answersLogoWhite

0


Best Answer

loksit ketdi awan pai mabirukan...poltak......mherheynow...

User Avatar

Wiki User

โˆ™ 2012-06-19 11:19:10
This answer is:
๐Ÿ™
0
๐Ÿคจ
0
๐Ÿ˜ฎ
0
User Avatar
Study guides

Mga tanong sa Tagalog

23 cards

What are medical problems that arise from color blindness

What are the characteristics of effective writing

What are the different types of diction

Another examples of community problems

โžก๏ธ
See all cards
4.58
โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…โ˜†โ˜…
59 Reviews

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Anong kahulugan ng panitikan sa ibat-ibang awtor?
Write your answer...
Submit
Related questions

Ano ang kahulugan ng wika ayon sa ibat ibang awtor?

MADAFAKA


Title about wika at panitikan na maaaring gawing thesis?

ano ang katuturan sa ideya o damdamin ng isang awtor


Ano ang istilo ng awtor sa pagislam?

nagiging shunga ang awtor


Aurea M Ligaya?

sang awtor na asasas


Pagsusuri sa mga teknik na ginamit ng awtor sa paghahatid ng mensahe?

Pagsusuri sa mga teknik na ginamit ng awtor


Paano winakasan ang ibong adarna?

paano winakasan ng awtor ang ibong adarna


Kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan?

๏ƒ˜ Bakit natin ito kaylangan aralin ang ating panitikan? Bilang isang Tao o Pilipino nararapat lamang naa aralin mo ang panitikan ng iyong kinabibilangan dahil alam naman ng bawat isa na sa mga panitikan na meron tayo ito ay sumasalamin sa kultura at mga pinagmulan ng nasa kasalukuyan. Bukod dito naisasapamuhay din natin ang pagiging isang pilipino baket? Dahil sa pamamagitan ng mga panitikan nakikilala natin kung sino tayo, ano pinagmulan natin at maliban dito natututuhan din natin ang istilong ginamit ng awtor ng isang akda na syang ating maisasapamuhay at magagamit upang lumago ang bilang isang mabuting tagalSulat at manunuri.


Pagsusuri ng mga teknik na ginagamitan ng awtor sa pagpapabatid ng mensahe?

geatay lng jud walay sulod


Layunin ng awtor sa ibong adarna?

bigyan ng magandang asal at matutong magpakumbaba sa iba lalo na sa mga kapatid mo.


3 card catalog?

1.) Author card (Kard ng Awtor o May-akda) 2.) Title card (Kard ng Pamagat) 3.) Subject card (Kard ng Paksa)


Uri ng kard katalog?

Ang tatlong uri ng Kard Katalpg ay angKard ng Paksa (subject card)Kard ng Awtor (author card)Kard ng Pamagat (title card)


Tatlong uri ng kard katalog?

Ang tatlong uri ng Kard Katalpg ay angKard ng Paksa (subject card)Kard ng Awtor (author card)Kard ng Pamagat (title card)


Kahulugan at kahalagahan ng pagbasa proseso at katangian?

Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo. *Proseso at Katangian 1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa. 2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. 3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa. 4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan. *Teorya 1. Teoryang Bottom-up Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto,bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto. Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up. 2. Teoryang Top-down Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto. 3. Teoryang Interaktib Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasaing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang produkto. 4. Teoryang Iskima Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.


Talambuhay ni genoveva matute sa tagalog?

Si Genoveva Edroza-Matute ay Hindi lamang sikat at premyadong kuwentista. siya ay isa ring guro at awtor ng aklat sa Balarilang Tagalog. Nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon. Siya ay nagturo ng apatnapu't anim na taon sa elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College (ngayon ay Philippine Normal University) noong 1980. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992. Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain ang kanyang pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Pusa ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik. Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press


Iba't-ibang pananaw ng pagbasa?

4 teorya ng pagbasa a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto. b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto. c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa. d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.


Ano ang mga teorya ng pagbasa?

4 teorya ng pagbasaa. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto.b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.1. Bottom-up2. Top Down3. Interaktibo4. Iskimaiba't - ibang uri ng tekstong akademikoteoryang istraktural at teoryang saykolinggwistika ____remie pama____


Ano ang dalawang uri ng sanaysay?

May dalawang uri ng sanaysay. Ito ay ang maanyo o pormal at palagayan o di pormal.Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nangangailangan ng maingat, maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan. Ang pananalita ay pinipiling mabuti. Ang paksa ay pinag-uukulan ng isang masusing pag-aaral. Seryoso ang ganitong uri ng sanaysay. Maingat na inilalahad at ipinaliliwanag ng awtor ang kanyang tinatalakay na bagay o isyu nang Hindi lamang nababatay sa sarili niyang karanasan at nalalaman. May mga sanggunian o basehan siya, may batayang kilala at kinikilala sa kanyang mga inilalahad.Ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay tila nakikipag-usap, pansarili ang himig at may kalayaan ang ayos sa pagpapahayag. Ang karaniwang layunin nito ay magpakilala ng mahalagang kaalaman. Sa uring ito ng sanaysay, maaring paksain ang balana lalo na ang kaugalian ng Tao sa isang masaklaw na paglalahad. Dahil sa pamamaraang masaya at masigla, ang sanaysay na di-pormal o palagayan ay siyang ipinalalagay na kaakit-akit at kawili-wiling basahin.(mula sa Gintong Pamana Nina L. Nakpil at L. Dominguez)Iba pang kahulugan ng nga Uri ng sanaysayPormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro.Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wiliIto'y Hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.Ito'y masigla, masaya, magpatawa.Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, Tao, kalikasan at iba't ibang mga bagay.


Anu-ano ang kaligirang kasaysayan sa paksang ibong adarna?

Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.LagomUmiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na Hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari.Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng korona't setro ng hari.Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit Hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito.Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid.Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal.Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.Anyo ng tulaAng korido [Esp., corrido] ay isang anyo ng tulang Espanyol na gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma. Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng korido ang buhay o pakikipagsapalaran Nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma. Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari. Mula sa banyagang padron ang korido, ngunit pagsapit sa Filipinas ay kinasangkapan ng mga katutubong Filipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran.Ang paggamit ng terminong "korido" sa Filipinas ay waring pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang dalít na ang sukat ay wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S. Almario, na nag-aral nang malalim hinggil sa katutubong uri ng tulang Tagalog.Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong, at umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na Hindi lamang mula sa Europa, bagkus maging sa Gitnang Silangan. Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may bahid ng Kristiyanismo ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya ng sa Budismo at Islam, ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo.PunaAng dalumat ng Ibong Adarna ay Hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Filipinas. Maraming ibon sa Filipinas, at gaya sa epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may kapangyarihang manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag ito nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon.Paggamit sa koridoHinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon.Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.


Who are the characters of anak ng lupa by domingo landicho and there role?

I.Suring BasaIsang pagsusuri sa nobelangAng Anak ng LupaNi Domingo G. LandichoPara sa kabuuang markasa Filipino IVna isinagawang suriin niMeldrick Nico Ryan M. AgojaIV-1 AquamarineOktubre 11, 2010II. May akdaAng nobelang Ang Anak ng Lupa ay una sa dalawang bolyum ng pagaaral ng nobelista para sa kanyang dokturado sa Pilipinolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas na kanyang pinagtapusan noong 1994. Primyadong manunulat, awtor ng 23 aklat ng tula, maikling kwento, dula, literaturang pambata, talambuhay, at mga aklat pag-aaral si Domingo G. Landicho. Siya ay kasalukuyang propesor ng malikhaing pagsulat at panitikan sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya ng Ph.D. sa Pilipinolohiya sa U.P. isa rin siyang artista sa tanghalan, telebisyon, at pelikula at isang brodkaster sa Radio Veritas, bukod sa kanyang pagiging Execom Member ng National Commission For Culture and the Arts, kolumnista, at editoryal Konsultant. Isinilang siya sa Luntal (Taal, Batangas) noong ika-apat ng Agosto, 1939, anak ng magsasaka.III. TagpuanA. PanahonWalang tiyak na panahong naisulat sa nobela. Nguint ipinaliwanag ditto ang panahon noong dekada '70 kung saan sinabi ang pagdami ng nagsisipagtayo ng mga bahay sa tabing kalsada, at ang pagkakahati-hati ng nayon sa pook ilaya, pook gitna at pook ibaba.B. LugarSa nobela, ang halos lahat na pinangyahrihan ng mga tagpo ay sa lugar ng Makulong. Ang topograpiya ng makulong ay ipanaris sa Luntal, Taal Batangas. May kalsadang tumatahak sa kalagitnaan ng nayon at tuwirang binabanggit doon na ang kalsada ay naglulundo sa Munlawin (isang kanayunan sa Batangas). Umikot din ang mga pangyayari sa kamaynilaan.IV. TauhanA. PangunahinVictorio/ Toryo - isang anak ng lupa na pinangarap makatpos ng pag-aaral. (Bilog)Gaudencio/Oden - isang binatilyong katoto ni Toryo.gayundin ang layunin sa buhay. (Lapad)Oyo - ang nakatuluyan ni bining. (Lapad)Bining - ang nagging kasintahan ni Toryo. (Lapad)Ligay - ang muntik nang gahasain ni Marko.Ate ni Oden. (Lapad)Karen - anak ni senyor Martin. (Lapad)Marko - lapatid ni Karen. (Lapad)B. Iba pang tauhanSenyor Martin - ang bumili ng gapasan sa Makulong. (Bilog)Ka Tales - amain ni Toryo. (Lapad)V. BuodSa nayon, ang buong parang ay isang walang bayad na gulayan, nahihingi ang anumang tanim na pagkain at kung sino mang makapagbibigay ay Hindi magkakait pagkat ang hihingi ngayon ay magbibigay sa ibang panahon. Sa kadahilanang ito, walang halaga sa kanila ang anumang salapi.Ngunit dahil sa mag pagbabagong nagaganap sa panahong ngayon, ang mag nayon ay tuluyan na ring nakakaramdam ng pagbabagong ito. Sa nobelang ito, inilalarawan ang kinagisnang buhay at pananaw ng nayon at mag naninirahan doon sa harap ng patuloy na pagbabagong nagaganap sa ating bansa.Nasasalamin sa akda ang pagbabanghay-buhay ng paglago ng kaisipang nayon ay naglalagos patungo sa ideyolohiya ng lungsod. Binubuhay sa nobela ang mga karakter na sina Toryo, Oden, Oyo, Bining at Ligaya, pawing mga kabataang namulat sa buhay magsasaka, anak ng lupa ika nga. Kasabay ng mga bagong pagbabagong kinaharap ng mga bagong karakter, pinalitaw ng may akda, bukod sa kanikanilang katatagan at pagpapanday-pananaw, ang mga sinasaklaw na pagbabago ng kanayunan na kanilang kinamulatan at ng lungsod na Hindi nila gaanung kinikilala.Inihayag at ipinakita sa nobela kung gaano kasukat ang mga anak ng lupa, simula kapanganakan hanggang sa mamatay ang mga ito. Ipinakita ang lahat sa mga naninirihan sa Makulong ay tumatalima sa batas ng nayon kahit na Hindi ito nasusulat. Ipinakita kung gaano kasagrado ang mga tradisyon at kaugaliang kinamulatan. Higit na pinahahalagahan ng mga taga nayon ang paniniwalang ang bawat isa sa kanila'y nagaangkin ng iisang ugat at pinagmulan kung kaya bawat isa'y namumuhay para sa kanyang kapwa.VI. PagsusuriA. SuliraninSa nobela ay binabanggit ang kahirapan sa pagkamit ng pag-aaral. Ito ang naging pangunahing suliranin ng akda .B. TunggalianAng pakikipaglaban ng mga pangunahing tauhan sa iba't-ibang pagsubok sa buhay ang naging tunggalian sa akda. Isa na rito ang pakikipaglaban ng mga taga Makulong na Hindi makamakam ni senyor Martin ang gapasan. Gayundin ang pakikipaglaban nila Toryo para sa pagbabago ng sistema sa kanilang trabaho.C. KasukdulanTumindi ang galaw ng mga pangyayari nang magkaroon ng sunod-sunod na trahedya. Una na rito ang pagkamatay ng ama ni Toryo. Sumunod ang muntik na panggagahasa ni Marko kay Ligaya at ang pagra-rally nila Toryo para sa pagbabago ng sisitema ng kanilang trabaho.D. Kakalasan/Lutas sa SuliraninTunay na sikap, tiyaga, at tiwala sa sarili ang makakapag-buno ng mga pangarapin sa buhay. Iyan ang naging sandata Nina Toryo at Oden para marating ang inaasam nila sa buhay. Nakapag-aral sila at sila lamang tanging nagkaroon ng pinag-aralan sa lugar ng Makulong, iyon ay dahil sa kanilang sipag na makamit ang kanilang mga pangarapin sa buhay.E. WakasSa pagwawakas ng kwento, luha, pag-ibig at pag-asa ang naikintal sa mga huling bahagi ng akda. Si Bining ay nakatuluyan ang kaibigan ni Toryo na si Oyo. Bagamat luha ang hatid nito kay Toryo, wala siyang ibang magawa kundi ang tanggapin na lamang ang katotohan, mahalin ang realidad at gumising sa panibagong umaga na tatahakin niya sa buhay.VII. Halagang PangkatauhanHindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng mga pangarapin sa buhay.VIII. Reaksyon sa Akda at May-akdaSa nobela, magkakambal na realismo ng nayon at lungsod ang naikintal na maghahanay sa obrang ito bilang haligi ng kontemporaryong nobelang Pilipino. Sa pagsulat ng nobela, ang nobelista ay Hindi sinikil ng kakiputan ng Luntal at ng katotohanang isinisilang ng buhay rito. Sa halip, ang Luntal, bilang tuunang-bukal ay naging tipikal na katotohanan ng buhay-nayon ng Pilipinans, at sa pagiging Makulong nito sa nobela, ang dimensyong tipikal ay naging pambansa, naging kumakatawang realidad sa mga kanayunan ng kinakatawang lipunan.


Ano ang kaligirang kasaysayan ng ibong adarna?

Kaligirang Kasaysayan ng Ibong AdarnaMaria Grace N. Bolus 1st Year - BAng Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.LagomUmiinog ang tula sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego, at Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa puno ng Piedras Platas doon sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ng kahit sino man sa kanila ang ibon upang mapagaling si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng kung anong sakit na Hindi kayang gamutin ng karaniwang mediko. Ang mahiwagang huni ng nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari.Ang magkakapatid ang nakahanay na magiging tagapagmana ng korona't setro ng hari.Sumapit na sila sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa sinumang prinsipe. Ngunit Hindi sapat iyon sa haharapin nilang pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at naghunos bato sila nang mapahimbing sa matarling na awit ng Adarna at maiputan nito.Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna nang tulungan ng nasabing prinsipe ang isang matandang nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng matanda si Don Juan, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng kaniyang dalawang kapatid.Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng Reino de los Cristal.Napaibig din si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay nang maligaya sa kahariang nakamit niya.Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.Anyo ng tulaAng korido [Esp., corrido] ay isang anyo ng tulang Espanyol na gumagamit ng sukat na wawaluhin at karaniwang may isahang tugma. Ayon sa pag-aaral ni Damiana L. Eugenio, karaniwang pinapaksa ng korido ang buhay o pakikipagsapalaran Nina Charlemagne (Carlo Magno) at Haring Arthur (Arturo), at ang kaligiran ng Troya, Gresya, at Roma. Kasama sa mga elemento ng tula ang matimyas na pag-iibigan, ang relihiyosong paniniwala, at ang kagila-gilalas o pantastikong pangyayari. Mula sa banyagang padron ang korido, ngunit pagsapit sa Filipinas ay kinasangkapan ng mga katutubong Filipino upang itanghal ang kanilang naiibang kaligiran.Ang paggamit ng terminong "korido" sa Filipinas ay waring pagtatangkang tabunan ang katutubong tulang dalít na ang sukat ay wawaluhin din at may isahang tugma, ani Virgilio S. Almario, na nag-aral nang malalim hinggil sa katutubong uri ng tulang Tagalog.Samantala, ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056 saknong, at umabot sa 48 pahina. Maraming alusyon ang ginamit na Hindi lamang mula sa Europa, bagkus maging sa Gitnang Silangan. Bagaman sa unang basa'y mahihinuhang may bahid ng Kristiyanismo ang talakay ng tula, nalalahukan din yaon ng mga konseptong gaya ng sa Budismo at Islam, ayon na rin sa pag-aaral ni Roberto T. Añonuevo.PunaAng dalumat ng Ibong Adarna ay Hindi nalalayo sa mga epikong bayan sa Filipinas. Maraming ibon sa Filipinas, at gaya sa epikong Kudaman at Manobo ay marunong ding magsalita at may kapangyarihang manggamot, lumipad nang mataas, at tumulong sa sinumang makapagpapaamo rito. Ipinaliwanag ito nang malalim ni Añonuevo sa kaniyang akda hinggil sa dalumat ng ibon.Paggamit sa koridoHinalaw ang Ibong Adarna, at isinapelikula, isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o paniniwala ng editor at publikasyon.Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon.Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay Hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat Hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:* Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay Hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,* Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di isinama sa pagpapalathala,* Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay Hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila at,* Sapagkat Hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Ngunit marami noon ang di marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro.Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949 .Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna. At dahil nga sa kawalang-katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.


Buod ng nobelang Dekada 70 ni Lualhati Bautista?

Ang Dekada 70 ay tumatalakay sa hangarin ng isang babae nag magkaroon ng sariling katangi-tanging pagkakakilanlan.Si Armanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang maybahay at ina, naghahanda ng kape ng asawa, at nangangalaga sa mga pangangailangan ng mga anak sa paaralan.Sa pagdaan ng mga araw, nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaag ng pagkamakabayan ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sa katiwalian ng gobyerno. Sinabi niya ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda. Sinigawan niya si Julian na takang-taka sa inasal niya. Nagkalamigan sila ni Julian.Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake si Jules. Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang gagawin nito sa Bikol. Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. May pang-uuyam na sinabi nito sa ina na makabubuting sumama ito at baka sakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si Jules.Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo.Samantala, nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong pinagkakaabalahan, halos nagpapaumaga ito sa mga babae. Isang gabi, may tawag na tinanggap sina Amanda at Julian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay. Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Isang gabi, lumung-lumo itong umuwi at ibinalitang patay na si Jason.Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis. Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-uusap, ng kanilang pagkakaunawaan.Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame.Nang ideklara ang pagbawi ng martial law, sabay-sabay rin pinalaya ang maighit sa tatlong daang bilanggong pulitikal.May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak, mula kay Jules hanggang kay Binggo. Ngunit ngayon, hindi na siyang nag-aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila ni Julian. Natuklasan niyang may magagawa at maiaambag pa siya sa mundong ito. Nasisiyahan siyang pati si Julian ay namulat at tumutulong na rin sa mga gawaing para sa kapwa at bayan.Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari.Sa Dekada '70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar.Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng tungkol sa mga nangyayari "dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa pampabata't pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan," wika nga ni Amanda.Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world."Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:"Ang inyong anak ay hindi n'yo anak, Sila'y mga anak na lalaki't babae ng buhay! Nagdaan sila sa inyo ngunit hindi inyo, At bagama't pinalaki n'yo,sila'y walang pananagutan sa inyo…" Sa pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipag-usap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o do'n…Tutulong ka bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada '70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.Unang naipakilala sa 'kin ang Dekada '70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna (UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa ito'y matapos ko sa loob lamang ng dalawang linggo.Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante. May isa ngang kasamang nagmungkahi pa na gawin itong kurso sa pag-aaral ng organisasyon.Sa mga panahong gaya ng dekada 70-na dekada ng pagkamulat at pakikibaka-natutunan natin ang aral na ang bawat isa'y bahagi ng mas malawak na lipunan kung saan ang mga kabataan ngayon, na "isang malinaw na mata at tainga at tinig ng kanyang panahon", ang siyang magpapasya ng kinabukasan ng bayan. Ang luma'y sadyang napapalitan ng bago.Wika nga ng isang bilanggong pulitikal, "ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."