Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Pamahalaan mayroon ang mga bansa sa asya?

Pamahalaan mayroon ang mga bansa sa asya?

Answer:
Ang pamahalaan[1] ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang pamahalaan.

Nag-ugat ang terminong "pamahalaan" mula sa salitang bahala na may kahulugang pananagutan o responsibilidad, at kasingkahulugan ng pamamatnubay o pamamatnugot.[1]

Nabigyan ng kahulugan ang pamahalaan bilang ang makapangyarihang braso na gumagawa ng pasya sa estado. Nabigyan ng kahulugan ang huli (ni Max Weber, isang ekonomistang pampolitika at sa bandang huli pilosopiyang pampolitika) bilang isang organisasyon na hinahawak ang monopolyo sa lehitimong paggamit ng dahas sa loob ng kanyang nasasakupan. Kung titignan sa maka-etikang termino, bukas sa usapin ang kahulugan ng "lehitimo", at nangangahulugan na kinukunsidera na isang estado para sa mga tagataguyod ang organisasyon ngunit di sa mga nagpapababa ng dangal nito. Binibigyan ng kahulugan ng ilan ang "lehitimo" bilang pagsangkot sa aktibo at walang kibong suporta ng nakakarami sa populasyon, i.e., ang kawalan ng digmaang sibil. (Hindi isang estado ang isang entidad na binabahagi ang kapangyarihan ng militar/pulis kasama ang malayang milisya at mandarambong. Maaaring "di nagtagumpay na estado.") Pinapalakas ng maka-demokratikong pagkontrol sa pamahalaan - at sa ganitong paraan ang estado - ang pagiging lehitimo nito.

Maaari din na ang kahulugan ng pamahalaan bilang isang pampolitika na pamamaraan ng paglikha at pagpapatupad ng batas; kadalasan sa pamamagitan ng byurukrasyang herarkiya. Sa ganitong kahulugan, hindi inaayunan bilang isang pamahalaan ang isang purong despotikong organisasyon na kinokontrol ang isang nasasakupan na walang sinasaad na batas.


Like this (27)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by HisPowr4U. Last edit by HisPowr4U. Contributor trust: 565 [recommend contributor]. Question popularity: 27 [recommend question].


Related answers:
Ano ang mga uri ng pamahalaan mayroon ang bansa sa asya?
pumunta ka sa library
Kasulukuyang pinuno ng mga bansa sa asya at uri ng pamahalaan?
kasalukuyang pinuno ng mga bansa sa asya
Ano ang mga uri ng pamahalaan sa mga bansa sa Asya?
monarkiya- sistemang ng pamahalaan na pinamamahalaan ng hari o reyna. ang karapatang mamunong mga monarko ay minamana at tumatagal hanggang sa siya ay nabubuhay.ang kapangyarihan ng namumuna ay...
Anu-ano ang ibat-ibang rehiyon sa asya at mga bansa sa asya?
Kategorya:Mga bansa sa Asya A ► Apganistan‎ (7 C, 5 P) ► Arabyang Saudi‎ (8 C, 7 P) ► Armenya‎ (4 C, 4 P) ► Aserbayan‎ (3 C, 4 P) B ► Bahrain‎ (1 C, 1...
Ilan ang lahat na bansa sa asya?
ano nga pala yunnn........... mabuti pa download ka na lng

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT