Hanapin ang mga tanong na wala pang sagot...
Isulat dito ang gustong itanong....
> Ano ang mga uri ng pamahalaan sa mga bansa sa Asya?

Ano ang mga uri ng pamahalaan sa mga bansa sa Asya?

Answer:
*monarkiya- sistemang ng pamahalaan na pinamamahalaan ng hari o reyna. ang karapatang mamunong mga monarko ay minamana at tumatagal hanggang sa siya ay nabubuhay.ang kapangyarihan ng namumuna ay maaring natatakdaan o hindi. halimbawa ng mga bansa ay ang oman at saudi arabia




*monarkiyang konstitusyonal- sistemang pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ng pinuno ay nililimitahan ng konstitusyon ng bansa.



*ideolohiyang demokratiko- ang emperador ay panseremonya at simbolo ng pamahalaan. mayroon itong diet, ang parlamento o batasng pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa kapulungan ng mga konsehal. halimbawang bansa ang japan.



*republika- ang pamahalaan ay maaring parlamentaryo o presidensyal. sa parlamentaryong republika, ang panseremonyang pinuno ay maaring isang monarko o pangulo. ang prime minister ay hindi inihahalal ng mga tao, sa halip ito ay inihahalal ng mga kinatawang inihalal ng mga tao.



*demokrasya- ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao. ito ay may dalawang uri: tuwiran at kinatawan.tuwirang pamahalaan ng mga taoang una samantalang ang huli'y pinangangasiwaan ng mga pinunong inihalal ng mga mamamayan.



*totalitaryanismo- ang lahat ng pamamahala o kaayusan sa pamahalaan, maging ang kabuhayan ay nasa kamay ng isang diktador o isang grupo lamang. ang lahat ng lupain, kayamanan. at industriya ng bansa ay nasa kanilang pamamahala.



*sosyalismo- ang sistemang pang-ekonomiya, panlipunan, at pampulitika ay ang pamamaraan at distribusyon ng mga rodukto ay nasa kamay ng isang pangkat ng pamunuan.



*komunismo- ay batay sa ideya nina karl marx at friedrich engels. kontrolado ng estado ang produksyon, distribusyon pati na konsumpsyon ng mga produkto. ang dating ussr at china ay halimbawa ng pamahalaang komunista. sinupil nito ang kalayaang sibil at iisang partidong pulitikal.






Monrkiya,diktadurya,awtoritaryan,aristokrasya,demokratiko,totalitarian,oligarkiya,atbp.

Like this (88)      Discuss      Follow      Share on Facebook Share on Twitter

First answer by Vanjhae. Last edit by Vanjhae. Contributor trust: 2 [recommend contributor]. Question popularity: 88 [recommend question].


 

Our contributors said this page should be displayed for these questions.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT