Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Buod ng nobelang timawa ni AC Fabian?

Buod ng nobelang timawa ni AC Fabian?

Answer:
Ang Timawa
AC Fabian

I. Layunin
  • Maipakita ang mga natatanging katangian ng mga Pilipino.
  • Maipakita ang totoong kaganapan sa Pilipinas na hanggang ngayon nararanasan ng mga Pilipino.
  • Maisalaysay ang diskriminasyon sa kwento

II. Panimula
Nakaranas na ba kayo ngpagkakataon na kayo'y naapi at minaliit? Hindi ba't ginugusto niyong muling tumayo at ipag laban ang inyong karapatan? Paminsan, kinakailangan ng isang tao masaktan at bumagsak upang siya ay magkaroon ng sapat na lakas upang harapin at labanan ang mga panganib ng bukas.
A. ANG MAY AKDA
Si "Tangkad", ang bansag sa kanya sa opisina, o si Agustin Caralde Fabian ang lumikha sa nobelang Ang Timawa.
Siya ay isinilang sa Plaridel, Bulacan noong ika-15 ng Agosto, 1901. Nagtapos niya ng kursong BS Industrial Mangement sa University of Ilinois.
Nagkaroon siya ng limang anak sa kanyang unang kabiyak na si Angela Fernan. Ang mga anak nila ay sina Leon, Betriz, Augusto, Manuel, at Sergio. Sa kasawiang palad ay yumao ang kanyang asawa. Si Rosario L. Jose ang kanyang naging pangalawang pag-ibig. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Sila ay sina Emma at Noel.
Sa kanyang karera sa buhay ay naging koronel din siya ng mga gerilya sa Bulacan Military Area noong panahon ng Hapon.
Sa kanyang pagsusulat ginamit niya ang mga sagisag o pen-name na Angel Fernandez, Ms. Martin, Felicismo Cortez, Agusto and Fuentes FBani, atPilar Buendia. Sa asawa niyang si Angela Fernan hango ang isang sagisag ng may akda.
Ayon sa paniniwala ng manunulat, "Higit na mahalaga ang obra kaysa by-line." Kaya naman pinili niyang magtago sa kanyang mga inisyal lamang.
Marami siyang naitulong sa larangan ng pagsusulat. Nakapagsulat at naging kagawad si Fabian ng magasing Liwayway. Siya ay naging kabilang sa lupon na ginampalan na pumili sa 25 ba pinakamabuting kathang Filipino ng 1943.
Bilang pagtulong at pagbalik ng kanyang mga natamo sa larangan na ito sa mga taong nais maging tulad niya, siya ay nagtatag ng sanayan para sa mga manunulat ng liwayway ang Bagong Dugo.
Siya ay yumao noong ika-24 ng Abril, 1976.
Ang ibang mga likha niya ay ang mga sumusunod
· Maria Mercedes
· Sino Ako?
· Mga Dayupay
· Basta Mayaman
· Hindi man hanapin
· Magbayad ka!
· Ang Malaya
· Ginoong Salapi
· Limatik
B. Ang Nobela
Ang kwento ay tungkol sa isang binatang Filipino na si Andres na hindi yumuko at sumuko sa mga nanghamak sa kanya sa dalawang bansang pinangyarihan ng kasaysayan, sa Estados Unidos at Pilipinas. Makatarungan ding banggitin na ang nobela ay tanda ng pagunlad ng sining sa pagsusulat ng nobela: Si Andres sa kasaysayan ay hindi tipo kundi tao, na ang kabutihan ay kakambal ng kasamaan sa kanyang katauhan. (Hango sa likod ng aklat)

III. Katawan
A. PAGKAKAPAMAGAT
Pinamagatan ng may akda, na si A.C. Fabian, ang kanyang likha na Ang Timawa. Ang pamagat na ito ay nabigyang pagpapakahulugan sa unang kabanata pa lamang ng nobela.
Ang salitang timawa, na naging pamagat ng nobela, ay direktang naipaloob ni Fabian sa kwento. Ito ang salitang nagdulot sa pagkahubog sa karakter ng pangunahing tauhan na si Andres.
Sa umpisa ng kwento, nagsalaysay si Andres tungkol sa kanyang buhay sa Pilipinas. Dito na niya nabanggit at nabigyang dahilan ang kanyang pagiging masipag at matiyaga. Dahil noong bata siya, naranasan niya ang pangaalispusta gamit lamang ang mga salita.
Ayon sa kanyang salaysay, nagkaroon ng maliit na salu-salo sa bahay ng may-ari ng lupang sakahan ang mga magsasaka, kabilang doon ang kanyang ama. Sinama siya ng kanyang ama. Nakita sila ng may-ari na nagsasaya sa ibaba ng bahay at ito ay nagalit. Nasabihan niya ang magsasaka na sila'y mga timawa at narinig iyon ni Andres. Nakita sa muka ng mga magsasaka ang pagkababa ng kanilang pagkatao.
Musmos pa lamang siya noon at hindi niya lubos na maintindihan ang salitang iyon. Ipinaliwanag sa kanya ito ng kanyang ama at sinabing ito ay masahol pa sa aso. Sinabihan si Andres ng kanyang ama na mag-aral ng mabuti upang hindi siya matawag na isang timawa.
Nang yumao ang kanyang ama, isinaulo niya ang sinabi ng kanyang ama. Mula noon ay nagpursigi siya sa lahat ng kanyang ginagawa. Pinagbutihan niya ang lahat ng ito. Dito nabuo ang kanyang pagkatao.
Sa salitang timawa naitatag ang kwento at pagkatao ng pangunahing tauhan.
B. Halagang Pangkatauhan
Maraming makukuhang magagandang asal sa nobelang timawa. Sa unang tauhan pa lamang ay may mapupulot na tayong mga katangian. Isang katangian ni Andy ay ang pagiging masipag dahil kahit gabi na ay tuloy parin ang kanyang paghahanapbuhay para lamang makatapos ng medisina. Kasama ng sipag ay ang pagiging pursigido at maparaan dahil kahit na maraming tinatapong gawain sa kanya ay nagagawa niyang tapusin ang lahat. Ang malungkot lang sa parteng ito ay nawawala na siya ng pakikipagkapwa.
Tiniis rin ni Andy ang lahat ng hirap at pagod na kanyang naranasan. Dugo at pawis ang inalay niya para lang masigurado na matupad ang pangako sa ama at maging maginhawa ang kanyang buhay. Si Andy ay isang mabuting tao dahil ginagalang nya ang kanyang magulang at ang mga taong ginagalang rin siya. dahil sa kanyang katalinuhan ay nakapag-aral siya ng medisina sa Amerika. Nagiging inspirasyon niya ang kanyang mga pangarap upang hindi sumuko sa hirap ng buhay.
Masasabi nating laki sa hirap si Andy. Hindi siya nakaranas ng sarap ng buhay mayaman ngunit hindi ito naging hadlang upang sumuko nalang siya sa kanyang pangarap at buhay. Malakas ang loob ni Andy na makakatapos siya ng medisina kaya lahat ng unos na mararanasan niya ay kakayanin at malalampasan niya. Mahal niya ang kanyang mga magulang at tapat rin siya sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
Nais ni Andy na makatapos at balang araw ay matutupad ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Isang kakaibang lalake si Andy dahil madalang na tayo makakita ng ganitong lalake na may tiwala sa sarili at may direksyon sa buhay.
C. Talasalitaan
1. Kapagdaka- Sa sandali; kaagad;
2 Timawa- isang alipin; hampas lupa; mababang klase ng nilalang/ tao
3. Tampok- gitna; i-sentro; pinakamahalaga;
D. Sakit ng Lipunan
v Diskriminasyon ng mayayaman laban sa mga mahihirap
-Ito ay naipakita ng Donyang may ari ng lupain noong araw ng kapistahan. Kanyang minaliit ang mga magsasaka at halos pag damutan ng pagkakataong kumain. Ito ay isa sa mga sakit ng lipunan na mula noon hanggang ngayon ay nararamdaman pa ng karamihan. Noong araw, ang mga kastila at mga prayle ay madalas apihin ang mga Pilipino dahil sila ay nasa ilalim ng pamahalaan ng Espanya. Sa panahon ngayon, hindi man mga dayuhan ang nangaapi ngunit mas masakit ito dahil kapwa Pilipino madalas ang gumagawa nito. Madalas mapagkaitan ng karapatan ang mga mahihirap dahil karaniwa'y hindi nila alam ang kanilang mga karapatan bilang mamamayan. Sinasamantala naman ng mga mayayaman ang pagkakataong ito. Nararapat na magtulungan ang bawat isa, mayaman man o mahirap na maintindihan ang karapatan ng bawat isa kasabay ng pagtutulungan sa ikakaunlad ng bayan,
E. Paguugnay sa Kasalukuyan
Katulad ng naipakita sa nobela, ang diskriminasyon ay nararamdaman parin ng karamihan sa atin ngayon. Mayaman man laban sa mahirap, makapangyarihan man laban sa mahina at iba't iba pang klase ng diskriminasyon ang nararamdaman ngayon.
Maihahantulad natin si Andy sa isang Overseas Filipino Worker o OFW kung tawagin. Katulad ng OFW, si Andy ay nagtrabaho sa ibang bansa upang matakasan ang kalupitan at hirap na nadaranasan ng mga Pilipino sa bansa. Nais niyang makatikim ng ginhawa ng buhay kaya siya nagbalak pumuntang Amerika. Hindi rin naiwasan ni Andy na magpabago bago ng hanapbuhay dahil hindi rin madali ang maghanap ng trabaho na malaki ang sweldo lalo na kung galing ka sa hirap at onti lang ang iyong naging edukasyon. Katulad ng OFW ay naranasan rin niya ang hirap ng buhay sa ibang bansa. Nanibago rin siya at kailangang maaral rin niya ang takbo ng buhay sa Amerika at matangap ang bagong kultura. Ibang iba ang Pilipinas sa Amerika ngunit dito pinili ni Andy na mamuhay dahil malaki ang kanyang tiwala sa sarili na magiging maayos rin ang kanyang buhay.
Si Andy ay isang International Working Student din dahil katulad ng isang Pilipinong nag-aaral sa ibang bansa ay naghahanapbuhay rin siya para matugunan ang mga pangangailangan sa araw araw lalo na ang pambayad sa paaralan at mga kagamitan na kakailanganin dito. Isang kahanga hangang tao si Andy dahil iba ang kanyang naging karanasan sa kanyang buhay at marami siyang napulot na gintong aral dito.
F. Pagsasalaysay
Ang nobela ay umiikot sa pangunahing tauhan na si Andres. Siya ay nagtatarabaho bilang isang tagahugas ng pinggan sa isang dormitoryo sa Amerika. Kanyang ginagawa ito upang makapagatuloy magaral.
Nang isang gabi, nagkayayaan si Andres at ang kanyang mga kaibigan na magkwentuhan ng kanilang mga buhay. Bago magbahagi si Andres ng kanyang mga karanasan, kanyang tinimbang muna ang mga ito sapagkat siya'y nagaalangan sariwain ang mga malulungkot na karanasan sa kanyang buhay. Nag pasya din siya ibahagi ang karanasan na bumago sa kanyang buhay na naganap noong siya ay isang musmos pa lamang.
Ang ama ni Andres ay isang magsasaka sa kanilang bayan. Tuwing may pista, ang mga magsasaka ay inaanyayahan dumalo at tumutulong sa pagsasalo sa bahay ng may ari ng haciendang kanilang pinagtatrabahuhan. Isang pista, isinama si Andres ng kanyang ama sa naturang salu salo. Nang oras ng kumain ng mga nanulungan, dumating and Donyang asawa ng may ari ng hacienda at ito'y nagalit at ang sabi'y hindi pa tapos kumain ang mga panauhan sa taas at kanilang inuuna ang kanilang bituka. Ang Donya'y tinawag sila bilang mga timawa. Dahil sa musmos pa lamang si Andres hindi niya agad ito naintindihan. Ngunit paguwi nila, ipinaliwanag ng kanyang ama ang ibig sabihin ng timawa. Dagdag pa dito, sinabi sa kanya ng kanyang ama na mag aral at magsumikap upang huwag sapitin ang kaapihang ganon.
Nag patuloy si Andres mag aral ng mabuti hanggang makatapos siya ng intermedya. Ngunit ang humalili sa kagalakang naramdaman niya ay isang trahedya; ang pagpanaw ng kanyang ama. Kahit wala na ang kanyang ama sa mundo, ipinagpatuloy parin ni Andres ang pagsisikap para matupad ang adhikain sa kanya ng kanyang ama

Like this (114)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by ID3524138608. Last edit by Elsa Angeles. Contributor trust: 1 [recommend contributor]. Question popularity: 114 [recommend question].


Related answers:
Buod ng nobelang luha ng buwaya?
kea nqa naq tatanonq ee anu ka SHONGA
Ano ang Buod ng akdang timawa ni agustin fabian?
what is the summary of Timawa by Agustin Fabian?
Buod ng nobelang ipaghiganti mo ako?
Sa katotohana'y sasabihin ko sa iyo na ikaw ay nagkamali. At hindi nagkamali lamag kugdi nagkasala ka pa nag laban din sa iyog sarili.Oo, iyan ang katotohanan, sapagka't kung hindi ano at sa...
Ano ang buod ng akdang timawa?
zarah
Ano ang buod ng nobelang ang paghuhukom?

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.