answersLogoWhite

0


Best Answer

Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.

*Proseso at Katangian

1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.

2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.

3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.

4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

*Teorya

1. Teoryang Bottom-up

Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto,bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto.

Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-down

Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.

Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

3. Teoryang Interaktib

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional.

Masasaing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang produkto.

4. Teoryang Iskima

Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2011-11-08 08:04:29
This answer is:
๐Ÿฆƒ
1
๐Ÿคจ
1
๐Ÿ˜ฎ
1
User Avatar
Study guides

Mga tanong sa Tagalog

23 cards

What are medical problems that arise from color blindness

What are the characteristics of effective writing

What are the different types of diction

Another examples of community problems

โžก๏ธ
See all cards

Mga tanong sa Tagalog

25 cards

Ano ang ibig sabihin ng demokrasya

A cell containing 92 chromatids at metaphase of mitosis would at its completion produce two nuclei each containing how many chromosomes

Why do chromosomes coil during mitosis

Regarding mitosis and cytokinesis one difference between higher plants and animals is that in plants

โžก๏ธ
See all cards

Physics

29 cards

What is force

What is the sum of the interior angles of a triangle

What is elastic spring force

What is the angle sum of a quadrilateral

โžก๏ธ
See all cards

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Kahulugan at kahalagahan ng pagbasa proseso at katangian?
Write your answer...
Submit
Related questions

Ano ang interaktibong proseso ng pagbasa?

ito ay ang uri ng proseso na interaktibo


Ano ang kahulugan ng asimilasyon?

Ang proseso kung saan ang isang grupo tumatagal sa kultura at iba pang mga katangian ng isang mas malaking grupo.


Ayon kay William gray ano ang mga proseso ng pagbasa?

ang apat na proseso ng pagbabasa ay persepsyon, kumprehensyon, aplikasyon at integrasyon.


Proseso sa pag-aaral ng panitikan?

Paano mo masasabing Ang pagbasa ng panitikan ay isang kasanayang metacognition?


Ibat- ibang kahulugan ng pagbasa?

Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos,pagkuha ,at pag-unanawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga wika o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan, Malaki ang pagkakaugnay ng pagbasa sa makrong pakikinig, pagsulat at pagsasalita,. ito 'y nagiging tulay ng mga mag-aaral upang mapabuti at maiangat ang kasanayan sa mabisang pag-unawa ng mga teksto


Ano ang kahulugan ng sarbey?

ang sarbey ay isang proseso kung paano makakakuha ng isang datos o impormasyon.


Interaktibong proseso ng pagbasa?

ang interaktibong prosseso ng pagbasa ay isang uri ng pag basa, sa katunayan ito ang mga ginagamit ng mga dalubwika na mga paraan para mapabilis ang kanilang pag basa.Putang inah proseso nga ang hinahanap ang bobo nmn ng mga taong ngsulat sah site na2putang ina sayang kayo sah oras


Anu ang kahulugan ng textong prosidyural?

Ang textong prosidyural ay nagpapahayag ng pasunod-sunod na proseso kung paano ginagawa ang isang bagay.


Proseso ng pagbasa ayon kay smith?

4 proseso ng pagbasa Ang pagbasa sa akda- gumagamit ng persepsyon o pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo Ang pag-unawa sa binasa- ito ay ang pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga simbolong nakalimbag Ang reaksyon sa binasa- reaksyon at paghatol sa kawastuhan ng mga detalye, kahusayan ng pagkakasulat at halaga ng teksto Pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalamang mula sa binasa at sa dating kaalaman- pag-uugnay ng binasa teksto sa karansan ng mmbabasa.


Ano ang sikolohikal na proseso ng pagbasa?

ang prosesong sikolohikal ay ang kakayahan ng tao na mgimbak ng impormasyon, kaisipan at pati na rin ang kanyang nabasa, nkita, sinulat, at nramdaman ...:) maemae


Ano ang mga proseso ng mabisang pagpapahayag?

proseso ng mabisang pagpapahayag


Pagsulat bilang multi-dimensyonal na proseso?

yes multi dimensyonal na proseso sa pagsulat


Anu-ano ang pitong proseso ng pagpapahalaga at ang kahulugan nito?

ganun aking tanong aking sagot kung alam ko lang hindi nalang ako nagtanong ako rin naman pala ang sasagot.


Ano ang kahalagahan ng sosyolohiya sa kasaysayan?

Ang Sosyolohiya ay may kaugnayan/kahalagahan sa kasaysayan dahil ang sosyolohiya ay ang pag-aaaral o institusyon na sumusuri o nag-tatala ng mga datos o impormasyon sa mga alituntunin ng lipunan ,mga proseso sa pagbibigkis at paghihiwalay sa mga tao ayon sa grupo,asosasyon,institusyon,at maging indibiduwal.Ayon din ang sosyolohiya sa pakikisama at pakikitungo ng mga tao sa bawat henerasyon.Ang sosyolohiya ay mahalaga din sa pag-aaral sa proseso ng pandaigdigang lipunan.


Mga yugto ng proseso ng pagsusulat?

1.yugtong pangkognatibo 2.proseso ng pagsulat


Iba't-ibang pananaw ng pagbasa?

4 teorya ng pagbasa a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto. b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto. c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa. d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.


proseso ng pagsasalita?

yawa mo tanan


Mga proseso ng pagsasalita?

yawa mo tanan


Ano ang food processing?

Pag proseso ng pagkain


Ano ang mga teorya ng pagbasa?

4 teorya ng pagbasaa. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto.b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.1. Bottom-up2. Top Down3. Interaktibo4. Iskimaiba't - ibang uri ng tekstong akademikoteoryang istraktural at teoryang saykolinggwistika ____remie pama____


Anu ang ibig sabihin ng proseso?

ginagawa


Ano ang process?

Pag proseso ng pagkain


6 na hakbang ng proseso ng pagpapasya?

buto


7 pamamaraan sa proseso ng pagpapahalaga?

walang kwenta


Proseso da paggawa ng mga salapi?

tanga ka pala eh