answersLogoWhite

0


Best Answer

ano ang pangalan ng nagtatag ng microsoft sa murang edad pa lamang?

User Avatar

Wiki User

7y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sino ang nagtatag ng kompanyang Microsoft sa murang edad pa lamang?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

What is scallion in tagalog?

Tagalog translation of ONION: sibuyas


Diyalogo ng pelikulang magnifico?

sa pelikulang tinalakay ang bahaging maaring magampanan ng isang bata sa kanyang pamilya, kapwa, at lipunan sa kabila ng murang edad. ipinakita rito na hindi hadlang ang edad upang mag kaoon ng kamalayan tumulong sa mga problema ng matatanda sa ating paligid at upang makagawa ng kabutihan sa kapwa.. :)


List of Philippine presidents and their biography?

The following is the list of Philippine presidents Emilio Aguinaldo,Manuel L. Quezon,Jose P. Laurel,Sergio Osmena,Manuel Roxas,Elpidio Quirino,Ramon Magsaysay,Carlos P. Garcia,Diosdado Macapagal,Ferdinand Marcos,Corazon C. Aquino,Fidel V. Ramos,Joseph E. Estrada,Gloria Macapagal-Arroyo and Benigno C.


Ano ang epekto ng barkada sa pag aaaral?

nakadepende ito kung ang iyong mga kabarkada ay mabubuti at kung masama. kung masama: dadalhin kanila at tuturuan ng mg bagay na Hindi kanais nais , mga bisyo na di dapat sa iyong murang edad, kung mabuti naman : tuturuan kanila na maging mabuti ituturo nila sa iyo ang mga bagay na may kabuluhan, dadalhin kanila sa mabuti at Hindi ka iiwan, sa oras ng kagipitan silay nanadiyan handang tumulong at umalalay sa iyo, kaya dapat piliin natin ang mga barkadang may magandang idudulot sa ating buhay


Di abot ng kawalang Malay ni Efren R. Abueg?

Mabangis na lungsod - Efren R. AbuegSadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya.Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan."Mama... Ale, palimos na po."Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas."Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas."May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka."Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan."Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas."Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan."Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda."Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing."Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan."Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.


Kailan ipinanganak si antonio Luna?

talambuhay ng bayaning Filipino Si Antonio Luna (Oktubre 29, 1866 - Hunyo 5, 1899) ang nakakabatang kapatid ni Juan Luna. Ipinanganak siya sa Maynila noong ika-29 ng Oktubre, 1866 sa Binondo, Maynila. Siya ang bunsong anak Nina Joacquin Luna at Laureana Novicio. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila noong 1883 sa murang edad na 15. Kumuha rin siya ng kursong parmasyutika sa Unibersidad ng Santo Tomas at nakamit niya ang kanyang lisensya sa kursong ito sa Unibersidad de Barcelona. Natapos din siya sa pagkakadalubhasa sa parmasyutika sa Ghent, Belhika. Sa propesyon ay isa siyang parmasyotiko. Ang pagsusulat ang kanyang libangan. Iniakda niya ang El Nomatozario del Paerdismo na nalathala sa Madrid noong 1893. Ito ang kanyang pinakamalaking naiambag niya sa literaturang pang-medisina. Siya ang nagtatag ng La Independencia at nagpapadala rin siya ng mga lathalain sa ibang pahayagan. Sa simula pa'y isa siyang tagpagtaguyod ng paghingi ng reporma sa mapayapang pamamaraan. Dahil sa hinalang siya ay isa sa mga teroristang laban sa pamahalaan, dinakip siya ng mga maykapangyarihang Kastila, nilitis at ikinulong ng mga Kastila. Nang siya ay makalaya, nag-aral siya ng iba't ibang paraan ng pakikipaglaban sa Ghent. Pagbalik niya sa Pilipinas, sumapi siya sa rebolusyonaryong pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Hinirang siyang direktor ng digmaan at tagapamahalang heneral ng Hukbong Rebolusyonaryo. Siya ay ginawang kabahagi ng sandatahang lakas laban sa mga Amerikano. Bilang isang sundalo, si Antonio'y mahigpit magparusa. Sa panahon ng pakikipagdigmaan, pinagsumikapan niyang maipailalim sa isang disiplina ang mga tauhan sa Batalyon ng Kabite. Isa sa kanyang madugong pakikipaglaban ay naganap sa La Loma na kung saan ay napatay si Major Jose Torres Bugallon. Marami pang ibang pinuno ng kalaban ang nagapi ni Heneral Luna ngunit dumating ang isang pagkakataon na sila ay natalo at ito ay naganap sa Caloocan. Natagpuan ni Heneral Luna ang kanyang kamatayan noong ika-8 ng Hunyo, 1899 sa Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Nagtungo siya roon sa pagtupad sa isang ipinalalagay na pagtawag ni Heneral Aguinaldo upang dumalo sa isang pulong.Habang nasa loob ng simbahan ng Cabanatuan, binaril siya ng mga sundalo ni Aguinaldo na inihingi niyang bigyan ng disiplina. Sa pagkamatay ni Antonio Luna nawalan ng isang dakilang kawal at pinuno ng rebolusyon


Suliranin ng agrikultura at solusyon?

Mga Suliranin ng Agrikultura Ang suliranin ay kaakibat na ng buhay ng tao.Lahat tayo ay nagkakaroon ng suliranin. Sa puntong ito hindi rin nakaligtas ang mga mahalagang sektor ng ating ekonomiya tulad ng Agrikultura. *Kakulangan sa Makabagong kagamitan at Teknolohiya * Kawalan ng sapat na Imprastaktura. *Kakulangan ng Puhunan *Kawalan ng Kongkretong Programa sa Pagmamay- ari ng Lupa. *Mababang Halaga/Presyo ng Produksyong Agrikulutural. *Kompetisyon sa mga Dahuyang Produkto. Mga Kalutasan ng Mga Suliranin sa Agrikultura * Paghihigpit sa mga produktong Agrikukltural na pumapasok sa bansa. * Pagpapatayo ng mga imbakan, irigasyon, tulay at kalsada. * Paglalaan ng badyet para sa imprastraktura na kailangan ng mga magsasaka. * Pagbibigay ng subsidi sa mga maliliit na magsasaka. * Pagtatatag ng kooperatiba at bangko rural na magkakaloob ng pautang sa mga magsasaka at mangingisda. * Pagbibigay ng impormasyon ukol sa paggamit ng makabagong teknolohiya. * Pagpapataw ng murang buwis sa mga inaangkat na kagamitan ng agrikultura. * Pagapapatakda ng tamang presyo sa mga produkto sa mga produktong agrikulutural. * Tunay na implementasyon ng anumang repormang pansakahan. Lahat ng problema ay may solusyon. Masosolusyonan ito kung lahat tayo ay magtutulong tulong din. JenL


Buod ng filipinas pelikula tagalog?

Humihina na ang negosyo ng pamilya Filipinas na pagtatanim ng sibuyas sa kanilang lupa. Habang patanda na nang patanda ang kanilang ina (Armida Siguion-Reyna), may kani-kaniya namang mga pangarap at mithiin sa buhay na pinagkakaabalahan ang mga magkakapatid. Tanging ang panganay na si Flor (Maricel Soriano) lamang na tumatandang dalaga at ang lubos na kumakalinga sa kanilang ina. Nang dumalaw mula sa Amerika si Samuel (Richard Gomez), panganay na lalaki, unti-unti nang lumutang sa pamamagitan ng mga di-mapigilang hidwaan ng magkakapatid ang mga hinanakit ng bawa't isa na akala nila'y nailibing na sa limot sa pagdaloy ng panahon. Umabot sa sukdulan ang gulo sa pamilya nang humantong ang di na mabilang na pagkakabungguan ni Samuel at Eman sa pagbagsak at tuluyang pagkaka-comatose ng kanilang ina.May tanging kataga na angkop na angkop sa Filipinas:malaman. May malamang kuwento na buong-buo ang pagkakasalarawan, at maaaring mag-akay sa manonood sa higit pang malalalim na isiping may kinalaman sa pakikipag-ugnayan at buhay ng isang pamilya. Ang "lakas" ng Filipinas ay nasa napakahusay na pagganap ng mga punong tauhan (sa papel ng buong pamilya), lalung lalo na ni Maricel Soriano bilang isang matiising anak at tapat na kasintahan; ang kasaysayan ng pamilya ay sa kanya ring mga mata matatanaw. Lapat ang musika, sinematograpiya, at lahat pang mga aspetong teknikal ng pelikula, bagamat litaw na litaw ang ganda ng dialogue na binigyang diin pa ng akmang focus ng camera sa makatotohanang pagganap ng mga artista sa kani-kaniyang papelMakikita ng mga manonood ang kanilang sarili sa alin man sa mga tauhan ng pamilya Filipinas. Ang mga ipinapakitang kalagayan at suliranin na karaniwang natatagpuan sa mag-anak-tulad ng inggitan, paninibugho, pagkikimkim ng galit, paboritismo, pagkasiphayo, pagkasira ng mga pangako, at iba pa-ay naroon sa pelikula, at nag-aanyayang pag-isipan ang mga ito bilang daan tungo sa ikabubuti ng pag-uugnayan sa pamilya. May isang wasto at napapanahong mensahe ang Filipinas sa manonood: bagama't mahirap nang pagkatiwalaan ang mga institusyon natin tulad ng militar at simbahan, may isa pang nalalabing institusyon ang masasandigan pa rin ng isang tao-ang pamilya. Nais sanang bigyan ng CINEMA ng GP rating ang Flipinas, ngunit may nilalaman itong mga sangkap na kailangang ipaliwanang nang mabuti sa mga murang isipan, kungdi'y maaaring mag-iwan ito ng mali o nakaliligaw na impresyon sa isipang salat pa sa pang-unawa.


Suliranin ng administrasyong ramon magsaysay?

'Magsaysay Is My Guy!'He who has less in life should have more in law[Ang magkamit nang kulang sa buhay ay dapat makatanggap nang higit sa batas ]- Ramon MagsaysayNagpunta ako rito upang patayin ka.Ngayon, payagan mo sana akong magtrabaho para sa 'yo- 'Manila Boy' Tomas Santiago, bodyguard ni Luis Taruc,sumuko matapos ng 1 oras na pagkausap kay MagsaysaySa kasaysayan ng Pilipinas, 3 lamang ang dukha na namuno sa bayan. Halos magkasabay ang 2 nauna: Si Andres Bonifacio, ang kinitil ng mga taksil, at si Apolinario Mabini, ang dakilang dininig lamang pagkamatay. Sa sumunod na labu-labong agawan ng mga Pilipino sa kapangyarihan at katungkulan sa pamahalaan, may 50 taon ang lumipas bago nagkaroon muli ng isang pinunong dukha, si Ramon Magsaysay, ang sumagip sa bayan mula sa digmaan ng mga magkabayan [civil war], ang 'tao' ng mga tao [man of the people].Ipinanganak nuong 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fiero sa Iba, Zambales, sa gilid ng Luzon, natutunan niya sa ama kung ano ang tunay na matuwid at kung paano maging marangal. Natanggal ang ama bilang guro sa paaralan nang tumanggi siyang "ipasang awa" ang anak ng school superintendent. Napilitang lumipat sa kabayanan ng Castillejas, nagkarpintero at nagpanday na lamang ang ama. Lumaking kasama-sama ng mga pawisan, matigas ang panindigan sa isip ni Magsaysay, at ang pag-unawa sa mga dukha. Sa paaralan ng mga manggagawa [trade school], Zambales Academy, nagtapos ng high school, naputol ang pag-aaral niya nuong 1927 sa University of the Philippines dahil mahina ang katawan, karaniwan sa mga lumaking mahirap at salat sa pagkain, at 1932 na nang nakapagtapos sa Jose Rizal College ng pagkakalakal [commerce]. Dahil mahina ang natapos, ang tanging hanap-buhay na nakita niya ay mekaniko sa Try Transportation Bus Company sa Manila, ngunit ilang taon lamang, siya na ang tagapangasiwa [general manager] duon.Hanggang lumusob ang mga Hapon.Nagbitiw siya ng tungkulin at kasama ng Philippine 31st Infantry Division nakipagbaka sa Bataan at, nang matalo, namundok at sumama sa mga guerrilla ng USAFFE. Matapang at magiting, nataas siyang capitan,major at pinuno ng 10,000 guerrilla sa buong Zambales - naghayag pa ang mga Hapon ng 100,000 pisong gantimpala sa sinumang pumatay sa kanya. Sa pagbalik ng mga Amerkano, itinanghal si Magsaysay na governador ng Zambales ni General Douglas MacArthur nuong Pebrero 1945.Ayaw ko, mga mayaman lamang ang tinatangkilik ninyo, ang tanggi ni Magsaysay sa gulat na Manuel Roxas nang alukin siyang sumapi sa Liberal Party upang kumandidato bilang kinatawan ng Zambales sa halalan ng Batasang Bayan[Philippine Congress] ng unang Republika ng Pilipinas nuong 1946. Nahikayat rin siya nang iharap sa kanya ang amuki, nilagdaan ng 11,000 taga-Zambales, na sa pamahalaan niya ipaglaban ang kapakanan ng mga hampas-lupa [tillers of the earth]. Nahalal na kinatawan ng Zambales nuong 1946 at 1949, nahirang siya sa Batasan bilang pinuno ng pulong sa tanggulang bayan [chairman, committee on national defense] dahil sa karanasan niya nuong digmaan. Nuon niya naipalipat ang PC[Philippine Constabulary] sa ilalim ng hukbong bayan [Philippine army] upang maturuan at pamunuan ng mga tunay na sundalo. Nuon din, Abril 1950, nagtungo siya sa Washington DC, sa America, at matapos kausapin sina General George Marshall, ang kalihim ng tanggulan [secretary of defense] at Harry Truman, pangulo ng America, nakautang siya ng 10 milyon dolyar pambayad sa Pilipinas ng suweldo ng mga sundalo at gantimpala ng mga nagsuplong laban sa Huk.Ako ang magpapatakbo, walang makikialam! hamon ni Magsaysay kay Pangulo Elpidio Quirino, na gipit na gipit na sa pagsulong ng mga Huk, at humirang sa kaniyang kalihim ng tanggulang bayan [secretary of national defense] nuong Septiyembre 1950. Pagkaraan ng ilang araw lamang, tinanong nang lihim si Magsaysay ng ilang mataas na pinuno ng hukbo kung kampi siyang itiwalag si Quirino sa isang kudeyta [coup d'etat].Bigyan n'yo 'ko ng 3 buwan, kung wala pa akong nagawa, bahala na kayo, ang sagot ni Magsaysay, pahiwatig na alam na niya ang gagawin laban sa mga Huk.At pahiwatig na may taning siya sa sarili, 3 buwan, upang puksain ang mga Huk.Puspusan niyang nilinis ang sandatahang bayan[Philippine armed forces]. Unang araw bilang kalihim ng tanggulan, sinisante niya ang mga pinunong pusakal, ang mga walang muwang at ang mga bayaran ng mga mayaman, pati ang pinakapuno ng hukbo [armed forces chief of staff] at ang pinuno ng PC. Pinalayas din ang mga sundalo at pinunong 'malapit' sa mga Huk, at ang mga alinlangang lumaban. Itinaas niya bilang pinuno ng hukbo ang mga marunong, ang mga handang kumilos at lumaban. Ginamit niya ang nautang sa America nuong 1950, umutang uli ng 10 milyon dolyar pa nuong 1951, upang itaas ang sahod ng lahat sa hukbo. Ginawang piso ang 30 sentimos na arawang suweldo ng karaniwang sundalo, nang matigil ang gawi ng mga itong magnakaw mula sa mga mamamayan ng pagkain at gamit para sa mga pamilya.Sumasabog ang digmaan sa Korea nuong 1950 laban sa mga komunista ni Kim Il Sung; katatapos lamang magwagi ang mga komunista ni Mao Tse Tung sa China. Sinamantala ni Magsaysay ang tuntunin ng America na supilin ang mga komunista sa Asia. Mahigit 240 pinuno ng hukbo ang ipinadala niya sa America upang mag-aral ng mga makabagong taktika sa pagsusundalo. Kulang-kulang 50 milyon dolyar ang ibinigay ng America upang makapagbuo 16 bagong batalyon ng mga sundalo, at nagkaroon si Magsaysay ng sapat na lakas, 26 batalyon, mahigit 8,000 sundalo, upang makipagpukpukan sa mga Huk. Mahigit 30 eroplano, dose-dosenang tangke at maraming kanyon, daan-daang sasakyan, libu-libong baril at machine gun at 15 milyong bala ang ipinadala ng America kay Magsaysay simula nuong 1951.Pagsilbihan n'yo, ipagtanggol n'yo ang mga tao! Pinalikas ni Magsaysay ang mga sundalo, nagkukubli nuong una sa mga garrison at kampo habang gumagala ang mga Huk sa buong kapatagan, at pinahalubilo sa mga tao sa mga baranggay at kabayanan. Hindi lamang laban sa mga Huk, kundi laban din sa mga sangganong at mga civilian guard na nagmamalupit sa mga tao! ang utos ni Magsaysay sa mga sundalo. Pinarusahan niya ang mga sundalong palalo sa mga tagabukid. Inutos niya sa mga abogado ng hukbo na tulungan nang walang bayad ang mga magsasaka sa hablahan laban sa mga may lupa.Ginamit ni Magsaysay ang karanasan niya sa 3 taong pagiging guerrilla nuong panahon ng Hapon, alam niya na ang lakas ng sandatahan ay nasa tulong at pagtangkilik ng mga tao. Sabihin n'yo sa 'kin kung may magpangahas sa inyo, kung ayaw kayong tulungan laban sa Huk, tumelagrama kayo, walang bayad, ako na ang bahala! ang pangako ni Magsaysay sa mga taong nakausap sa araw-araw na pagtahak at pag-usisa sa mga lalawigan. Sa maraming baranggay, siya ang kauna-unahang pinuno ng pamahalaan na nakarating at kumausap sa mga tao. Marami ang nagpasalamat sa pagtigil niya ng mga sapilitang evacuation at marahas na pagkulong ng mga tagabukid sa mga pacification village, sa tangkang ihiwalay at putulin ang pagtulong ng mga tao sa mga Huk. Mas malupit pa kaysa sa mga Hapon, ang sumbong kay Magsaysay ng mga tao.Lumipas ang taning ni Magsaysay. Dati-rati, takbong patakas sa gubat ang mga tao pagdating ng mga sundalo o PC. Pagkaraan ng 3 buwan, sinasalubong ng mga tao, pati ng mga bata, at binabati ang mga sundalong dumating. Hindi naganap ang balak na kudeyta ng mga pinuno ng hukbo.Sa larangan, binigyan niya ng mga camera ang bawat pangkat ng hukbong tumutugis sa mga Huk. Lahat ng napuksang Huk ay kinunan ng larawan, natunton ang wastong bilang ng mga sandatahang Huk. Sa halip ng malalaking batalyon, mga maliliit na pangkat ng mga sundalo ang pinaligid at pinapasok sa putikan ng Candabaat bundok ng Arayat, nang walang tigil upang hindi makapagpahinga at makapag-isip ang mga Huk. Nuong Disyembre 23, 1950, ginawa niyang pinuno ng PC ang mga pinunong sundalo ng hukbo. Tinuruan ang mga PC at tinuring na mga sundalo na rin. Ginamit ni Magsaysay ang hukbo upang magtayo ng mga paaralan at mgahealth center sa mga baranggay, naglatag ng mga lansangan, naghukay at nagtayo ng libu-libong poso, tinawag na liberty wells, upang magkaroon ng malinis na tubig ang mga tagabukid, sa maraming baranggay, sa kauna-unahang panahon.Binigyan niya ng lupa ang mga sumukong Huk.Itinatag ni Magsaysay nuong Disyembre 1950 ang EDCOR [Economic Development Corps] sa ilalim ng hukbo upang ibahay ang mga dating Huk sa mga bukirin, 6 - 9 hektarya bawat pamilya, malayo sa Gitnaang Luzon. Sinimulan ang unang baranggay ng EDCOR sa Kapatagan, Mindanao, nuong Pebrero 1951 at, pagkaraan ng 3 buwan, hinatid ni Magsaysayang unang pangkat ng mga sumukong Huk sa kanilang bagong tahanan, may mga paaralan, health centers, mga lansangan, mga poso ng tubig, may koryente pa - nagka-ilaw ang maraming tagabukid sa kauna-unahang panahon. Pinautang ang mga sumuko upang mabili nila ang lupang sinasaka, at binayaran ang utang mula sa ani sa bukid. Mabilis na nagtagumpay ang tuntunin, kaya isa pang baranggay ang itinayo sa Mindanao, pagkatapos, 2 pa sa Luzon, malayo sa Pampanga, upang bahayan ng libu-libong mga Huk sa sumuko upang makasama sa EDCOR. Libu-libo pang mga taga-Gitnaang Luzon na hindi Huk ang lumikas, namasahe ng mga sarili, upang sumali sa tuntunin at magkalupa sa tabi ng mga baranggay ngEDCOR. Nuong 1955, nang matapos ang pagtatayo ng EDCOR, mahigit 5,000 magbubukid o 1,200 pamilya mula sa Gitnaang Luzon ang nakalipat sa sarili nilang bukid.Nakuba ang himagsikan ng Huk.Sa kanyang tagumpay, maraming naging kaaway si Magsaysay, lalo na sa Batasan [Congress] na pinagharian ng mga mayaman. Pati na si Quirino, ang humirang at matapat na tumangkilik sa kanyang mga tuntunin, ay naging karibal na niya, kaya nuong Pebrero 1953, napilitan siyang magbitiw sa tungkulin at tumiwalag mula sa Liberal Party. Katuwang ang bihasang politico, si Carlos Garcia ng Bohol, nanalo si Magsaysay sa halalan nuong 1953 at naging pangulo ng Pilipinas nuong 1954, ang tanging pangulo na tinawag ng mga tao sa kanyang palayaw, Monching.Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common tao, binuksan niya ang Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok at kausapin ang kanilang pangulo. Itinatag niya ang NARIC[National Rice Corporation] upang pamahalaan ang pag-imbak, kalakal at presyo ng bigas upang makayanang bilihin ng kahit pinakadukhang Pilipino. Itinatag din niya ang Namarco [National Marketing Corporation] upang makabili ang mga tao ng murang delata, gaya ng gatas, karne-norte, atbp. Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social Welfare Administration] upang tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga squatters area sa Manila nuon.Nagpatuloy ang pagkabantog ni Magsaysay sa madla at malamang nahalal siya muling pangulo nuong 1958 kung hindi siya namatay sa pagbagsak ng eroplano niya, ang Mount Pinatubo, sa bundok ng Manunggal, sa Cebu, nuong madaling-araw ng Marso 17, 1957.


Mga pabula ni Dr Jose Rizal?

Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 - k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay Hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima Mga Magulang May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak Nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo[2]. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal. Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak Nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849. Kabataan Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing-isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad. Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)[3] Edukasyon Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna. Pagkatapos noon, siya ay ipinadala sa Maynila upang mag-aral sa Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka. Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang ay Hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa University of Santo Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente. Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong patolohistang si Rudolf Virchow Paglalakbay " He who knows the surface of the earth and the topography of a country only through the examination of maps..is like a man who learns the opera of Meyerbeer or Rossini by reading only reviews in the newspapers. The brush of landscape artists Lorrain, Ruysdael, or Calame can reproduce on canvas the sun's ray, the coolness of the heavens, the green of the fields, the majesty of the mountains...but what can never be stolen from Nature is that vivid impression that she alone can and knows how to impart--the music of the birds, the movement of the trees, the aroma peculiar to the place--the inexplicable something the traveller feels that cannot be defined and which seems to awaken in him distant memories of happy days, sorrows and joys gone by, never to return. " --Rizal, "Los Viajes" [4] Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na siglo dahil sa mga tala tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay sa tala-arawan niya mismo nanggaling),[5] kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon, Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng kaniyang buhay.


Pilipinong ekonomista at kanilang mga kontribusyon?

1. Si Jose Encarnacion Jr. (1928 - 1998) ang nagbigay ng kontribusyon ukol sa sa teorya ng Ekonomiya ng Pilipinas. Sa kanyang pagsulat ng mga artikulo ukol sa Ekonomiya ng Pilipinas, nahirang siya sa isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)" ng Junior Chamber of the Philippines at "Distinguished Scholar of the University of the Philippines" noong 1968. Siya ay pinarangalan bilang "Pambansang Siyentipiko sa larangan ng Ekonomiya" noong 1987.Isinilang si Jose Jr. sa Maynila noong Nobyembre 17, 1928. Nakapagtapos ng Master of Arts in Philosophy sa Unibersidad ng Pilipinas, masters degree at doctorate degree in Economics noong taong 1954 at 1960.Kinilala siya bilang ekonomista, guro at dekano ng School of Economics sa Unibersidad ng Pilipinas. Kauna-unahang Pilipino na nakapagpalathala ng artikulo sa International Economic review, vol. 10, no. 2 na may titulong "On Independence Postulates Concerning Choice.", at sa Econometrica, vol. 32, no. 1 & 2, na may titulong "A note on lexicographical Preferences." Ang iba pa niyang mga sulatin ay lumabas din sa iba't ibang journal sa Inglatera at Estados Unidos. 2. Solita Collas-Monsod - sikat at kilala bilang Mareng Winnie, ay isang Pilipinong tagapagbalita sa radyo, isang ekonomista, propesor, at manunulat.Si Monsod ay mahusay at kilala para sa kanyang papel bilang Socio-pang-ekonomiya Planning Secretary sa panahon ng termino ng Pangulo Corazon Aquino at bilang isang host ng debate GMA Network. Si Monsod ay isang iginagalang ekonomista at pampulitikang komentarista sa Pilipinas. Siya ay may-asawa na si Christian S. Monsod, isang corporate executive at minsang naging Chairman ng Philippine Commission sa Halalan. Sila ay may limang anak na humahawak ng iba't-ibang mga karera.Si Monsod ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Economics Degree, may karangalan sa Unibersidad ng Pilipinas sa 1959. Siya ay nakuha ng isang Master ng Sining sa Economics mula sa University of Pennsylvania sa 1962 at naging isang kandidato ng Ph.D. Economics. Sya ay nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas School of Economics noong 1963. Sa 2005, siya ay hinirang upang maging President of the University of Philippines System, isang opisina na nag-uutos sa management ng lahat ng UP campus sa buong bansa. 3. Pura Villanueva Kalaw- (B. Agosto 27, 1886 - D. 1954) ay kilala para sa kanyang mga aktibong panlipunan, pang-ekonomiya at serbisyo sa kanyang bansa at mga tao. Ang pagkakaroon ng isang simbuyo ng damdamin para sa pagsulat, hinihimok nya ang mga batang manunulat upang ituloy ang kanilang mga pangarap. Ang isang negosyante at ekonomista sa kanyang sariling paninindigan, Villanueva Kalaw Social Works ay tumatak sa isip at puso ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ang lahat ng mga serbisyo na inalay nya sa kanyang mga benepisyaryo ay nagiging Masaya hanggang ngayon pat sa ibang mga tao. 4. Mar Roxas - nakatuon sya sa pagpapalaganap ng kanyang Palengkenomics Program na naglalayong pangalagaan pareho ang kapakanan ng consumers at mga market vendors at mabigyan ng murang pautang upang huwag mabiktima ang mga vendors ng loan sharks at 5-6 usurers. Layunin din nyang mapasigla at mapaunlad ang ekonomiya sa liblib na mga barangay; at mabigyan ang small and medium enterprises ng pautang sa maliit na interes. Kasama rin sa kanyang nagawa ay ang "Marangal na Kabuhayan," kabuhayan para mga maralitang taga-lungsod; "Presyong Tama,Gamot Pampamilya," dekalidad na gamot at produktong pangkalusugan sa mas murang halaga; personal computers for public schools, pamamahagi ng computers sa mga public schools sa buong bansa; Adopt a School Program - upang matulungan ang mahihirap na public high schools; at call centers upang mabigyan ng trabaho ang 300,000 kabataan sa loob ng limang taon. 5. Benjamin Diokno - nagsilbi bilang pandalawang ministro para sa Budget Operations sa Department of Budget and Management, form 1986-1991 sa panahon ng pamamahala ng Pangulo Corazon Aquino. Sa panahon ng administrasyon Aquino, ibinigay ni Diokno ang teknikal na tulong sa ilang mga pangunahing reporma tulad ng disenyo ng 1986 Tax Repormang Program, na pinagaan ang income tax at ipinakilala ang value-added tax (VAT), at sa 1991 Local Government Code ng Pilipinas. Sinigurado nya ang teknikal na tulong mula sa Canadian International Development Agency (CIDA) upang matulungan ang GPS na bumuo ng isang elektronikong sistema ng pagkuha kasama ang mga linya ng Canadian model. Sa pamamagitan ng Agosto 1999, ang DBM ay nagkaroon ng dalawang mga dokumento na kailangan upang simulan ang reporma sa pampublikong pagkuha. Sa unang bahagi ng 2000, Si Diokno at ang USAID ay matagumpay na ng Substantial Technical Assistance Program para sa mga programa na badyet ng DBM's Reform, na ngayon ay kasama sa pagkuha ng reform.


Sino ang mga sikat na ekonomista sa Pilipinas?

Mga Ekonomistang Pilipino:1. Si Jose Encarnacion Jr. (1928 - 1998) ang nagbigay ng kontribusyon ukol sa sa teorya ng Ekonomiya ng Pilipinas. Sa kanyang pagsulat ng mga artikulo ukol sa Ekonomiya ng Pilipinas, nahirang siya sa isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)" ng Junior Chamber of the Philippines at "Distinguished Scholar of the University of the Philippines" noong 1968. Siya ay pinarangalan bilang "Pambansang Siyentipiko sa larangan ng Ekonomiya" noong 1987.Isinilang si Jose Jr. sa Maynila noong Nobyembre 17, 1928. Nakapagtapos ng Master of Arts in Philosophy sa Unibersidad ng Pilipinas, masters degree at doctorate degree in Economics noong taong 1954 at 1960.Kinilala siya bilang ekonomista, guro at dekano ng School of Economics sa Unibersidad ng Pilipinas. Kauna-unahang Pilipino na nakapagpalathala ng artikulo sa International Economic review, vol. 10, no. 2 na may titulong "On Independence Postulates Concerning Choice.", at sa Econometrica, vol. 32, no. 1 & 2, na may titulong "A note on lexicographical Preferences." Ang iba pa niyang mga sulatin ay lumabas din sa iba't ibang journal sa Inglatera at Estados Unidos.2. Solita Collas-Monsod - sikat at kilala bilang Mareng Winnie, ay isang Pilipinong tagapagbalita sa radyo, isang ekonomista, propesor, at manunulat.Si Monsod ay mahusay at kilala para sa kanyang papel bilang Socio-pang-ekonomiya Planning Secretary sa panahon ng termino ng Pangulo Corazon Aquino at bilang isang host ng debate GMA Network. Si Monsod ay isang iginagalang ekonomista at pampulitikang komentarista sa Pilipinas. Siya ay may-asawa na si Christian S. Monsod, isang corporate executive at minsang naging Chairman ng Philippine Commission sa Halalan. Sila ay may limang anak na humahawak ng iba't-ibang mga karera.Si Monsod ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Economics Degree, may karangalan sa Unibersidad ng Pilipinas sa 1959. Siya ay nakuha ng isang Master ng Sining sa Economics mula sa University of Pennsylvania sa 1962 at naging isang kandidato ng Ph.D. Economics. Sya ay nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas School of Economics noong 1963. Sa 2005, siya ay hinirang upang maging President of the University of Philippines System, isang opisina na nag-uutos sa management ng lahat ng UP campus sa buong bansa.3. Pura Villanueva Kalaw- (B. Agosto 27, 1886 - D. 1954) ay kilala para sa kanyang mga aktibong panlipunan, pang-ekonomiya at serbisyo sa kanyang bansa at mga tao. Ang pagkakaroon ng isang simbuyo ng damdamin para sa pagsulat, hinihimok nya ang mga batang manunulat upang ituloy ang kanilang mga pangarap. Ang isang negosyante at ekonomista sa kanyang sariling paninindigan, Villanueva Kalaw Social Works ay tumatak sa isip at puso ng kanyang mga kababayang Pilipino. Ang lahat ng mga serbisyo na inalay nya sa kanyang mga benepisyaryo ay nagiging Masaya hanggang ngayon pat sa ibang mga tao.4. Mar Roxas - nakatuon sya sa pagpapalaganap ng kanyang Palengkenomics Program na naglalayong pangalagaan pareho ang kapakanan ng consumers at mga market vendors at mabigyan ng murang pautang upang huwag mabiktima ang mga vendors ng loan sharks at 5-6 usurers. Layunin din nyang mapasigla at mapaunlad ang ekonomiya sa liblib na mga barangay; at mabigyan ang small and medium enterprises ng pautang sa maliit na interes. Kasama rin sa kanyang nagawa ay ang "Marangal na Kabuhayan," kabuhayan para mga maralitang taga-lungsod; "Presyong Tama,Gamot Pampamilya," dekalidad na gamot at produktong pangkalusugan sa mas murang halaga; personal computers for public schools, pamamahagi ng computers sa mga public schools sa buong bansa; Adopt a School Program - upang matulungan ang mahihirap na public high schools; at call centers upang mabigyan ng trabaho ang 300,000 kabataan sa loob ng limang taon.5. Benjamin Diokno - nagsilbi bilang pandalawang ministro para sa Budget Operations sa Department of Budget and Management, form 1986-1991 sa panahon ng pamamahala ng Pangulo Corazon Aquino. Sa panahon ng administrasyon Aquino, ibinigay ni Diokno ang teknikal na tulong sa ilang mga pangunahing reporma tulad ng disenyo ng 1986 Tax Repormang Program, na pinagaan ang income tax at ipinakilala ang value-added tax (VAT), at sa 1991 Local Government Code ng Pilipinas. Sinigurado nya ang teknikal na tulong mula sa Canadian International Development Agency (CIDA) upang matulungan ang GPS na bumuo ng isang elektronikong sistema ng pagkuha kasama ang mga linya ng Canadian model. Sa pamamagitan ng Agosto 1999, ang DBM ay nagkaroon ng dalawang mga dokumento na kailangan upang simulan ang reporma sa pampublikong pagkuha. Sa unang bahagi ng 2000, Si Diokno at ang USAID ay matagumpay na ng Substantial Technical Assistance Program para sa mga programa na badyet ng DBM's Reform, na ngayon ay kasama sa pagkuha ng reform.6. Maria Gloria Macapagal Arroyo - sa ekonomiya nakapokus ang pagkapangulo ni GMA. Sa kanyang pagkapangulo, ipinatupad nya ang isang controversial policy ng holiday economic, pag-aayos ng bakasyon tuwing Sabado at Linggo sa layunin ng boosting domestic tourism at pagbibigay-daan sa mga Pilipino ng mas maraming oras sa kanilang mga pamilya. Ang Economic growth sa mga tuntunin ng gross domestic product ay may average na 4.6% sa panahon ng kanyang pagkapangulo mula 2001 hanggang sa katapusan ng 2005. Ito ay mas mataas kaysa sa nakaraang mga Pangulo kapag inihambing sa 3.8% average ni Aquino, ang 3.7% average ni Ramos, at ang 2.8% average ni Joseph Estrada. Ang pagpapalabas ng labis na salapi sa panahon ng pagkapangulo ni Arroyo ay ang pinakamababa mula 1986, ay 2.5% lamang.Sa paghawak ng ekonomiya, sya ay nakakuha ng papuri mula sa kabilang observers na si dating US President Bill Clinton, na puri si Arroyo para sa paggawa ng "strong decision" na ilagay ang Pilipinas sa dati nitong kalagayan.Mga Banyagang Ekonomista:1. John Maynard Keynes - ay isang ekonomistang Briton na nakaroon ng malaking impluwensya ang kanyang mga ideya, tinatawag na ekonomikong Keynesian, sa makabagong teoriya ng ekonomiya at politika gayon din sa maraming patakaran pang-piskal ng maraming pamahalaan. Sinulong niya ang patakarang pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya, kung saan ginagamit ng pamahalaan ang pamamaraang piskal at pananalapi upang mabawasan ang epekto ng resesyon, depresyon at pagsulong ng ekonomiya. Isa rin siya sa ama ng makabagong teoriya ng makroekonomiya. Kilala din siya ng karamihan sa katagang "In the long run, we are all dead." (Sa kalaunan, mamatay tayong lahat). Kadalasan siyang tinuturing bilang ang pinakamaimpluwensiyang ekonomista ng ika-20 dantaon.2. Maximilian Carl Emil Weber - ay isang Alemang ekonomistang pulitikal at sosyologo at administrasyong publiko. Sinimulan niya ang kanyang karera sa Pamantasan ng Berlin, at lumaong naghanapbuhay sa Pamantasan ng Freiburg, Pamantasan ng Heidelberg, Pamantasan ng Vienna, at Pamantasan ng Munich. Nagkaroon ng pag-impluwensiya sa pulitika ng Alemanya noong kanyang kapanahunan, dahil isa siyang tagapagpayo sa mga negosyador ng Alemanya sa Tratado ng Versailles at sa komisyong nagbalangkas ng Konstitusyong Weimar. Kilala si Weber dahil sa kanyang mga nagawa sa sosyolohiya ng relihiyon. Pinakabantog niyang akda ang Ang Etikang Protestante at ang Espiritu ng Kapitalismo.3. Eugine Fama - sya ay ang Robert R. McCormick Distinguished Service Professor of Finance at the University of Chicago Graduate School of Business. Sinasabing ang kanyang mga research activities ay mayroong ""Theoretical and empirical work on investments; Price formation in capital markets; Corporate finance." sa kanyang website.Ang kanyang pananaliksik sa Stock Market, lalo na tungkol sa mga Random Walk Theory at ang mga mahuhusay na Market hypothesis ay sikat at kilala. Di malilimutan ang kanyang pangunguna ng trabaho sa pananalapi, ang mahusay na market theory at ang random walk theory ay parehong mabigat na impluwensiya sa kung paano sa tingin namin tungkol sa pagbabago-bago ng stock market. Si Fama ay isa sa mga iilang ekonomista na maimpluwensya mapa-academia at iba pa.