-Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.-Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.-Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.-Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.-Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.-Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.-Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.-Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.-Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa.-Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.-Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.-Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.-Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan.-Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.-Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.-Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.-Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.-Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin.
[object Object]
Kung may itinanim may aanihin
INDEKSdito makikita kung saan kinopya ang libro.
kung ano ang taas ng pagkadakila ay siyang lagapak pagbagsak sa lupa
Mahuhulaan.. Hnd ko alam kung tama sagot ko
Kung saan nanggaling ang salitang ibig niyong mahanap
Ano ang Kahulugan ng Ipiniit?Ang kahulugan ng salitang ipiniit ay ibinilanggo o ikinulong. Ito ay kung saan inilagay ang tao o hayop sa isang lugar at hindi pinapalabas.
kaya sa kakaukilkil ni don pedroy sumagot din na kung ating lilimiin umiiwas sa sagutin
bakit ka nag tatanong?
dahil kung Hindi natin alam kung ano ang heograpiya ng lugar Hindi rin natin malalaman kung ano ang kabihasnan nit0...
Sa Tagalog, ito ang kahulugan ng "if you read this your dumb": "Kung mabasa mo ito, tanga ka."