answersLogoWhite

0


Best Answer
Ano ang pigsa?Ang pigsa ay isang impeksyon sa balat na nag-uumpisa sa ugat ng buhok o balahibo (hair follicle). Sa Ingles ito'y tinatawag na boils, sty, o furuncle; pag nagsama ang dalawa o mas marami pang furuncle, ang pigsa ay tinatawag ng furuncle. Anong nangyayari sa kondisyon na ito? Una, ang balat na mamumula sa palibot ng lugar ng impeksyon; at magkakaroon ng namamagang umbok o bukol, na siyang tinatawag na pigsa. Makaraan ang 3-7 na araw, ang pigsa ay magiging puti o dilaw dahil sa nabubuong nana na loob nito.
Ang mga pigsa ay malamit matatagpuan sa mukha, sa leeg, sa kilikili, sa braso, at sa balakang. Isang espesyal na uri ng pigsa ay ang kuliti o pigsa sa talukap ng mata (eyelid). Ano ang sanhi ng pigsa?Mga mikrobyo o germs ay karaniwang sanhi ng pigsa. Isang karaniwang mikrobyo ay nagmumula sa pamilya ng mga bacteria na tinatawag na Staphylococcus. Ang mga bacteria na ito ay maaaring sumuot sa mga maliit na maliit na hiwa o butas sa ating balat na siya namang dala ng sugat, pagkadali, atbp.
May mga sakit o kondisyon ring nagpapataas ng probabilidad na magkaroon ng pigsa. Kabilang dito ang mga sumusunod:
  • Diabetes
  • Malnutrition o kakulangan sa pagkain
  • Poor hygiene o pagiging madumihin
  • Pagiging mahine ng immune system
Ano ang mga sintomas ng pigsa?Gaya ng inisaad sa naunang talata, ang pigsa ay naguumpisa na isang mapula, matigas at maliit na bukol sa balat. Paglipas ng ilang araw, ito'y lalalaki. magiging mas malambot, at magbababago ang kulay mula pula hanggang maputi o manilawnilaw. Maari ring "manganak" ang pigsa o magkaroon pa ng ibang pigsa na malapit sa orihinal na pigsa. Maaaring magkaroon ng lagnat at mga kulane (lymph nodes) - senyales ito na may impeksyon na nagaganap.
Makalipas ang ilang araw pa ay puputok ang pigsa at lalabas ang nana. Sa maraming mga kaso, ito na ang katapusan ng pigsa. Subalit sa ilang mga kaso, nagkakaroon ng iba pang mga pigsa, o palaki ng palaki ng orihinal na pigsa at hindi ito pumuputok at hindi lumalabas ang nana. Ang ganitong mga kaso ay nangangailangan ng konsultasyon sa doktor - maaaring malakas na uri ng bacteria ang sanhi ng impeksyon; o may underlying disease o ibang kondisyon sa katawan na nagpapalala sa pigsa. Paano gamutin ang pigsa sa bahay?Gumamit ng "warm compress" o mainit na tubig na nakabalot sa tela at ipatong ito sa bahagi ng katawan na may pigsa. Makakatulong ito sa pagimpis ng kirot at sa pagpapalabas ng nana. Gawin ito araw-araw hanggang sa mawala ang pigsa.
Iwasang paputukin ang pigsa gamit ang karayom! Ito'y maaari lamang magpalala ng pigsa. Bagkos, hayaang pumutok ng kusa ang pigsa. Kapag pumutok na ang pigsa, ito'y dapat hugasan ng sabon at tubig hanggang mawala na lahat ng nana. Tapos, maaaring mag-apply ng antibacterial ointment gaya ng Teramycin, tapos tapalan ng bandage o band-aid ang sugat. Ulitin ito ng dalawang beses bawat araw hanggang mawala ang pigsa. Ano ang mabisang lunas o gamot sa pigsa?Ang mga hakbang na tinalakay na naunang talata ay sapat na para gamutin ang karaniwang pigsa. Subalit kung ang pigsa ay malala, maaaring mag-reseta ang doktor ng antibiotiko para dito.
Sa ilang mga kaso, lalo na kung may komplikasyon gaya ng diabetes, maaaring doktor ang maglinis sa pigsa gamit ang mga surgical instruments. Siguraduhing magagampanan ang plano ng doktor sapagkat dapat regular ang paglilinis ng sugat at pag-inom ng gamot. Paano maiiwasan ang pigsa?
  • Ang pigsa ay maiiwasan sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:
  • Pagiging malinis
  • Regular na paghuhugas ng mga tela sa bahay gaya ng mga tuwalya, kumot, tela ng kama, atbp.
  • Paghuhugas ng mabuti sa mga sugat na maliliit para hindi ito magbigay daan sa mga pigsa
  • Regular na paghuhugas ng kamay at ng katawan
User Avatar

Wiki User

8y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang Sanhi Sintomas at Gamot sa Pigsa o Boils?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Mabisang gamot sa kulani?

Ang mabisang gamot sa kulani ay depende sa sanhi nito. Maaaring rekomendahan ng doktor ang antibiotic kung ito ay dulot ng bacterial infection. Pero kung dulot ito ng viral infection o iba pang mga sanhi, maaaring angkop ang ibang treatments gaya ng warm compress at over-the-counter pain relievers. Mahalaga pa rin na kumunsulta sa doktor para sa tamang diagnosis at gamot.


Paano tanggalin ang mata ang sakit na pigsa?

Depende kung anong sanhi ng manas...kung ang manas ay sanhi ng pagbubuntis ito ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng pagtaas sa paa habang nakahiga o nakaupo.pero kung ang manas ay sanhi ng sakit sa puso o d magandang daloy ng sirkulasyon ito ay maiibsan sa pamamagitan ng pagtaas sa paa na nakalevel sa puso at sinasamahan ito ng gamot na pang alis ng sobrang tubig sa katawan ng tao ang gamot na ito ay diuretics or water pill at ito ay nararapat na may pagsangguni sa espesyalitang manggamot para mabigyan ng tamang payo ang isang taong may problema sa manas.


Anu ang sanhi?

ang sanhi ay nagbibigay dahilan o dahilan sa pangungusap


Ang pagsigaw ba ay sanhi ng goiter?

pag sigaw ba sanhi ng goiter


Sanhi ng paglakas ng Assyria-?

The Tagalog words "Sanhi ng paglakas ng assyria" are equivalent to English words "Cause a revival of Assyria."


What is the sanhi at bunga?

sanhi ay nagbibigay dahilan o dahilan sa pangungusap bunga nagbibigay bunga o nangyari kung bakit nagawa and dahilan


Ano ang mga sanhi at bunga ng child abuse?

kahirapan ang isa sa sanhi ng child labor............


Ano ang kahulugan ng sanhi o bunga?

sanhi ito ang pinag uusapan.bunga ito ang kinalabasan


Ano ang sanhi at bunga ng bagyo?

sanhi- pagbibigay dahilan sa isang pangyayari bunga-resulta,bisa at kinalabasan ng isang pangyayari


Labanan sa Cordillera noong 1601 sanhi at bunga?


Pangangati ng palad?

sanhi ng pangangati ng palad


Epekto ng korupsyon?

ang epekto ng korapsyon bunga at sanhi