Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Ano ang nga naiambag ng mga Amerikano sa Pilipinas?

Ano ang nga naiambag ng mga Amerikano sa Pilipinas?

Protected question
Answer:
MALAKI ang naging impluwensya ng mga Amerikano sa kultura at sining ng mga Pilipino.
Wikang English.. Sapilitan ang pag-aaral ng wikang ito. Ito ang ginamit na wikang panturo sa lahat ng mga paaralan.
Ang dating mga pangalang Espanyol tulad ng Pedro, Juan, Maria, Tomas, Jose at iba pa ay naging Peter, John, Mary,
Tom, Joe at iba pa. Maging ang mga paraan ng pagbati at katawagan ay naging English tulad ng Hello at Bless po. Ang
Inang ay naging Mommy at ang Amang ay naging Daddy.

Panitikan. Sumilang ang isang bagong anyo ng panitikan na nasusulat sa wikang English kahit pa nga naglalahad ng
mga saloobin at adhikaing Pilipino. Ang unang makatang Pilipino sa wikang English na tumanyag ay si Fernando
Maramag. Ang unang nobelang English ay isinulat ni Zoilo M. Galang noong 1921. Ang una namang sumikat na
mamamahayag sa English ay si Carlos P. Romulo

Teatro. Pinalitan ng zarzuela ang moro-moro ng mga Espanyol. Si Severino Reyes, may-akda ng walang kamatayang
Walang Sugat, ang pangunahing manunulat ng mga dulang pantanghalan. Ang panahon mula 1905-1930 ang
ginintuang panahon ng zarzuelang Pilipino. Ngunit nang mauso ang pelikula mula sa Hollywood, unti-unting namatay
ang zarzuela at nahilig ang mga tao sa panonood ng pelikulang English.
Sining. Umunlad din ang sining ng arkitektura, iskultura at pagpipinta. Sikat na mga arkitekto noon sina Juan F. Nakpil,
Andres Luna de San Pedro, M. Arellano at Pablo S. Antonio. Sa larangan ng pagpipinta, natanyag si Fabian dela Rosa,
pinakadakilang pintor ng panahon ng Amerikano, gayundin sina Fernando Amorsolo, Emilio Alvero at Victor C. Edades.

Pananamit at Pagkain. Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng mga pantalong may sinturon at suspender, kurbata
at polo shirt.Ang mga kababaihan ay natutong magsuot ng maiikling damit, palda at blusa, sapatos na may mataas na
takong at manipis na medyas. Natuto rin silang maglagay ng make up. Natuto ang mga Pilipino na kumain ng sandwich,
hamburger, hotdog, bacon, oatmeal, beef steak, ice cream, hamon at keso. Natuto silang gumamit ng mayonnaise at
tomato catsusp bilang panangkap sa mga pagkain.

Libangan, Musika at Sayaw. Natutunan ng mga Pilipino ang paglalaro ng basketball, baseball, football, boxing, tennis at
poker. Naging bahagi ang pakikinig ng radyo, pagbabasa ng mga klasikong aklat at pagtungo sa mga karnabal.
Nakagiliwan naman ang tugtuging jazz at swing gayundin ang mga sayaw na boogie-woogie, fox-trot, charleston at rhumba.

Like this (105)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter


This answer is closed to changes. This is done in rare cases when questions are being vandalized or answers have become debates. E-mail reopen.tl @ answers.com (no spaces) if you would like it to be reopened.

First answer by Renzo1113. Last edit by Renzo1113. Contributor trust: 3 [recommend contributor]. Question popularity: 105 [recommend question].


Related answers:
Anong pagkain ang naiambag ng amerikano sa pilipinas?
bergur frenchfries spaghetti at iba pa
Bakit pumunta sa pilipinas ang mga amerikano?
Dahil sa yaman ng ating bansa.
Ano ang naitulong ng Amerikano sa kalusugan ng pilipinas?
pinasahan nila tayo nang aids tng inang mga yan hayop..
Ano ang naiambag ni Emilio Aguinaldo sa Pilipinas?
Emilio Aguinaldo y Famy born into the local elite of Cavite on the Island of Luzon. When the U.S. declared war of the Spanish Aguinaldo realized a possibility that the Philippines might at that time...
Ano ang mga naiambag ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Mga naiambag ng mga espanyol sa pilipinas?Lahat na yata ng aspeto sa buhay ng mga Pilipino ay naimpluwensya ng mga Espanyol. Unang-una ang Katolisismong pananampalataya at pagdiriwang ng mga fiesta....

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.