answersLogoWhite

0


Best Answer

In English: The Fable of the Ant Family

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya't ang isang mag-anak na

langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang

pinagtataguan.

"Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may

gawing kaliwa ay may munting kanal," sabi ni Tatay Langgam.

"Hindi po kami lalayo," sabi ni Unang Munting Langgam.

Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa, kung kayat Hindi nila

napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.

"Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman

ang tag-ulan ay naghahanda na kami,"sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. "Buti

pa'y maghanap ako ng mas masarap na pagkain."

Walang anu-ano'y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal

na ipinagbabawal na puntahan ng kanyang ama.

"Siguro naman ay Hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong

kukunin ang kendi."

Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay Hindi niya napansin ang

munting sinulid na kinapatiran ng kanyang paa, kaya nawalan siya ng panimbang

at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.

Hind mapakali ang Amang Langgam nang Hindi niya makita ang kanyang

Bunsong anak sa pila. Kaya Dali-Dali siyang umalis upang ito'y hanapin,

hanggang sa siya'y mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa

ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kanyang bunsong anak.

Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na: "Iyan

ang napapala ng mga anak na matigas ang ulo."

User Avatar

Wiki User

13y ago
This answer is:
User Avatar
More answers
User Avatar

Wiki User

11y ago

sila ay naging mag anak at sila naging tae tapos sila ay namat

This answer is:
User Avatar
User Avatar

Anonymous

Lvl 1
3y ago
ehh kung suntukin kita

User Avatar

Wiki User

11y ago

Tangina mo

This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ang kwentong ng pabulang ang mag-anak na langgam?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp