Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....

Talambuhay ni jesse robredo?

Answer:
Si Jesse Manalastas Robredo ay isang politikong Pilipino na naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang sa kanyang kamatayan ngayong 2012. Dati ring kasapi si Robredo ngPartido Liberal.
Simula noong 1988, naglingkod nang anim na taning si Robredo bilang alkalde ng Lungsod ng Naga sa Camarines Sur, mula 1988 hanggang 1998, at muli mula 2001 hanggang 2010, noong siya'y ipinili ni Pangulong Aquino bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Bilang pagkilala sa kaniyang tungkulin bilang alkalde ng Lungsod ng Naga, ginawaran si Robredo ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Panunungkulan sa Pamahalaan noong 2000, ang unang alkalde mula sa Pilipinas na ginawaran ng ganitong parangal.

Noong 18 Agosto 2012, ay nag Crash ang eroplanong sinasakyan ni Kalihim Robredo sa may pampang ng Lungsod ng Masbate. Nakatakda siyang umuwi sa Naga upang dalawin ang kaniyang anak na lalahok sa isang paligsahan sa paglalangoy. Ayon sa DILG, sumaklolo ang piloto ng eroplano sa Paliparan ng Masbate upang humiling ng pahintulot na magsagawa ng pangkagipitang paglapag ng eroplano. Gayunpaman, hindi naabutan ng eroplano ang paliparan at lumapag ito sa dagat. Nakunan naman ang bangkay ni Robredo noong 21 Agosto, tatlong araw makatapos ang aksidente, sa lalim na 54 metro (180 talampakan) sa ilalim ng antas ng dagat.




--------------> hope makatulong.. specially for Jeremiah students :))






SVSF

Like this (46)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by ID3732876214. Last edit by Jahnella Zulueta. Contributor trust: 0 [recommend contributor]. Question popularity: 46 [recommend question].


Related answers:
Sino ang pumalit kay Jesse Robredo bilang kalihim ng DILG?
Ako
Bakit tinuring na bayani si Jesse Manansala Robredo?
Itinuring si Sec. Jesse Manansala Robredo dahil sa katapatan na ipinakita niya sa paglilingkod niya sa DILG (Department of Interior And Local Government).
Mga ibat ibang nagawa ni jesse robredo?
siya ang taga sulat ng pamahalaaan at ang kanyang ginagawa ay gawaing pang secretary
Ano ba ang talambuhay niya?
Ang Talambuhay ay isang uri ng kwento kung saan nakasaad ang tunay na buhay ng isang tao
Ano ang mga nagawa ni jesse robredo?
Marami siyang nagawa.. at madaming magagandang gawain