answersLogoWhite

0

Ang dekonstruksyon ay isang uri ng teoryang pampanitikan kung saan ang karaniwang istraktura ng kwento ay Hindi sinusunod. Natural nitong pinaadadaloy ang kamalayan at kaisipan ng Tao at gayon din ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Pinapaksa nito ang mga pangyayaring Hindi karaniwang pinag-uusapan. Lumilikha ito ng serye ng mga pangyayaring magkakaugnay subalit winawakasan naman ng mga Hindi sukat akalaing pangyayari. Salungat ito sa mga nakagawiang siklo na nakakahon. Halimbawa, lagi nang ang bida ang mabuti at nangingibabaw sa wakas at ang kontrabida ay malakas subalit natatalo sa bandang huli.

Sa dekonstruksyong pananaw, binibigyang-pansin ng mga nais sabihin ng akda batay sa relasyon ng Tao sa kanyang lipunan. Natutukoy ang mga bahagi ng akda na nagpapahiwatig ng impluwensya ng pakikipag-ugnayan ng Tao sa kanyang kapwa at sa kahihinatnan nito.

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?