Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Buod ng kwentong ang Sa Lupa ng Sariling Bayan?

Buod ng kwentong ang Sa Lupa ng Sariling Bayan?

Answer:
By : jerohgega@yahoo.com addme ^.^

Sa Lupa ng Sariling Bayan

Sa Lupa ng Sariling Bayan

Tagpuan:
San Roque, Quezon City, San Fernando,

Tauhan:
Layo - Atty. Pedro Enriquez
- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na Amain na

kapatid ng kanyang Ama.

- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.
Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo
Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio
Ising - Ang asawa ni Layo
Fe - Ang Anak ni Layo at Ising
Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag ampon sa kanya.
Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry.

Buod:

Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng kanyang tiyuhin na si Tata
Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap
Na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City. At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo.
Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin Inilibing.




Simbolismo:
Katanyagan at kayamanan… Ang sumisimbolo sa akdang ito. Marapat lamang na matuto tayong lumingon sa pinaggalingan kahit na saan man tayo makarating. Anumang pait ang nakaraan.

Layunin ng Awtor:
Layunin nito na kung anuman ang naranasan natin noon sa mga taong umalipusta at umulila sa atin ay dapat matuto tayong magpasalamat at patawarin sila. Sapagkat kung hindi nila ginawa iyon ay hindi tayo makararating kung anuman tayo ngayon. Kung hindi natin naranasan ang ipinaranas nila sa atin ay hindi tayo lalago at matututo.

Kakintalan: (Impresyong iniwan ng mambabasa)
Sa bawat takbo at yugto ng buhay ay ikaw ang gumagawa. Kaya't marapat lamang itong pagbutihin at dapat ay maging handa sa lahat ng pagsubok na haharapin.

Pagsusuri:
Sa akdang ito, nararamdaman ko ang impresyon ni Layo na parang gusto niyang maghiganti sa mga taong nagpahirap sa kanya. Gusto niyang ipamukha sa kanila na "Heto nako Ngayon" Ngunit hindi niya ito magawa dahil kahit papaano ay utang parin niya sa kanyang Amain ang kanyang buhay sa pagkupkop sa kanya. Ginawa na lamang niya itong inspirasyon upang umunlad ang kanyang buhay.

Like this (97)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by ID3032430859. Last edit by ID3032430859. Question popularity: 97 [recommend question].


Related answers:
Ano ang kasukdulan ng kwentong sa lupa ng sariling bayan?
Malay ko sayo.
Sino ang mga tauhan sa kwentong Sa Lupa ng Sariling Bayan?
"Sa lupa ng sariling bayan" (layo) Atty.pelagio enriquez-isang tanyag at mahusay na abogado mula sa kahirapan at maagang naulila. Ising- modista babaeng napangasawa ni layo,taga san...
Anong uring teoryang pampanitikan ang kwentong Sa Lupa Ng Sariling Bayan?
teoryang naturalismo
Mga talasalitaan sa lupa ng sariling bayan?
Siguro naman may libro ka...Hanap Hanap din dre.
Sino ang sumulat ng kwentong ang sa lupa ng sariling bayan?
Jerald M. De Florencia

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT