answersLogoWhite

0


Best Answer

Isinulat ni:santos92s A.K.A Cilvezter Eliazar

Mga Pinagkunan: wikipedia.org

x Araling Panlipunana Serye III

x Kasaysayan ng daigdig para sa ikatlong taon ng Hayskul

Ang Krusada ay isang serye ng hidwaang militar na may kaugnayan sa relihiyon na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europa noong 1095-1291, karamihan nito ay pinagtibay ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo. Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang Jerusalem at ng "Banal na Lupain"mula sa kapangyarihang Muslim at kaunaunang binunsod bilang tugon sa panawagan mula sa Eastern Orthodox Silangang Imperyong Romano, na mula kay Emperador Bisantino Alexios I Komnenos upang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk Turks sa Anatolia

Nagbalak si Papa Urbano II na bawiin ang banal na lupain sa kamay ng mga Muslim noong 1095. Pinangunahan ng mga maharlikang Pranses at Norman ang unang krusada. ang ikalawang Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Eugenius II, Ang ikatlong krusada naman ay mas kilala sa tawag na Krusada ng tatlong Hari sapagkat Tatlong Hari ang nanguna nito, sila ay si Haring Richard I ng Great Britain, haring Philip II ng France at Emperador Frederick Barbossa ng Germany. Habang ang ika-apat na Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Innocent III, ito ay nagdulot lamang ng pag-sama ng mga Venezio sa Pagsalakay sa Constantinople noong 1203-1204 na ikinahina ng Silangang Imp. Romano (Imperyong Bizantion). Ang Krusada naman ng mga kabataan ay nabigo dahil sila ay nilinlang ng sinakyan nilang barko at ipinagbili bilang mga alipin.

Panawagan parA SA KRUSADA

Humingi ng tulong si Emperador Alexus I (1048-1118) kay PaPa Urban II upang sagipin ang Imperyong Byzantine at panatilihin ang Kristiyanismo sa Silangan . Sa pagsakop ng Jerusalem, ang mga seljuk ay nagkaroon ng pagkakataon na sakupin ang Constantinople. Sa maraming taon, ang lungsod ay nagisisilbing tanggulan laban sa mga hamon sa pamamayani ng Kristiyanismo sa Kanlurang Europe.

Tumawag sa Papa Urban II ng konseho noong 1095 sa Clermont upang hikayatin ang libo-libong kabalyero na "kunin ang krus" at maging isang crusader na ang ibig sabihin ay "markado ng krus". Bilang kanilang gantimpala sa pagpapalayasng mga SeljukTurk sa Jerusalem, ipinangako ng Papa ang pagpapatawad nglahat ng kanilang mga kasalanan, pagkakaroon ng mga lupain sa mga lugar na kanilang sasakupin, at kalayaan mula sa kanilang pagkakautang.

Ang panawagan na Papa ay masiglang tinanggap ng maraming kabalyero sa iba't-ibang dahilan. Ang iba ay may taimtim na hangad na ipagtanggol ang mga Kristiyaniyanong deboto na nagpupunta sa Jerusalem.Ang iba ay naghahanap ng mapanganib na pakikipagsapalaran. Ang iba naman ay nais taksan ang pagkakautang o ang kanilang kasalanan sa batas. Mayroon ding iba na ang nais ay yumaman.

Masiglang tinanggap din ng mga mangangalakal ang pagbibigay ng tulong laban sa mga Seljuk Turk. Ang pangamba nila ay ang pagsasara ng kalakalan sa Sialangang Mediterranean kung mananatili ang kapangyarihan ng mga Seljuk Turk.

Si Papa Urban II ay handa ring tumugon sa hiniling na tulong ng Imperyong Byzantine laban sa mga Seljuk Turk. Siya ay naniniwala sa pangangailangang muling pag-isahin ang Simbahang Roman at ang Simbahang Orthodox. Kung magagawa niya ito, maaari niyang palawigin ang kanyang kapangyarihan sa buong kahariang Kristiyano, palawakin ang mga hangganan nito, at ibalik ang Rome bilang pangunahing lungsod at kabisera ng buong daigdig.

Ang Unang Krusada(1096-1099)

Ang unang Krusada ay nilahukan ng mahigit 10,000 nagbubukid na walang nalalaman at pagsasanay sa pakikidigma.Sila ang unang umalis patungong Jerusalem. Nagaway-away sila nang dumating sila sa Asia Minor . Ang karamihan sa kanila ay madaling tinalo ng mga Seljuk Turk.

Kabilang din sa Unang Krusada ang 20,000 hanggang 25,000 kabalyero.Karamihan sa kanila ay mga French. Noong `1097, nilusob niala ang Asia Minor. Sa loob ng dalawang taon, kumilos sila patungong timog at silangan hanggang sa makuha ang Antioch. Matagumpay nilang pinasok ang Jerusalem noong Hulyo 15, 1099.

Sa pagkakapanalo ng mga Kristiyano sa Krusada, nasakop nila ang teritoryo mula sa Tigris River hanggang sa mga hangganan ng Egypt. Apat na Crusader States ang itinatag sa lugar na ito. Ang pinakamalaki at pinakamahalaga ay ang Latin Kingdom of Jerusalem. Ang hinirang na pinuno nito ay si Godfreyng

Bouillon na binigyan ng titulo bilang "Tagapagtanggol ng Banal na Sepulkro." Ang tatlo pang estado ay Edessa, Antioch, at Tripoli.

Dulot ng pagtatatag ng Crusader States nanumbalik ang pagdalaw ng mga Europeo sa Holy Land. Nagkaroon muli ng himpilan ang Kristiyanismo rito. Dumagsa rito ang mga debotong Kristiyano. Pabalik-balik dito ang mga barko ng mga mamahalin at piling produkto ng Asya.

Hindi nagkasundo ang mga pinuno ng Crusader States. Ginawa ng bawat isa na maging malaya sila sa isa't-isa. Madalas silang nag-away-away at pinagtatalunan ang mga lupain na kanilang sakop.

Sumakatuwid: (Pagbubuod)

Dahilan:

--> Pagsalakay/pagsakop ng mga Turk mula sa Gitanang Asia noong 1000 sa Asia Minor, Palestine at Syria kung saan matatagpuan ang mga lugar na banal ng Jerusalem. Pagpapahirap ng mga Turko sa mga Kristiyanong pilgrim na pilgrim na puntahan ang mga lugar na ito. Humingi ng tulong si Alexander Comnenus, emperador ng Byzantine noong 1098 kay Papa Urban na patalsikin ang mga Turko, Sa Konseho ng Clermont, noong 1095, itinaguyod nu Urban II ang isang Krusada na layuning bawiin ang Jerusalem mula sa mga Muslim.

Mga Pinuno:

--> Peter the Hermit, Walter the Peniless, Godfrey ng Bouldon, Raymond ng Toulouse, Robert ng Flanders, Bohemond ng Taranto.

Mga Labanan:

Niceae

--> tinalo ang mga Muslim ng magkasamang pwersa ng Byzantine at mga Krusador.

Antioch sa Hilagang Syria

--> pinakamatinding labanan patungong jerusalem, maraming mga Krusador ang namatay dahil sa labanan at gutom ; nakuha ng mga Krusador ang Antioch sa H. Syria.

Resulta:

--> Matapos ang anim na linggong pakikipaglabanan, nakuha ng mga Europeo ang Jerusalem noong 1099, hinati sa 4 ang estado.

-->ito ay: countly ng edessa, principality ng Antioch, countly ng Tripoli at kaharian ng Jerusalem.

hanggang dyan muna... xD

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ang Krusada xRoman Historyx
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Anu po ang dalawa hanggang siyam na krusada?

krusada 1-9


Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?

Fftgggy


Ano ang kahulugan ng pasang krus?

Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito. Ayon sa mananalaysay na si Edward Gibbon, pinakanaiibang pangyayari sa kasaysayan ang mga Krusada. Sa isang tawag ni Papa Urban II, ang mga hari,pari, maharlika, magsasaka, manggawa at mga alipin ay handang iwan ang kanilang gawain at mag-anak upang hawakan ang krus at espada at tubusin ang Jerusalem sa kamay ng mga Muslim._Fabriel.Ann_ nan Tala High


Sinu-sino ang nga pinuno ng krusada?

Louis VI Richard the Lion Heart at marami pang iba pero sila lang yung pinaka prominente sa mga namuno


Bakit mahalagang pag-aralan ang asya?

ang mga historikal, pisikal, at kultural ang mga mahahalagang salik na dapat pagbasehan sa pag-aaral ng mga bansa sa asya!!!!


What movie and television projects has Julius Babao been in?

Julius Babao has: Played himself in "TV Patrol" in 1987. Played Himself - Host in "Talk TV" in 2001. Played Host in "Magandang umaga, bayan" in 2002. Performed in "Ako ang simula: The ABS-CBN News and Current Affairs Yearend Special" in 2006. Played himself in "Krusada" in 2010.


What movie and television projects has Bernadette Sembrano been in?

Bernadette Sembrano has: Played herself in "The Probe Team" in 1989. Played Herself - Host in "The Correspondents" in 2000. Played Herself - Host in "Wish ko lang" in 2002. Performed in "Ako ang simula: The ABS-CBN News and Current Affairs Yearend Special" in 2006. Played herself in "Umagang kay ganda" in 2007. Performed in "Krusada" in 2010.


Ano ang mga katangian ng mga negrito?

maitim ang balat kulot ang buhok nangangaso sarat ang ilong malapad ang mga labi maitim ang balat kulot ang buhok nakabahag lamang sila pangangaso ang kanilang ikinabubuhay


Ano ang meaning ng bahay o tahanan ano ang nag ka iba?

Ang bahay ay ang istruktura na tinitirahan. Ang tahanan ay ang pamilya.


Ano ang ibig sabihin ng salitang basag ang pula?

ang gandako


Ang tao ba ang komokontrol sa kapaligiran o ang kapaligiran ang komokontrol sa tao?

Ang tao ang komokontrol nito dahil ginawa ng diyos ang tao upang may mag-alaga nito.Kung wala ang tao sino ang mag-aalaga ng kapaligiran?kahit na ano pa ang sabihin nila na ang kapaligiran ang komokontrol sa tao,hindi pa rin ito tama dahil sa kung ano ang kapaligiran ngayon ang tao ang dahilan nito...


What is the tagalog of biag ni lam-ang?

The Tagalog translation of "Biag ni Lam-ang" is "Buhay ni Lam-ang."