answersLogoWhite

0

Ano ang mga elemento ng dula?

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2016-08-12 18:57:25

Best Answer

  • Sangkap ng dula
    • Tagpuan - panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
    • Tauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
    • Sulyap sa suliranin - bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
    • Saglit na kasiglahan - saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan
    • Tunggalian - ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
    • Kasukdulan - climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya'y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
    • Kakalasan - ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian
    • Kalutasan - sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

    Elemento ng Dula
    • Iskrip o nakasulat na dula - ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip
    • Gumaganap o aktor - ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba't ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
    • Tanghalan - anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase
    • Tagadirehe o direktor - ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
    • Manonood - hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula'y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

    Eksena at tagpo
    Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang angtagpo nama'y ang pagpapalit o ang iba't ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

--------------------
source: http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/18/Dula_Notes
User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2016-08-12 18:57:25
This answer is:
User Avatar
Study guides

Which sentence suggests the least amount of psychic distance

Which sentence suggests the greatest amount of psychic distance

Which effect could best be created using an unreliable narrator

Which lists the typical steps of the creative writing process

โžก๏ธ
See all cards
3.47
โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…
19 Reviews

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Ano ang mga elemento ng dula?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
People also asked