answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang Mapagbigay na Punong-Kahoy

Ni Shel Silverstein

Noon, may isang punongkahoy

Na nagmamahal sa isang batang paslit.

Araw-araw dumarating ang bata para pumulot ng mga dahon,

At gumawa ng korona at magkunwari ng hari ng kagubatan.

Inakyat niya ang puno, at nagpaduyan-duyan sa kanyang mga sanga, at namimitas ng mga prutas, at naglaro ng tagu-taguan.

At kung siya'y napapagod, nagpapahinga siya sa lilim ng puno, at lubusang minahal ng bata ang punong kahoy. At ang puno'y nagging Masaya.

Makalipas ang panahon, at ang bata'y lumaki, ang puno'y madalas na naiwang mag-isa.

Ngunit isang araw, dumating ang bata. "Halika bata, akyatin mo ako at magpaduyan-duyan sa aking mga sanga, pitasin ang aking mga prutas, maglaro sa lilim ko, at masiyahan" wika ng puno. "Matanda na ako para makipaglaro". "Gusto kong magpakasaya, kailangan ko ng mga kagamitan, kailangan ko ng pera." Wika ng bata.

"Pasensya ka na," wika ng punongkahoy. "Wala akong salapi, meron lang akong mga prutas." "Kunin mo ang mga prutas ko at ibenta mo sa bayan, magkakaroon ka ng pera at ikaw ay liligaya." Pinitas ng bata ang mga prutas at dinala sa malayo. At ang puno ay nasiyahan. Ngunit matagal na nawala ang bata. At ang puno ay nalungkot.

Ngunit isang araw, nagbalik ang bata at ang puno'y nasiyahan. "Halika bata, akyatin mo ako at magpaduyan-duyan sa aking mga sanga". "Wala akong panahon umakyat sa puno." "Gusto kong makapag-asawa. Gusto kong magka-pamilya." "Kailangan ko ng bahay. Maaari mo ba akong tulungan?" "Wala akong bahay," sabi ng punongkahoy. "Ang gubat ang aking bahay." "Kung gusto mo, putulin mo ang aking mga sanga upang makapagtayo ka ng bahay, at ikaw ay liligaya." Muling lumayo ang bata at nagpatayo ng bahay. At ang puno ay nasiyahan.

Matagal na nawala ang bata. At sa kanyang pagbalik, lubos na nasiyahan ang puno. "Halika bata. Tayo na at maglaro." "Matanda na ako at lubhang nalulungkot para makipaglaro." "Nais kong magkaroon ng bangka para lumayo." "Maaari mo ba akong tulungan?" "Putulin mo ang aking katawan at gawing bangka." "Ikaw ay makakapaglayag……. At ikaw ay liligaya."

Kaya't pinutol ng bata ang puno, gumawa ng bangka, at naglayag. Ang puno ay nasiyahan, ngunit hindi ng lubusan.

Pagkalipas ng matagal na panahon, nagbalik ang bata. "Pasensya na bata wala na akong maibibigay pa sa iyo." "Ubos na ang mga prutas ko." "Mahina na ang ipin ko para sa mga prutas." "Wala na akong mga sanga." "Hindi na ako bata para magpaduyan-duyan." "Wala na akong katawan." "Hindi ko na kayang umakyat ng puno, matanda na ako." "Pasensya na. Sana meron pa akong maibibigay sa iyo pero wala nang natira." "Ako'y isang matandang tuod na lamang. Pasensya na." "Wala na akong kinakailangan ngayon," sabi ng bata. "Amg nais ko lang ay isang tahimik na lugar upang magpahinga." "Kung gayon, ang matandang tuod ay magandang upuan at pahingahan." "Halika, bata, at umupo. Umupo ka at magpahinga." At gayon nga ang ginawa ng bata. At ang puno ay nasiyahan.

WAKAS.

User Avatar

Wiki User

βˆ™ 10y ago
This answer is:
User Avatar
User Avatar

Mark alfaro Quintos

Lvl 1
βˆ™ 3y ago
p

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ang maikling kuwento ng Mapagbigay na puno?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Anong kahulugan ng maikling kuwento?

Ang maikling kuwento o maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."


Maikling kuwento ng epikong tulalang manobo?

Tulalang Epiko Kwento


Anu-ano ang mga uri ng Paningin ng Maikling Kuwento?

Magbasa kaya kayo!


Iba pang kahulugan ng maikling kuwento?

Ang ibig sabihin ng maikling kwento ay may simuno at may panaguri.


Ano ang mga kayarian ng maikling kwento?

Ang mga pangunahing kayarian ng maikling kwento ay ang pagkakaroon ng isang maikling plot o kuwento, limitadong bilang ng mga tauhan, tiyak na tema o mensahe, at maikling haba o lapad ng kuwento. Karaniwang mayroon itong mahigpit na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari hanggang sa pagtatapos.


Pinagmulan ng maikling kuwento?

walang opisyal na pinagmulan ang maikling kwento, bago pa man dumating ang mga dalubhasa dito sa mundo, ay iba't ibang maiikling kwento ang dumadaloy sa ugat ng mundo, sa pangalan ng kwento, literal na ito ay ikinukwento, at nadugtungan lamang ng maikli, na ang ibig sabihin ay short story, o maliit lamang ang takbo ng kwento.


Ano ang wakas ng kuwento na si pinkaw?

Tagpuan sa maikling kwento na si pinkaw


Maikling kuwento ng humanismo?

Ang Humanismo ay kilusang kultural na naglalayong buhayin ang klasikal na kultura ng mga griyego at romano.


Ano-ano ang mga uri ng maikling kwento?

" pakikipagsapalarang maromansa madulang pangyayarikwentong Nagsasalaysaykwentong pangkatauhan kwentong katutubong kulaykwentong sikolohikokwentong talinokwentong katatawanankwentong katatakutan" " kababalaghan" " pakikipagsapalarang maromansa madulang pangyayari


Anu-ano ang mga ugat ng maikling kwento?

BILOG: nagbabago ang katauhan LAPAD: hindi nagbabago ang katauhan PROTOGONISTA:mabait/ pangunahing tauhan (bida) ANTAGONISTA: masama (kontrabida)


What actors and actresses appeared in Mapagbigay ang mister ko - 1976?

The cast of Mapagbigay ang mister ko - 1976 includes: Jun Aristorenas Vilma Santos


Ano ang kasingkahulugan ng mapagbigay?

ang mapagbigay ay isang paraan ng pagbibigay sa kpwa