Taong 1521 nang makarating si Ferdinand Magellan sa Pilipinas. Ang pangunahing layunin nila ay ang marating ang Moluccas sa pamamagitan ng isang bagong ruta. Ang Moluccas ay lugar na mayaman sa mga rekado nang panahon iyon. Kontrolado kasi ng mga Muslim ang dating ginagamit na ruta pasilangan kaya kinailangan nila Magellan na maghanap ng bagong ruta.
Katuwang sina Padre Pedro Valderama, isang pari, at Antonio Pigafetta, tagapagtala sa kanyang paglalakbay, tinalunton nila Magellan ang direksiyong pakanluran upang marating marating nila ang silangan. Napatunayan ng kanyang grupo na bilong nga ang mundo. Natuklasan din nila ang mga bagong lugar tulad ng Guam at isang lugar na lumaon ay tinawag nang Kipot ni Magellan.
Natanghal na unang bayaning Pilipino si LapuLapumatapos niyang mahadlangan at mapaslang ang pangkat ni Magellan na makontrol ang Cebu at ganap na masakop ang bansa. Gayunpaman, ang kamatayan ni Magellan sa labanan sa Mactan sa kamay ni LapuLapu noong Abril 27, 1521 ay hindi naging katapusan ng paghahangad ng Espanya sa Pilipinas. Matapos matagumpay na makabalik sa Espanya ang ilang tauhan ni Magellan, nagpasiya ang hari ng Espanya, si Felipe II, na ipagpatuloy ang pagpapadala ng ekspedisyon sa Pilipinas.
Ganap na nasakop ng Espanya ang Pilipinas sa pamamagitan ng mahusay na pakikitungo ni Miguel Lopez de Legazpi sa mga katutubong Pilipino. Ang unang pamayanang Espanyol na naitatag niya ay ang Cebu. Ito ang itinuturing na pinakamatandang lungsod ng bansa. Ang iba pang pamayanang Espanyol na naitatag ay ang Panay at Maynila.
Chat with our AI personalities