Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Mga Halimbawa ng Balagtasan?

Mga Halimbawa ng Balagtasan?

Answer:
Pananalig
Ramon Magsaysay

Nananalig akong nagsisimula ang pamahalaan sa ibaba at kumikilos paitaas dahil ang pamahalaan ay narito para sa ikabubuti ng nakararami sa ating bayan.

Nananalig akong ang mas gipit sa buhay ay dapat mas higit sa batas.

Nananalig akong may angking karapatan ang karaniwang mamamayan sa mas higit na laman ng tiyan, mas higit na pananamit at mas higit na sisilungan.

Nananalig akong ang bayang ito ay nabiyayaan ng isang pusong masigla at magiting, at nagtataglay ng lihim na galing at nakamamanghang kakayahang salubungin ang mga hamong hinaharap.

Nananalig akong mamamayani sa lahat ng antas ng gawain ng pamahalaan ang dakila at walang-sawang pagtalima sa tawag ng kabutihan.

Nananalig akong malakas at tuwid ang pulso ng pamahalaan, at mayroong sigla ng misyonero ang mga pinuno nito.

Nananalig ako sa karangalan ng pamamaraang naaayon sa konstitusyon at sa batas, sa kahalagahan ng karapatang pantao.

Nananalig akong matatag ang kabuoan ng pandaigdigang lipunan, at walang pangangailangan o dahilan upang isantabi ang karangalan ng sangkatauhan.

Nananalig akong salot ang komunismo, ganoon din ang karahasang idinudulot nito sa mga pinahahalagahan ng Kristiyanismo.

Nananalig akong dapat maging halimbawa ang Pangulo ng pagkakaroon ng pusong mahabagin, pag-iisip na tapat, likas na kakayahang magpasiya, angkop na kawalan ng tiyaga at isang walang-hanggang pagmamahal sa karaniwang mamamayan.

Like this (120)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by ID2094609729. Last edit by Jessaubas. Contributor trust: 0 [recommend contributor]. Question popularity: 120 [recommend question].


Related answers:
Ano ang halimbawa ng balagtasan?
"Dapat Bang Ipatupad ang Karagdagang Taon para sa Elementarya at Sekondarya?" Lakandiwa:Edukasyon ay patuloy sa pagsulong,Pagsulong na bumabago sa panahon.Kalakip ay samutsaring...
Mga halimbawa ng balagtasan tungkol sa balagtasan?
ito ay ang balagtasan sa kalusugan; alin ang mas mabisa?halamang gamot o medisina?
Ano ang mga halimbawa ng balagtasan?
Pananalig Ramon Magsaysay Nananalig akong nagsisimula ang pamahalaan sa ibaba at kumikilos paitaas dahil ang pamahalaan ay narito para sa ikabubuti ng nakararami sa ating bayan. Nananalig akong ang...
Halimbawa ng isang balagtasan?
kailangan ba natin ang wika para makamit ang adhika.
Mga halimbawa ng mga balagtasan?
May Pepet ba O may titi??

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.