answersLogoWhite

0


Best Answer

Kilalang-kilala ang pangunahing makatang Pilipino bilang si Francisco "Balagtas" Baltazar. Ang karaniwang paniniwala ng marami ay sagisag panulat ang "Balagtas".

Ngunit ayon kay PadreBlas M. de Guernica, kura paroko ng bayang Bigaa (Balagtas), sa kanyang pahayag na may petsang Agosto 5, 1906, ang pangalan ng makata sa kanyang partida de bautismo ay Francisco Balagtas. Sinabi ng kura paroko na nakatala sa Indece Alfabetico del Libro de Bautismos de Bigaa na bininyagan ang makata noong Abril 30, 1788, sa pangalang "Francisco, anak na tunay ng mag-asawang sina Juan Balagtas at Juana de la Cruz, mga taong tunay ng bayang ito."

Gayunman, ang kasulatan sa pag-aasawa at sa pagkakalibing ay tumutukoy kay "Francisco Baltazar na anak Nina Juan Baltazar at Juana de la Cruz.

Sinabi ni Hermenegildo Cruz (na ayon kay Padre de Tavera ay isa sa dalawang awtentikong biograper ni Balagtas: ang isa pa ay si Epifanio de los Santos Cristobal) sa kanyang aklat na "Kung Sino ang Kumatha ng Florante" (Maynila: Libreria Manila Filatelico, 1906) na ang apelyidong Baltazar ay ginamit ng ating makata magmula nang siya'y manirahan sa Tondo ngunit Hindi ipinaliwanag kung saan nanggaling ang apelyidong ito at kung bakit nagbago ng pangalan ang makata nang tumira sa Tondo. Hindi naman masasabing ang ganitong pagbabago ay bilang pag-alinsunod s autos ng Gobernador-Heneral Claveria na gumamit ng apelyidong Kastila ang katutubong mga mamamayan, sapagkat ang utos ay ipinatupad noong 1849, samantalang ang kasulatan sa pag-aasawa ng makata ay may petsang 1842. maliwanag na Baltazar na ang kanyang ginamit bago ipinatupad ni Claveria ang utos. Ang totoo, bilang pag-alinsunod s autos na ito, pumili ang makata ng isa pang pangalan: Narvaez.

Ayon kay Cruz, may mga nagpapatotoo na ang apelyidong Balagtas ay palayaw raw lamang sa kanya na nagbuhat sa kanyang pagkamagaling tumula. Kung gayon, bakit Balagtas din ang ginamit na apelyido ng kanyang mga pamangkin na anak ng kanyang kapatid na si Nicolasa na nakatira sa Burol, Bigaa, Bulacan at nakausap ni Cruz nang sulatin niya ang talambuhay ng makata?

Gayunman, ang mga anak ng makata na nakatira sa Udyong, Bataan ay gumamit ng apelyidong Baltazar, Hindi Balagtas.

Balagtas o Baltazar? Ano man ang tawag sa kanya, Hindi mababawasan ang kanyang kadakilaan.

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2011-09-13 00:13:26
This answer is:
๐Ÿ™
0
๐Ÿคจ
0
๐Ÿ˜ฎ
0
User Avatar
Study guides

Mga tanong sa Tagalog

23 cards

What are medical problems that arise from color blindness

What are the characteristics of effective writing

What are the different types of diction

Another examples of community problems

โžก๏ธ
See all cards
4.62
โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…
68 Reviews

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ipaliwanag kung bakit baltasar ang gamit nya sa pagsulat ng awit?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ipaliwanag ang gamit na sumusunod na salita sa komunikasyong pasulat 1Titik?

titik


Ano ang 6 na gamit ng paglalahad?

> Pangkatang Pagtalakay > Pagbibigay Panuto > Pagtuturo ng paggawa ng isang bagay > Pagsulat ng Editoryal > Paggawa ng Essay o Pagsasalaysay > gamit sa paguulat


Bakit tinuring na pambansang bayani si DR Jose rizal?

dahi ay siya ay laban ng gamit ng panulat


What is tool in Tagalog?

gamit


Anu ano ang mga gamit ng wika?

anu ang gamit ng wika


Ano ang gamit ng mga yamang mineral sa silangang asya?

gamit ito para sa kalakalan .


Anu-ano ang mga pangunahing gamit ng wika?

anu ang tatlong pangunahing gamit ng wika?


Ano ang gamit ng printer ng computer?

ang gamit ng printer ay mga larawan impormasyoi


Gamit ng medidang asero?

edwr


Wastong gamit ng may-mayroon?

mayron


Ang gamit ng manganese?

letche kayu


Ano ang walong bahagi nang pananalita?

pangngalan uri ng pangngalan anyo ng pangngalan kailanan ng pangngalan kasarian ng pangngalan gamit ng pangngalan-palagyo gamit ng pangngalan-paari gamit ng pangngalan-palayon


Ano ang mga naging kontribusyon ng Greece?

maronong na sila gumawa ng mga bagay na gamit ang lumang gamit.


Gamit na panulat ng mga unang Filipino?

Ang gamit na panulat nila ay balahibo ng kalapati o ngmanok


What is the gamit of bangang manuggul?

nong yari ang bangang manunggol


Anu ano ang mga gamit ng parirala?

nganga


What is the function of the Vsgina?

gamit na sya para mag iyot?


Naeerase ba ang sign pen?

Oo gamit kang ballpen


Mga gamit ni Fernando amorsolo sa pagpipinta?

canvass paintbrush


Wastong pag gamit ng kumpyuter?

pano pangalagaan ang computer


Pangunahing gamit ng wika?

1. wataray 2.sapati 3.towiw


Anu ano ang kahulugan ng semantiks at ang gamit nito?

detyu


Ano ang ibig sabihin ng mkabayan gamit ang akrostik?

MakataoAmbotK


Pinananatili kong malinis at maayos ang aking mga gamit?

Madalas


Anu-ano ang halamang itinatanim sa tuwirang pagtatanim?

Gamit tuwirang