answersLogoWhite

0


Best Answer

MANILA - Sumasabay ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas sa mga kalapit na bansa sa Asya at tumataas na pangangailangan sa pagkain partikular sa bigas.

Batay sa talaaan ng pamahalaan, ang bilang ng mga Filipino ay umabot sa 88.57 milyon noong Agosto 2007, mas mataas ng 16 porsyento sa 76.50 milyon noong Mayo 2000.

Sa taong 2009, inaasahan na aabot sa 92.22 milyon ang bilang ng mga Filipino. Sa bilang na ito, kokunsumo ang Pilipinas ng 9.75 milyong metriko toneladang bigas, mas mataas sa 9.56 milyong metriko tonelada na inaasahang makokonsumo sa 2008.

Noong 2000, tinatayang komunsumo ang bawat Filipino ng 103.16 kilo ng bigas. Sa bilang ng populasyon na 76.5 milyon, umabot sa 7.89 milyon metriko tonelada ng bigas ang nakonsumo ng bansa.

Ayon kay Augusto Santos, acting director general ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang paglobo ng populasyon ay mangangahulugan ng mas maraming pakakainin.

Sinabi ni Santos na ang pagtaas ng populasyon sa nakalipas na dalawang taon ay mas mabilis sa nakalipas na pitong taon. Mas mataas din umano ang pagdami ng mga Filipino sa inaasahang bilang ng 1.95 porsyento ng pamahalaan sa 2010.

Gayunman, ang 2.04 porsyentong population growth rate ngayon ay mas mababa sa 2.34 porsyentong pagtaas na naitala noong 1990-2000.

Ayon kay Santos Hindi babaguhin ng pamahalaan ang polisiya sa populasyon na limitado lamang sa pagpapalaganap ng natural family planning method at responsible parenthood.

Bagaman itinatanggi ng pamahalaan na magkakaroon ng kakulangan sa bigas, inaasahan na dadami ang mga Filipino na aasa sa ibang bansa na inaangkatan ng Pilipinas ng bigas.

Ilang sa mga bansa na pinagkukunan ng bigas ng Pilipinas ay ang United States, China, Vietnam at Thailand. Dahil sa tumataas na pangangailangan sa produkto, tumaas na rin ang presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Isa ang Pilipinas sa pinakamalakas na mag-angkat ng bigas sa mundo. Sa taong ito, plano ng pamahalaan ng mag-angkat ng 2.2 milyong metriko tonelada ng bigas, pinakamarami sa nakalipas na 10 taon.

Kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia, mas mataas ang population growth rate ng Pilipinas. Ang bilang ng populasyon sa Malaysia ay umangat ng 2.1 porsyento mula 2001 hanggang 2006, habang ang Vietnam ay nakapagtala ng 1.4 porsyento paglobo.

Ang populasyon sa Indonesia at Thailand ay lumobo lamang ng 1.3 porsyento at 0.8 porsyento, ayon sa pagkakasunod.

-tanie 30 :*

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Populasyon ng ating bansang pilipinas ngayon 2010?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Sinu-sino ang bumubuo ng ating populasyon ng pilipinas?

mamamayan


Ilan na ba ang ating populasyon sa pilipinas?

tanong kay pagong


Ang alamat ng bansang pilipinas?

Marami ang posibleng alamat na pinagmulan ng Pilipinas ayon sa ating mga katutubo.


Ano ang kabuuang populasyon ng pilipinas ngayong 2010?

ayon sa nso (national statistics office) tinatayang nasa 99 pataas na ang ating populasyon dito sa pilipinas ngayong 2010


2009 to 2010 census sa pilipinas?

Ayon sa Census ang populasyon ng pilipinas ay humigit kumulang 92360521 ngayong 2010 sabi din nila lumalago na masyado ang ating populasyon kupara noong 2007.


Ano ang hugis ng bansang pilipinas?

pahaba at hiwa-hiwalay


Ano ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansang pilipinas?

ang ating pambansang wika ay Filipino


Populasyon ng pilipinas noong 2008?

ang kabuuang populasyon ng pilipinas noong 2008 ay Hindi pa nairirelease at sa halip ay populasyon lamang ng ating bansa noong 2007 ang naipahahayag ng NSO. ito ay umabot na ng 88,574,614. at tinatayng aabot ng 92.23 million ngayong taon-2009.


Bilang ng populasyon ng pilipinas noong 2008?

ang kabuuang populasyon ng pilipinas noong 2008 ay Hindi pa nairirelease at sa halip ay populasyon lamang ng ating bansa noong 2007 ang naipahahayag ng NSO. ito ay umabot na ng 88,574,614. at tinatayng aabot ng 92.23 million ngayong taon-2009.


Ano ang mga naging kontribusyon ng mga hapones sa bansang pilipinas?

anu ang naiambag ng hapon sa ating mga pilipino?


Ilan ang populasyon ng pilipinas ngayong taon 2011?

i think ung populasyon sa ating bansa ay umaabot na ng 92 million,. sa buong daigdig umaabot ang popuilasyon sa 7billion,. imagine dme ng tao sa earth,.


Ano ang kapital ng ating pilipinas?

NCR