answersLogoWhite

0

  1. Sosyolohiya(Sosciology)- pag-aaral ng tao sa lipunan, pinag-aaralan dito ang pangkat ng tao sa lipunan: ang pamilya bilang pangunahing institusyon at ang mga suliraning kinakaharap ng mga tao.
  2. Agham Pampulitika (Political Science)- agham na nakatuon sa pananaliksik at pag-aaral ng mga tao sa kanilang pamamahala, pamahalaan at impluwensya nito sa kanilang pamumuhay.
  3. Antropolohiya (Anthropology)- agham ukol sa tao at sangkatauhan, saklaw nito ang kayarian ng pangkaisipan ng tao o kanyang buong kataohan.
  4. Ekonomiks (Economics)- pag-aaral ng gawain at materyal na pangagailangan ng tao. Tinatalakay dito ang produksyon at distribusyon.
  5. Arkeolohiya (Archaeology)- pag-aaral sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga labi (artifact).
  6. Kartograpiya (Cartography)- pag-aaral at paggawa ng mapa.
  7. Lingwistika (Linguistic)- agham na nakatuon sa pagbabago at pag-unlad ng wika, sapagkat bawat tao o pangkat ng tao ay may sariling kultura na nagbabago sa paglipas ng pnahon.
  8. Heograpiya (Geography)- pag-aaral at pagsusuri ng pisikal na katangian ng mundo at ugnayan nito sa gawain ngg tao.
User Avatar

Wiki User

7y ago

What else can I help you with?