Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Mindanao)
Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa
kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging
matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga
kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito
na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya
(Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.
Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang
pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung saansaan
si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng
palasyo ng kaharian ng lupaing NASA pagitan ng dalawang dagat.
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay
nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho
upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro
ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at
ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang
pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe
Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang
ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at
nagbago si Haring Madali.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay
namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa
pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at
ito ay napalitan ng paglalabanan.
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.
Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa
kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay
iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga.
Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa
mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban.
Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran
at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian.
Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang.
Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.
ang pinakamatandang anyo ng panitikan ay epiko.
ibalon hudhud
ang epiko ay tungkol sa kabayanihan ng isang tao...
Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon.
ano?
Lagda epiko Maragtag epiko ng bisaya? mga ibat abang uri ng epiko ng kabisayaan: MARAGTAS LABAW DONGGON HUMADAPNON IBALON: Ano ang epiko? The epic deals with the. Signature - Visayan epic f. Hari sa Bukid - Visayan epic g. Kumintang - Tagalog epic h. Parang Sabir - Moro epic i. “Dagoy” and “Sudsod” - Tagbanua epic j. The epic story Lagda is mostly about Anabel Igcalinos finding true love. What is the story of the epic bantugan in tagalog? Prince Bantugan (Epic of Mindanao) Si. In his book, he discusses myths, epics, and folktales about the world from Luzon, Visayas to Mindanao. Epics of the Philippines. Examples of Philippine Epics. Hudhod, Darangan, Ilbalon, Biag ni Lam-ang, Hinilawod, Ullal
ano ang mahalagang aral sA noli me tangere kabanata 2?
ano ang kahulugan ng lumaon
Tulalang Epiko Kwento
"huwag maging makasarili"
dahil nalaman nya na pinautos ni haring madali na walang makikipag usap sa kanya at kung sinu ang mahuli makipag usap ay paparusahan **<u>_._</u>**
[object Object]