Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Ano ang nasyonalismo?

Ano ang nasyonalismo?

Answer:

Answer


Ang nasyonalismo ay galing sa salitang Latin na "natio" na ang ibig sabihin ay ang "pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan". Dito rin nag-ugat ang salitang nasyon na nangangahulugang "pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon sa isa't isa".

Batay rito, ang nasyonalismo ay itinuturing na pananaw ng isang indibidwal bilang kasapi ng isang bansa o kaya ay pagnanasa ng isang indibidwal na paunlarin at palakasin ang isang bansa. Kagustuhan ng isang tao na maging malaya kahit ibuwis niya ang kanyang buhay. Ito ay tumutukoy sa isang panghahawakang may karapatan. Ito ay mapapahayag sa pamamagitan ng Pagmamahal sa bayan, Pagiging makabayan. Ito ay isang taong may damdaming makabansa.


Ang salitang nasyonalismo ay mula sa salitang "nasyon." isang katawagan sa samahan o pangkat ng mga taong may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon. Tumutukoy ang nasyonalismo sa isang damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi sa pangulo o sa ilang pinuno lamang. Sa paglinang ng nasyonalismo, hindi lamang mahalaga ang lupang tirahan, pamahalaan, o namumuno higit na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kabilang sila sa iisang bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan ito. Ang NASYONALISMO ay damdamin ng katapatan at pagmamahal sa sariling bayan at pagmamalaki sa kultura at kasaysayan nito

Like this (174)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by Jazzmeen23. Last edit by Flameofrecca Joevann. Contributor trust: 4 [recommend contributor]. Question popularity: 174 [recommend question].


Related answers:
Sino-sinu ang mga nasyonalismo?
Ako at so Barack obama
Ano ang mahalaga sa nasyonalismo?
Ang nasyonalismo ay galing sa salitang Latin na "natio" na ang ibig sabihin ay ang "pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan". Dito rin...
Anu-ano ang mga nasyonalismo?
arsenal -inidoro
Ano ang mga bagay na nagbigay daan sa nasyonalismo?
pagiging magalang sa bayan... ito nag mga bagy na dapat tandaan ninyu.
Paglaganap ng nasyonalismo sa turkey?
epal ka

 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.