Ano ang aral sa Kabanata 34 ng Noli you Tangere?
"Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang
magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng
tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang
mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa.
Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan
at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat
tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas
ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya,
paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa
araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may
kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan.
Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala siyang lakas
ng loob upang salungatin ang pari.
Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao
sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit
upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan
siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit.
Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang
alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay incapacitate ang
pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga
nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng
bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara,
Ibarra at ilan pang mga Kastila."