Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....

Talambuhay ni Jose Rizal?

Answer:
Si Dr.Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Ika-19 ng Hunyo 1861-Ika-30 ngDisyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at Teodora.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Binan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente". Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Like this (131)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by Jernerlyn. Last edit by Racel24. Contributor trust: 3 [recommend contributor]. Question popularity: 131 [recommend question].


Related answers:
Ano ang talambuhay ni jose rizal mga babae ni rizal?
josephine bracken
Buod ng talambuhay ni Jose Rizal?
Talambuhay ni Jose Rizal.. Wla ako mahanap na maigsi,kayo nlng maghanap..
Bakit naging rizal si jose rizal?
naging rizal si jose rizal dahil ito ang ipinayo sa kanya ng isang kaibigan nang nagkaroon ng masamang imahe ang pamilya Mercado sa mga Espanyol.Tanging siya lamang ang gumamit ng Rizal.
Ang talambuhay nila jose rizal at andres bonifacio?
ang pinag kaiba ni jose rizal at andres bonifacio ay palagi kasi nag iisip si jose rizal si andres bonifacio ay sugod lng ng sugod
Pang-ilan si jose rizal?
Si Jose Rizal ay pang-pito sa labim isa na magkakapatid

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT