answersLogoWhite

0


Best Answer

Teoryang pampanitikan

RomantisismoNaniniwala ang mga romantisist na ang tao ay may kapasidad na bumuo ng sarili nilang daigdig. Sa panahon ng mga suliranin makakalikha ang tao ng mga gawaing maaring makaaliw sa kanya upang sandaling lumipas ang dinadala na naghahari sa kabuuan ng akda. Ang mga ito ay maaring madama sa tulong ng mga salitang ginagamit sa akda. Sa pamamagitan nito, makikilala ng nangingibabaw na damdaming napulutan sa kabuuan ng akda. Ito'y namayagpag sa panahon ng Amerikano (mula 1990 - 1940). HumanismoBinibigyang pansin ang magagandang saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao.Itinataas din ang karangalan ng tao bilang sentro ng akda. Ipinakikita ang magagandang saloobin ng tao na nakapaloob sa mga tiyak na pahayag sa akda. Maari ring idagdag ang magagandang damdaming taglay ng tauhan. Ito'y namayagpag sa makabagong panahon. EksistensyalismoBinibigyan-diin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan. Gumagawa siya ng pagpapasya na kailangan niyang harapin anuman ang magiging kahinatnan nito. Mahalagang makita ang kalakasan ng paninindigan ng tauhan. Malaya siya sa kanyang pagbuo ng desisyon at kung paano niya ito harapin. Ito'y namayagpag sa panahon ng Kastila at hanggang sa kasalukuyan. NaturalismoAng pagsusuri ng akda batay sa damdamin ng namayani sa tauhan, nagbigay-puri at naglalahad ng kagalingan ng tauhan ay teoryang naturalismo. PormalismoPinagtutuunan ng pansin sa teoryang ito ay ang mga istruktura o pagkabuo nito. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Kabilang din dito ang sukat sa tula na nagpapakita ng bilang ng pantig sa bawat taludtod. Maaring itong lalabindalawahin, lalabing-anim at iba pa. Ang tugmaan naman ay ang pagkakahawig ng mga tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod. Kariktan naman kapag gumagamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri , wala rin lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Ito'y namayani sa panahon ng amerikano at kasalukuyan. MarkismoMahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap . Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas ng dukha ang mayaman. Ginagamit ng mga oriyentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y sumibol sa panahon ng kastila at hapon, at namayagpag naman sa makabagong panahon ImahismoNakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mamababsa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano. MoralistikoIpinalalagay ng mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay isang nilalang na balon ng maraming kaalaman. Ginagamit ng manunulat ang kanyang akda bilang instrumentong maaring paghanguan ng mga aral na gagabay sa pangaraw-araw na buhay at pagdedesisyon ng kanyang mambabasa. Kung gayon, maari niyang dalhin ang kanyang mambabasa sa mabuti o masamang landas. Namayagpag ito sa panahon ng kastila at makabagong panahon. SosyolohikalNaniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan ,kultura,at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa panahon ng Propaganda. BiyograpikalNaniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid. Kung gayon, ang mga isinusulat niyang mga akda ay mga hibo o impluwensiya ng mga karanasan at nangyari sa buhay. Ito'y namayagpag sa kasalukuyan. SikolohikalAyon kay Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang tao ay isang iceberg na lumulutang sa ibabaw ng karagatan. Nahahati ang iceberg ("bundok ng yelo") sa dalawa ang nakikitang bahagi at ang nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang malay na bahagi ng ating katauhan: ito ang mga impormasyon na alam ng tao ukol sa kanyang sarili. Ang nakalubog na bahagi naman ay ang di-malay na bahagi ng ating katauhan. Tungkulin ng manunuri nito na pag-aralan ang kabataan at personalidad ng may akda at kung paano nilikha ng manunulat ang kanyang akda. Namayagpag ito sa kasalukuyan. ArketipalAyon kay Carl Jung at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud na may di-malay na bahagi ang tao,subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious. Naniniwala rin siya na magkakatulad o iisa lamang ang karanasan ng NASA di-malay na bahagi ng isipan ng mga tao. Ito ay bunga ng iisang karanasan ng mga ninuno ng tao na naipapasa sa kasalukuyang henerasyon at dahil dito nakalilikha ang mga manunulat ng mga imahen at pangyayaring hango sa mga sinaunang teksto. Patuloy itong namamayagpag sa kasalukuyan. PeminismoSa teoryang ito, maaring tignan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda. Ito'y maaring komokompows ng mga panlipunan, kultural, pulitikang pamamalakad, teorya, at moral na pilosopiya na isyu na may kinalaman sa di pantay o pantay na kalagayan ng kasarian.
User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2012-06-06 08:12:01
This answer is:
๐Ÿ™
0
๐Ÿคจ
0
๐Ÿ˜ฎ
0
User Avatar
Study guides

Mga tanong sa Tagalog

23 cards

What are medical problems that arise from color blindness

What are the characteristics of effective writing

What are the different types of diction

Another examples of community problems

โžก๏ธ
See all cards
4.57
โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…
60 Reviews

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Iba't-ibang uri ng teorya
Write your answer...
Submit
Related questions

Ano ang iba't ibang uri ng teorya?

ahg


Mga ibatibang uri ng pamahalaan sa asya?

wla akng makita eh ...sorry poh...


Anu ang mga uri ng teorya?

ngtatanong nga po eh.........


Alamin ang ibat ibang antas at tungkulin ng wika?

anu ang ibat ibang uri ng teorya? anu ang wika? ibat ibang uri ng lenguage?


Anu-ano ang ibat-ibang uri ng teorya?

ang ibat ibang uri ng teorya ay ang mga sumusunod teoryang humanismo teoryang feminismo teoryang realismo yun lang alam cou eh mag hahanap pa ako ng iba


Ibatibang teorya tungkol sa pinagmulan ng pilipinas?

Teoryang_pasipiko">Teoryang pasipikoayon_kay_bailey_willis">ayon kay bailey willisTeoryang_asiatiko_">Teoryang asiatikoDr. Leofoldo Castinoteorya_ng_tulay_na_lupa">teorya ng tulay na lupaH._Otley_Beyer">H. Otley BeyerTeoryang_pasipiko">Teoryang pasipikoayon_kay_bailey_willis">ayon kay bailey willisTeoryang_asiatiko_">Teoryang asiatikoDr. Leofoldo Castinoteorya_ng_tulay_na_lupa">teorya ng tulay na lupaH._Otley_Beyer">H. Otley Beyer


Teorya sa pinagmulan ng kontinente ng asya?

ang pinamulan ng teorya


Anong uri ng teorya ang Moses Moses?

humanismo ata eh.... pero tray u lang baka tama... \


Ano ang teorya ng continental drift ng pilipinas?

continental drift teorya


Teorya ng pagkakabuo ng pilipinas?

.


Uri ng balagtasan?

uri ng balagtasan


Ibat-bang uri ng pang-uri?

Uri ng ,aylapi


Mga uri ng barayti ng wika?

uri ng wika


Magsaliksik ng ibatibang kahulugan ng aralin panlipunan?

magsaliksalik ng mga uring panlipunan sa pilipinas


Ano ang teorya ng pinagmulan ng wika?

ano ang dalawang teorya na pinagmulan ng wika?


Ibigay ang ibat ibang teorya sa pinagmulan ng sinaunang tao?

teorya ng pandarayuhanteorya ng ebulusyon


Teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig?

mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig


Anu ano ang mga teorya ng kasaysayan?

anu-ano ang teorya ng kasaysayan


Anu-ano ang mga teorya ng w?

anu ano ang teorya ng wika


Katangian ng diskurso?

teorya


4 na teorya ng pagsasalita at pagbabasa?

teorya sa pagsasalita


Ibat ibang teorya na pinagmulan ng daigdig?

ibat ibang teorya sa pinagmulan ng daigdig


Anu ano ang teorya ng panitikan?

anong teorya ng panitikan ang kwento ni mabuti


Teorya ng pagkabuo ng 7 kontinente?

y85yfures364et


Kalakasan at kahinaan ng teorya ng pilipinas?

eryg