Magbigay ng tatlong halimbawa ng pabula?In: Panitikan, Pabula
[Edit categories]
|
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
Gintong Aral: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.
"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."
"Papaano?"
Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.
Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."
Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.
Gintong Aral: Walang manloloko kung walang magpapaloko.
Isang araw, may isang alakdan na lumilibot sa bundok upang makahanap ng lilipat. Nilakbay niya ang mga gubat, burol... Umakyat sa mga batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya sa isang ilog. Malawak at mahaba ang ilog kaya huminto siya at nagplano. Walang paraan para siya ay makatawid kaya't siya ay naglibot paakyat-pababa sa paligid ng ilog hanggang sa siya'y napaisip na bumalik na lamang. Mula sa isang tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa ilog. Naisip niyang humingi ng tulong dito.
"Magandang Umaga Ginoong Palaka!" tawag ng alakdan. "Maaari mo ba kong isakay sa iyong likod para makatawid sa ilog?" "Ayoko nga, paano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?" tanong nang nangangambang palaka. "Dahil," sagot ng alakdan. "Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong lumangoy!"
Mula doon ay napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan... Nguni't para makasiguro ay tinanong niya ito ulit. "Paano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo pa rin akong patayin tapos ay ikaw na lang ang uusad sa gilid ng ilog."
"Totoo, " sumang-ayon ang alakdan, "Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang dulo ng ilog."
"O sige... paano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong sa kabilang dulo bago mo ko patayin." sabi ni palaka. "Ahhh... dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang na loob sa iyo kaya't hindi ko magagawang patayin ka, diba?" sagot ng alakdan.
Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa kinaroroonan nito at isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa ilog na kasama ang alakdan... Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na di malulunod ang kanyang pasahero. Nguni't sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naramdaman ng palaka na may tumusok sa kanyang likuran. Nang napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang pasahero ang nakatusok na buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhid ang kanyang laman-loob hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan.
"Loko-loko!" sambi't ng palaka, "Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo ginawa yon?" Nagkipit-balikat ang alakdan at sinabing... "Wala akong magawa, natural na sa akin ang ganoon."
At sabay silang nalunod sa malalim na ilog.
Gintong Aral: Sa pagpili ng kaibigan ugali ang tingnan upang tumagal ang samahan.
First answer by Taba38. Last edit by Taba38. Contributor trust: 0 [recommend contributor]. Question popularity: 28 [recommend question].
|
|
|

