Want this question answered?
ed wow
Madalas nakasuot ng puti habang nakikipaglaban, si Agueda ay lumaban sa puwersang kastila sa Laguna na may tangang baril (rifle) sa isang kamay at bolo naman sa kabilang kamay . Siya ang tanging babae na opisyal na kinilalang isang "heneral" ng army officials ng Republika.
Ang Kasunduan ng Nanking ay isang kasunduan na nilagdaan noong 1842 sa pagitan ng Tsina at mga nagtutunggaling puwersang Britanya, Pransiya, at Tsina. Ito ay nagresulta sa pagbubukas ng limang pahalang na lungsod sa Tsina, pagtakas ng Britanya mula sa opyo, at pagiging opisyal na pantautal na mga araw ng imperyalismo sa Tsina.
Ramon del Fierro Magsaysay Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957. Sergio Osmena Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas. Diosdado Macapagal Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962, at sa pagbubuo ng Maphilindo. Elpidio Quirino Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya. By Charles Ronald Meneses
Alam ba ninyo... ... na si Willy Garte ay isang bulag na Pilipinong mang-aawit na nagpasikat ng mga kantang Bawal na Gamot at Nasaan ang Liwanag? .. na si Tony Velasquez ay isang Pilipinong mangguguhit na tinaguriang "Ama ng Komiks sa Pilipinas"? ... na ang magasing Liwayway ay isang muling-pagbuhay sa nauna ritong Photo News na nalilimbag sa 3 pangunahing wika sa Pilipinas noong mga 1920? ... na ang Bisaya Magasin ang pinakamatagal at pinakamatagumpay na magasin sa wikang Sebwano sa Pilipinas? ... na si Norberto Romuáldez ang itinuturing na "Ama ng Batas hinggil sa Pambansang Wika" sa Pilipinas? ... na ang Kagawaran ng Repormang Pansakahan ng Pilipinas ang nagsasagawa ng lahat ng mga programang pang-repormang panlupa sa bansa? na ang "Gabinete" ang pinakamalaking bahagi ng pambansang sangay-tagapagpaganap ng Pamahalaan ng Pilipinas? ...na ang Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao ay ang ika-anim at pinakahuling yunit ng Unibersidad ng Pilipinas? ...na si Juan Sebastián Elcano ang namuno sa natitirang barko ni Fernando Magallanes kaya't nakumpleto niya ang pinakaunang sirkumnabigasyon ng mundo noong 1522? ... na maaaring ihain bilang nakagiginhawang tsaa ang bulaklak ng mga mansanilya? ...na si Rolando Tinio ay Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na kilala bilang makata, dramatista, tagasalin, direktor, tagapuna, manunulat ng sanaysay at guro? ...na sinubok ni Basilio Augustín na makapagtatag ng asambleyang Ilustrado at puwersang milisya para ihanda ang Pilipinas sa awtonomiya? ... na pangunahing impluwensiya sa mga Pilipinang manunulat sina Gabriela Silang, Leonor Rivera, Imelda Marcos at Corazon Aquino? na ang Gawad Palanca ang bantog at pinakamatagal na gawad pampanitikan sa Pilipinas na katumbas ng Gantimpalang Pulitzer? ...na si Elizabeth Cooper ang unang Pilipinang nakipaghalikan sa pelikula sa Pilipinas at naging lihim na kasintahan ni Douglas MacArthur? ...na ang Gawad Ramon Magsaysay ay palaging itinuturing na katumbas ng Parangal na Nobel sa Asya at may 6 na kategorya? ... na nakuha ng bandang Yano ang pangalan nila mula sa isang salitang nakalahok sa isang lumang Talahuluganang Tagalog at nangangahulugang payak? ... na ang Balarila ng Wikang Pambansa ay isang aklat ni Lope K. Santos sa wastong pagsasalita't pagsulat ng Tagalog na nilathala ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1939? ...na si Napoleon Abueva, Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas, ay ang nag-iisang Boholanong naging Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas? ... na kaugnay ng mga salitang pamahalaan, pabahalaan, at pariralang bahala na ang salitang-ugat na bahala at ang ngalang Bathala? ... na si Manuel L. Quezon ang pangalawang Pangulo ng Pilipinas ngunit una sa ilalim ng bagong Komonwelt? ... na si Juan Flavier ay napabilang sa Ten Outstanding Young Men of the Philippines noong 1967? ... na bukod sa pagiging eskultor ng Monumento ni Bonifacio at ng Oblasyon ng UP, kaibigan din si Guillermo Tolentino ni Fernando Amorsolo? ... na ang manunulat at musikerong pang-Pinoy Rock na si Dong Abay ay kasingkaarawan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo? ...na ang mga Indones ang pinaniniwalaang ninuno ng mga Ilongot at tinatayang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe? ...na kilala rin si Nick Joaquin, Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas, sa ilalim ng panulat na pangalang Quijano de Manila? na si Ishmael Bernal ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino? ...na tinalakay ni Lino Brocka sa kaniyang mga pelikula ang mga paksang pilit iniiwasan ng lipunan? ...na ang Lungsod ng Sagay ng Negros Occidental ay dating kilala bilang Arguelles at Bayan ni Magallanes? ...na ang Pambansang Korporasyon sa Elektrisidad ng Pilipinas ang pangunahing tagapagbigay ng kuryente para sa MERALCO, na siya namang nagiisang tagapamahagi ng kuryente sa Kalakhang Maynila? ...na ang Pambansang Kumpanya ng Langis ng Pilipinas ang susing institusyon sa kaunlaran ng panggagalugad at paggamit ng mga likas na pinagkukunang-yaman ng enerhiya sa Pilipinas?