mo, kinuha mo ang minamahal ko!Tagapagsalaysay: Habang si Aladin ay umiiyak at nagdudusa ay may narinigsiyang tinig sa kagubatan at pagkatapos ay may nakita siyang lalaki.Aladin: O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng isang naghihinagpis natao. Sino kaya siya?Florante: Talagang ako'y minamalas. Ako'y pinapahirapan sa kamay nang taksilna si Adolfo. Si Adolfong malupit at higit pa sa halimaw kung manakit.Aladin: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'ypinahirapan at pinagtaksilan.Tagapagsalaysay: Pagkatapos na marinig ni Aladin si Florante ay nagmuni siyang isang malaking problema.Aladin: Tadhana'y masakit, problema ko'y napakahirap lutasin dahil sa akingsintang inagaw.Tagapagsalaysay: Nagmamadali na si Aladin nang mapansing humina angboses na kanyang narinig…Aladin: Kailangan ko ng magmadali kundi, Hindi ko na maabutan ang taongiyon…Tagapagsalaysay: Habang tumatakbo ay hinahawi niya ang mga sagabal sapamamagitan ng kanyang kalis. Nang Makita niya ang nakagapos ay napansin niyang may nakapalibot ditong dalawang leon. Siya ay naghanda at nilusob ang mga leon. Pagkatapos niyang mapatay ang dalawang leon ay pinakawalan niya si Florante.Aladin: Parang nakita ko na ang taong ito?Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante at……Florante: Laura nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis dito…Tagapagsalaysay: Hindi na sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan na si Florante…Florante: Sino ka at bakit ako narito?Aladin: Magpahinga ka na lang. Ako ang nagligtas sa iyo.Florante: Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway?Aladin: Marahil, pero ika'y nangangailangan ng tulong.Florante: Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka dumating. Ngunit angpagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.Aladin: Hangal! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?!Tagapagsalaysay: Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin siFlorante sa kanyang pagpapahingahan at doon sila nagpalipas ng gabi.Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin na malakas na si Florante kaya ito'y kanyang niyakap.Florante: Maraming salamat sa lahat ng tulong mo kaibigan!Tagapagsalaysay: Inaliw ni Aladin si Florante ngunit napansin nitongmalungkot pa rin siya.Aladin: Ano ba ang iyong problema? Maaari ko bang malaman?Florante: Sige. Sisimulan ko ang aking kwento simula ng ako'y ipinanganak.Tagapagsalaysay: Ang dalawa ay naupo upang magkuwetuhan.Florante: Pinanganak ako sa bayan ng Albanya kung saan si Duke Briseo,ang aking ama, ay naninirahan. Ang ina ko na si Prinsesa Floresca ay nakatira sa Krotona. Ako ay pinangalanan nilang Florante.Noong sanggol pa lamang ako ay muntik na akong dagitin ng isang buwitre. (sinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)Prinsesa Floresca: Florante! Tulong!Menalipo: Bakit po anong problema?Florante: Nakita ng pinsan kong si Menalipo na ako ay dadagitin ng buwitrekaya Dali-Dali niya itong pinana at napatay. At noon namang naglalakad ako ay kinuha ng isang areon sa aking dibdib ang aking Cupidong Dyamante. Buti na lang at Hindi ako napahamak. (isinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)Nang ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasa burol at dala ang aking pana't busog at ako'y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako'y napagod ay nagpapahinga at naliligo ako sa batis kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades habang tinutugtog nila ang kanilang lira. Ang kanilang tawana'y nakapagpapawala ng aking pagod. (sinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)(nagkakantahan ang mga nayades)Pagkalipas ng ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama ngunit ayaw pumayag ng aking ina dahil ako'y lilisan.Prinsesa Floresca: Bakit kailangan pa niyang umalis?Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung Hindi siya mag-aaral ano ang kanyang magiging kinabukasan.Pronsesa Floresca: Sino ang mag-aaruga sa kanya roon?Duke Briseo: Aalagaan siya ng kanyang mga guro't kaibigan doon.Florante: Sa mga sinabi ng ama ko ay nakumbinse niya si ina upang ako'ylumisan.Tagapagsalaysay: Sa pagdating ni Florante sa Atenas…Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako angmagiging guro mo dito sa Atenas.Florante: (malungkot na malungkot) Salamat po!Antenor: O, bakit tila kay lungkot mo?Florante: Ayaw ko po kasing umalis sa Albanya.Antenor: Hayaan mo, lilipas din yan.Tagapagsalaysay: Sa isang buwang pagtigil ni Florante sa Atenas aykapansin-pansin na palagi siyang tulala at di makakain.Isang araw habang naglalakad si Florante ay nakasabay niya si Adolfo, ang kanyang kababayan. Napansin niya ang pinong pagkilos nito.Makaraan pa ang anim na taong pag-aaral……Antenor: Binabati kita Florante! May talento ka sa pilosopiya, astrolohiya atmatematika.Florante: Salamat po!Tagapagsalaysay: Dito nagsimulang magalit si Adolfo dahil nasasapawan nasiya ni Florante.Isang hapon, tinipon ni Antenor ang mga estudyante.Antenor: Magkakaroon ng pagsasadula ng trahedya ng dalawang Apo. SiFlorante ang mangunguna bilang Polinise at si Adolfo bilang Etyokles.Tagapagsalaysay: Nang magsimula na ang dula-dulaan. Nanlisik ang mata niAdolfo kay Florante.Adolfo: (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang umagaw ng kapurian ko,dapat kang mamatay.Menandro: (Sinaklolohan si Florante) Adolfo, itigil mo ang iyong kahibangan.Tagapagsalaysay: Natapos ang pagdiriwang at di na nakita si Adolfo.Makalipas pa ang isang taon, isang sulat ang dumating para kay Florante.*babasahin ang sulat*Florante:(malungkot) HINDI!!!!!Mahal na ina, bakit mo ako iniwan? Di man lang tayo nagkita sa matagal na panahon. HINDI!! Hindi ka maaring mamatay!(walang patid ang pag-iyak)Tagapagsalaysay: Dalawang buwan pa si Florante sa Atenas bago dumatingang kanyang sundo.Florante: Maestro, paalam na po.Antenor: Florante, tandaan mo palaging mag-iingat kay Adolfo.Florante: Salamat po sa lahat. Tatandaan ko po ang inyong bilin.Menandro: Mag-iingat ka Flortante. Kapag kailangan mo ng tulong ay nanditolang kami.Antenor: Menandro, sumama ka kay Florante sa Albanya.Menandro: Salamat po.Florante at Menandro: Paalam na po.Tagapagsalaysay: Pagdating sa Albanya……Florante: (humalik sa kamay ng ama) O aking ama!Duke Briseo: (niyakap ang ama) O bunso.Tagapagsalaysay: Biglang may dumating na isang mensahero.Mensahero: Magandang araw po.Humihingi ng tulong ang Krotona sa inyo dahil nanganganib po na masakop ni Heneral Osmalik.Duke Briseo: Asahan niyo ang tulong namin. Florante, pupunta tayo kay haring Linceo.Tagapagsalaysay: Pagdating sa palasyo, sinalubong sila ni Haring Linceo.Duke Briseo: Mahal na hari, ang aking anak na si Florante.Haring Linceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya ang papalit sa akingtrono. Pansamantala pamunuan mo ang hukbong patungo sa Krotona.Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng karangalan.Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng iyong kahusayan saAtenas. Walang pagdududa na iyong namana ang mga katangian ng iyongama.Florante: Maraming salamat po sa papuri. Ginawa ko lang po ang nararapat.Tagapagsalaysay: Kasilayan ni Florante si Laura sa hardin ng palasyo.Florante: Maari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng magandangbinibining iyon?Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang kami ng iyong ama.Tagapagsalaysay: Pumasok si Haring Linceo sa loob ng palasyo at nilapitannaman ni Florante si Laura.Florante: Magandang umaga sa iyo prinsesa. Kanina pa kita napapansin.Laura: Magandang umaga, Florante. Salamat sa papuri. Lagi kangikinukwento sa akin ng iyong ama.Florante: Sana'y makilala pa kita ng lubusan.Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka na rin.Florante: Oo nga. Halika Laura, pumasok na tayo at magsisimula na angpiging.Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng tatlong gabing piging…Haring Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante. Dapat ka ng maghanda parabukas.Florante: Maraming salamat po sa paalala. Magandang gabi rin po.Tagapagsalaysay: Kinabukasan…Duke Briseo: Handa ka na ba? Malayo ang iyong lalakbayin.Florante: Handa na po aking ama. Karangalan ko po ang maglingkod sa inyo,Haring Linceo.Haring Linceo: Mabuti kung ganon. Mag-iingat ka.Florante: Salamat po.Laura: Mag-iingat ka Florante, ipangako mong babalik ka.Florante: Pangako, Laura.Laura: Paalam.Florante: Paalam sa inyong lahat. Mga kawal, tayo ng lahat!Tagapagsalaysay: Pagdating nila Florante sa Krotona, nakita nila ang hukbo ni Heneral Osmalik.Osmalik: Sugod!Florante: Sugod!*digmaan*Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?! (makikita sila Florante, Menandro at isa pang kawal) Isa… Dalawa… Tatlo… Takbo!Florante: Nanalo tayo!! Mabuhay ang Albanya!Mga kawal: Mabuhay!!Florante: Mga kawal, babalik tayo sa Albanya.Tagapagsalaysay: Sa pagnalik nila sa Albanya ay may nakasalubong silang mga di-binyagan na may dalang isang babae.Di-binyagan: Sino kayo at bakit kayo narito?Florante: Kami'y mga taga-Albanya./ Pakawalan niyo ang babaeng iyan!*labanan*Florante: Binibini, mawalang-galang na pero ngayon lang kita nakita rito.Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?Laura: Ako ito, Florante. Si Laura.Florante: Laura? Bakit ka nandito?Laura: Gusto ko lang malaman ang iyong kalagayan.Florante: Salamat sa pag-aabala. Kamusta ka na? Sana'y naging mabuti ka.Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. Maybayang malapit dito na pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Paano kung...Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang linggo…Florante: Nanalo ulit tayo!!!Haring Linceo: Salamat naman at dumating ka.Florante: Ginawa ko lang po ang aking tungkulin.Tagapagsalaysay: Matapos noon ay bumalik na ang lahat sa Albanya.Haring Linceo: Florante, pasensya ka na ngunit ipapadala ulti kita sa Etolyapara lumaban sa mga turko. Mag-ingat ka.Florante: Pupunta po kami kaagad.Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw ng paglalakbay…Miramdin: Kapag nakita niyo na sila ay sugurin niyo kaagad.Florante: Sugod!!*digmaan*Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw…Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.Florante: Maraming salamat, maaari ka ng umalis.Tagapagsalaysay: Pagkatapos basahin ni Florante ang liham, pinatawag niya si Menandro.Florante: Menandro, babalik ako sa Albanya, pinapupunta ako ng hari. Ikawmuna ang mamahala dito.Menandro: Ikararangal ko ito.Tagapagsalaysay: Umuwi si Florante sa Albanya nang nag-iisa. Pagdatingniya ay pinaligiran siya ng mga kawal.Florante: Anong ibig sabihin nito?!Kawal2: Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.Tagapagsalaysay: Dinala si Florante sa palasyo at nakita si Adolfo.Adolfo: Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi nagkakausap.Kuwentuhan mo naman ako.Florante: Walang hiya ka!! Anong ginawa mo kay Laura?!!Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko..Magpaalam na ang iyong amang si Duke Briseo.Florante: Papatayin kita, papatayin kita!Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko…Tagapagsalaysay: At doon nagwakas ang pagsasalaysay ng buhay niFlorante…Florante: At ganoon nga ang nagyari.Aladin: Hayaan mong ako naman ang magsalaysay ng aking buhay… Ang ngalan ko'y Aladin mula sa syudad ng Persya. Anak ng bantog na sultan Ali-Adab. Kaya ako nandito dahil ako ay pinagtaksilan ng sarili kong ama.Tagapaagsalaysay: Sasmantala, sa kabilang bahagi ng kagubatan….Laura: Anong gagawin mo sakin?! Saan mo ko dadalhin?!Adolfo: Sumama ka na lang!Flerida: Itigil mo yan!(pinana ni Flerida si Adolfo at napatay)Aladin: (maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap ngunit Hindi nila alam nasila pala ito) Huh?!... Nakarinig ka ba ng mga nag-uusap?Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula. (pinakinggannila ito)Flerida: Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa hari na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero upang makatakas sa kaharian.Tagapagsalaysay: Di na nakatiis si Florante at Aladin… Kaagad nilangnilapitan ang kanilang sinisinta. Wari bang sabik sa pagmamahal ng isa't-isa.Florante: O Laura aking mahal kay tagal nating Hindi nagkita!Laura: Mahal ko!Aladin: Flerida! Aking sinta!Flerida: O Aladin…Florante: Pano ka napadpad dito, Laura?Laura: Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa bingit ngkamatayan…(malungkot at iiyak) Nang ikaw ay mawala, naging magulo na ang bayan. Madalas akong pagtangkaan ni Adolfo… Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at maging ang iyong ama na si Duke Briseo.Flerida: Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong nilalapastangan siya niAdolfo kaya kinuha ko ang busog at palaso at pinana ko sa dibdib ang walag-awang hangal.Florante: Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat. Ngunit ngayon aymasaya na tayong lahat at magkakasama.Tagapagsalaysay: Habang sila ay nag-uusap ay dumating si Menandro at angkanyang mga sundalo. Dapat ay hahanapin nila si Adolfo upang singilin sa kanyang mga kasalanan nang Makita nilang maayos na ang lahat..Matapos ang sandaling pag-uusap ay bumalik ang lahat sa Albanya. Masaya ang mga tao na nakita silang maayos na nakabalik. Kaagad naman dinaos ang kasal Nina Florante at Laura at maging Nina Aladin at Flerida matapos sila kapwa magpabinyag.Aladin: Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam sayo. May nagbalita kasi sa akin na sumakabilang buhay na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Sa kabila ng mga kasalanan niya sakin, siya'y mananatiling ama ko pa rin. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin na kami ay babalik dito upang kamustahin kayong mag-asawa. Paalam kaibigan!Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo aypinalitan sila ni Florante. Sa kanyang, paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng kaharian. Namauli ang kapayapaan, umunlad muli at bumalik rin sa dati ang mga tao.