Quantcast
answersLogoWhite
notificationBell

Top Answer
User Avatar
Wiki User
Answered 2014-02-23 08:01:44

paano inilarawan ni balagtas ang tunay na kalagayan ng pilipinas sa panahong isinulat niya ang florante at laura?

001
๐Ÿ™
0
๐Ÿคจ
0
๐Ÿ˜ฎ
1
๐Ÿ˜‚
0
User Avatar

Your Answer

Still Have Questions?

Related Questions

May sinisimbolo ba ang tauhang nilikha ni balagtas sa florante at Laura?

thats none of my bisnez...............................................................................................................................................................................................



Ano ang kaibahan sa tauhang bilog sa tauhang lapad?

Tauhang Bilog (Round Character) -Ito ang tauhang nagtataglay ng makatotohanang katangiang tulad din ng sa isang totoong tao. Tauhang Lapad (Flat Character) -Ito ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang sa katapusan ng akda.


Ano ang kaibahan sa tauhang bilog sa lapad?

ang tauhang bilog ay nagbabago ng ugali at ang tauhang lapad ay Hindi nagbabago ng ugali sa isang kwento. Read more: Ano ang kaibahan sa tauhang bilog sa tauhang lapad



Ano ang ibig sabihin ng taunhang bilog?

ang tauhang bilog ay nagbabago nang ugali.


Anong pinagkaiba ng tauhang lapad sa tauhang bilog?

Ano ba ang pinagkaiba ng tauhang lapad sa tauhang bilog? Ang tauhang lapad (plain character) ay uri ng tauhan sa anumang anyo ng panitikan na Hindi nagbabago ang katuahan sa loob ng kwento. Ibig sabihin mula umpisa ng pelikula hanggang wakas, ang kanyang pagkatao ay ganoon pa rin. Halimbawa sa novelang Noli Me Tangere, Hindi nagbago ang katauhan ni Tiya Isabel sa kabuuan nito. Siya ay mahinhing babae, masunirin na kapatid at mapagmahal at maalahaning tiyahin. Bilang ang kanyang kilos at tipid siya sa pananalita. Ang mga katangiang ito ay taglay pa rin niya hanggang sa katapusan ng novela at walang nagbago sa kanyang katauhan sa kabuuan nito--- ibig sabihin Hindi nagbago ang kanyang katauhan at lapad ang kanyang pagkatao sa kabuuan ng panitikan. Ngunit bijhira ang ganitong uri ng tauhan sa mga kwento. Samantalang, ang tauhang bilog (round character) naman ay kabaligtaran ng tauhang bilog. Nagbabago ang katauhan ng isang tauhang bilog sa loob ng kwento. Halimbawa, sa Noli Me Tangere ipinakilala si Ginoong Crisostomo Ibarra bilang isang taong tahimik at mapagtimpi. Ngunit nabasa ang kanyang katahimikan at pagkamatimpi sa ikatatlumpung kabanata. Sinunggaban niya si Padre Damaso at saka tinutukan ng kutsilyo sa leeg. Ibig sabihin, mayroong pagbabago sa kanyang katauhan habang tumatakbo ang kwento. Ang dati'y mapagtimpi ay sumabog at Hindi na maawat na Tao. Si Ibarra ay halimbawa ng isang tauhang bilog. Marahil naintindihan mo na ang pinagkaiba ng tauhang lapad sa tauhang bilog. Ngayon, matutukoy mo na kung anong uri ng tauhan mayroon ang kwentong iyong binabasa o kaya'y pelikulang iyong napanood. At ipinahihiwatig lamang nito na makatwiran magkaroon ng tauhang walang ipinagbago sa isang kwento.


Ano ang tauhang bilog at tauhang lapad?

Ang tauhang lapad (plain character) ay uri ng tauhan sa anumang anyo ng panitikan na Hindi nagbabago ang katuahan sa loob ng kwento. Ibig sabihin mula umpisa ng pelikula hanggang wakas, ang kanyang pagkatao ay ganoon pa rin. Halimbawa sa novelang Noli Me Tangere, Hindi nagbago ang katauhan ni Tiya Isabel sa kabuuan nito. Siya ay mahinhing babae, masunirin na kapatid at mapagmahal at maalahaning tiyahin. Bilang ang kanyang kilos at tipid siya sa pananalita. Ang mga katangiang ito ay taglay pa rin niya hanggang sa katapusan ng novela at walang nagbago sa kanyang katauhan sa kabuuan nito--- ibig sabihin Hindi nagbago ang kanyang katauhan at lapad ang kanyang pagkatao sa kabuuan ng panitikan. Ngunit bijhira ang ganitong uri ng tauhan sa mga kwento.Samantalang, ang tauhang bilog (round character) naman ay kabaligtaran ng tauhang bilog. Nagbabago ang katauhan ng isang tauhang bilog sa loob ng kwento. Halimbawa, sa Noli Me Tangere ipinakilala si Ginoong Crisostomo Ibarra bilang isang taong tahimik at mapagtimpi. Ngunit nabasa ang kanyang katahimikan at pagkamatimpi sa ikatatlumpung kabanata. Sinunggaban niya si Padre Damaso at saka tinutukan ng kutsilyo sa leeg. Ibig sabihin, mayroong pagbabago sa kanyang katauhan habang tumatakbo ang kwento. Ang dati'y mapagtimpi ay sumabog at Hindi na maawat na Tao. Si Ibarra ay halimbawa ng isang tauhang bilog.


Ano ang kahulugan ng pabula?

ang pabula ay kwento na may mga tauhang ginagampanan ng hayop na kumikilos, nagsasalita, at nag iisip tulad ng tao..ito'y nag iiwan ng magandang aral na tumatatak sa puso't isipan ng bawat mambabasa


Isa-isahin ang mga katangian ng maikling kuwento?

Kabilang sa mga katangiang ikinaiiba nito ay ang pagkakaroon ng:iisang kakintalanmay isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang lutasintumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhaymay mahalagang tagpo o kakauntian nitomay mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas


Ano ang ibig sabihin nang teoryang markismo?

Ang Teoryang Markismo ay inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.


Ang tatlong bahagi ng dula?

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.Tatlong bahagi ng Dula:1. Yugto - ang bahaging ito ang ipinanghahati sa dula. Inilaladlad ang pangmukhang tabing upang magkaroon ng panahong makapahinga ang mga nagsiganap gayundin ang mga manonood.2. Tanghal - ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng tanghalan.3. Tagpo - ito ang paglalabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.


Ano ang pagkakaiba ng pabula sa parabula?

Ang pabula (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Ang parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.


Mga elemento ng maikling kwento at ang mga kahulugan nito?

Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.Kakalasan- Tulay sa wakas.Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento.kaisipan- mensahe ng kwento.Banghay- pangyayari sa kwento.


Ano ang mga elemento ng kwento?

Mga elementoIto ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:SimulaKabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.GitnaBinubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang sarili, ang kapwa, o ang kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.WakasBinubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.


Ano ang parabula?

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.Ang parabula ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga kuwentong hango sa Banal na Kasulatan o Bibliya.Ang mga halimbawa nito ay "Ang Mabuting Samaritano" at "Ang Alibughang Anak".Ang salitang parabula ay buhat sa salitang Griyego na parabole. Ito'y matandang salita na nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.Ang parabula ay gumagamit ng pagtutulad at metapora upang bigyan ng din ang kahulugan. Ito ay madalas na hango sa Banal na Kasulatan at kuwentong umaakay sa tao sa matuwid na landas ng buhay.Ang mga detalye at mga tauhan ay hindi nagbibigay ng malalim na kahulugan; ang binibigyan ng dim ay aral sa kuwento.


Boud ng maikling kwentong walang panginoon?

Walang Panginoon: Isang PagtinginJulio Inocencio (H4B)Isa sa mga takdang gawain sa Filipino ang sumusunod na sanaysay. Kabilang si Julio sa mga mag-aaral na nasa klase ni G. Richard Ramos.Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon,ay umiikot sa isang maralitang pami lya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa tauhang si Marcos. Dahil sa pangunahing temang ito, maaaring suriin ang kuwentong ito ayon sa Marxismong kritisismo.Kung susuriing mabuti ang pangunahing suliranin tungkol sa pag-agaw, pagbuwis at paglisan mula sa saka, makikita ang isyu ng class struggle kung saan ang matataas na uri ay may kakayahang samsamin kung anuman ang mayroon ng mga mahihirap. Hindi rin binigyang halaga ang karapatan o katwiran ng pamilya ni Marcos ng sistemang judicial dahil sa pagiging mahirap nila. Bunga nito ang pang-aapi at pagsasamantala ni Don Teong sa pamilyang Hindi na aahon pa mula sa kahirapan, habang patuloy na yumayaman si Don Teong. Ito rin ay pumapatungkol sa malaking agwat ng mahihirap at mayayaman sa isang lipunan na siyang tinutuligsa ng Marxismo. Mahalaga ring tingnan ang pag-iibigan Nina Marcos at Anita na tila isang kasuklam-suklam na kasalanan para kay Don Teong na naitulak pa ang sariling bugbugin ang anak pagkatapos mabatid ang pag-iibigan ng dalawa. Dito pumapasok ang pagbubukod ng mga mayayaman sa mga mabababang uri o alienation mula sa lipunan. Panghuli, ang paghihiganting ginawa ni Marcos ay isang pagtugon sa teorya ng Marxismo sa kamatayan ng kapitalistang uri dulot ng pag-aalsa ng mga manggagawa. Sa huling talata ng kuwento ipinahayag ang pagbuwag ng isang kapangyarihang mapang-api at ang paglaya ng isang mahirap sa mga kamay ng mataas na uri.Isang kasangkapan ang pamagat sa pagpapatingkad ng pangkalahatang tema ng kuwento-ang pagpatay sa isang sistemang walang katarungan at isang kalakarang tagilid at pabor lamang sa mayayaman. Ang pagbanggit ng 'walang panginoon ' sa hulihan ng kuwento ay isang pag-asam ng isang lipunang walang mataas at walang mababa, isang lipunang komunismo. Ang panginoon ay kumakatawan sa mga Tao o bagay na pinagmumulan ng kapangyarihan na nagbubunga sa isang mapang-aping sistema na sanhi naman ng pagdurusa ng mga mahihirap. Sa pagpatay kay Don Teong sa hulihan ng kuwento ay isang paraan ng pagpapahayag ng mensahe na ang patuloy na pang-aabuso ng isang Tao sa mga mabababa sa kanya ang siyang maghahatid sa kanya sa ilalim ng lupa. Mangyayari lamang ito kapag may mga nakatataas at may naaapi kung kaya't ang pamagat ng kuwento ay ang pagnanais na walang panginoon.♥♥ jesren ! ♥♥


Ibat ibang uri ng genre ng teksto?

iba't-ibang uri ng genreAno ang mga genre ng panitikana. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.e. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga


Ano ang mga uri ng panitikan?

May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.------------------------------* Mga akdang tuluyano Alamato Anekdotao Nobelao Pabulao Parabulao Maikling kwentoo Dulao Sanaysayo Talambuhayo Talumpatio Balitao kwentong bayan* Mga akdang patulao Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.+ Awit at Korido+ Epiko+ Balad+ Sawikain+ Salawikain+ Bugtong+ Kantahin+ TanagaAnother Answer:Anyo at Uri ng Panitikan1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.a. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.b. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.c. Nobela o kathambuhay- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.d. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-arale. Parabula ay maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.f. maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.g. Dula - isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.h. sanaysay - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.i. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.j. Talumpati - isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.k. Kuwentong-bayan - ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mitol. Balita-SOURCE: http://www.pinoyhenyo.com/Uri_ng_Panitikan-20081010224915497.htmlAnother Answer:ang uri ng panitikan ay..........Tuluyan - ang mga akdang nasusulat sa normal na daloy ng mga pangungusapPabula - kwento tungkol sa mga hayop na nagsasalitaParabula - Mga kwentong hinango sa bibliyaNobela - akdang binubuo ng mga kabanataPatula - ang mga akdang nasusulat na may himig at aliwDula - akdang pangtanghalanFiksyon - ang mga akdang likhang-isipPasalaysay - tulang nagkukuwentoSanaysay- - isang uri ng akdang naglalahad.Liriko - tulang inaawitAlamat - kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagayDi-fiksyon - akda hango sa tunay na pangyayariMaikling-kuwento - ito'y binubuo ng 2,500 - 5,000 salita


Summary of the story tahanan na isang sugarol?

I. Buod Sa isang luma at hungkag na bahay, may nakatirang isang pamilyang hindi masyadong maayos dahil kay Li Hua, ang sugarol at walang silbing asawa ni Lian Chao. Sila ay may dalawang anak na sina Ah Yue at Siao Lan. Si Li Hua ay walang ibang alam kundi ay puro sugal lamang. Kahit na buntis si Lian Chao ay siya parin ang gumagawa ng gawain bahay mula sa umaga hanggang gabi. Si Li Hua naman ay uuwi lang sa bahay kapag kumain at maliligo lang. Kapag nagkamali si Lian Chao ng kilos ay siguradong bubugbugin siya ng asawa nito kaya takot na takot din ang mga anak sa ama nila. Isang gabi, nung malapit nang manganak si Lian Chao ay hindi pa nakakauwi ang asawa niya. Sumasakit na ang kanyang tiyan at kailangan na niyang makapunta sa ospital. Gigisingin sana niya si Ah Yue pero naisip niya na mahimbing sila ni Siao Lan natutulog kaya pinuntahan na lang niya ang asawa niya sa sugalan yung Hsiang Chi coffee shop kahit madilim at tahimik ang daan. Nang nakarating na siya sa sugalan ay tinulungan siya ng asawa ng may-ari ng kapihan. Tinawag niya ang kanyang asawa pero pinahintay pa niya ito dahil tatapusin pa daw niya yung laro na yun pero may humimok kay Li Hua na lumakad na siya at manganganak na ang asawa niya. Galit ng tiningnan ni Li Hua si Lian Chao at tumayo. Tapos nakita ni Lian Chao na lumalakad papunta sa kanya si Ah Yue at Siao Lan na umiiyak sapagkat sabi ni Ah Yue ay nagising ang kanyang nakababatang kapatid at hinahanap ang kanilang ina kaya dinala niya ito doon. Pinauwi ni Lian Chao ang kanyang mga anak at ibinilin si Ah Yue na alagaan niya ang kanyang kapatid tapos nakaalis na sina Lian Chao at Li Hua papuntang ospital tapos nagsimula ng lumakad si Ah Yue, pangko sa likod ang kapatid, patungo sa kanilang bahay. English translation: In an old and empty house, there lived a family not too well due to Li Hua, the gambler and useless wife Lian Chao. They had two children, Siao Yue and Ah Lan. Li Hua is no other knowing only gambling but is concentrated. Although Lian Chao was pregnant he still makes house work from morning till night. Li Hua also returns home only at home when you eat and bathe only. Lian Chao was wrong when the action was sure he would beat his wife so distraught children are also fathers. One night, Nung was about to give birth Lian Chao nakakauwi not his wife. That his stomach hurt and she needed to go to hospital. He would Gigisingin Ah Yue, but he thought them of Siao Lan deep sleep so he just went to her husband in casino coffee shop I Hsiang Chi the dark and quiet road. When he did that gambling has helped her husband of the owner of the tearoom. He called his wife but because he pinahintay pending Ako yun his game but I have drive to Li Hua, walking bear that he and his wife. Anger viewed Lian Li Hua was Chao and stand. Lian Chao then saw him walking toward Jesus Ah Lan Siao Yue and crying because Ah Yue says awakened her younger brothers and seek their mother so he brought it there. Lian Chao sent by her son and Ah Yue was charged to look after his brother were gone done Lian Hua Li Chao and began to hospital then walked Ah Yue, armful brother back, toward their home.


Still have questions?

Trending Questions
Hindi nasagot na mga katanungan
May kaso ba ang paninilip? Asked By Wiki User
Is karagatan payak or maylapi? Asked By Wiki User